“Saan ako kukuha ng pang-diaper at gatas ng baby ko kung ‘di ko papatusin offer ng friend ko?”

KAPIT SA P*T*LÎM

Hi, need some advice, title pa lang alam niyo na mali na gagawin ko, pero kung sino perpekto dito, siya na mauna mag-judge sa kin.

Pamilyado na akong tao, graduate na rin ng kolehiyo pero di ako matanggap-tanggap sa trabaho, kaya nahihirap na ako ngayon lalo’t meron na akong binubuhay na pamilya.


Para na akong mababaliw kaiisip kung saan kukuha ng panggastos sa mag-ina ko.

Then days come, meron akong isang friend na nag-offer sa kin ng isang b*kla, tutulungan daw ako makapagtrabaho, pero alam mo na kapalit nun, syempre wala ng libre ngayon.

Should I take the risk or not? If not, saan ako kukuha ng pang-diaper at gatas ng baby ko kung di ko papatusin to?


Yourstressandd*pr*ssed igop, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

1
1
guest
14 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Mema
Mema
6 months ago

Siguro itry mo padin pong maghanap ng trabaho. Aayon din po ang panahon. Wag mo lang po siguro susubukan yung sa offer ng friend mo kasi baka pagsisihan mo lang sa huli. Masisira pa tiwala ng mag ina mo sayo. Cheer up sender!

Chika
Chika
6 months ago

Sender i wont judge you since i haven’t experience your situation, but yung desisyon mo ay di lang ikaw yung maaapektuhan sabi mo nga may pamilya ka na alam ko lang mahirap pero try mo pa rin ang ibang paraan sender ng hindi kumakapit sa ganyan,dahil may tendency na hindi maganda kalabasan nyan at pagsisihan mo pa sa huli,laban lang.(JUST MY OPNION)

Jerbe
Jerbe
6 months ago

Pm ka sakin sender need namin tao na gusto magwork say Amin??installer Ng campany glass

Ehhh?
Ehhh?
6 months ago

Kung di ka matanggap sa profession na kinuha mo at natapos mo, magtry ka sa ibaang profession. Kasi kung ang ipapakain mo sa magina mo is galing sa di magandang bagay, para mo na ring pinakain ng tae magina mo.

SUGAsgirl
SUGAsgirl
6 months ago

Hello, I think it’s really unfair for your partner kung gagawin mo yan. What if etong bakla na ito is kung sino-sino ang binobooking? Edi nahawa ka na sa sakit if ever, and mahahawa mo pa yung asawa mo. Mag isip ka ngang mabuti sender, kung sayo gawin ng asawa mo yan matutuwa ka ba???? Gamitin mo po yung sentido common mo. Wag mo bigyan ng dahilan para masira yang family mo. Tsaka pwede ka po muna magtry sa mas mababang work or yung mga work na minimum lang ang sahod, try mo sa Andoks, wala naman akong nakita na di natanggap don. Except nalang kung puno na sa mga outlets na malapit sayo. Minimum ang sahod pero at least sa malinis na paraan mo nakuha, hindi yung nahirapan ka lang sa una, kakapit ka na agad sa bakla. Isipin mo yung pamilya mo!! Matanda kana, alam mo na yung tama at mali boy🥴

SUGAsgirl
SUGAsgirl
Reply to  SUGAsgirl
6 months ago

+ habang nage-earn ka sa minimum wage, try mo maghanap online ng related sa graduated course mo. I think it’s 1000× okay than the suggestion of your ‘friend’. Walang totoong kaibigan ang gusto na mapunta ka sa masamang situation. Mag isip ka na po kung tama pa ba na kaibigan mo yan 🙂

Enebe
Enebe
6 months ago

Unang una bro, bakit di mo muna unahin mag-apply? Maraming pwedeng maging work kesa ayan ang isipin mong maging solusyon agad. Construction? Bagger or cashier sa isang supermarket? 711? If kaya mo mawalay muna sa family mo, ofw. Madami na nagtuturo sa tiktok at fb paano ka magiging ofw, like factory sa South Korea, Taiwan, etc. Sa usaping diskarte, hindi yan matinong diskarte, basta ba kung papasukin yan wala kang magiging regret kasi first of all, choice yan. I’ll pray for your family sender, please, take my advice muna bago ayan ang isipin mong gawin. And always, always think about sa magiging future hindi lang sayo pero pati sa family mo. Okay? Not against sa pamamakla, pero kasi, di naman yan everyday eh masusuportahan ka.

Ramburat
Ramburat
6 months ago

Try to join different job hirimg pages, send lang ng send ng gmail. Just trust the process! Isipin mo nalang yung kahihiyan na gagawin mo, pwedeng madala ng anak mo paglaki niya.

May
May
6 months ago

Hi sender, try nyo parin po mag hanap ng trabaho, suggest ko lang po what if po punta po kayo sa cityhall ng city nyo may mga inooffer po don basta magtanong-tanong lang po kayo, yung offer po ng friend nyo wag na wag n’yo po susubukan lalong’lalo na may pamilya po kayo pano na lang yung asawa n’yo at anak n’yo may mga consequence ang lahat ng desisyon mapa-tama o mali man yan.

Hakdog
Hakdog
6 months ago

Yan ang hirap sa iba eh bubuo nang pamilya dipa handa financially. Akala siguro madali lang magkapamilya basta may pang kain pang okay na, kung sinu payung salat sa buhay sila payung atat magka anak. Kaya deserve nyu mag hirap kasi KAGAGAWAN NYU RIN NAMAN YAN. Akala nyuha madali magka anak ayan magdusa kayu, pwedi namang mag condom pero matitigas talaga ang ulo, MAS MURA MAG CONDOM KISA BUMOHAY NANG BATA MGA TANGA.

Xiao
Xiao
6 months ago

Nako nako sender, pag sinubukan mo yan at pinatulan ako na magsasabe sayo masisira Buhay mo! Expected mona din na mawawala pamilya mo sayo.

Xiao
Xiao
6 months ago

Subukan mopa din maghanap ng trabaho sender kahit sa online, try mo mag search sa TikTok sumali ka sa mga naghahanap ng encoder o di kaya virtual associate ❤️

Kyle
Kyle
6 months ago

Try harder po, napakaraming hiring. Kahit hindi base sa tinapos mo. Wag kang papatol sa mga mapag samantala.

Kyle
Kyle
Reply to  Kyle
6 months ago

Virtual assistant po, pwede ka dun for sure.

error: Content is protected!
14
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x