“PÍNÄBÂYÁÀN ANG NAG-IISANG ANAK SAKA SUMAMA SA MAY TATLONG ANAK” (PART 2)

Hi readers, it’s me again, update lang sa father ng baby ko slash ex-partner ko.

After ma-post ng story ko sa FEU Secret Files, I decided na sunduin ang suggestions ng iba sa inyo.

Pinuntahan ko yung ex-partner ko sa kanila last Friday, naabutan ko siya nagwo-work, and sabi niya na this Monday daw siya magpapadala sa anak namin bilang sustento.

Wag ko na raw tuloy yung plano kong pagpa-barangay so pinagbigyan ko siya, pinaniwalaan ko siya.

Last night, tinext ko siya if what time siya magpapadala ngayon kasi kako, ibibili ko ng uniform yung anak namin, sabi niya,

“Ite-text na lang kita kung kailan ako magpapadala, wag kang magmadali.”

Hindi ko na sinagot yun then kagabihan, bigla siyang nag-text na,

“Tigilan mo na siya, p*t*ng*ná ka!”

So ako, nagulat, nag-reply ako ng

“Ha? Problema mo?”

Tapos nag-reply siya ng “g*gö”, so ako tinawagan ko na siya tapos may sumagot na babae ang boses, sabi niya,

“Bakit ayaw mo pa siya tigilan? Papansin ka rin, g*gô ka, no? Hindi naman niya anak yan.”

Tapos, sasagot pa lang sana ako pero yung kapatid ko na ang nakipagsagutan sa kanya. Nag-text siya…  (see the attached screenshot below)

Ngayon umaga, habang nagtitingin ako ng mga my day sa FB, nakita ko na magkasama na sila. From Bulacan kasi si girl so meaning pinuntahan niya. (see the attached picture, in-screenshot ko)

Like, wow? Talagang mas pinanindigan mo yung di mo anak kaysa sa sarili mong anak na need ng day care uniform plus book? Project pa, clearbook pa…

Nakakasâmā lang ng loob kasi dapat yung anak niya ang nakikinabang sa pera niya pero hindi, inuubos niya sa babae niya at mga anak nun.

What should I do next? Ipaglaban ko ba karapatan ng anak ko or stop na? Gul0 na talaga utak ko ngayon.

Roxanne, 2018, *Confidential*

guest
74 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
carbonaraxxx
carbonaraxxx
11 months ago

ituloy mo yung pagpapabrgy sender para naman may panghahawakan kayong kasulatan tiklop yan.

jane
jane
Reply to  carbonaraxxx
11 months ago

pa tulfo mo

Joanna
Joanna
11 months ago

Ipaglaban mo right Ng anak mo…

......
......
11 months ago

Ituloy mo pagpapa brgy sender, damay mo narin babae dahil sa mga pinagsasabi niya sa’yo

Polly
Polly
11 months ago

Pabarangay mo yan, yung screenshot ipaprint mo isama mo sa reklamo sa barangay.

singkit101
singkit101
11 months ago

Pabarangay mo na sender tapos kapag hindi nasunod kasunduan nyo sa brgy diretso kana sa vawcy (diko sure kung yan yung right spelling) tignan ko lang kung hindi matakot yan. Pero if ayaw mo na ng gulo at gusto mo na ng peace of mind itigil mo nalang sender kasi para wala ng gulo at para wala na din syang karapatan sa anak nyo kasi di naman sya nagbibigay ng maayos na sustento. At kapag tumigil kana sa paghingi ng sustento ng anak mo magkakaron kana ng peace of mind. Kaya mo naman buhayin yan mag-isa kasi isa lang naman baby mo at nag aaral na din kaya keri mo yan sender!

Sol
Sol
11 months ago

If I were you if kaya mong magsustento sa anak mo ng ikaw lng at Hindi himihingi NG tulong sa kaniya much better Wala siyang isusumbat sayo,btw ipabaranggay mo tapos istop kana dessicion niya un Kong magpapakatatay Siya sa anak niya and besides karma well hit hard nmn someday

bear
bear
11 months ago

Nakakarelate ako this month lang ng february weeks before our anniversary he happened to cheat on me sa babaeng may tatlong anak na din si girl siya pang palaban tapos aware na may anak kami at pilit pinag lalaban hindi daw siya kabit kasi there is no marriage involve at idedemanda daw ako mag 1 month na rin at ang partner ko choses us over the other girl which is I don’t even know if its true pero the trauma they’ve caused me is still here I cannot think clearly. And that girl is living her life while us is still not okay.

