PICTURE NA BAGONG LIGO (PART 8: ANDREI’S POV *EX-BOYFRIEND*)

Hi FEUSF Readers! It’s been a months passed by. Andrei ulit ng PICTURE NA BAGONG LIGO. Nagbabasa rin ako dito minsan, may mga nanghihingi pa rin ng updates. So, I’ve decided na mag-send ng update kahit papaano.

Nabasa ko yung POV ni Oyo. All I can say is “napakawalang kwenta”, hindi ko na ginusto patulan at hindi na rin talaga dapat patulan para na rin sa peace of mind, lalo ni Sach. Napaka-non-sense kung papatulan pa. Mas pinili ko ayusin yung bagay na mga inaayos ko kaysa mag-aksaya ng oras sa ganun bagay.


Like what I’ve said, pinili kong ayusin yung bagay na dapat kong ayusin. Yun ay yung sa amin ni Sach. Hanggang ngayon, nasa point pa rin ako ng pagpapakita sa kanya na gusto ko maayos kung ano yung nasira ko, pinapakita ko pa rin sa kanya na tuluy-tuloy akong nagbago, na nandito pa rin ako para sa kanya sa lahat ng bagay through ups and downs.

Nandito ako na nakasuporta sa kanya sa lahat ng bagay. Kahit minsan nagta-trantum siya, bigla na lang siya hindi magpaparamdam o bigla na lang niya ako hindi kakausapin. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung anong ginagawa niya. As in, walang update. Although hindi niya naman talaga obligasyon na i-update ako pero may time kasi na bigla na lang siyang dedma. Iniintindi ko.


Siguro kasi totoo yung sinasabi nila na may mga pagkakataon na lang talaga na bigla magfa-flashback yung mga bagay na ayaw mong maalala. Siguro ganun nga kaya bigla na lang siya nagtotopak sa akin hanggang sa bumalik na naman yung issue na nangyari. Pero hindi ko ginagawang big deal yun dahil alam ko kasalanan ko lahat. Lahat ng nararamdaman niya ngayon is dahil yun sa akin. Lahat ng naranasan niya ay dahil din sa akin. Kaya di ako nagsasawang iparamdam sa kanya na nandito ako para baguhin yun.

Alam ko, hindi ganun kadali para kalimutan lahat, hindi yun magic na in just one click mabubura lahat. Bago ko pa hingiin sa kanya yung chance na ito ay alam ko dadating talaga yung ganitong point na babalik at babalik sa isip niya yung mga nangyari noon. Kaya hinanda ko na talaga yung sarili ko. Hindi madali aaminin ko pero di ko naiisipan sumuko kasi isa lang yung goal ko, yung balikan niya ako at mapatunayan ko sa kanya na sobrang nagsisi ako sa nangyari.


She was promoted as accounting and finance manager. Nakuha na niya yung pangarap niyang position. Masayang-masaya ako para sa kanya. Nung una, pinanghinaan siya ng loob, baka raw hindi niya kaya yung pressure at workloads. Pinalakas ko loob niya at sinabi kong naniniwala akong kaya niya lahat yun, wala naman siyang bagay na hindi kinakaya. Biglang bumanat sakin ng,

“True! Kinaya ko nga nung niloko mo ako, e,” medyo natawa ako kasi nasa seryosong usapan kami, bigla siyang nagganun, tinapik ko lang yung noo niya.


Si Sach yung tipong walang hindi kinakaya. Gagawa at gagawa siya ng paraan para sa isang bagay na gusto niya. Nasanay kasi siya simula pagkabata niya. Abroad ang parents niya at lola lang nila yung nagpalaki sa kanila. Lumaki siyang hindi gaano na-appreciate sa kanila, kahit napakatalino niya ay wala sa kanya ang attention.

Umaakyat siya sa stage with honors pero walang nagsasabit ng medal sa kanya. Father niya lang madalas ang nakaka-appreciate sa kanya kaso naghiwalay naman pati ang mother niya. May ibang pamilya na. Kaya mas lalo siyang hindi nabigyan ng attention. Hindi ko alam pero hindi sila gaano close ng mother niya, mas binibigyan ng attention yung sumunod sa kanya.


Sabi ng mother niya, kilala niya daw kasi si Sach na matibay at matatag kumpara sa kapatid niya. Si Sach daw yung tipong alam niya na kaya kahit mag-isa. Sa ganun nila kilala si Sach. Although totoo naman, ganun naman talaga si Sach. Pero alam ko kung anong hinahanap ni Sach. And I’m proud to say na kahit paano, naparamdam ko yun sa kanya. At hindi ako nagsasawang iparamdam yun sa kanya until now.

