PICTURE NA BAGONG LÎGÖ [PART 3: POV OF EX BOYFRIEND]

PICTURE NA BAGONG LÎGÖ [PART 3: POV OF EX BOYFRIEND]

(SPG)

Hi, FEUSF Readers! Ako po ulit. Gusto ko lang naman mag-share dito para makarating kay Sach yung message ko pero I guess, tama yung ibang comments dito na need ko i-explain yung nangyari lalo hindi na namin masyadong pinag-usapan ni Sach.

Bigla na lang kasi siyang kumawala, hindi na rin ako nakapag-explain ng maayos. I know wala naman dapat i-explain kasi mali talaga yung nagawa ko kahit saan anggulo tingnan. I admit it, mali ako. Eto ay para mapaliwanag ko rin kay Sach yung side ko. Yung side na hindi na niya pinakinggan.

That night, tahimik naman sana yung inuman namin. Casual na inuman naming lahat kasi kami dun ay magkababata, since high school magkakasama na kami. Nung una, kami kami lang talaga then nagsabi si Gerald (tropa ko) na kung pwede papuntahin yung girlfriend niya pero sasaglit lang naman daw. Pumayag naman si Zed (the celebrant) although kilala namin si Gerald na pabago-bago talaga ng girlfriend. Sinabi niya din na may kasama raw na dalawang kaibigan yung girlfriend niya.

Nung una, hindi pumayag si Zed kasi ang usapan namin noon ay boys only. Siguro nahiya na rin siya tanggihan si Gerald kaya pumayag na rin siya. 11:00 PM, nag-call pa ako sa ‘yo para ipakita kung sinu-sino kainuman ko although alam mo at kilala mo naman talaga sila. Sinabi ko rin sa ‘yo na dadating yung girlfriend ni Gerald at may kasamang dalawa. Hindi ko yun tinago sa ‘yo kasi wala naman dapat itago.

Natulog ka na after natin mag-usap. Tulog ka na nung dumating yung tatlong babae na sinabi ko sa ‘yo. Wala naman yun sa ‘kin, hindi ko pinapansin since normal na inuman lang naman ang nangyayari. Nag-e-edit pa ako ng picture natin nun kasi ise-send ko sa ‘yo para sa ipapagawa kong wall decor dun sa condo. Kaya di ako gaanong nakakasabay sa trip nila.

Lumipas yung oras, nakadami na rin ng alak. Lumalakas na yung kantyawan at asaran hanggang sa nakarating sa topic na pera at bayaran. Hinamon ako ni Oyo kung kaya ko raw ba magbitaw ng 3k para sa babae. Ang pagkakaintindi ko naman babae, is sa ‘yo sa girlfriend ko. So sumagot ako,

“Oo, 3k lang pala,” hanggang nagtuloy-tuloy na yung asaran.

Di ko na rin alam, basta nagkakatuksuhan na pino-point na magbibitaw ng 3k para dun sa isang babae, si Khell (itago ko sa name na yan), di ko pinapatulan nung una syempre, hindi kasi ganon yung pagkakaintindi ko nung tinanong ako nung una. Hanggang sa nadala na rin ako ng buyo. Oo, umiral yung yabang ko, umiral yung ego ko. I found myself na nakikipagkwentuhan na kay Khell. Nagtanong siya kung may girlfriend ako, and sabi ko meron. In-on ko pa yung phone ko, pinakita ko yung picture natin sa screenlock ko. Sabi niya,

“Pretty naman ng girlfriend mo! Pero mas pretty ako, di ako papatalo” then she laughed.

“Bâliw!” sagot ko sa kanya.

Oo, inaamin ko nadaan ako sa tukso, nadaan ako sa lândi, nadaan ako sa kantyaw, nadaan ako sa yâbang. Inaasar pa nila ako na “masyadong loyal amp*ta” kasi tinatawanan ko lang talaga sila. Inaamin ko naman kag*guhân ko yun kasi pinatulan ko yung ganun nila at nagpadala ako sa tuks0. Mag-3 am na nun nagsabi siya na uuwi na.

Hinatid ni Gerald yung girlfriend niya, naka-motor sila. Yung isa nilang kasama is umuwi rin kaagad around 1 am, sumaglit lang talaga. Si Khell walang maghahatid so napag-usap-usapan na lang na isabay ko hanggang terminal lang. Pinasakay ko siya ng kotse kasi gusto ko na rin umuwi then yun, nangyari nga na h!nâl!kân niya ako ng pun0ng-pun0 ng lûst.

