“NAGTE-TAKE AKO NG BIRTH CONTROL PILLS NANG HINDI ALAM NG PARTNER KO” (PART 2: LAST CONFESSION)

Hi, ako yung sa nagte-take ng bîrth control pîlls nang di alam ng boyfriend.

I just wanted to say na nabasa ko lahat ng comments. Salamat sa mga nakaintindi sa kin. At least, alam ko na may mga taong hindi nanghuhusga sa akin. Hindi niyo alam kung gaano ako umiyak dahil sa good comments and suggestions.

Nawala yung communication namin nung ML guy kasi in-unfollow ko siya non, ayoko kasi talaga siya madamay. Lalo na nalaman ko taga-Pasig siya, dun kasi nakadestino father ni Ced. I was afraid too kasi mataas yung ranggo ng Papa ni Ced.

Kahapon ay chinat ako ng friend ko dahil nabasa niya yung post sa page ninyo. She said sorry dahil hindi nila ako matulungan, pero ayos lang naman. Naiintindihan ko kasi maski sila, ayaw nila kay Cedric.

Nabasa rin ni Ced ang story ko. Haha. Kaya kinuha niya kahapon yung pîlls ko. So wala na. Siguro nga hanggang dito na lang ako.

50 Pesos na lang din meron ako, iniisip ko kung lalayas ako, saan ako pupunta? Sino tatakbuhan ko? Wala akong requirments for work. Simula nung maging kami ni Ced, hindi niya ako pinayagan magtrabaho.

Tatanggapin ko na lang siguro yung tadhana ko na hanggang ganito na lang. Siguro nga para sa kanya talaga ako, kasi for me, there’s no way to escape.

Nakakainis buhay ko, no? Sana nabuhay na lang ako sa pamilyang maayos. Sa hindi ganitong katawan.

I hope in my next life maging maayos na. Sana sa next life ko kung meron man, sana hindi ako mapunta sa ganitong pamilya.

Oo nga pala, ikakasal na kami ni Ced next month. Ced asked my parents, as usual, pumayag sila agad pero ako di man lang tinanong. Pinayagan niya ako maglaro ng ML pero iche-check niya pa rin daw kung may ibang nag-a-approach sa kin.

Pinayagan niya na rin ako mag-hang out with friends pero once a week. Hindi pa rin kami okay ng family ko. Isa lang naman nakakaintindi sa kin, yung kasunod ko pero maski siya walang magawa kasi matigas ulo nila Mama.

Again, this is the last time na magko-confess ako rito. Salamat, admins and readers. Salamat sa mga good comments at sa mga nakaintindi.

Sa mga nangba-bash po sa akin, sana hindi nyo maranasan yung naranasan ko kasi ang dali sabihin pero kapag ikaw na nasa sitwasyon, hindi mo na alam gagawin. It’s easy to judge someone’s feelings or story but I hope it won’t happened to you.

Sana kagaya ko rin kayo na walang problema sa buhay, kasi ang dali niyong i-judge at tawanan yung buhay ng iba. Good for you guys kasi hindi ganito sitwayon ninyo. I was hurt but I’m thankful kasi nasa maayos na pamilya kayo.

 Salamat po ulit. Tanggap ko na po destiny ko.

TIN, 2023, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

3
3
guest
29 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Amoreskie
Amoreskie
1 year ago

Hi sender. Sana maging masaya ka pa din kahit ganyan ang sitwasyon mo. Pray palagi.

kinsadiayko
kinsadiayko
1 year ago

hoping for your happiness po kahit ganyan sitwasyon mo

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
1 year ago

Nalulungkot ako para sayo sender 😢 ipagpray mo na lang na magbago si Ced ng tuluyan para di ka nahihirapan ng ganyan. Sana maging masaya ka pa din soon. Good thing na lang din na di ka sumama ky mL boy atleast wala ng nadamay pang iba. Alam kong may magandang plano sayo c Lord kya keep the faith lang sender. God bless you 🙏

mage/mm/support
mage/mm/support
1 year ago

Always pray na lang po. and I kinda relate to your story. Im living a miserable life with my partner too but unlike you I have no family and friends to run to kasi patay na magulang ko and my friends already burned bridges with me kasi ako wala pa dn nararating while them, very successful so maybe Im no longer within their level. Sa paglalaro lang ng ML nawawala saglit stress ko. Just be strong. Maybe not now, but still waiting for my TIME TO SHINE. In God’s perfect time.