Nagkaroon sila pageant sa North at isa siya sa sumali. Swimsuit and talent competition. Katuwaan lang bilang part ng year-end party nila. Nabanggit niya sa akin at medyo nagkaproblema siya sa ibang tao niya for transpo. So, nag-insist ako na pwede gamitin yung kotse ko para dun sa ilang walang masasakyan. Syempre para-paraan ako. Hahaha! Para makasama. Sabi ko, kahit matulog ako sa kotse ay okay lang. Gusto ko lang din siya i-support sa pupuntahan niya. Pumayag naman siya.


So, tuwang-tuwa ako kasi makakasama ko siya kahit as driver niya lang, oks na ako. Hahaha! I take pictures of her. Wala pa rin pagbabago yung katawan niya, nandun pa rin yung natural curves ng bewang niya. She wears royal blue two-piece bikini. Saktong-sakto sa kanya kasi morena siya. Bawat pose niya ay napapatulala ako. Hahaha! Parang first time ko siya ulit makita, ewan ko ba.

Sabi ko, alam ko na mananalo siya. Malaki tiwala ko sa kanya na kayang-kaya niya. Bawat kilos niya ay pini-picture-an ko ng hindi niya alam. Pinakita ko sa kanya after nung contest, tuwang-tuwa siya kasi ang daming stolen shots. I’m your number one fan, my love!


Nanalo siya. Hindi na ako nagtaka kasi alam ko naman na mananalo siya. Kayang-kaya niya yun sabi ko sa kanya. Tuwang-tuwa yung mga tao niya kasi department nila yung nanalo. I’m very happy kasi nakikita ko siyang ganun kasaya. Bumabalik yung dating Sach na ang tagal ko rin hindi nakitang ganun. Naka-support lang ako sa lahat ng gagawin niya basta alam ko makakabuti sa kanya. Hindi ko siya minamadali kung ano na ang desisyon niya o kung may pag-asa pa ba na bumalik kami sa dati. Kuntento na muna ako sa ganitong set-up namin, nandito ako palagi.

To you Sach, maraming salamat kasi nandiyan ka pa rin lagi at pinapakinggan mo yung side ko. Alam ko dadating yung panahon na babalik tayo sa dati, hindi man ngayon pero I know dadating yun. Sabi ko nga sa ‘yo nung nasa North tayo, palagi kita aantayin kahit napakatagal pa niyan. Palag lang nang palag sa buhay, my baby girl! Nandito ako palagi para sa iyo. Madami pa tayong gusto ma-achieve sa buhay.

guest
109 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
banini
banini
1 year ago

Finallyy 🥺🥺

AKO DAPAT UNA
AKO DAPAT UNA
Reply to  banini
1 year ago

Akala ko ako na first comment 🥲😭

banini
banini
Reply to  AKO DAPAT UNA
1 year ago

kanina ko pa binabalik balikan tong website, hoping na mabasa ko na hahahahahahaha

AKO DAPAT UNA
AKO DAPAT UNA
1 year ago

Well… Present !!!

Ohg
Ohg
1 year ago

🫶 sending support

Marlet
Marlet
1 year ago

Yaaaaahhh mag comment muna ako bago KO basahin😂like finally!

Nique
Nique
1 year ago

Orrayt😂

jenzT
jenzT
1 year ago

Hahahaha nako… wala lang hahahahaha

bored
bored
1 year ago

for me. ok na to. saka na ang next update kung kayo o hindi ni sach sa huli.

MM29
MM29
1 year ago

Sana totoo na. 🫶🏻

AizaLtiken ❤️
AizaLtiken ❤️
1 year ago

Love is sweetier the 2nd time around 💕

Lily
Lily
1 year ago

Awww ancute nyo HAHAHAHAH forda go nayarn road to comeback imanifest

Juuusa
Juuusa
1 year ago

Trust is the hardest thing to build for someone, lalo na kung may history na ng cheating, but anyways, sana ma-overcome pa ni Sach lahat. At sana kung may magtangka mang umepal ulit ay hindi ka na matukso sa kahit na anong paraan Andrei. Good luck sainyo🫶

Last edited 1 year ago by Juuusa
wren
wren
1 year ago

bakit ganun haha ewan basta nakacomment ako

Emslangvebs
Emslangvebs
1 year ago

Character development ✨

Ara Mae
Ara Mae
1 year ago

Lagi talagang nasa huli ang pagsisisi. To you sach, our girl. Do the right choice. Kung saan gagaan pakiramdam mo or San ka masaya.

