“SABAY KAMING N@BÛNTÎS NG SÎDE CHÎCK NI 12-YEAR PARTNER”

May ex-boyfriend ako. 202* kami naghiwalay. 12 years and 5 months kami.

Nagkakilala kami no’ng first year college. Hanggang sa maka-graduate kami. Hanggang sa magka-work na kami.

Tapos no’ng pandemic, nagsama na kami. Masaya kami, sobra. Masaya siyang kasama. Lagi siyang positive.

Lagi niya ‘kong pinapasaya. Masaya ‘yung relasyon namin. Ayaw niya ng drama sa relasyon namin. Gusto niya lagi kaming masaya.

Eto na nga, n4bûnt!s na ‘ko. No’ng nalaman niya ‘yun, sobrang saya niya. Masaya rin ako, s’yempre.

Tapos halos ibigay niya na sa ‘kin lahat, pati nga buwan kung kaya niyang ibigay, ibibigay niya e, lahat-lahat.

Sobrang selan kong magbuntis at sobrang sungit ko kasi hirap na hirap ako. Pero masaya pa rin naman kami.

Tapos no’ng pang-8 months ko na, may napansin ako na parang may kakaiba sa kanya. Kaya lagi akong nagtatanong sa kanya kung may problema ba, wala naman daw.

Pero s’yempre babae tayo, nararamdaman natin kung may kakaiba, e.

Umiiyak ako lagi, kasi parang may iba. ‘Pag nand’yan siya, masaya ang pinapakita ko. Pero madalas, umiiyak ako kapag papasok na siya sa trabaho.

Hanggang sa naging toxic na ‘ko. ‘Pag mamalengke siya, i-checheck ko ‘yung cellphone niya. Wala naman akong nakikita, pero ramdam kong may kakaiba talaga sa kanya.

Tapos one time, no’ng gabing umuwi siya, nagpanggap lang akong tulog. Tumabi siya sa ‘kin. Sabi niya, “I’m sorry” tapos mahal niya ‘ko. Nag-iisip ako, bakit kaya? Bakit siya nagso-sorry?

Then fast forward, nanganak na ‘ko. Sobrang saya namin. Okay naman kami. Niyây4k4p niya ‘ko. Nagsasabi akong nanghihina ako. Inaasikaso niya ‘ko.

Pero no’ng pang-1 week, nag-away kami so ako si ma-pride, konting away, kahit nanghihina, umalis ako. Hindi ko alam, gumawa na pala talaga siya ng pag-aawayan namin.

So eto na nga, nag-usap ulit kami. Nag-chat pa siyang mahal niya ‘ko. May quotes pa siyang ipinapadala na kesyo nasa puso niya ‘ko, eme.

So ‘yun na nga, fast forward ulit. No’ng gabi bago mag-Pasko, usapan naming susunduin niya kami ng anak niya para doon sa kanila mag-papasko.

Pero bigla akong kinutuban. So nag-stalk ako, then ‘yun na nga, nalaman kong sabay kaming n@bûnt!s ng s!de ch!ck niya.

Grabe, alam niyo ba, ni hindi ako umiyak hanggang ngayon na nalaman ko. ‘Di ko alam if manhid ba ‘ko or ano.

Pero parang ‘di pa rin ako makapaniwala na habang buntis ako, nagawa niyang mâkipâgl4ndi4n sa iba. At n@bûnt!s niya rin.

Kaya ‘yung nasa utak ko, lahat ng ginawa niya sa ‘kin. Parang nabalewala lahat ‘yun, kaplastikan lang lahat. Na hindi niya talaga ‘ko mahal. Na matagal niya na ‘kong niloloko.

Gano’n pala talaga, ‘no? Kahit kasama mo pa 24/7, if magchi-cheat, magchi-cheat. Sa ‘min kasi, sa relasyon namin, hindi mo talaga iisiping lolokohin niya ‘ko. Sobrang maasikaso. Sobrang galante.

Walang araw, kahit ‘di pa ‘ko buntis, na hindi niya ‘ko pinapasalubungan. Lagi niya ‘kong naaalala. Kakainin niya na lang, dadalhin niya pa sa ‘kin. Baka raw kasi gusto ko no’n.