Dorothea
Dorothea
1 year ago

sending warm hugs with consent sender!

hjj
hjj
1 year ago

Hoping for your happiness po.

Hakdog
Hakdog
1 year ago

Sender, kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. Hindi kanaman naka kulong 24/7, may phone kaparin. Just try harder wag kang papayag na sila mag mando nang buhay mo.

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Everything happens for a reason, at alam kong malalampasan mo yan. Just pray to God, nakikinig sya at ginagabayan ka. I will pray for you too. Sana magbago na din yung lalaking pakakasalan mo kasi i can feel your pain. Goodluck in your journey sender. There is God hindi ka nya pababayaan.

boset
boset
1 year ago

DI PA NGA KAYO KASAL NAKAKASAKAL NA EH , PANO PA KAYA PAG KASAL NA MAG ISIP ISIP KANA ANTEH

Asawa ni Kim Jisoo
Asawa ni Kim Jisoo
1 year ago

Sender alam kong sobrang hirap ng sitwasyon mo, but always remember hindi mo man makuha ‘yung freedom at happiness na gusto mo for now, soon magagawa mo rin. And karma is coming, hayaan mong pagbayaran ng parents mo at niyang boyfriend mo lahat ng ginagawa nilang pagpapahirap sa’yo lalo sa mental health mo. Warm virtual hugs for you. Pahinga kapag napapagod tapos bangon at laban uli. 🤗

Eriwaw
Eriwaw
1 year ago

Akina gcash mo sendan kita pambili ng pills

Kate
Kate
1 year ago

…m

LOL
LOL
1 year ago

Ang laking tanga ng magulang mo.
Sana kunin na sila ni lord. Saka yung Ced. Di na dapat magtagal exposure nila dito sa mundo

Mamamoblue
Mamamoblue
Reply to  LOL
1 year ago

Totoo po, total nabasa naman na ni Cedric dapat naman makaramdam ang gago hehe

Eys
Eys
1 year ago

Hoping na may dumating na mag papasaya sayo kahit na ganyan naka paligid sayo and kung mabubuntis ka sana maging sapat yung baby para magkaron ka pa ng pag asa at maging masaya kase for me parang yung baby balang yung magiging kasiyahan mo pero sobrang nakakairita po yung parent nyo sana kahit minsan nasabi mo sakanila ng harapan lahat ng galit at inis mo

secret
secret
1 year ago

kahit papano maswerte ka parin sender, d na baleng taong bahay ang mahalaga nabibigay nya ang mga needs mo tulad ng pagkain saka natutulungan nya rin ang family mo.. sa panahon ngayon bilang nlng ang mga ganyang lalaki…

Kissonomo
Kissonomo
1 year ago

I hope the time comes that you have the rights in yourself. Always pray to God because I know he will and always willing to help you in the pain you been through. And in that day I know you will have a genuine smile in your face and feel the happiness in your lifetime.

Chaka
Chaka
1 year ago

Aw. I feel her sadness. Hindi ka mahal nung guy kung di man lang siya nagbago after nyang mabasa yung confession mo.

