PICTURE NA BAGONG LIGO [PART 7: Oyo’s pov ]

Good day, FEUSF Readers! Oyo here! I just used my dummy account to message you, mahirap na, baka may masilip. Hahahaha! So eto nga, dami ko na nababasa tungkol sa kwento nina Andrei at Sach, gusto ko lang iparating eto kay Andrei.

Ssshhhh ka na, tol! Masyado ka nang nagmamalinis at mabulaklak yang mga sinasabi mo. Hahahaha! Magpakatotoo ka lang dapat, tol! Kahit anong sabihin mo, ginusto mo yung gabing yun, nag-enjoy ka rin. Wag kang peke, wag ka na mag-explain, pumasok ka pa rin sa hindi mo kweba. Hahahaha!

Okay na sana yung gabing yun, di ba? Nakikialam ka lang kasi, tapos kapag ikaw ang pinakiealaman, galit na galit ka, gusto manakit? Sensya na tol, sinagad mo kasi yung pasensya ko, e ikaw rin nagsabi kila mama na nagsusugal ako, ikaw nagsabi di ba na nag-drop ako noon sa college dahil sa dalawang subject?

Ikaw rin nagsabi kay Gerald nung tungkol sa amin ni Jang tapos sasabihin mo concern ka lang, sinong ginag*g0 mo, tol? Kung concern ka, nanahimik ka sana, hinayaan mo ako lusutan yung gusot ko kaso palaging bida gusto mo. Kalalake mo kasing tao, masyado kang makuda, e.

Nung gabi na yon, hindi ka naman sana damay, tahimik sana buhay mo ngayon kaso pinili mo sabihin kay Gerald yung nalaman mo. Nakiusap ako ng maayos sa ‘yo tol, na wala lang yun sa amin ni Jang, flirt lang. Huwag na sana lumabas yung issue kaso umiral na naman yung pagiging pabida mo. Kaya wag mo sabihin dito na di mo ginusto dahil wala kang lusot, ginusto mo pa rin kasi tumikim ka, inuna mo yung yabang mo tsaka di mo ginusto? Pero pinas0k mo? Hahaha! Wala kang mauul*l dito, tol.

Oo, aaminin ko, pustahan talaga namin ni Khel yun, kilala kasi kita simula pagkabata. Kilala kita, di ka nagpapatalo kahit kanino, ayaw na ayaw mong matatalo ka, di ka tumatanggap ng pagiging talo. Yung dalawang lalake na nanligaw kay Sach after mo? Anong ginawa mo? Inaway mo, tina-tr*shtalk mo, gumagawa ka ng eksena para di lapitan si Sach. Hahaha! Tama ka na, para kang b4klâ, e kung ayaw na sa ‘yo, tigilan mo, hindi yung hinahabol-habol mo pa.

Meron pang isa, kinausap mo di ba, sinabi mo na hindi pa kayo tapos ni Sach kaya di dapat siya umaaligid. Nung sumagot sa ‘yo ng pabalang, ano ginawa mo? Kinabig mo yung motor, di ba? Isa rin yan sa ayaw sa ‘yo ni Sach, e masyado kang arogante kapag naapakan yung pride mo. Baby boy ka kasi masyado ng ermat mo. Hahahaha! Kung nasanay ka na ikaw lagi nasusunod sa inyo, ibahin mo sa realidad, tol! Hindi laging ikaw ang amo.

Oo, tama ka, si Sach lang talaga ang nakakapagpakalma sa ‘yo sa lahat ng pagkakataon kaya nga hanggang ngayon, hindi ka maka-get over, e kaso di ba sinayang mo, pinagpalit mo sa pride mo, kaya wag ako, tol. Si Khel dinagdagan pa yung pangpapraning kay Sach, nabwisit din kasi sa sagot mo nung gabi sa kanya, magyayabang ka ng 3 libo tapos parang ayaw mo naman pala bitawan, iba-block mo pa siya. Wag ganon. Hahahaha! Ginusto mo yan, e di ba dami mong dahilan na gusto ko ayusin yung nasira mo, e di mo nga naisip yan nung ginawa mo yun. Shut up ka na, tol! Masyado kang nagmamalinis para lang makuha ulit si Sach.  

Sa ‘yo naman Sach, pasalamat ka pa na nalaman mo agad yung issue ng ex mo, kung hindi, papakasal ka sana sa lalakeng lagi inuuna yung yabang sa lalakeng di nagpapatalo. Hahaha! Sabihin na natin na nako-control mo siya lalo kapag nandiyan ka pero lalabas at lalabas pa rin yung tunay na ugali niyan. Maniwala ka, mga ganyan tao wala na yan pagbabago. Naka-ss nga kay Khel yung POV niya. Hahaha! 

