PUSTISO


Hello po. Gusto ko lang i-share noong broken hearted itong kaibigan namin na itago niyo nalang sa pangalang Feya. Nag-aya siyanh uminom kasama yung isa pa naming kaibigan na si Lai sa bahay nila. Eh sakto day-off ko naman that day and ‘di kami okay ng boyfriend ko so sumama nalang ako.

Fast forward, nag iinûman na kami and kwentuhan, iyakan, kasi broken nga yung isa. Mababa talaga alcohol tolerance ko pero syempre dapat mayabang tayo, hanggang sa malâsing na ako pero sila buhay pa rin.

Sûka na ako nang sûka at sinamahan naman ako ni Feya papuntang banyo, kada buga ko, buhos din sya nang buhos. So nung medyo okay na humarap na ‘ko sa salamin para ayusin sarili ko, and nakita ko nawawala na yung apat kong ngipin sa unahan, tang*na edi nawala lasing ko.

Nagtitigan pa kami ng kaibigan ko bago tingnan yung inidoro. At mas lalong nawala ang lasing ko nung dukutin netong si Feya sa bowl yung pustiso ko (kadîriiiii) pero wala na. Sorry siya nang sorry kasi binuhusan nya raw.

Yun narealize ko na ‘di magandang idea na sumama pa ‘ko sa inuman. Imbes na makalimot kaibigan ko sa problema dinagdagan ko pa.

Edi paglabas namin sa banyo tawanan sila. Syempre ako namroblema rin nun kasi kinaumagahan may shift ako, eh pano nalang ako makikipagusap nyan eh singaw na ako magsalita. Buti nalang uso na facemask.

Sinamahan na ‘ko kinaumagahan ni Lai para magpapustiso. Nag ambagan pa sila kasi wala pa kong sahod that time.

So yung break up talaga ng kaibigan ko ang unforgettable. Kada gatherings ba naman ayun yung topic. Nakakahiya pero okay lang at least naka-move on agad ‘tong tropa ko. Happy pill talaga nila ako.

Isa din ba kayo sa happy pill ng tropa nyo?
Ano unforgettable nilang experience sainyo?

Aye
2022
BSBA
*Confidential

guest
4 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Anonymous
Anonymous
1 year ago

napasaya din ako ng pustiso mo ate hahahaha pero mas happy ako talaga dahil may website na kayo USF!!! super love ko po kayo admins huhuhuhu <3

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Woy HAHAHAHAH

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Wahahhaahhahahah this one made my day😊😊😊😊 thankyou sender

Markcism
Markcism
1 year ago

Your pustiso made my day! HAHAHAHA

error: Content is protected!
4
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x