STUDY WELL

Hello! Share ko lang nangyari sa graduation namin. May kakilala kase ako dati noong high school ako na nanligaw sa akin. Tawagin na lang natin sa pangalang Jerome. Taga-ibang school siya pero nakilala niya ako through his friends.

Nanligaw siya sa akin for almost a year. Gusto ko siyang sagutin pero Grade 10 pa lang ako ‘non at ang rule ng parents ko ay huwag muna mag boyfriend hangga’t hindi pa nakapagtapos ng high school. Sinabi ko naman ‘yon kay Jerome at ang sabi niya ay hihintayin niya raw ako makatapos ng Grade 12.

Naniwala naman ako dahil gustong-gusto ko siya ‘non. Meron ngang part sa akin na gusto kong suwayin ‘yong parents ko para sa kanya at itago na lang sana namin. Pero ayokong may iisipin ako dahil b0bo na nga ako, mag-ooverthink pa ako. Nakakatakot! Sabi ko na lang sa kanya na,

“Sige, study first na lang muna tayo, ilang years na lang naman.”

Sa pag-aakalang aantayin niya ako kaya excited na ako ‘non mag-senior high school. Iniisip ko na nga rin kung paano ko siya sagutin. But all of a sudden hindi na siya nagparamdam. Akala ko noong una busy lang kase malapit na moving up namin ‘non. Nagulat na lang ako at narinig kong girlfriend niya na ‘yong isa kong kaklase. Hindi man lang niya ako binigyan ng hint or what para sana nauna na akong mag-move on diba. Pinaasa pa niya akong mag-aantay siya.

Nasaktan ako ‘non. I don’t know if that is considered as ‘broken hearted’ kase hindi naman naging kami pero masakit talaga siya deep inside. Months din ang nagdaan na wala akong ganang kumilos. Nakakatamad , nakakaantok at nakakapanghina.

Hanggang sa isang araw naisip ko na lang na panindigan ko ‘yong sinabi kong ‘study first’ kahit alam kong wala na akong hinihintay. Nag-focus ako sa pag-aaral. Dati tinatawag kong b0bo ang sarili ko pero nagulat ako natapos ko ‘yong Grade 11 nang with High Honors. Unbelievable!

Grade 12, nagtapos akong with Highest Honorsa batch namin. Gulat nga ‘yong mga kamag-anak ko pati parents ko. Sabi ko lang, ako rin nagulat ako. Hindi ko siya inaasahan. Ang alam ko lang nag-aral akong mabuti.

Graduation day, andoon ‘yong parents ko halatang proud na proud sila sa akin. Sa kabilang banda andoon din si Jerome. Syempre ka-batch ko naging girlfriend niya. Sana all nagtagal haha. Gusto ko magpasalamat sa kanya at sa tingin ko tadhana yata talagang magtagpo kami kase after ceremony nagkasakubong kami sa hallway.

“Congrats! Grabe ka ha. Rinig ko kanina with Highest Honors ka? Lakas maka-glow up. Balita ko halimäw ka na raw sa Math, akala ko ba ayaw mo ng Math?”

“Well hahaha dati ‘yon. Wala eh, study first kase dapat diba?”

Marami pa kong gustong sabihin. Gusto ko sana talagang mag-thank you sa kanya sa pang-ghost at sa pagpaasa sa akin. Pero i realized na magmumukha lang ako bitter. Let my success make the noise. Lol. Kaya ayun, better luck na lang next time self! Alam kong bata pa naman ako. Worth it din naman ang pagsisipag ko sa pag-aaral.

Rose

2022

*Confidential

Subscribe
Notify of
guest
5 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Sunghoon
Sunghoon
1 year ago

Tama yan sender! Study first muna darating din ang para sayo.

Reyn
Reyn
1 year ago

when kaya ako magiging ganyan shems bat kasi ang tamad q dbdisgfbisd

Jans
Jans
1 year ago

Nakakainspire po ng sobraa!! Thanks po sender!!

GandaLang
GandaLang
1 year ago

Grabe yun sender, nakakainspireeee! Keep it up!!

Accla na Accla kay Ms.Minatozaki Sana
Accla na Accla kay Ms.Minatozaki Sana
1 year ago

hala! sanaol. magstustudy narin ako ng math

error: Content is protected!
5
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x