“SUGAR MAMI” ANG TAWAG NI PARTNER SA AKIN KAPAG KAUSAP NIYA ANG MGA BABAE NIYA

I’m on a very rough path with my family and friends for some time now kaya wala talaga akong masabihan. Ang bigat bigat na kasi. Wala na kong maiyak, naubos na yata.

Ang sakit tanggapin na yung taong pinagkatiwalaan ko is kabaligtaran pala lahat ng mga sinabi niya. Kaka-celebrate lang namin ng 11th monthsary, same day na nalaman ko yung mga ginawa niya.

I’ve been single by choice for almost 5 years, and last year, dumating siya. Pinursue ako. I felt the luckiest kasi napaka-consistent niya since day 1. Ang perfect kasi talaga, sa lahat ng aspects.

Maalaga, mabait, hindi nanakit physically, hindi nahihiya sa PDA, laging naka-ILY and IMY lalo na nung nagkahiwalay kami ng trabaho. Nagtatampo pag hindi ako nakakapag-reply agad.

Buong-buo yung tiwala ko sa kanya. Umabot kami ng 11 months na hindi ko hinihingi yung password ng phone niya kasi nga tiwala ako, sobra.


Until a few days ago, accidentally nakita ko yung password niya sa phone. That dawn, habang tulog siya, pinakelaman ko yung phone niya. Messenger, IG, Snapchat, messages.

Doon ko nalaman na may times na dineny niyang may karelasyon siya kahit magtu-2 months na kami that time.

Nakita ko rin na kinwento niya sa kausap niyang babae yung mga bagay na dapat sa min lang. Doon ko rin nalaman na almost a month na kami pero inamin niya na hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya.

In his words, ‘Siya lang talaga gusto ko’. Doon ko rin nalaman na lahat ng pinagseselosan ko sa office namin before is legit. Yung isa, naka-FÛ-BÛ niya. Yung isa naman, super bet niya.

When we started talking consistently last year, tinanong ko siya about sa last relationship niya pati last înt3rc0urs3 pero nalaman ko na lahat ng sinagot niya is hindi totoo base sa mga nabasa kong convo niya.


Hindi ko ma-process lahat that time kasi hindi ko talaga in-expect lahat ng nalaman ko. Nagising daw siya na lasing na ko. Hindi ko maalala ng malinaw kung anong mga ginawa o sinabi ko sa kanya that time.

Pinilit kong i-compose yung sarili ko bago ako makipag-usap sa kanya paggising ko, pero sumabog pa rin ako. That was almost a week ago. Um-okay na ulit kami until now.

Binuksan ko ulit yung messages niya and just last December 9, dineny niya na naman ako doon sa babaeng sinasabi niyang kaibigan niya lang.

Pero nakita ko sa isang convo niya na dinate niya yun sa isang kilalang food strip and ayaw niyang i-pursue dahil kaibigan niya nga raw. If kaibigan lang pala, bakit niya ko dineny?

Yes, hindi ko siya kinakausap that time dahil nag away kami pero everyday siyang nagme-message sa kin nung mga panahon na yun dahil ayaw niya daw makipaghiwalay sa kin.


Nalaman ko rin na ‘Sugar Mami’ yung tawag niya sa kin nung mga early days namin in the relationship pag kausap na yung mga babaeng kausap niya.

Yung pagtulong ko sa kanya financially dahil alam kong gipit siya, iba pala yung dating sa kaniya. And worst, pinagmalaki niya pa sa mga kausap niya.

Ang sakit na yung taong kasama kong nagpaplano ng future para sa pamilya namin is ganito pala yung totoong ugali.

Hindi ko na alam kung anong pwede kong paniwalaan sa mga sinabi at sasabihin niya pa. Nawala lahat ng tiwala ko sa kanya.

I was willing to forgive and forget dahil mahal na mahal na mahal ko siya pero paano pa ngayon na may dagdag na naman akong nalaman? Ang hirap.


Thank you very much. Kahit pa ma-post ito or hindi, this helped a lot, para din akong may napaglabasan ng nararamdaman ko.

I am just hoping na maging maliwanag yung pag-iisip ko para magawa ko yung tamang decision.

I’m sorry kung mahaba. I just want to get it off my chest kasi ang sakit sakit na.

Almost an Accountant, 2006, BS Accountancy, Asia Pacific College

*do not copy/paste this content on any platform

10
guest
46 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Gdsdghtr
Gdsdghtr
11 months ago

MAKIPAGHIWALAY KANA. AYON YUNG TAMANG DESISYON SENDER. GODBLESS YOU.

bebangkyut
bebangkyut
Reply to  Gdsdghtr
11 months ago

Sa true mi!