Mimakerls
Mimakerls
11 months ago

Para sa anak laban! Ipag laban mo nalang yung para sa anak mo. Pag di parin kinaya ng brgy itaas mo sa DSWD tignan naten hangang saan kaya nya😊

Andrea magtoto
Andrea magtoto
11 months ago

Hayaan mo na. Walang kwentang tao ang ganyan. Nagawa niya sainyong mag ina. Posible rin na gawin niya dun sa babae niya. Dont worry. Karma is everywhere. PEro kung talagang kailangan mo ng suporta galing sa walang kwentang lalaki na yun. Gawin mo pumunta ka sa dswd dun ka magfile ng reklamo para sa sustento na gusto mo makuha para sa anak mo. Yan ang better way para makuha mo gusto mo. Believe me. Dahil nangyari na sakin yan.

Last edited 11 months ago by Andrea magtoto
Pixi
Pixi
11 months ago

Ang kapal naman ng muka nung babae. Sya pala talaga may gana magsabi na hindi nya yan anak. Kapal! Baka naman yan sinasabi ng live-in-partner/asawa mo. Grabeeee ne? Dapat sa mga yan pinapakulong.

Sam
Sam
11 months ago

Please,for your child lumaban ka.Loko lang talaga yang asawa mo..

Pixi
Pixi
11 months ago

Dapat dyan pinuputulan ng tit*

Merry Ann Tolentino
Merry Ann Tolentino
11 months ago

Edi papuntahin mo yung girl para malaman nya🤣🤣 kakainis din yung babae may anak din nmn Sana sya. Kung ilapit mo yan ky tulfo panigurado iyak yan mga yan .. kakabwisiiit

Bibi
Bibi
11 months ago

Ituloy mo pav brgy. O kaya lumapit ka sa PAO, pag ganyan yan ng ganyan mas maigi na makulong nalang yan

Mitch
Mitch
11 months ago

Ipabarnggay mo naaaa

Jannn
Jannn
11 months ago

Ipaglaban mo karapatan Ng anak mo ituloy mo na Yung pagpa pabaranggay isama mo na Rin yung kabit nyang maangas kapal ng Mukha eh

Miss love
Miss love
11 months ago

Ipabarangay na yang ex partner mo

GFNP
GFNP
11 months ago

IPATULFO PARA MAHANAP NYA HINAHANAP NYA. PARA MAKUHA MO PEACE OF MIND MO PUTANGINANG LALAKI YAN

Gigilmosican
Gigilmosican
11 months ago

Kasuhan mona te pati si babae lakas magsalita na di daw anak baket yung anak nya may sustento di naman anak ni boy yun samantalang sariling anak walang pakielam

Qwerty
Qwerty
11 months ago

Ipabaranggay mo girl, kung hindi pa din mag abot ng sustento ipa Tulfo mo. Ang lalakas ng loob eh. Bigyan mo ng leksyon para magising sa kahibangan 🤣

loveu14
loveu14
11 months ago

for me talaga sender ituloy moyan kung pwede lg wag ng baranggay keri naman ipatulfo tignan molg kung hinde sya manginig pati yung babae sarap masupalpal

Michicko
Michicko
11 months ago

Hello Sender , if i were you ipag laban mo ung karapatan ng Anak mo . Wag kang papadala sa pangako ng ex mong walang balls. Mag ipon ka ng maraming ibidensya na Pwedeng magamit laban sa kanya like screenshot ng conversation, bcert ng bata na may acknowledgement nya. Marami kang pdeng ikaso pati ung kabit nya kasuhan mo dahil sya pumipigil sa sustento ng Anak mo.

Joy
Joy
11 months ago

Ipaglaban mo ituloy mo sa pa baranggay gawa kayo kasunduan may rights anak mo .

Michicko
Michicko
11 months ago

Padalahan mo ng Demand Letter. Wag mo na idaan sa Baranggay. Rekta kana cswd .kupal ganyang lalake kakasuklam hahaha

Ica
Ica
11 months ago

Sumbong mo sa pamilya niya teh. Sabihin mo yong bagong jowa may tatlong anak at yon na yung binubuhay niya at di manlng na isip yong anak niyo. Mostly sa family kasi na ayaw nila para sa anak nila ang may sabit. Try mo nga teh. Gusto ko nang gulo e kaya lang ayaw ko ako yong nang aaway timing nalang yong situation mo kaya Go! Ate!