Kumbaga kalahati ng buhay namin, magkasama na kami. Mag-best friend na nga kami, e.

Pero bakit kaya may mga babaeng gano’n, ‘no? Masaya silang nakasakit sila ng kapwa nila babae. Bakit kaya gano’n?

Pero ang alam ko, kahit ano pang lapit ng babae, if hindi papatulan ng lalaki, walang mangyayari. Kaya mas kasalanan niya ‘yun.

Kaya ‘di ko na kaya pang patawarin siya at ‘di ko na rin kayang makita pa siya.

Selfish ba ‘ko kung ayaw ko nang ipakita ‘yung anak namin sa kanya? Tutal may anak na rin naman siya do’n sa isa.

Qoobee, 201*, ITQC

*do not copy/paste this content on any platform

13
guest
28 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Aishi
Aishi
1 year ago

Kudos to the things that you’ve done, try to imagine sobrang strong mo to think di ka umiyak and umalis ka like nothing happen. For me no! You’re not a Bad person. When in fact thats the best thing na ginawa mo. Sya yung nawalan hindi ikaw. Kasi ikaw may Baby na may motivation ka sa mga bagay na gusto mong gawin kasi uuwi ka sa bahay nyong may maghihintay sayong bata at anak mo. 🥺 how I wish hahaha lols.

Akila
Akila
Reply to  Aishi
1 year ago

And don’t let him to put his surname sana sa bata para talagang wala syang palag hahahahah lintek na lalake to

Mommymoo
Mommymoo
1 year ago

Ganyn tlga mij , masaya sila e pag nka sira sila ng pamilya … Pero de nila na isip yung bbalik sa knila na karma .. subrang tapang at lakas mo , paka tatag ka po pra sa baby mo siguro for now deserve nya yan dmkita anak nya dahil pinag palit nya kayo sa panandalian saya . 🥺🥺

@Emie
@Emie
1 year ago

Kudos to you teata! You deserve so much more than him. Moving forward, ikaw at ang baby mo na lang aalalahanin mo. I know mahirap especially sa mga babae, but you can do it. And it is so much more rewarding na nakayanan mo mag-isa. You deserve better and you will get it. Wag mo na sya pansinin pa or give another chance cuz he will do it again. They always do. Anyways, I do also agree that the baby should have your surname not his. Goodluck! I know you can do it! And congrats for getting out of that kind of relationship!

Cjxx
Cjxx
1 year ago

Kuhang kuha nya ang inis ko anteh! Same na same Ang ginawa satin. Yun nga lang 12 years Po kayo, tapos nakabuntis nya. E kami po 2 years tapos ipapagpalit lang sa virgin.

Ps. Di naman daw na ako virgin Nung nakuha nya, so di daw Po ako kawalan pati na rin Yung anak namin

umay
umay
Reply to  Cjxx
9 months ago

parang tanga naman po ex nyo ate. puro pasarap lang ang alam, ang plastik . basta matikman ka lang, ending wala na syang respeto sayo kasi pinopoint out nyang di ka naman V nung nakuha ka nya hayop talaga mga ganyang lalake. mahigpit na yakap pooo 🫂

Michicko
Michicko
Reply to  Cjxx
9 months ago

Grabe din kapal ng mukha ng lalakeng nag hahangad ng virgin eh sila nga mismo di rin naman virgin hahaha. Mabulok sana mga boto nila 🤣

Bwahahaywa
Bwahahaywa
Reply to  Cjxx
6 months ago

Sorry kung na experience mo yan, i hope you and your baby is living the best life you deserve❤️ yaan mo na ex mo maputol tite nya sa kagaguhan nya

Dorothea
Dorothea
1 year ago

Nakakayamot yang lalaking yan kala mo hindi naggrade 2 aba. Sending warmest hugs with consent sender. Indeed kahit magkasama kayo 24/7 kung bet niya magcheat, magcheat yan. Karma will haunt that guy.

Bibi
Bibi
1 year ago

Grabe naman yang lalaki na yan.
Kaya nga ako kahit 2 years mahigit palang ang relasyon namin, di ako masyadong nagpapakampante. Para kung may ganyang cheating issue man na mangyayari, naging handa ako, mas lessen na yong sakit na mararamdaman mo kasi expected mo na.

