WISH ME LUCK (SPG)

Hi. I’m Sam. Share ko lang po kung paano ako nabüking ng pamilya ko. Hindi po ako magaling mag-kwento, pagpasensyahan niyo na.

Noong nakaraang araw pa pinag-uusapan namin yung nagyayari tuwing gabi. Palagi kaseng may parang naglalakad sa bubong namin. Minsan naman parang natambay sa bintana. Noong una akala ko guni-guni ko lang yun pero noong nagtanong na yung mga kuya ko at parents ko kung may nakapansin ba doon na ako naniwala na may nanggugulo nga.

Bunso ako sa aming magkakapatid. Kaya ako yung nasa may gilid na kwarto. Nasa taas pala yung kwarto namin, 2nd floor bale tapos nasa baba yung sala, kusina at cr. Walang sariling cr sa kwarto ko kaya noong nagigising ako sa kalampag sa may bintana bumaba pa ako sa baba kase parang humihilab yung tiyan ko. Pagbalik ko may napansin akong parang anino sa may bintana. Lalapitan ko sana kaso biglang gumalaw at lumipat sa may bubong.

Hindi ako naniniwala sa mga âswang, yun kase yung sabi ng parents ko na baka raw may bumibisita sa amin. Pero impossible rin na maakyat yung bubong at bintana namin dahil nga nasa nasa second floor naman.

Noong kinwento ko kela mama ko na may parang nagwawala pa rin sa bubong kagabi biglang tumayo si mama. Nakita kong pumunta siya sa may divider at parang may hinahanap. Pagbalik niya bigla siyang nagtanong sa dalawang ate ko,

“Umamin kayo , sinong buntis sa inyo?”

Nagulat din ako sa tanong niya kase out of nowhere. Pero nakita namin na may hawak siyang läna at nangalahati na. Nagulat din si papa at mga kuya ko noong nakita nila kase noong nakaraan wala pa namang bawas yun.

Todo-tanggi yung mga ate ko kesyo kakatapos nga lang daw nila magkaroon. Dahil din bunso ako at wala pang pinapakilalang jowa dahil nag aaral pa, hindi na nila ako binigyan ng pansin at tumuloy na lang sa pagkain.

Pag-akyat ko sa kwarto doon ako napaisip. Halos dalawang buwan na rin pala akong delayëd. Don’t get me wrong ha, normal kase sa akin na ma-delayed na ilang months.

Parang nag-sink in sa akin ang tanong ni mama. Lahat ng ‘what ifs’ naisip ko na. Kinausap ko boyfriend ko kaagad na nasa kabilang kanto lang. Hindi alam ng pamilya ko na may boyfriend ako. Hindi rin sila nagtataka dahil mostly friends ko lalaki , at isa sa pinagkakatiwalaan nila papa yung boyfriend. Naalala ko kapag yun ang nagpaalam sa akin , pumapayag sila kase hindi naman nila ma-imagine na maging boyfriend ko yun.

So yun nga, nagpabili ako ng prëgnancy test at laking gulat ko positive lahat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sobrang laking revelation talaga ‘to sa pamilya ko. Baka itakwil pa nila ako. 😭

Halos maiyak na ako lalo na’t maggagabi na naman. Kung wala pang kumakalampag na äswäng sa bubong namin hindi ko pa malalaman.

Kinagabihan habang kumakain kami ng dinner, biglang lumabas sa bibig ko na,

“Ma buntis ako…” 😭

Sa sobrang kaba ko at sobrang präning nasabi ko tuloy sa harap nilang lahat. Hindi ko madescribe yung reaction nilang lahat. As in! Kahit ako nagulat.

Akala pa ng mga kuya ko nagbibiro ako. Pero dahil nasabi ko naman na, pinakita ko na rin sa kanila yung result ng PT. Si papa matagal bago makapagsalita, pero unang tanong niya kung sinong ama at nasundan nang nasundan ng tanong ni mama at nila ate.

Wala akong masagot kase sabay sabay naman silang nagtanong.

Good thing na rin pala na nasabi ko dahil pinalipat ako sa kwarto nila mama. Doon muna ako pinatulog. Hindi pa namin napag-usapan lahat baka bukas na lang. Hindi pa rin kase ako makapagsalita ng maayos kase kahit ako hindi rin makapanipawala. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila kung sinong ama, baka susugöd tatay ko sa kabilang kanto kapag nagkataon.

Wish me luck. 😢

Sam

2022

*Confidential

guest
11 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Jamaica Mae Obial
Jamaica Mae Obial
1 year ago

Good luck to your next journey

Jigglypuff
Jigglypuff
1 year ago

hayuffff na aswang panira ng diskarte. oh well at least nalaman mo agad

twix
twix
1 year ago

Good luck! HAHAHAHAHA panira ang aswang teh. Anyways, God bless po! 🫶

Leng
Leng
1 year ago

Thanks to Aswang Nalaman mong buntis ka

nics
nics
1 year ago

woah

Nels
Nels
1 year ago

Kawawi ka nmn bhie btw goodluckk

Pikaj
Pikaj
1 year ago

Thanks sa aswang, kase nalaman mo na buntis ka, kesa naman tumagal pa yan na hindi mo alam baka kung ano na mangyari kay baby. Goodluck to you and to ur baby, May Godbless U!

Friend ni aswang
Friend ni aswang
1 year ago

At be thankful po sa aswang.
Hindi mo malalaman kung hindi ka niya binibisita. At nakausap ko po siya kanina HAHAHAHA sabi niya po bumisita siya para ipaalam sayo kasi mukang clueless ka pa daw and to remind you daw to take care sa pinagbubuntis mo, cravings niya daw kasi

kehm
kehm
1 year ago

kupal yung aswang nilaglag ka

Rb*
Rb*
1 year ago

Sinaunang pregnancy test yan anteh 😂

Ming Ming
Ming Ming
1 year ago

Spoiler si anteh nyong aswang

error: Content is protected!
11
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x