“PARTNER KO ANG NAGHAHANAP NG CLIENT KO” (PART 2)

Ipagpapatuloy ko ang una kong kuwento.

Yun nga, nahanapan ulit ako ni live-in partner ng client. 43 years old, mabait siya, di alam na may asawa ako, unang kita namin sa isang private resort, kasama niya mga kaibigan niya. Mayaman sila, as in…

Puro sila skater kahit may edad na silang lahat, at yung pinaka-boss ang client ko doon, na siyang may-ari ng private resort.

Naging maayos at nagustuhan niya ako, palagi kaming nagkikita tuwing Saturday ng gabi tapos uuwi na ng Sunday morning dahil every Saturday and Sunday lang sila nandun para mag-chill.

Lumipas ang madaming linggo na di ako pumalya sa pagpunta don, hanggang nagtiwala na siya sa akin na ibigay ang IG niya para doon kami mag-uusap dahil hawak ng asawa ang Facebook account niya.

Araw-araw kami magkausap, tinatago ko yun sa partner ko, baka kasi makita niya, e di na ako payagan sa ganon.

Lumipas ang buwan, nakipaghiwalay ako sa partner ko dahil hirap na hirap na ko sa dami ng client na binibigay niya sa kin tapos pag-uwi ng bahay ay gagamitin niya pa ako.

Nag-decide akong umuwi sa parents ko kasama ang anak ko, doon ay di ako nahirapan dahil si mom ay nasa ibang bansa at ang dad ko naman ay may small business.

Every week pa rin akong pumupunta sa 43 years old kong client kahit alam kong may mga anak at asawa siya.

Nahulog ako sa kanya. Alam kong ako masasaktan sa huli, pero sa huli pa naman yun.

Pumupunta ako sa kanya, di ko na kinukuha ang perang binibigay niya sa akin dahil nga gusto ko siya at alam kong gusto niya ako, may care kasi kami sa isa’t isa.

Hanggang sa nagpasukan na, nag-decide akong mag-school ulit kaya di na ko nakakapunta sa kanya, pero patuloy pa rin ang conversation namin.

May nagiging client pa ko non dahil nasanay na ko ng may malaki laging pera kaya hinahanap na rin ng katawan ko ang pera.

May engineer, pulis, politician, naging k4bît din ako.

Alam kong magagalit kayo sa akin dahil napakapus0k ko, hanggang sa di ko na talaga napuntahan si 43 years old.

Naging k4bît ulit ako ng isang tao na may pamilya na, na-obsess siya sa akin, yung tipong ayoko na pero gusting-gusto niya pa rin ako.

Nagpapalitan kami ng nûd3 pîctur3s nun, nagde-date kami, namamasyal hanggang sa naisipan kong makipaghiwalay na sa kanya para baguhin ang buhay ko. Kaso ayaw niya, ginawa ko is chinat ko yung asawa niya…

Masyado nang mahaba kaya sa part 3 ko na lang itutuloy ang kuwento.

Mrs. Magdalena, 20**, *Confidential

4
7
guest
37 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Avery Zircon
Avery Zircon
11 months ago

my god.. di ko na knows, huhu. But looking forward sa Part III mo, sender. I am interested na malaman

Joyjoy
Joyjoy
Reply to  Avery Zircon
6 months ago

Wlaang halong pangguhusga sender sana sa part 3 okay na hehe waiting sa part 3

Jaja
Jaja
11 months ago

Hayss sana sa part 3 nagbago kana talaga

hahaha
hahaha
Reply to  Jaja
11 months ago

HAHAHAHAHAHAHAHAHA

bruisednyle
bruisednyle
Reply to  Jaja
11 months ago

AHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAH

Rove Macalisang
Rove Macalisang
11 months ago

Literal na naloading ho ako

teddie
teddie
11 months ago

napawtf nalang ako sayo sender

Mldn
Mldn
11 months ago

Na shookt ako nagkaroon ka ng ganyang behavior dahil sa gnawa ng ex mo sana tumuwid pa ang landas mo hndi pa huli ang
Lahat l. Can’t believe the fact na may kaya or nakaka provide pla ang parents mo .