Sorry! Alam ko wala akong karapatang manghingi ng sorry. Nung pag-uwi ko nag-chat siya, nag-send ng GCash, yung 3k daw dun ko i-send. Like, akala ko asaran lang yun pero seryoso pala. Di ako nagre-reply kasi china-chat kita na nakauwi na ako. Tumawag siya, yun yung pic ng VC. Sinasabi niya sa ‘kin na may message siya. Sabi ko,

“Oo, ise-send ko,” then I send it.

Alam kong napakalaking pagkakamâli nun. Araw-araw ako minumulto nung ginawa ko na yun. Akala ko tapos na, hindi ko na rin naman siya kino-contact kasi para sa ‘kin tapos na yun dun. Nagkamali na ako ng isang beses kaya gusto ko na tapusin yun dun. After a week, nag-chat siya, hindi pa raw siya nagkakaroon. Lalo ako na-paranoid that time knowing na makakabunt!s ako ng babaeng di ko naman gusto.

That’s why naging cold ako sa ‘yo kasi sobrang napa-paranoid ako nun pero wala akong balak iwan ka kahit nabunt!s ko man yun. Hindi ko gugustuhin na hiwalayan mo ako. Kaya kong magpaka tatay dun sa bata pero hindi ko kayang magpaka asawa sa babaeng di ko gusto. Kaya ko panindigan yun pero ayokong mawawala ka sakin. Napaka laking pasasalamat ko kasi kahit napaka gago nung ginawa ko hindi ako nilagay sa ganung sitwasyon.

At yung picture na bagong ligo? Naka-my day yun, Sach. Alam mo yan after ko i-send sa ‘yo, naka-my day yun sa ‘kin. Nakikita niya my day ko so pwede niya i-save yun sa kanya. After nung nalaman ko na wala akong dapat panindigan sa kanya, nag-cut na ako sa connection namin, hindi ko na siya nire-reply-an. Nag-unfriend na rin ako sa FB. Yun na yung time na sunud-sunod ka na niyang pinapraning. In-add friend ka na, etc.

Aaminin ko naman sa ‘yo, e hindi ko naman din kaya itago yun ng ganun kaya nga hindi kita nakakausap ng maayos, at tulad ng dati kasi guilty na guilty ako every time mag-uusap tayo, every time na ang sweet mo sa ‘kin lalo ako nagui-guilty, Sach. Gusto kong aminin na pero di ko alam kung paano. Kaya tinanong kita ano yung main reason para iwanan mo ako. Sagot mo sa ‘kin,

“Cheât!ng and dr*g âdd!ct!0n” lalo ako naduwag Sach, nung binanggit mo yung cheât!ng. Kasi alam ko na yun ang nagawa ko. Gusto kong aminin pero ayokong mawala ka. Kaya siguro lalo ako naduwag, nanahimik ako hanggang sa iba mo pa nalaman. Dumating yung araw na kinakatakutan ko, yung malaman mo yung kagâg*han ko at iniwanan mo nga ako ng walang alinlangan. Hindi mo na rin hiningi yung side ko. Alam ko maling-mali ako kaya wala akong karapatan hingiin sa ‘yo na pakinggan mo ako.

Hindi ko hinihingi sa ‘yo na bigyan mo ako agad ng second chance, alam ko sobrang hirap nun sa part mo. Gusto kitang bigyan ng time para mag-heal. Mag-one year na nakalipas nung nangyari yun. Siguro kung di ako gumawa ng kâg*guhân nun, e kasal na tayo ngayon.

Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa na mapapatawad mo ako, at kung dumating yung araw na yun, sana handa ka pa rin tanggapin ako kasi hindi ako mawawalan ng pag-asa na ayusin ulit yung relasyon na nasira ko. Mahal na mahal kita kaya di ako mapapagod maghintay sa ‘yo lalo ngayon alam ko malapit ka lang sa ‘kin. Sobrang sorry sa nagawa ko. I love you, always.

P.S. Sa Lancer po nangyari yun. Binenta ko na para na rin sa peace of mind. Ayoko na rin na may nakikitang anino nung kâg*guhân na nagawa ko.

Honda Civic

2014

BS Accountancy

JRU

Here’s the part 1 and part 2:

PART 1: https://www.facebook.com/feusf/posts/1128587181096419

PART 2: https://www.facebook.com/feusf/posts/1130235510931586

guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x