Di ko maiintindihan situation mo, pero I suggest na continue voicing out your opinion to your parents. Hays

Ilong47
Ilong47
1 year ago

Sana mabasa nj ced mga comment dito.ced!kaloka kaaa!mag bago kana wag masyado mahigpit.nakakasakal yung ganyan.mag bigayan kayo ng future wife mo!wag yung ikaw na ikaw na lang kakabig.sana mag ikaw ang umintindi sa kanya.lalo ng at ganyan yung pamilya niya sa kanya.hampasin kita sa noo ng tabo ee.sender keep praying lang.kung sa tingin mo yan na kapalaran mo pag dasal mo yang partner mo na mag bago.kabagin sana ng malala si ced!

Avery Zircon
Avery Zircon
1 year ago

Nakakainis na may pwede naman tumulong sayo at may magagawa naman sila, ayaw lang talaga nila and takot lang talaga sila. Hoping na may mag step up para sayo o ikaw mismo. Maraming paraan para makalis ka sa ganyang sitwasyon. Maraming batas and ahensya ng gobyerno na pwedeng tumulong sayo.

And to Ced, kung nababasa mo man ito, I just wanted to say na,

“Napaka-g*go* mo sa ginagawa mo. You know what you are? Hindi ka lalaki. Isa ka lang duwag na nagtatago sa posisyon ng magulang mo at walang bayag dahil isang babae lang, hindi mo magawang makuha sa simple at maayos na paraan. Kailangan mo pang kontrolin at gumamit ng dahas. What a shame.”

incorrect
incorrect
1 year ago

kawawa yung magiging anak nyo.sana wag nalang kayong magka anak.madadamay lang din sa hindi ka aya ayang sitwasyon. nakakalungkot naman isipin. kung ganyan din lang sana naman hindi ka na saktan ni cedrick sana maging maayos yung pagsasama nyo pero tingin ko hindi na sya magbabago.nakakaiyak naman yung buhay mo.

Je Ng
Je Ng
1 year ago

Cheerup sender malay natin mag bago na treatment sayo ng fiancé mo. Pray lg ng pray sender.

Mics
Mics
1 year ago

sana maging good husband man lang siya, please take care of her po huwag n’yo na sana sasaktan pa emotional or physical pa man. To you po pray lagi and sana gumaan yung loob mo maging maayos yung nararamdaman mo. Ingat lagi sender

kraia
kraia
1 year ago

To those who judge her, FU! You’re not on her situation just to judge her. And I actually asked my Mom regarding ur situation and she said that you need to talk to ur partner sincerely, ur concern and more. I know it’s not easy but at least try to do that. And to Ced, if u will reading this, be matured enough, the woman u will marry might/will really leave you if you’re being like that(possessive or what), it’s not healthy. And to her parents, you’re not acting like one. Fighting, Sender!

abcdef ❤️
abcdef ❤️
1 year ago

I want to help u at any cost sender. planuhin mo lahat then saka ka umalis. ipon ka muna ng patago then dala kalang ng konting damit. magsimula ka ng bagong buhay na wala sila

Yourmidnightrain
Yourmidnightrain
5 months ago

Wag ka lang babalik dito para mag confess na nagsisisi ka na nagpakasal ka sa lalaking yan.

Hakdog
Hakdog
5 months ago

Hoping na kapag nagkaanak kayo , marealize nung partner mo yung pagiging TOXIC niya .. Okay na ren na nabasa nya yung confession mo atleast aware na sya sa mga ginagawa niya & baka kaya gusto niya na magpakasal sayo kasi para mailayo kana sa parents mong isa pang toxic ..

Gae
Gae
5 months ago

Hirap ng sitwasyon m0 te pray ka lang sana maging ok ka din not now but soon malalagpasan mo din yan…

Labby, 2021, Architecture, Confidential
Labby, 2021, Architecture, Confidential
5 months ago

Lumayas ka. H’wag kang magpakatali sa taong hindi mo gusto. O di kaya magpatulfo ka, we can help if you want to. Ayokong mapunta ka sa taong jusmiyo baka mahambalos ko sya ng wala sa ayos.

error: Content is protected!
29
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x