Last edited 11 months ago by Ica
Chengchan
Chengchan
11 months ago

Punta kana agad PAO. Wag na barangay lang. Make sure mo undeleted mga sinasabi niya sayo.

girl@25
girl@25
11 months ago

Ay te, kung ako yan bat ako papasindak, hindi ikaw girl ang magdedesisyon for todays vedyow. Sustentuhan ng maayos para tumigil pakarat na babaeng yun, solid sa kapal ng mukha e wala naman anak sa kanya yung ex lip mo. Hahahahah gigil mo ako ante.

girl@25
girl@25
11 months ago

Yung mga ganyang tao yung masarap bigyan ng leksyon bhie, dapat tayo yung mas matapang sa kanila kasi sila yung namemerwisyo e. Wag kang papakabog ti. Fighting!!!!

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
11 months ago

Ipagpatuloy mo yung pagpapabaranggay para mapilitan sya makapagbigay. Rights ng anak nyo na masustentuhan. Di yung sya happy happy lang samantalang ikaw namomroblema.

Atemongsingle.
Atemongsingle.
11 months ago

Sender, pa-baranggay mo para matuto. Gigil Nyan ako e. Hahaha! Okay lang kung Ang kakasamahin may anak basta siguraduhin nyang kaya nyang buhayin lahat kasama yung tunay niyang anak. Hindi yung ididisregard nya mga needs nung biological na anak nya. Takutin mo na pwede mo ipakulong kasi Hindi nagsusustento.

Yosi
Yosi
11 months ago

Pa barangay mo na. Kaya mas lalong kumakapal yung mukha niyang lalaki kasi akala niya hindi mo kayang gawin. Huwag lang matakot sa sasabihin niyan

mau
mau
11 months ago

ipabrgy mo or ipatulfo mo jusko. di na uso mag pakabait ngayon Lalo sa mga ganyang tao. wag mo pahirapan sarili mo ses. kayang kaya mo yang ipabrgy

naughtyowner
naughtyowner
11 months ago

tapang yarn? lol. saved all the possible evidences you might use against them, sender. tuloy mo na pagpapa-barangay jan kung sa sustento nalang pahirapan pa magbigay. your child has all the right to his father. dalawa niyong binuo yan, hindi pwedeng ikaw lang mahirapan. pahirapan mo rin sila. do it for your child. kawawa yung bata, grabe. hindi nya deserve yung ganyang klase ng ama. i have no doubt kung magkakaroon sya ng sama ng loob o hinanakit sa tatay nya kapag lumaki sya. deserved!

Hakdog
Hakdog
11 months ago

Kasuhan mo na kasi para walang syang choice pag umabot na sa kurte yung kaso. Anoba ghurl dilang ikaw ang nag iisang ina na nakikipag agawan nang sustento para sa bata, dikaba nag iisip? Gusto mulang ata nang attention eh, bat ba gusto nyung ipag sigawan sa social media ang problema nyu? Jusko 2023 na di nyu parin alam karapatan nyu bilang may anak nakayu.

Lays
Lays
11 months ago

Wag nang ipabarangay. Ipatulfo mo na lng🥱

adi
adi
11 months ago

para sa akin, stop ka na po at ipapa barangay nalang sila, for sure mapapahiya ang mga iyan. Hindi naman habang buhay magiging masaya yang mga yan, darating din ang araw na magsisisi ang ex partner mo beh.

Last edited 11 months ago by adi
Ganda
Ganda
11 months ago

Kasuhan mo na ng VAWC

skyyyy
skyyyy
11 months ago

angel baby yung music potek, hoy demonyo kayo😬

Kurukuru
Kurukuru
11 months ago

Nakakapu**ngi** talaga yung ganyang mga lalaki eh. Sarap ibaon sa baol ng buhay.

Last edited 11 months ago by Kurukuru
Dhalia Mae Larrosa
Dhalia Mae Larrosa
11 months ago

Ipatulfo mo yang ex-lip mo. Literal na walang utak yan. Karapatan naman ng anak mo ang inapaglaban mo, hindi naman ikaw nagahabol sa relasyon niyo, ang kapal ng mukha nilang dalawa. !!!! Sa hirap naman talaga ng buhay ngayon sender, kahit isa lamang ang anak ay napakahirap ng gumalaw kung walang pera, kaya ipa tulfo mo na yan.