Now i realize na kahit gaano pa kayo katagal, kung magloloko, magloloko yan. Kahit naman may lumandi sakanyang babae, nasa sakanya naman yan.

May nang ganyan din sakin eh.
Sobrang sinungaling na lalaki. Talagang di mo makikita na may panloloko siyang ginawa. High School days namin, sobrang smooth lang. Pero dahil walang nangyayari samin, hinanap niya yon sa iba sa ex niya, kahit may karelasyon na siya. At nabuntis pa niya.

Recently, ko nalang nalaman. You know what, alam din pala ng isa naming kaibigan.

Kaya ngayon, di na ako magtataka kung bakit kahit di ko pa nalalaman yon, literal na isang araw gumising ako ng di ko na mahal yong taong yon.

Kaya pala nagchat siya dati sa bf ko ng ingatan daw ako, lakas mo magsabi na ingatan ako eh hindi mo nga ako iningatan.

In the first placed, ikaw na pala yong may cheating issue. Siguro talagang ako yong tinamaan ng karma mo, kasi parang ako pa yong nakaka hadlang para mabuo kayo ng pamilya mo.

Until now, di ko alam kung napatawad na kita. Kasi siguro kung pinaglaban mo pa rin ako, di magkakaganito ang buhay ko.

Emem
2022
ABM
Confidential

Yrk*
Yrk*
1 year ago

It’s your choice sender kung ayaw mong ipakita baby mo sa kanya. But isipin mo din na at the same time eh pinagdadamutan mo din yung anak mo na maranasan ang pagmamahal ng isang ama. Maaaring sayo hindi siya naging mabuting partner, pero hindi ibig sabihin nun na hindi siya mabuting ama. Ilabas niyo sana yung bata sa problema niyong magpartner kasi wala naman siyang kinalaman sa naging outcome ng relasyon niyo. Praying for you sender

Last edited 1 year ago by Yrk*
Bwahahaywa
Bwahahaywa
Reply to  Yrk*
6 months ago

Mas mabuti nang itago ni sender anak nila, maiintindihan nya rin yan pag laki nya, i hope makakita ng lalakeng matino si sender at mamahalin at magpupuna ng pagmamahal ng anak nila❤️ di deserve ng gago na tatay yan and i hope the guys is suffering his karma now

anghel
anghel
1 year ago

gusto ko lang malaman na paano niya nalaman na yun yung sidechick niya🥺nabitin ako

Error
Error
1 year ago

Tama lang na hindi mo ipakita ang bata. Tutal ginulo nya na buhay mo wag namadamay pa bata. Mamuhay kayong dalawa ng anak mo ng payapa. Hindi mo kailangan yung lalaki nayan. Uulit pa yan pag pinatawad mo. Pabayaan mo na siya. Palakihin mo ng maayos ang bata okay na yon. Don sya sa nabuntis nya. Ikaw nga niloko yung babae pa kayang maharot lang na pumatol sa may partner at buntis pa ang partner. Ganon din gagawin sakanya non baka akala nya naka jackpot sya. Nakajackpot sya ng kupal.

Bwahahaywa
Bwahahaywa
Reply to  Error
6 months ago

True, malamang gulo na relasyon nila ng chick nya🤪

curly87
curly87
1 year ago

Oiey sender,,wag mo na ipakita dun anak nio,,,malamang sa malamang kakarampot na atensyn lng din maibibigay nia,,,cheater nga sayo yun eyh,di nga magawang mahalin ka ng BUO anak nio Pa kaya,ey given na Yan na merong kayu pero nagkaroon Pa ng sila,,paano Pa kaya yung may “anak na nga kayo n lalabas na sa sinapupunan mo
nagawa Pa niang mag anak din sa iba”..hinati hati na nia eyh,,,
Weakness ng mga magulang ang anak,alam ko yun,,kaya weakness ng lalaki mo Yang anak mo,,kaya minsan mas maigi nang diyan Pa Lang nakakaganti ka na kahit papano sa sakit na ipinaramdam nia,,,di tau selfish sa paraan na Yan,,,dapat ba sila Lang maging selfish?,patas dapat…kaya tayo ginawang kawawa ng mga putangi*ang mga lalaki na Yan eyh,kasi ang mindset ng mga yan “di tayo kawalan sa kanila,makakahanap sila at may naghahanap padin sa kanila kahit wala na tau mga babae sa buhay nila,”…matataas pride ng mga gagong yan eyh,…kesyo mga “lalaki sila”…mga buang mga yan..
Choice nia na saktan ka,kaya choice mo rin na di ipakita anak nio s kanya,wag mo ipadala apilyedo nia pra isahang sakit lng tlaga lahat,. Wag ka marupok.anak mo nlng tuunan mo ng pansin,,,mamatay din Yang mga lalaking ganyan….

