“Naging gf ko teacher ko dahil na-wrong send ako sa kanya noong nanghihiram ako ng pera na dapat sa kaibigan ko…”

Hi, I just want to share my story here. It started noong na-wrong send ako sa teacher ko na dapat sa kaibigan ko that time dahil gipit na gipit ako kaya nanghihiram ako ng pera. Saka ko lamang napansin na-wrong send ako noong nag-reply si Ma’am na “Nak, wrong send ka, btw, send mo GCash mo.” Nag-sorry ako at tinanggihan ko yung alok ni Ma’am na pera, pero dahil mapilit siya ay tinanggap ko na.

Then after nun, nag-open up ako ng mga problems ko sa kanya. Pero sa totoo lang, noong nag-open up ako kay Ma’am, gumaan nang sobra yung pakiramdam ko. Di nagtagal ay naging close ako sa teacher ko at naging rant person ko siya, kasi everytime I had a problem ay lagi siyang nariyan na nasasabihan ko.


Until naging malalim na yung samahan namin ni Ma’am, at may times na lumalabas kami at kumakain sa labas, parang date pero malayo yung lugar na kinakainan namin para maiwasan na may makakita na magkasama kami.

Sa school ay teacher ko siya at sa labas naman ay nobya ko siya. Yes, naging girlfriend ko si Ma’am. Alam kong mali yung namamagitan sa amin lalo na that time ay ang b-â-t-â ko pa at nasa 30s na yung teacher ko. Sobrang saya ko na sa tuwing magkasama kami, at minsan tinutulungan niya rin ako sa mga gastusin ko sa pag-aaral. Higit sampung buwan na ganun ang setup namin at masaya naman kami. Dahil din sa kanya ay mas pursigido ako na makapagtapos ng pag-aaral kasi lagi niya pinapaalala na mahalaga ang makatapos.


Hanggang isang araw, inaya ko siya na magsimba kami, as usual sa malayong lugar kami nagsimba. Natapos na yung misa, at since first time namin sa simbahan na yun ay inaya ko siya na magsindi ng kandila. Kasi naniniwala ako na kapag first time mo sa isang simbahan at kapag humiling ka ay matutupad yun. Habang nagdadasal ang nobya ko sa tapat ng kandila, siya ay nakapikit at pinagmamasdan ko.

Ewan, sobrang gandang-ganda ako sa kanya until naitanong ko kung ano ang pinagdasal at hiniling niya. Ito ang sagot niya sa akin na dahilan ng pagluha ko, “Pinagdasal ko sa diyos na sana mawala ang pagmamahal mo sa akin o di kaya mapagod ka. Alam mo, mahal, este Dave, mali, dapat pala anak. Hindi puwede yung ginagawa natin, teacher mo ako at estudyante kita. Sa tingin mo kung may nakaalam nito, nasa akin yung sisi at kamalian. Mahal kita pero hindi ito puwede.”


That time ay natahimik lang ako at nag-aya na ako umuwi. 2 days ako di pumasok at napagtanto ko na mahal ko talaga siya, pero mahal ng teacher ko ang propesyon niya at ayaw ko masira yung reputasyon niya kaya di na ako nangulit kay Ma’am. Pagkabalik ko ng school ay bumungad sa akin yung balitang lumipat na ng school si Ma’am at nabalitaan ko rin na lumipat na siya ng inuupahang bahay.

3 years na ang nagdaan till now di ko pa siya nakakalimutan, at masasabing gusto ko ituloy yung love story namin since nasa legal age na ako at di ko na rin siya teacher. She is my first and greatest love, at till now ay di nawala yung love ko sa kanya.


Dave mon, 20**, *Confidential

*do not screenshot or copy/paste this content on any platform

27
3
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x