Napakagaling at linis magsalita, akala mo walang tinatagong yabang at bad side, e sinend sa ‘kin ni Khel, maawa na ba kami sayo, tol? Ayaw ka mawala pero nagloko? Hahaha! Anong sinabi mo kay Khel noon?

Once na guluhin niya pero ikaw, desisyon mo yan kung bibigyan mo pa ba ng chance yan, pero sana isipin mo na minsan na nagloko yan, di malabo ulit-ulitin niya yan. Di ko alam kung nakakarating sa ‘yo yung mga pangta-tr*shtalk niya noon sa gustong mapalapit sa ‘yo pero try mo tanungin if may connection ka pa sa kanila.

Masyado maangas yan ex mo kaya tama lang na maranasan niya yan. Nakiusap ako sa kanya noon pero di niya ako pinakinggan. Deserve niya yan, ginusto niya yan, e. Sabihin na natin na natalo siya ng yabang niya, ayaw niya naman kasi talaga nung una, e dinidikitan na nga siya ni Khel pero lumipat siya ng upuan.

Si Khel kasi trip na talaga siya nung una pa lang, e medyo close na kami ni Khel kasi nakakasama na talaga namin sila. First time niya nakita si Andrei nung gabing yun, lakas daw ng sex appeal sa kanya kaya nagtatanong sa ‘kin, sinabi ko naman na engaged ka na, sinabi ko na may long-time gf ka pero dahil nga sa nakialam ka at nagpustahan kami, kaya umabot sa ganun, trip ka rin nung babae, e sobrang asar ko sa ‘yo nun tol, kung alam mo lang, hindi na kasi dapat sa ‘yo nanggaling yun, e hinayaan mo sana. Sabi ko nga flirt lang yun tsaka parang di mo naman kilala si Gerald, tol! Wala sa kanya kung mawalan siya ng babae pero nakialam ka pa rin, dahil sa gusto mong maging bida nag away kami ni Gerald, iniwan niya si Jang. Sa ‘yo ba, anong naging epekto? Nagkawatak-watak tayo dahil sa yabang mo. Okay yung samahan natin kung wala lang tulad mo na maputak masyado.

Isa pa pala yang Civic na yan, sabi ko ako bibili niyan, ibebenta ko yung hyundai ko pero anong ginawa mo? Inuna mong bilhin, di ba? Bakit? Kasi sabi mo yan yung pangarap niyo ni Sach na kotse nung naka-Lancer ka pa, plano niyo na talaga ibenta yun para dagdagan ng pera at bibili ng Civic pero tol, sana inisip mo babayaran ko na sana yan pero sinulot mo. Hahahaha! Ganyan klase kang tropa pagdating sa babae at yabang, kinakalimutan mo yung samahan natin. Sensya ka na! Ganun lang din ginawa ko sa ‘yo, sabi nga nila, wag mo gawin sa iba yung ayaw mo gawin sa ‘yo. God bless, tol!

Oyoyoyo
2013
*Confidential

5
12
guest
221 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Maribel
Maribel
1 year ago

Ang taggal ‘ko na po ‘tong hinihintay, baka naman po, papasko nyo na lang🤭 ehe joke

HelpMeToFindMyDreams
1 year ago

Admin post mo na. Tagal na nito 😂😂

April Angela Peñalosa
April Angela Peñalosa
Reply to  HelpMeToFindMyDreams
1 year ago

ang tagal ko hinintay tong confession mo Oyo, mahahigh blood lang pala ako sayo. Panget mo maging tropa 😤

eyeypogi
eyeypogi
Reply to  April Angela Peñalosa
1 year ago

hala ohmg pano iedit yung name 😅

kmfv88
kmfv88
Reply to  April Angela Peñalosa
1 year ago

Oo nga pangit ka bonding ni Oyo 😂😂

secrecynini
secrecynini
1 year ago

ADMINNN PAPASKO NA ‘TO OH T – T

Neng
Neng
1 year ago

Hangtagal naman admin, mag 2023 na✌😂

Polaris
Polaris
1 year ago

Waiting na po . Pwede po bang pa post na . 😂

Anonymous
Anonymous
1 year ago

when kaya?😂

Era
Era
1 year ago

Kalokaaa kala ko meron na!