Last edited 1 year ago by kulot_j
Bwahahaywa
Bwahahaywa
Reply to  curly87
6 months ago

Hahaha true, buang sila, pero wag sana mamatay agad kelangan pa nila maranasan yung karma

Accla na Accla kay Minatozaki Sana
Accla na Accla kay Minatozaki Sana
1 year ago

Sender, hindi mo deserve yang lalaking yan. Ilayo mo na anak mo sa kanya.

Kiray2012
Kiray2012
1 year ago

Hindi sya selfish, nasaktan ka valid ang feelings mo. Once a cheater always a cheater mas pahalagahan mo ngayon ang anak nyo. Kung nagawa ka nyang lokohin sa kabila ng maraming taon nyong pagsasama ano pa ngayon kahit may anak kayo. Mahalin mo lalo ang sarili mo at anak mo.

aassii
aassii
9 months ago

Eto yung dahilan kung bakit hinding hindi ako magmamahal ng buo ulit haha. Kase kahit anong tamis mag salita, makita mo man din sa gawa, may possibility parin na mag cheat.

Last edited 9 months ago by aassii
Bwahahaywa
Bwahahaywa
Reply to  aassii
6 months ago

Sameee, mga lalakeng kala mo naman ganon ka gwapo jusko mga cheater asian size naman🤪

Akotosimik
Akotosimik
9 months ago

Tama yan sender na hiniwalayan mo yung partner mo. At the very first place kung mahal ja nya bakit sya mag hahanap ng iba diba? Mahal ka pero nag loko isang pautangina sya. Wag mo na ipakita yung anak mo dun kase d nya deserve makita ang anak nya. May karma na darating sakanya kaya chill lang sender. Kung gusto nyang makipag balikan sayo please sender wag kang makikipag balikan, tama na yung isang beses kang nauto. Mag focus ka nalang sender sa baby mo. Wag kang magpapakatanga dun sa lalake buset.

aassii
aassii
9 months ago

Tama yung ginawa mo ate girl, sa usapang cheating mas may kasalanan yung nasa relasyon. Kase sila yung commited hindi yung third party. Sila yung may iniwang pangako, hindi yung kabet.

Hakdog
Hakdog
9 months ago

Ang strong mo sender kunti nalang tayung dimag hahabol sa lalaki no lalong’lalo nakung may cheating issue. Mga lalaki talaga ang gagaling manloko, magagaling magpanggap grabi 👏

Bwahahaywa
Bwahahaywa
Reply to  Hakdog
6 months ago

sanaol po strong😭 ako ngayon buntis nagdudusa

Eng
Eng
9 months ago

The audacity of this guy arghhh. But good job, you just saved yourself. Wag mo na ipakita yung bata mas may karapatan ka naman dyan dahil ikaw ang nanay. Pag hinanap ng bata ang tatay tsaka na siguro. Patawarin? Maybe hindi sa ngayon pero pag dating ng oanahaon mapapatawad mo na.

Michicko
Michicko
9 months ago

Salute 🫡 to strong beautiful woman like you 😊. Mga ganyang tao di na pinang hihinayangan hehe. Good luck po sa inyo ng baby mo 😊.

Xxxx
Xxxx
9 months ago

Si Anna mae barredo ba yung side chick? charot. pero mahilig din pumatol to sa nga may gf na hahahaha

Last edited 9 months ago by Xxxx
error: Content is protected!
28
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x