“Hindi ako sigurado kung ang ipînagbûbûntîs ko ay sa asawa ko o sa tîyûhin ng asawa ko…” –Sender

Kailangan ko po talaga ng payo n’yo. 2013 nang makapag-asawa ako. 18 ko pa lang ako non. Dahil wala na ako tatay at wala nang bumubuhay sa amin, naging escape ko ang pag-aasawa. Pumayag agad si mama dahil mahal ko rin naman talaga yung boyfriend ko. Kinasal agad kami, pero 3 years pa bago kami nagka-baby.

2016 nang nanganak ako sa 1st baby ko. At nalipat na dito sa lugar namin ang tiyuhin ng asawa ko, naging magkapitbahay kami, naging girl best friend ko ang asawa niya na mas matanda sa akin ng 5 years, tatlo na ang anak nila.


Naging super close kami ng girl best friend ko, sabay kami gumala, kumain, at maghatid-sundo ng estudyante naming anak. Mabait siya at maasikaso sa mga anak, naging daily routine namin yun. Halos magkapatid na kami. Dahil pareho na ang mga asawa namin ay nasa malayong lugar nagtatrabaho, lahat shine-share namin sa isa’t isa.

Isang araw, may balita na natanggal sa trabaho ang asawa ni girl best friend, so nagbukid na lang at nag-stay na sa kanila. Gaya ng closeness ko kay girl best friend, naging close rin kami ng asawa niya (yung tito ng asawa ko). Mabait yung lalaki, responsableng ama, at maalaga. Hindi ko alam na unti-unti nagkakaroon ako ng admiration sa lalaki.


Pero alam kong mali, pinigilan ko at sinikap kong labanan ang t/€/m/p/tation. Isang gabi, nag-iinuman kami ng girl best friend ko, sa kalasingan niya ay nilinisan ko siya at binihisan, at umuwi na ako sa amin. Laking gulat ko nang makita ko sa loob ng bahay ko yung asawa ni girl best friend (o tito ng asawa ko). Nakainom din ako, hîn@lîk@n niya ako at may n*ngy*ri sa amin.

Kinabukasan gulong-gulo isip ko, hindi ko alam kung bakit biglaan, di ko rin naman napapansin kung may pagtingin ba sa akin yung guy. Gusto ko sana siya kausapin kaso nabalitaan ko na lang na nag-apply ulit siya sa trabaho. Sabi ko sa sarili ko, “Patawarin sana ako ng diyos, kakalimutan ko na siya. Isang beses lang naman n*ngy*ri.”


Pero nagparamdam muli ang asawa ni girl best friend sa akin sa text na matagal na raw siya may gusto sa akin at gusto raw niya magkaroon kami ng relasyon. Akala ko madali lang labanan, hanggang sa ang idinulot niya na yun ay hinahanap-hanap ko na. Kahit tanghali ay gin*g*wa namin yung *thing* pag nasa bukid yung girl best friend ko, at sa madaling araw na wala ang asawa ko, sa bahay ko siya sumasaglit.

Ang girl best friend ko ay naging pabaya na sa anak, naging pabaya sa asawa niya, nagkaroon ng hobby na mag-Tong Its at na@dik sa pangungutang. Ang asawa ko naman ay laging wala sa bahay kaya walang napapansin sa amin. Tatlong babae ang anak nila, ako naman ay isang lalaki. Hindi ko naisip na baka magbunga ang ginawa namin na ito.


Ngayon ay para akong mababaliw sa takot dahil 3 buwan na akong bûntîs. Hinihiling ko na sana sa asawa ko ito. Nakikita ko ang boy best friend ko (tito ng asawa ko) na pumayat at lagi mainit ulo sa mga anak. Hindi na siya ganun sa dati na palagi niya ako hinahanap. Hindi ko kayang mawala ang boy best friend ko, di ko rin kayang hiwalayan ako ng asawa ko.

Sana sa asawa ko itong dinadala ko, at sisiguraduhin kong puputulin ko na ang ugnayan namin ni boy best friend at magbabagong buhay na ako. Sobra po akong nagsisisi at nalul0ng ako sa tuks0. Kung sakali po ba sa DNA na magka-dug0 naman ang asawa ko at tiyuhin niya, mate-trace po ba na sa asawa ko pa rin itong dinadala ko? Salamat po.


Belen, ****, *Confidential

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

40
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x