Ken
Ken
11 months ago

Jusko sendee need pa ba itanong? Malamang ipaglaban mo, karapatan ng anak mo yan e. Please lang.

Jessa pacina
Jessa pacina
11 months ago

Naku, yung sa kapatid ko na nga nagpa brgy sila may kasunduan na every month sustento dios ko di nman tinupad ng lalaki . Nka depende lang sa kanya kung magbibigay siya o hindi. 3 anak nila tapos magpapadala lang ng 500, puro studyante. Nasa lalaki talaga yan kung magbibigay o hindi. 😮‍💨

"Arbe1998
"Arbe1998
11 months ago

May kilala din ako niyan, may anak sya 3 tapos mas pinanindigan nya yung 2 anak nung babae. Nakakasad 😔

mirai
mirai
11 months ago

Ipatulfo na yan sender please lang

Jhane
Jhane
11 months ago

My lapit ka nlng sa pao sa munisipyo niyo tapos dswd. May pinirmahan na kasi na ihehelp ng pao at dswd ang mga single parents na magsettle ng sustento yung dating partner mo. Pag barangay kasi areglo lang ganun kaya mas mabuting malaman mo din yung madaming rights ng anak mo sa father niya lalo na sa sustento. Basta mag inquire ka sa dalawa yun lang myyy

Anonymous
Anonymous
11 months ago

Sender, kung sa tingin mo wala ka din naman mapapala kahit sabihin na karapatan ng anak mo yan, siguro STOP na, sorry ha pero kung palagi mong ililimos ang anak mo sa kakarampot na maibibigay ng father nya TAMA na kawawa ang bata, hindi rin kc magiging maganda impact sa bata nyan … Kung kaya mo namang iprovide Go huwag mo na hingiin … Bilang ganti sa father ng anak mo ipakita mo na hindi kailangan manghingi ng anak mo ng kakarampot sakanya, huwag mo din ipakita ang bata, kung maaari nga lang alisin mo na pangalan ng bata sa birthcertificate nya ee sorry ha nakakarelate lang kase ako … Meron kc akong friend na ganyan … Ofw yung lalaki pero mula ng nailabas yung bata sa mundo nanlilimos yung mother ng baby para s pang gatas . Hanggang sa nabalitaan na lang na may iba na yung guy at hindi na sila bnibigyan … Nag bbgay man pero nanlilimos pa … Nakakaawa lang sa part ng bata

eseye
eseye
11 months ago

ITULOY MO ANG BARANGAYAN MI PUTNGINA PALA YANG WALANG BAY4G NA YAN EH

Mochi
Mochi
11 months ago

Ako. I suggest, lagyan mo ng date kung kelan siya dapat magbigay everymonth. Pag di nagbibigay, ipabarangay ulit or police blotter na kasi may batas tungkol dyan. Pag di mo napilit, pumunta ka ng PAO. Hindi yan para sayo pero para sa anak mo. Pag nagreklamo, sabihin mo “SA MGA ANAK NGA NG BAGO MONG JOWA MAY PANGGASTOS KA, SA SARILI MONG ANAK, WALA?”
Pag naman sumabat yung jowa niya, sabihin mo,
“Wala kong pake sayo o sa jowa mo, basta magsustento siya sa anak ko. Kasi kung hindi, edi magkakaso ako.”

On the other hand, kung okay lang naman sayo na walang sustento, kung kaya mo naman mag-isa, wag mo na habulin. Mas at peace ka dito sa option na to. Wag mo nalang ipakita anak mo sa tatay. No sustento, no anak.
Depende yan sayo kung san ka panatag.

Minmean
Minmean
11 months ago

Ipaglaban mo yung karapatan ng anak mo. Ipa-barangay mo na sya at yung babae para matauhan sila at kung d pa rin effective, dalhin mo na sa DSWD. Pwede ka rin magsampa ng kaso sa kanila yung VAWC (Violence Against Women and Children), panigurado pagdinemanda mo yan titiklop yang dalawa na yan. Pwede kang magpa-konsulta sa PAO (Public Attorneys Office)para sa kaso na VAWC para d ka na magbabayad.

Niña
Niña
11 months ago

Ipatulfo mo. Para drretso kulungan

error: Content is protected!
74
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x