REUNION WITH MY EX

Good day Admin! Hèlp! OMG. I just want to ask for any advice of your readers of this page kung ano ang dapat kong gawin?!

Sooooo, I am currently a third year college student, inactive ang lovelife, nagkakacrush din naman at may kaunting nanliligaw pero since high school hindi na ako nag-eentertain because of this boy na nanligaw sa akin when I was still in junior high, na itago natin sa pangalang Dave. Senior namin ang batch niya at crush na crush ko siya noon sobra. Well sino ba namang hindi, eh matalino, varsity player, pogi, may motor (bihira pa kasi mga estudyanteng may motor noon sa province namin kaya pag ang lalaki nakamotor, dagdag pogi points yon XD), tapos mukhang mabango lagi kahit pawisan dahil sa training.

To make the story short, napansin niya ang kagandahan ko (chos) at niligawan niya ako sa loob ng mahigit apat na buwan. Sa mga panahong yon, narealize kong hindi lang paghanga ang naramdaman ko. Hindi ko sure if it was love, pero kasi sino ba namang hindi mafo-fall, napakagentleman tapos dahil sa kanya naiinspire akong mag-aral ng mabuti. Graduation nila, nangako siya sa’king kahit nasa malayo na eh liligawan pa rin niya ako. Gusto ko na siyang sagutin non kaso nakulangan ako sa time kasi kinabukasan after graduation eh bumiyahe na agad siya papuntang Maynila. Kaya mga linggong nakalipas, doon ko siya sinagot kahit malayo kami sa isa’t isa.

Mga dalawang buwan din kaming nagkaroon ng connection simula nong nakapaenroll siya sa first semester habang senior high naman ako, tapos dumating na lang yong araw na biglang wala na. Walang closure, walang chat na “uy, break na tayo”, bigla na lang siyang di nagchachat ganon. Although may part saking nanghihinayang, naisip kong part din ito ng maturity phase, you know, learning to accept, let go and move on, and all that. Pero eto na nga mga siss!

Fast forward tayo, so college na ako ngayon, third year. Tapos kauuwi ko lang sa province namin kasi nga academic break. Bukas may family reunion kami, outing-outing ganon. May GC kaming magpipinsan tapos yong isang pinsan ko na itago na lang natin sa pangalang Jia, inannounce saming dadalhin daw niya jowa niya at ipapakilala na officially sa parents niya at sa amin na rin. (Sa Manila nag high school at nagka-college si Jia, hindi namin siya masyadong close kasi nga malayo pero nakakapag communicate pa rin occasionally sa GC)

Mga sis yong puso ko parang dinaanan ng mga kabayo nong sinend niya yong picture nong boyfriend niya, holy molly it was Dave! Si Ayla (yong isa ko pang pinsan na kabatch ko at same school din noon dito sa province), siya lang may alam na nanligaw sa kin noon si Dave kaya ni chat agad niya ako after mag send ni Jia, shocked din si Ayla gaya ko.

Bukas na ang outing ng pamilya namin at kailangan ko ng advice niyo, what should I do? Balak ko nga sanang magsakit sakitan para hindi na lang pumunta kaso knowing yong mga tito at tita ko kasama nila papa at mama, kahit pa totoong may lagnat ako eh hindi pwedeng may maiiwan.

P.S. Kalimutan niyo muna si Oyo ako muna bigyan niyo ng advice please lang 😭

BasherNiOyo
2022
Accountancy
UC

guest
2 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Dinosaur
Dinosaur
1 year ago

🫰

Riyo
Riyo
1 year ago

Grabe yong mga plot twist dito 🥹

error: Content is protected!
2
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x