Chengchan
Chengchan
11 months ago

Sa part 3 ka nlang namin huhusgahan, charot. 🤣

Bubbly🫶
Bubbly🫶
11 months ago

Nasa abroad naman pala yung Mother mo, bakit hinayaan mo pang babuyin ng kung sino sino yang katawan mo? Again, I’m not judging you, I’m just asking you why? Why did you let your partner to abuse you? Sana itigil mo na, maawa ka naman sa sarili mo at sa anak mo. Pag nagkasakit ka, kawawa ang anak mo. Kanino sya aasa? Sino mag aalaga sa kanya? Kung gusto mo talagang kumita ng pera, maghanap ka ng matinong trabaho. Huwag mo nang antayin na magkakaso ka, pag nakarating yang ginagawa mo sa asawa ng mga nagiging lalaki mo. Pwede ka nilang idemanda. Kawawa naman yung baby mo. I hope na aayusin mo na yung buhay nyo ng anak mo Sender.

Midnight blue
Midnight blue
11 months ago

Sender Sana nagbago k n abangan ko Ang part 3 mo😁😁

Chi❤
Chi❤
11 months ago

wala na ko masabi🤐

AkosiBogs
AkosiBogs
11 months ago

Waiting for part 3 sender. Sana maayos kana nun at nakapagisip isp na. Abroad pa mama mo,may small business papa mo. Kaya mo pa magbago. Talikuran muna yan at may mas magndang opportunity sayo lalo na kapag nakapagtapos ka. Isipin mo baby mo. Huwag na ung ex mo. Kalmtan mo na past mo.

YokoNasaEarth
YokoNasaEarth
11 months ago

Speechless kami sa part2 sender. Sa part 3 baka may masabi na kami ulit. Nakakaloka ka e. 😐

Jade
Jade
11 months ago

Jusq dzai, sana magbago kana, kawawa ung baby mo and ung mga anak Ng mga nagiging client mo, napaka g*g* Ng ex mo literal. Sana Una palang umuwi kana sa parents mo para Di kana humantong sa ganyang situation. Isipin mo baby mo, if may mangyari sayo or magkasakit Ka Dahil SA Gawain mo. (wag Naman Sana) hays
God Bless you, waiting sa part 3

****
****
11 months ago

A reminder lang po sender. If ganyan pa din po behavior mo since now, try to talk to psychologist kasi Yan na Ang nakaset sa mind mo. And try mo din magpa hiv test. Not degrading you, since it needs a medical attention. If you really want na magbago di mo sya agad mababago Ng madalian Ng agad agaran. Ang psychologist will help you kung ano dapat ang gawin mong activity para mabago Yung nakaset na sa brain na dapat ginagawa mo.

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
11 months ago

Muka naman kayong may kaya sa buhay sender pero bakit tinutuloy mo pa din yung ganyang trabaho? Hoping na sana sa part3 nagbago ka na at natapos mo ang pag aaral mo pra na din sa future nyong mag ina ☺️

Kekeke
Kekeke
11 months ago

Gaga to. Pero sabagay mahirap iwasan ang nakasanayan na. Still gaga ka pa din haha

Joy
Joy
11 months ago

I guess there’s no point in blaming you for your behavior kasi bunga ‘yan ng ginawa ng ex mo. But here’s my two cents for you, Sender. Matanda ka na. You already know what’s right and what’s wrong. Don’t let your past or the things that your former LIP did affect your future. Think of your kid(s), think of the future you want para sa (mga) anak mo.

Everyone has a chance at redemption. Don’t waste that chance.