Nics
Nics
Reply to  Gdsdghtr
11 months ago

TAMAA! HIWALAYAN MO KUPAL YAN

Ms. Hope
Ms. Hope
11 months ago

Hugs sayo sender. Hindi nakakatawa yung mga napagdaanan at pinagdadaanan mo right now. Choose yourself, break up with him tutal magkaiba naman kayo ng workplace. Di mo deserve yan sender..

Rachel Salvidar
Rachel Salvidar
11 months ago

Nabasa mona Lahat ng redfLag nya pero hinahayaan mong kainin ka ng pagmamahal mo sa kanya? KiLan ka matatauhan pag nagkaanak na kau at hirap kana kumawala?

Bibi
Bibi
11 months ago

For me lang sender, wag mo na bigyan ng chance. Nako may taong mas deserving ang pagmamahal mo.

In the future at yan pa rin ang pinili mo, lolokohin at lolokohin ka pa din niyan..

Bakit kaya kung sino pa yong di mo kinakikitaan ng pagiging red flag, yon pala totoong red flag.

Patagong manloko, dinaig pa ang backstabber eh. Parang yong ex ko lang eh. Kasi sobrang bait tapos laging nakikinig, mas mahal pa daw niya ako kesa sa sarili niya. Pero nanloko naman.

Nagkaroon ng anak sa iba.

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
11 months ago

iwan mo na sender. Mas lalo ka lang mai stress kung itutuloy mo pa yan. Ok n yung binigyan mo sya ng 2nd chance kaso inulit nya ulit. Sabi nga nila “you deserve what you tolerate”. Kaya habang maaga pa at wala pa kayong baby na madadamay hiwalayan mo na.

Mscapricorn
Mscapricorn
11 months ago

Lo

Mscapricorn
Mscapricorn
Reply to  Mscapricorn
11 months ago

Love urself miii don’t settle sa gnyang ogag dmi pa Jan iba pdeng love mo muna self mo focus ka sa life bakasyon and all wg sa lalaking wlang kwenta plsss kaya mo Yan if need u kausap pm lng hahaha pangarap kong course Ang accountancy hahaha kaso poor lng kmi kaya yorn anak ko nlng ipag law ko soon hihi bsta love urself lng Iwan u n jowa mo d Yan mgbabag9 nakoowww

Mae
Mae
11 months ago

He’s clearly a manipulator. Mahirap man but kailangan mo ng bumitaw. Mas papatagalin mo lang yung pain.

Marinel Regencia
Marinel Regencia
11 months ago

Ang daming BSA ang nagcoconfess, Be kaya mo yan like a problems in Accounting kailangan mong i analyze bago masolve ang problem, sabi nga nila kapag accounting student does mean genius ka, use your mind be.

Last edited 11 months ago by Marinel Regencia
Mary Jhine
Mary Jhine
11 months ago

Makipag hiwalay kana ante kung twice mona nahulihan. kase once na pumayag ka ule na magkaayos kayo ,pwedeng maulit pa Yan ng madaming beses kase alam nya sa sarili nya na kahit anong gawin nya papatawadin mo sya. pero Ikaw bahala sender pero sana pag isipan mo mabut, kase Ikaw at Ikaw lang din magsusuffer sa relasyon nyo.

AKSM
AKSM
11 months ago

Been there. Hiwalayan mo na yan. Yung akala mo super okay kayong dalawa. Pero sya, hindi pala. Iba ang iniisip, mamaya mahuhuli mo, deny and may pag iyak pang nalalaman, todo deny kahit huli na, panay landi at ang obvious na malandi. At syempre ikaw nman si tanga na nagmamahal lang, patawad ka nman at naniniwala sa mga pang eechos nya. Bibitawan ka lang nyan pag may ibang babae ng kumagat sa kalandian nya. Kaya bago ka pa maubos, physically,emotionally,financially, hiwalayan mo na.

