“Mahal ko jowa ko pero ‘di ko maintindihan ba’t ‘di ko kayang iwasan dati kong manliligaw for 7 years…”

Hi, I’m Jen, I just wanted to share my story, this is gonna sounds crazy and annoying sa iba, pero sana maintindihan n’yo ko. I have a boyfriend, wala pa naman kaming isang buwan but I love him. So ang kuwento, yung nanliligaw sa akin for 7 years dati ay nagparamdam ulit. Tawagin natin siyang Edie.

Sa 7 years na yun ay puro lang ligaw, pareho kaming di pa ready mag-jowa pero nanliligaw siya. nangako naman kasi kami sa isa’t isa na once we both ready ay magiging kami, pero yung panliligaw niya is natigil last February. Kasi may nakarating sa kanya na balitang may jowa ako, e etong si kuya mo Edie naniwala. Haha.


Hinayaan ko na siya na tumigil pero nasaktan ako nun, tinry ko mag-entertain ng iba, at ang na-entertain ko ay ang jowa ko ngayon. Super bait niya kaya rin nagustuhan ko siya. Panalong-panalo ako sa ugali niya, di kami nagkikita madalas, actually 2 beses pa lang kami nagkita kasi malayo siya and busy sa work. Naiintindihan ko naman.

Then etong si Kuya mo Edie, nagparamdam ulit sa kin last last week, nagpunta siya dito sa bahay at inaya ako mag-inom kasama ibang friends namin (malapit lang bahay nila and kilala siya ng family ko at kilala din ako ng family niya). Dun ako natulog sa kanila, tapos may n*ngy*rî sa min. Akala ko last na yun, pero last week inaya niya ulit ako mag-inom sa kanila, nag-1v1 kami.


Nag-usap kami sa mga bagay bagay na hindi naging klaro sa ming dalawa, sinabi ko sa kanya na may jowa ako, mahal ko jowa ko, at inamin niya rin na may girlfriend siya at mahal niya rin yun. We’re in the same feeling na mahal namin pareho jowa namin pero tuwing magkasama kami ay tila ba nakakalimutan naming may jowa kami.

Alam namin parehong mali pero di namin kayang iwasan ang isa’t isa. Ayokong maghiwalay kami ng jowa ko, mahal ko siya, totoo. Pero yung lugar ni Edie sa puso ko di ko rin kayang tanggalin, di ko alam gagawin ko.


Bukas magkikita ulit kami since birthday ng mama niya, panigurado akong andun yung jowa niya. Gusto kong pumunta pero natatakot ako. Siguro pupunta ako at aayain ko jowa ko para di ako dun matulog, panigurado kasing aayain ako nila tita mag-inom kaya ang ending, dun ako patutulugin. Penge namang advice, oh. Naguguluhan na rin ako, paano ko ba iiwasan si Edie?

Jen, 20**, *Confidential


*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

1
17
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x