Anonymous
Anonymous
1 year ago

pumunta ko sa website para hanapin yung POV ni oyo. pero wala pa din pala. HAHAHAHA. admin, kaya po this year? 🤣

Deejang
Deejang
Reply to  Anonymous
1 year ago

Wala pa ata noong previous days. Meron na now.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Admin paki post na. Galawin nyo na po ung baso. 12-21-2022 hehe

Maya
Maya
1 year ago

Post na yan hehe abangers here!

NotUrTypicalGirl
NotUrTypicalGirl
1 year ago

Nakailang balik na po ako dito to be posted pa din😂

apple baldovino
apple baldovino
1 year ago

pati ha naman ikaw admin paasa..

Paige
Paige
1 year ago

ba’t pending parin?🙂🙂

Maan
1 year ago

Bakit ganyan si Oyo? Parang may sayad😭😭

donotdisturbxxx
donotdisturbxxx
Reply to  Maan
1 year ago

sa truuu, hindi mo alam kung maniniwala ka ba sa sinasabi nya o hindi eh

Wanda
Wanda
Reply to  donotdisturbxxx
11 months ago

Tngin ko mas totoo cnasabe ni oyo d naman magkukwento ng gnyan ka detalye eh

Benzki
Benzki
Reply to  Maan
1 year ago

Tama kana oyo! Nagmuka kalang lalong tanga, daming problems tambay lang nmn ata.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Awit naman pala Andrei.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Omg 🙄

jai
jai
1 year ago

HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA pare-parehas kayong mga magto tropa, puro mga tanga. Si Oyo pinaka tanga kasi proud pa, daig mo pa may sayad e, pa check up kana boi, Lol.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

tangina mo kadiri ka oyo!

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Proud pa pota HAHAHAHAH gagu kadiri ka

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Tangena nanggigil ako dito kay Oyo, e apakagago mo tanga proud na proud ka pang kupal ka. Sa totoo lang, ikaw ang sumira sa inyo, kase gago yang ugali mo. Wag mong isisi sa iba yang katangahan mo, nandamay ka pa ng iba tangina putulin mo na yang titi mo hayop ka.

Mels
Mels
Reply to  Anonymous
1 year ago

True HAHAH proud na proud sa sarili nyang dumi😆

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Parang bata amp HAHAHAHAH. Kakasugal mo yan bebs

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Pareho kayo ng khel na yan, Oyo. Close minded freak. Jinujustify pa mga kagaguhan pota hahah tanginang yan. Proud pa aba HAHAH sana ayos ka lang

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Happy yarn? Wala ka nmng pinagkaiba kay andrei kuys.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Eh kung toxic naman yung samahan n’yo, why not kung ipagpalit sa babaeng matino diba? Alam mo Oyo, ang nonsense mo kausap HAHAHAHA ayan na yung rebat mo? Ang unreasonable mo din eh, flirt lang? really “lang”? Ikaw nga ‘tong galit na galit dahil nakielam si Andrei sa kalandian nyo ni Jang ano pa kaya yung pakiramdam ni Gerald diba? Knowing na magtotropa kayo pero palihim mong inaahas yung babae nya! Is that what you called “Friends?” Duh! Kung ganiyan lang din ang definition ng “friends” edi mas okay pa pala na wala nalang tayong kaibigan diba? Kung bad influence lang din naman ang nakukuha natin sa kanila?! Kayo ni Khel, parehas kayo ng mindset mga paurong mag isip. 🤮

Chy
Chy
1 year ago

Waiting ako ulit sa POV ni Sach!😂 Natauhan na ba ti?

Che
Che
1 year ago

Oyo thought he did something …

mas nagmukhang engot ka lang, Oyo. magkaibigan nga kayo ni Andrei.

to Sach, huwag na tanggapin, girl.

Gracia
Gracia
1 year ago

I dont really like how you blame your friend. oo may mali yung friend nyong mayabang at ma pride pero hindi pa rin mapagkakaila na pinagpustahan niyo kaibigan niyo dahil lang sa ugali nyo. Bro code. Malalaki na kayo, dapat idaan nyo rin in a mature way. hindi niyo kailangan magsiraan at gumamit ng babae. Para kayong bata, lalo ka na Oyo at Gerald. LOL. isa kayong halimbawa ng lason sa mga babae. At sana, huwag nyo na pakialamanan yung relasyon nila it’s not your problem anymore. Cut off each other na lang para walang gulo. Grow up seperately and sana mag grow kayo sa phase niyong ‘yan. Manahimik ka na lang, beh. Get a life.