Nana
Nana
11 months ago

Andami na nyan red but still hindi mo pa rin sya iniiwan.. Honestly sobrang sakit yun ng mga ginagawa nya.. And 2nd pera lang talaga ang habul nya sayo..wala pa kayong 1yr kaya di pa ganun ka sakit yan.. Hindi mo deserve ang ganyang treatment.. Iwan mo na yan, pinahiram lang yan sayo ni Lord para mas tumatag ka pa sa susunod mong relationship

starry night.
starry night.
11 months ago

you don’t deserve that. I think he use a love bombing to you. he used you, he make you as an option, he cheated. especially yung ibang guys na nagpapakita talaga ng ganyan sa una na parang loyal at consistent sila? na napakabait diba? for me, hindi ako naniniwala sa ganyan. feeling ko kase may kapalit lagi. hindi genuine yung actions nila sa tao.. they acted that way because “other people” used that for manipulating someone just to get you.. (proven and tested) kaya be wise. anyway, I hope you will heal soon. he is not worth of your time. valid yung feelings mo. iiyak mo lang yan and lagi mong tatandaan na walang kulang sayo. *huggles you with consent* you can move forward and wag ka nang bumalik sa kanya kase mas lalo ka lang masasaktan. bahala sya sa buhay nya.. hindi ka pinanganak para itrato ka ng ganyan at paiyakin ka.

sampalin ko yan eh! joke lang. baka di ka pumayag kase mahal mo. alam ko naman ayaw mo din masaktan yan. kahit sinaktan ka nya. deserve mo talaga yung taong mas mahal ka. sana gumaling yung puso mo ng mabilisan at wag ka nang lumingon sa kanila. you deserve to be respected. take your time to heal.

Dan
Dan
11 months ago

The right decision you will make is to leave him. Malaki na yung damages niya sayo, thru his actions, and words towards you. Break with him. Live your life. Gather your self, and do everything that makes you happy.

Love is everywhere, do not rush it. There still a guy that will value you, cherish you and respect you. Wait for it, kusang darating yan.

I hope you will read this.

Ingat ka palagi. I know you can do it. If hindi na, just have a conversation with God. It helps <3

Cutie
Cutie
11 months ago

Na kaya mo po hindi mag boyfriend ng five years para sa kanya. Naku teee!! Let go na! Syempre once is enough, twice is too much and thrice must be over. Don’t stay for multiple mistakes because your heart and piece of mind is at stake. Hanapan mo muna sya ng respect of privacy nyo at sa pagiging babae mo po.

CHENGCHAN
CHENGCHAN
11 months ago

Breakan mo na! Ang linaw linaw na oh hays. Ano ba yan, ang aga aga kashungahan ang nababasa ko.

Cjxx
Cjxx
11 months ago

Nang gigigil ako dyan, sana Po masampal ko yan. Hiwalayan mo na Po ate para sa peace of mind mo. D ka nya dserve

Wanda
Wanda
11 months ago

Iwan mo na sha. Obvious naman na kaw lang nagmahal all throughtout nung kau pa. Sa panahon ngaun mahirap magtwala na specially kung d mo nache check ang phone nya. Sa part ko nsa featured pics ako. Mina myday at nakkta ko lahat ng socmed nya. Takot lang nya saken 😅

No to Asukal De Mama
No to Asukal De Mama
11 months ago

Iwanan mo na.. nag sstay lng sya sayo kasi nga may nahihita sya sayo. Sa kanya na nang galing mismo sugar mami ka nia.

kraia
kraia
11 months ago

HUWAG KANG MAGING T*NGA, PLS! THERE’S A LOT OF BOYS OUT THERE. ‘WAG MONG ISIPIN NA WALA KA NA SA KALENDARYO. MALAY MO AFAM PALA PARA SA’YO.

Gajakakhshhd
Gajakakhshhd
11 months ago

Alam mo sender kaya di ka nya maiwan dahil tinutulungan mo sya financially

John Reb B. Mariano
John Reb B. Mariano
11 months ago

Makipaghiwalay kana. Wag mong hintayin na. Masira kang tuluyan. Ibangon mo dignidad mo. Wag kang papatali jan. Walang kasiguraduhan na magbabago yan. Wag kang magpakatanga. Isalba mo sarili mo ngayon palng. Sana wag kang mabuntis nyan. Masisira buhay mo sa piling ng gnyang lalaki.

anyone
anyone
11 months ago

Run sis tama na

brcbrc
brcbrc
11 months ago

hmpk

Meuffon
Meuffon
10 months ago

Hiwalayan
mo, kung boba’t tanga ka na hala stay

Hakdog
Hakdog
6 months ago

May mga tao talagang deserve masaktan no?, kahit gingagago na nagpapa uto parin kasi UHAW SA ATTENTION parang dikayang mag isa sa buhay 😂 ang masasabi kolang sayu sender YOU DESERVE WHAT YOU TOLERATE.

hotdog
hotdog
6 months ago

hiwalayan mo, period. wag mong antayin na magka anak pa kayo at mas mahirapan ka. alam mo ng super red flag, iwanan mo. pero it’s your choice. pagmamahal mo sa kanya or mental health mo?