Kaleidoscope
Kaleidoscope
1 year ago

Awww. Fight for your love po! If Ate Sach will give you another chance don’t waste it na po, she’s so precious.🤍🥰

Jecko Allen Miraflor
Jecko Allen Miraflor
1 year ago

Finally nakapagbasa din..

kai
kai
1 year ago

talagang may karapatan siyang mag tantrum or wag ka pansinin. dat nga di ka niya tinanggap or kinausap ulet.

ikigai
ikigai
1 year ago

waaaaAaah nakakatuwa naman happy ako para sa inyo! 💗

Last edited 1 year ago by ikigai
violet14
violet14
1 year ago

sana maging ok na ulit kayong dalawa di man ngayon pero sa mga dadating pa na panahon wag ka susuko andrei!

Millena
Millena
1 year ago

Yes naks naman hehehheh Sana maging ok na po kyo

Ynna
Ynna
1 year ago

ok waiting tau sa part 9 ,part 10 part 11 at hanggang maging part kana ng buhay ko 😂😂

Clairrie
Clairrie
1 year ago

Hoping for the better for you and sach :))

Vuvu
Vuvu
1 year ago

Dili na lang me mag talk. Hahaha

Sheesh
Sheesh
1 year ago

Sana Andrei makuntento ka na talaga. Dapat nga wag ka na nya bigyan ng chance. Pero kung sakaling bibigyan ka man nya, sana tuluyan ka ng magbago . Hindi deserve ng kahit sino yung nagawa mo

Genivieve Dangli
Genivieve Dangli
1 year ago

Will for Sach’s decision 😊

LDR
LDR
1 year ago

Hays….same vibes still waiting for my Love na mabigyan ng pagkakataon na maibalik ung relationship na nabuo namin.

JangJeng
JangJeng
1 year ago

Ganito din yung nangyari samin ng Partner ko, Ako yung nagloko. Tinatry namin na ayusin. Kapag nakakapanood sya ngayon nung mga nahuhuli ng Partner nila tapos mag rereact sya ng ”ANG LANDI LANDI KASI HINDI MAKONTENTO” pakiramdam ko ako yung pinaparingan nya. May time din na masaya kami nung mga oras na yun tapos maya maya mag iiba na yung mood nya. Pero Ito ako piniilit ko na ayusin din lahat. Ang sakit kapag May time na hindi nya ako pinapansin na parang wala ako sa tabi nya. Pero alam ko mas masakit yung pinaramdam ko sa kanya. Mas lalo ko syang minahal simula yung nagawa ko yun. Marami akong na realize..Mas natakot ako na mawala sya. Natakot ako kumilala ng iba tapos babalik sa umpisa na pag aaralan mo yung pag uugali nya para mapakisamahan mo sya ng maayos.

Hera
Hera
1 year ago

Nakssssss ✨

basta
basta
1 year ago

sana all po

shayiee
shayiee
1 year ago

SANA MASAYA KANA OYO 😐

TAO LANG
TAO LANG
1 year ago

HAHHAHAHAHA TAPOS SA HULI HINDI KANA PINILI NI SACH BILANG BF KUNDI BILANG DRIVER NALANG NIYA ..CHHHARR🤣

Hakdog
Hakdog
1 year ago

Ako na lang ba ang ayaw sa comeback nila? Walang cheater na deserve ng second chance. Just think of it na mahal na mahal na mahal nya rin dati si Sach pero nagawa nyang lokohin. So what’s the difference now? HARD PASS SA MGA CHEATER.

ksksksks
ksksksks
Reply to  Hakdog
1 year ago

Agreed

Rico
Rico
Reply to  Hakdog
1 year ago

agree ako ditooo, pero kay sach parin ang desisyon, pero sana wag na talagaaaa

Ccyle_
Ccyle_
1 year ago

Run Girl 🙄😂

Renzyl
Renzyl
1 year ago

🫶🏻🫶🏻🫶🏻

atsutsu
atsutsu
1 year ago

weh? lolokohin mo lang ulet yan e.

hotdogpalamancheesedog
hotdogpalamancheesedog
1 year ago

🫶🏻🫶🏻🫶🏻🍔

Lumi
Lumi
1 year ago

After what you did, may karapatan si ate Sach na wag ka na kausapin or bigyan pa muli ng chance. Sana kung ano man maging desisyon niiya eh respect mo na lang. Sobrang hirap magtiwala after mabreak yun. Isa pa, cheating is never an accident, it is a choice na you consciously made. Deserve ni ate Sach na mag-heal at maging masaya and you should respect her decision kahit ano pa man yun kung kasama ka pa dun or hindi.

