CLASSMATE



Hi. I wanna share my story kase wala akong makausap and wala akong mapagsabihan nahihiya akong pag tawanan nila ako. Second year college na ako and I have a classmate na sobrang gwapo, family oriented, cyclist, palasamba, magaling magluto tapos ang active niya pa sa room namin. Untii unti ko na siyang nagugustuhan kase i swear sobrang nakaka attract siya.

Kaibigan ko yung cousin niya kase minsan nagkukwento siya about dun sa classmate ko. Lagi akong nag chachat sa classmate ko na yon pero puro about sa acads (tamang chansing lang) pero habang tumatagal lumalala na yung usapan namin. Minsan inaabot kami ng alas tres kase sobrang daldal niya hanggang sa nagkasomething sa aming dalawa, pero sabi niya sa’kin hindi niya raw ako kayang ligawan dahil sa religion nila (inc sya). Sabi ko okay lang, makakapag hintay ako.

Sa room namin sobrang clingy niya, napaka sweet, lagi niya akong hinihintay tuwing umagaa bago pumasok para sabay kami hanggang sa uwian. Lagi siyang nagdadala ng biscuit dahil alam niyang hindi ako kumakain tuwing breakfast.

Ako nga raw pala ang first m.u. niya dahil wala pa siyang nagiging girlfriend. Mama’s boy rin kase siya. Nag-open up ako about sa “relationship” namin kase sobrang complicated na minsan sobrang cold niya na.

Tinanong ko siya kung mahal niya pa ba ako pero ang lagi nyang sagot sa’kin ay “ewan” diba???

Sobrang sakit for me kaya hindi ko sya kinakausap nun hanggang sa school pero hindi na rin siya nag first move na kausapin ako para ayusin yon.

Then nag kwento sa’kin yung pinsan niya na nalasing daw tapos inuulit nila na “baka madrunk chat niyan si ano” tinutukoy nila ako.

Pero yung sagot niya, “Hindi ko gusto yon, napipilitan lang ako dun… Best friend nun ang crush ko kaya nilalapitan ko lang siya” sobrang sakit nung nalaman ko yun and hanggang ngayon hindi ko alam kung anong iaakto ko sa kanya lalo na’t mag classmate kami.

Xaiiii
2022
Dentistry
CEU

guest
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Paige
Paige
1 year ago

Sakit, san yung coke maglalasing ako. Biro lang. Pero ang sakit lang na ang duwag niya para gamitin ka para lang mapalapit sa bestfriend mo, wala ba siyang bayag?

Anonymous
Anonymous
1 year ago

grabe naman yon

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Second year college na immature pa rin. grabe manlaro ng emosyon?

Ming Ming
Ming Ming
1 year ago

Isa nanamang kapatid ang nagbahid ng putik sa puting pintura

error: Content is protected!
4
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x