Thfuck
Thfuck
11 months ago

Wag kang mag confess confess dito pag may aids or hiv ka na bigla ah. Talagang sinabuhay na ang pahiging kabet. Imbes na trabaho lang naging meaning na ng buhay nya Lol

Huh
Huh
11 months ago

Binaboy baboy ka na nga ng ex mo bababuyin mo nanaman sarili mo siraulo to. Nakapag start over ka na nga bumalik ka nanaman. Kaya rin siguro hnd mo na natigilan kase na adik ka na din sa pakiramdam na yun. Try mo mag pa therapy mare kase mukang kaylangan mo na

che
che
Reply to  Huh
11 months ago

bigyan mq ng isang client sender😅😅promiss gagalingan q..hahaha sa hrap ng buhay prang gxto q ndin gumilinh😅😅😅

Elibapbap
Elibapbap
11 months ago

Naloloka ako sayo

char_cool
char_cool
11 months ago

I hope you can still get out from your situation right now.

Last edited 11 months ago by char_cool
Ms. Pazaway
Ms. Pazaway
11 months ago

Dear Sender.. hindi kaya sakit na yung ganyan? I mean Nymphomaniac ganun.. Sorry ha.. Di ako nag ja judge pero nag ask lang din ako.. ito ay based lang sa mga napapanood ko sa movies.. dahil sa ginawa ng ex mo.. nakasanayan mo na na ganun.. malungkot pero parang ganun ang kinalalabasan.. nakakatakot na maging kabit kasi baka baby mo mag suffer in the end.. pero sana hindi.. sana baguhin mo na sender at magsabi kana din kay 43 years old na may anak kana kung naguusap pa kayo.. at yung present mo ano sabi ng asawa nya? hehehe bitin yung kwento mo habaan mo po konti hahaha

Whatever
Whatever
11 months ago

This time parang kasalanan mo na, kumawala ka sa partner mo tapos bumalik ma pa rin sa pagiging p*ta.

edil
edil
11 months ago

“Alam kong ako masasaktan sa huli, pero sa huli pa naman yun” sender.

mixed reaction ako dito lan ja

EJM
EJM
11 months ago

Nako sender kasalanan yan

Hershie Kuno
Hershie Kuno
11 months ago

Lahat ng kinita mo sa ganyang trabaho d magagamot ang HIV kaya mag-isip-isip ka.

Mimiyow
Mimiyow
11 months ago

Awit waiting sa part 3

Chika
Chika
6 months ago

Ito yung mga tipo ng confession na mapapa ganyan ka nalang talaga 😶,wala akong masabi pero looking forward sa part 3, sana nakakatuwa na yung part 3,Goodluck sender desisyon mo yan nakiki basa lang ako hahahhahahah

Lalamove
Lalamove
6 months ago

Ganito yung klase ng tao na ang kahusga husga. May kaya naman pala, not saying na umasa sa magulang but you could help sa small business or find a better job hindi yung nag pokpok ka. Isa pa, inulit ulit mo pa talagang maging kabit. Imagine the pain and betrayal na mararamdaman ng kapwa mo babae.
Easy for you to say and do na maging kabit, pero pag ikaw na yung nasa posisyon ng asawa ng kinakabitan mo You don’t know the how much it would affect their mental health, their lifestyle and such. Sana isipin mo yun, para yung karma hindi sa anak mo mapunta

Akotosimik
Akotosimik
6 months ago

“Alam kong ako masasaktan sa huli, pero sa huli pa naman yun.” Hayysst grabe ang mindset mo

Guguloisipko
Guguloisipko
6 months ago

Ahmmmmm

Libra
Libra
6 months ago

Speechless. Ingat na lang po lagi baka maka kuha po kayo ng sakit sa huli pero huli pa naman po yun. waiting sa part 3

CHENGCHAN
CHENGCHAN
6 months ago

Okay go with the flow. Wala lang akong masabi. 😅

Hakdog
Hakdog
1 month ago

Grabeee i cantttt

error: Content is protected!
37
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x