PICTURE NA BAGONG LÎGÖ [PART 2: POV OF EX BOYFRIEND]

PICTURE NA BAGONG LÎGÖ [PART 2: POV OF EX BOYFRIEND]

Hi. My friend mentioned me in comment section. He told me familiar daw yung story, hindi ko pinansin nung una, busy kasi ako sa work. When I’m home I tried to read it. I know it’s our story. I know ikaw yan.

College pa lang kilala na kita. Same tayo ng university. Kahit di tayo close at hindi tayo nagpapansinan nun. Kung kailan graduate na tayo tsaka tayo naging close. Mahilig ka naman talaga magbasa ng mga stories ever since. Nauso yung ganitong page kaya nahilig ka rin. Madalas nga di mo ako pinapansin kapag nagbabasa ka dito kaya alam ko nandito ka, alam ko mababasa mo ito. Naalala ko dati gusto mo i-share how we met. You want them to know how lucky you are kasi meron kang tayo. I didn’t expect na magshe-share ka rito pero hindi yung pinangarap mong story natin ang na-share mo. I’m so sorry for what I’ve done.

My baby, my princess, my love, my one and only, alam ko mababasa mo ito kaya nag-message ako sa page para makarating sa ‘yo yung mga gusto kong sabihin. Hindi ko masabi dahil naka-block na ako sa ‘yo. I’m too desperate, alam mo yan, pati sa Gmail at Yahoo Mail umabot na ako para lang makausap ka pero ayaw mo na talaga akong kausapin. Alam ko na nasaktan ka ng sobra sa nangyari. But please, give me another chance. Kahit anong paliwanag ko alam kong mali. Sobrang mali yung nagawa ko. Wala akong ibang hihingiin sa ‘yo kundi sorry, sobrang sorry, paulit-ulit kong sasabihin yung salitang yan.

May nabasa akong comment dito na “whole package” ka na raw. Oo, tama sila. Whole package ka na talaga. Kaya nga sobrang g*g0 ko kasi sinayang kita. Alam mo kung gaano kita kamahal mula noon hanggang ngayon, walang nagbago. Nagkamali ako oo, inaamin ko yun, hindi ko kayang itago yun sa ‘yo kaya kahit alam kong ikakasira natin inamin ko pa rin sa ‘yo. Naaalala ko noon tinanong kita ano yung reason para iwanan mo ako. Sagot mo, “chê4tîng” and “âdd!ctî0n” kaya sobrang laki ng pagsisisi ko nung nagawa ko yun kasi alam ko major mistake yung nagawa ko. Sobrang guilty ko kung alam mo lang.

Hinahanap ka nila mommy sa ‘kin, inamin ko kay mommy yung nagawa ko sa ‘yo kasi hindi ko na talaga kaya. Siya mismo nagsabi sa ‘kin na wag akong umasa na babalikan mo pa ako kasi kilala ka nila mommy na napaka-strong and independent mo. Mas lalo ako nasaktan sa narinig ko pero alam ko na deserve ko naman. I deserve it all. G*g0ng g*g0 ako, alam ko yan. Sinayang ko yung 4 years natin, sinayang ko yung plano natin, sinayang ko yung magandang future na binuo natin. Pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, hinding-hindi ko na sasayangin yun. Mas lalo kitang minahal, ngayon na nawala ka sa ‘kin na-realize ko lahat-lahat. Sobrang kulang ko simula nung nawala ka. Ikaw lang lahat. Ikaw yung nag-aasikaso sa ‘kin, ikaw yung nahihingahan ko ng mga problema ko sa trabaho, sa bahay, sa lahat sa ‘yo ko naranasan magpahinga.

Kung gaano kita mino-motivate, ganun ka rin sa akin, ibang-iba ka sa lahat. Kaya ganun na lang kita baby-hin sa labas man o loob ng bahay, pati tsinelas mo ako pa magsusuot sa ‘yo bago ka bumaba ng kama. Alagang-alaga kita mula ulo hanggang paa. Ayoko na nagco-commute ka, ayokong naglalakad ka ng malayo, ayokong nahihirapan ka. I treat you like a queen. Kaya alam kong sobrang nasaktan ka sa nagawa ko. Kahit ako, hindi ko expected na magagawa ko yun. Hindi ko alam kung anong d*m0ny0 pumasok sa isip ko at nagawa ko yung kâg*gûhân na yun. Pero Sach, I swear buong buhay ko dadalhin yung pagsisisi na yun mula nung nangyari yun hanggang ngayon, hindi ko mapigilan na sisihin yung sarili ko. Wala naman talagang dapat sisihin kundi ako. Napakag*g0 ko.

Hindi ko rin akalain na magagawa ko yun kasi never talaga ako nag-chêât sa ‘yo, even in my dreams di ko na-imagine na magagawa ko yun. That night was the w0rst night of my life. Yung gabing yun ang sumira sa atin. I just want you to know na yung VC pic na yun ay matagal na, yun yung pagkauwi ko after nung birthday tinawagan niya ako and di ko alam na naka-screenshot pala sa kanya. Minyday niya pala nung friends na kayo sa FB. Hindi niya sinabi yun sa ‘kin. And yes, alam niya na may girlfriend ako, alam niya na ikakasal tayo. Dahil nung gabi na yun habang nag-iinom kami nabanggit ko na, and alam mo na wallpaper kita sa phone ko.

Sorry kasi nadala ako ng tuks0, sorry kasi nagawa ko yun. I didn’t want to hurt you, hindi ko ginustong mangyari yun. I don’t know paano nagsimula, basta alam ko sobra kong pinagsisihan lahat. Biggest regret sa buhay ko yung mawala ka, sana mapakinggan mo pa ako. Sana bigyan mo pa ako ng chance para ayusin yung nasira ko. Alam ko hindi ganun kadali yung hinihingi ko, hindi ganun kadali kalimutan yung nagawa ko pero sana mabigyan mo ako ng pagkakataon. Isa lang, please isa lang.

Nung nagkasalubong tayo at nalaman ko na rito ka malapit sa condo nagtatrabaho, nagkaroon ulit ako ng pag-asa na baka maayos pa natin. Hindi kita kukulitin kasi gusto ko makapag-isip ka, ayokong pilitin ka pero di mawawala sa ‘kin yung pag-asa na baka pwede pa, na dadating yung oras na pwede na ulit. Bigyan lang uli ako ni God ng pagkakataon, hinding-hindi ko na sasayangin. Alam niya kung gaano kita kamahal, nagkamali ako, pinagsisihan ko, hanggang ngayon pinagsisisihan ko. Mahal na mahal kita, Sach! Ikaw pa rin, walang iba. Ayoko na kumilala uli ng bago, ayoko na mag-settle sa iba, ayokong magmahal kung hindi lang din ikaw. Gusto ko ikaw ulit. Ikaw at ikaw lang ulit.

Sana mabasa mo ito. Mahal kita, alam mo yan. Kung gaano kita kamahal noon, mas mahal kita ngayon. My baby, my princess, my soon to be wife, my one and only love. One last chance hinihingi ko, sana pagbigyan mo.

Honda Civic

2014

BS Accountancy

JRU

PART 1: https://www.facebook.com/feusf/posts/1128587181096419

guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
real talk
real talk
10 months ago

cheater is allways a cheater

error: Content is protected!
1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x