Totoo pa lang, your boyfriend’s friend aren’t your friends talaga. 😆 Goodluck sa buhay, Oyo and friends. Sana magbago na kayo at matuto kayo sa mga toxic na toxic niyong traits.

Merry christmas and Happy new year, Oyo and friends! 😂

JOLLIBEEHH
JOLLIBEEHH
1 year ago

salamat sa pov angkol makakatulog nako ng matiwasay ne’to. halos ilang buwan din akong nag-antay at nag overthink ng POV mo

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Oyo ubub

Anonymous
Anonymous
1 year ago

you think, you did something Oyo? HAHAHAHAHA lol.

to sach, please decide for yourself. hindi ibang tao. You deserve better and peace of mind.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Alam mo Oyo tanginamoka 🖕 ayun lang thank you 😇

itsgrasyaaa
1 year ago

pare-pareho naman kayong may mga mali ‘wag na kayo magsisihin kaurat kayo te

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Hirap talaga kapag malayo Oyo hindi kita masakal 🙂

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Hys baka kulang kalang sa lambing Oyo halika dali kiss 💋 nalang kita

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Bigti ka na lang Oyo. Utak mo walang kwenta eh. Cheating is not a mistake, its a choice. Isa ka pa rin naman nagmamalinis eh. Dami mo dahilan, pang bobo naman

Anonymous
Anonymous
1 year ago

“Flirt lang” daw ampota. Ket ano pa yon, babae yon ng tropa mo. Girlfriend man o hindi. Letche ka gusto kita sakalin

Her Thoughts
Her Thoughts
1 year ago

Ilan taon ka na nga ulit, Oyo? Akala ko ganyan lang talaga behavior mo yet kahit paano matino pa ang takbo ng isip mo kaso hindi pala. Para kang bata na kapag itinatama mas magrerebelde pa. Anong gusto mong gawin ni Andrei? Tumunganga habang gumagawa ka ng kalokohan? You were ruining your future noong sinabi mo na na-drop ka at walang kaalam alam yung magulang mo. Naniniwala na yung anak nila, nagtatapos para sa diploma. Next, yung relationship ni Gerald at nung girlfriend niya. Flirt lang? Kahit ano pang itawag mo, kung makakasira ‘yan ng relasyon. Makakasira yan. At gawain lang yan ng mga bata at taong wala sa katinuan. Nagpapa-uto sa sinasabi ng nararamdaman at hindi nag iisip sa kung anong kahihinatnan nung actions nila. Grow up, young man! Reminder lang, you will regret it someday.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Magkaibigan talaga sila. Oh well, god bless!

Anonymous
Anonymous
1 year ago

I kennat

Chokenut
Chokenut
1 year ago

Ang panget ng POV mo Oyo🥱

Nicx
Nicx
1 year ago

Kala mo din ang linis ni Oyo. Parehas lang kayo.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Isa sa ka sa patunay ng walang kwentang kaibigan ogag kang oyo ka

sjdxjxjxj
sjdxjxjxj
1 year ago

PUTANGINA MO OYO HAHAAHAAHHAHA ISA KANG LASON. ANG GULO MO MAGKWENTO PARANG BADING.

secretzz
secretzz
1 year ago

Sino din inulol mo Oyo, parehas lang kayong g*go HAHAHAHAHA lol wala na kayong maloloko uy, karma sainyo yan! 🤣

Sia
Sia
1 year ago

Tagal kong hinintay tong pov ni Oyo kala ko kasi may sense. Wala akong masabi kay Oyo kung hindi TF

Sie
Sie
1 year ago

Napaka basura ng mindset at pag uugali neto ni accla. Sa ginawa mong yan Oyo pinahiya mo lang lalo sarili mo

cris
1 year ago

present po!
(char kala ko may attendance)

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Sa tingin mo sa ugali mong yan may makikipagkaibigan pa sayo? May saltik ka yata sa utak bro

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Pinapahiya mo lng sarili mo oyo! Ulol

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Hmmm jealousy? Inggit? Or na iinsecure? Kung mGkakakilala n kau since bata plang hndi kau hahantong sa gantong sitwasyon kung tunay nga kaung kaibigan sa isa’t- isa. Sa syudad ung mga lalaki (hindi ko nilalahat) panay parinigan sa soc.med. kung mag away parang babae. Sa probinsya kung my galit sau pag ganyan na yan magugulat ka nlang nakahandusay kna😆😆 wala ng parinigan2 na yan diretso na sa gyera😆😆

error: Content is protected!
221
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x