grrrrrrrrr
grrrrrrrrr
1 year ago

Ang irrelevant na ikwento mo pa ‘yong buhay ni Sach, like beh, it’s not your story to tell! Sa mga naunang confession ni Sach, alam na namin kung gaano s’ya katatag at kayang-kaya n’ya kahit wala ka sa buhay n’ya. Although, support pa rin talaga ako sa kahit anong magiging desisyon ni Sach. She’s been through a lot, sana naman ‘wag mo nang dagdagan pa, magpakatino ka na beh. Hays, goodluck!

Idk
Idk
1 year ago

Good for you, though. Sana hindi mo na ulitin ang ginawa mo.

Sheena Dela Cruz
Sheena Dela Cruz
1 year ago

Okay na ako sa update ..I hope lng na kapag dumating na ung time na tinanggap ka nia ulit sa buhay nia..never ever try to break that amole trust she will give.. Yes! Po upo ample..because you can’t take her whole trust kahit pa anong gawin mo.. Because the thing that you did is already carve and will never be erase in her heart..
Base on experience lng.. I gave my trust then he breaks it.. tapos nung binigyan ko ng chance hindi ko na maibalik ung buong tiwala kahit pa sabihin pa nating nagbago na nga..

Chrizxha
Chrizxha
1 year ago

Awwww 🥺🥺🥺🥺🤧

icy'riously
icy'riously
1 year ago

Good luuuck!

Shamcey
Shamcey
1 year ago

Good luck sana hindi mabiglang liko yung nararamdaman ni Sach sayo hahaha charrr mag over think ka bilis hahahahaha

Jaeyan
Jaeyan
1 year ago

Burado na yung confession ni oyo ah wala kaseng kwenta HAHAHAHAHA

im still inlove with mr. kb
im still inlove with mr. kb
1 year ago

awwww. 🥹 sana talaga sach magka chance pa uli ramdam ko namang ginagawa na ni drei ang lahat sana next pov dito is nagkabalikan na kayo. diko man kayo kilala pero ramdam kong tunay kayong nag mamahalan ♥️🫶🥹

mingming na gigil sa side chick 🐾
mingming na gigil sa side chick 🐾
1 year ago

Sana tuloy tuloy naaa, u got my support andreii

Mowena
Mowena
1 year ago

Parang ang cringe na haha hindi mo alam kung totoo talaga lahat ng sinasabi o para ma-win back lang? Trauma talaga.

taga sana all
taga sana all
1 year ago

good luck andrei ❤️

incorrect
incorrect
1 year ago

mahirap na yan pero walang imposible, yung kapatid ko nagloko one time tapos nahuli nung asawa, ayun hindi na bumalik yung dating trust at hindi na daw katulad nung dati yung pagmamahal nung in law ko sa kanya. mangiyak ngiyak nga yung in law ko nag kwento sakin kasi hindi nya inaasahan na magagawa yun ng kapatid ko kasi mabait yung image nun.Nagsisi na naman yung kapatid ko kaso sabi sakin nung in law ko bigla nalang daw nawala yung sobrang pagmamahal nya para dun gusto nga nyang mag revenge eh at manlalaki din daw sya kaso naiisip nya mga anak nila kaya ayun nagsasama pa naman din sila hanggang ngayon at ang tanging iniisip nalang daw nya ay yung mga anak nila. Pero kung wala daw mga anak, hindi daw sya magdadalawang isip iwanan.

Masakit kasi daw bakit? ginawa naman daw nya lahat, naging mabuting asawa naman daw sya tapos sila yung inuuna nya bago yung sarili nya kaso ganun yung kapalit.

Kaya ayan wala na yung dating pagmamahal, wala na yung sabik kapag nagsisiping.paminsan minsan nandidiri na din daw sya sa kapatid ko. Pero pinipili nyang mag stay para sa mga anak.

Princess
Princess
1 year ago

Eto opinion ko lang po. Habang binabasa ko POV ni Andrei, ramdam ko yung sincerity niya sa mga sinasabi nya. Nakikita ko na talagang gusto niya bumawi sa nagawa niya. Patience is a virtue kuya Andrei. Fighting 💪fight for your baby, fight for your love lastly fight for your woman.

error: Content is protected!
109
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x