Hotsdogssss
Hotsdogssss
6 months ago

ako naistress sa partner mo ante🙂. D MO DESERVED YUNG GANYANG TAO

Roki.
Roki.
6 months ago

Wag Sana Ganito yung GF ko ngayon 😔😔 Sinusuportahan ko siya kasi gipit siya. And never kami nagpalitan nang message pag naman ichecheck nya phone ko binibigay ko pero pag ako na mag Check nang Phone nya ayaw nya. Sana Hindi totoo ang hinala ko 😑😑😑

Akotosimik
Akotosimik
6 months ago

Hi sender! If I were you makipag hiwalay kana kasi nung una palang sender mali na eh. Yes okay, intindi mo sya but meron kana namang nalaman na nakaka disappoint sakanya. Wag mong hayaan na mabulag ka ng pagmamahal sender. Open your eyes! Marami pa jan na iba na mas deserving niyan na love and worth mo. Hiwalayan mo na yan sender maawa ka sa sarili mo

mayukiyukiyuki
mayukiyukiyuki
6 months ago

BREAK UP !! Wala kang peace of mind sa ganyang klase ng tao. IKAW LANG DIN KAWAWA SA HULI LITERAL. ano yun tinulungan mo na tapos sugar mami lang pala tingin sayo. Ganyan ba yung mahal ka? imbis na maging appreciative ginawa ka pang katatawanan. Isa pa, SINUNGALING SYA. Ubos tiwala sa lalaking ganyan. IKAW LANG DIN MATRATRAUMA LALO IF IPAGPAPATULOY PA.

****
****
6 months ago

Gantihan mo na po bago nyo hiwalayan 😈
Ako po tuloy gustong mag plot nang ganti para sa inyo 😈

avery
avery
6 months ago

Hindi sa lahat ng pagkakataon, oras at panahon ay puso ang pinapairal sender. Choose what’s best for you, for your yourself this time rather. You choose you. Trust me. It will all be worth your choice kung sarili mo naman ngayon ang unahin mo.

avery
avery
6 months ago

Hindi sa lahat ng pagkakataon, oras at panahon ay puso ang pinapairal sender. Choose what’s best for you, for yourself this time rather. Trust me. It will all be worth your choice kung sarili mo naman ngayon ang uunahin mo. God have shown you what you supposed to see kaya wag ka na magbulaglagan sis.

ellie
ellie
6 months ago

hiwalayan mo please kisa wala kang peace of mind patawadin mo man ng isang daang beses tatatak sa utak mo lahat ng ginawa nya gusto mo ba yun? yung dumating yung time na too late to let him go kasi may fam na kayo?wag mo patunayan samin na shunga ka you know the right thing to do is to free yourself and rest hugss sayo mhie❤️

Mystic
Mystic
6 months ago

Wag kang magpaka martyr sender. You deserve better. Sa una pa lang na nalaman mo mga yun dpat tnapos mo na. Maawa ka sa sarili mo

BrikEatApp
BrikEatApp
6 months ago

Wag kang tanga tanginang yan!!! Hiwalayan mo

Shsgshs
Shsgshs
6 months ago

Eh di wag kang tanga, hiwalayan mo Boba

Khaleesi
Khaleesi
6 months ago

Bitaw…

Burdagol
Burdagol
6 months ago

Sender naway maliwanagan na ang iyong isip NOW NA, AS IN NOW NA di niya deserve ang ganyang treatment galing sayo. Pakitang tao lang yan ganyan talaga mga cheaters they act all good pero pinuputangina ka na pala behind your back argggg inis hanggang bone marrow

Ava
Ava
6 months ago

RUN

Angel Jane Dela cruz
Angel Jane Dela cruz
2 months ago

Sender kung kathNiel nga naghiwalay pa 11 yrs..kayo pa kaya na 11 months plng …kinaya nga ni kathrine ,baket nde mo kayanin kaysa mstuck k jn

Assn
Assn
2 months ago

Ay ibreak na yan

Ate mong kakabreak lang
Ate mong kakabreak lang
2 months ago

Makkipaghiwalay ka na hanggat hindi pa kayo kasal , pag kasal na kayo mas mahirap makawala sa kanya

error: Content is protected!
46
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x