NABUNTIS NI PAPA ANG GIRLFRIEND NI KUYA (PART 1)

Sana ay patapusin niyo muna ang kwento bago niyo husgahan ang babae sa kwentong ito. Opo, hindi po kasalanan ni Ate Fayye (girlfriend ni Kuya) ang nangyari, dahil po lahat ay nangyari dahil sa kagâgûhan ng tatay ko. Oo, pinangangalandakan ko ang Papa ko sa kagâgûhang ito. Totoo naman, dahil din sa kanya nasira ang pagsasama nila ng aking Mama. Sisimulan ko na ang kwentong kahapon pa ay gusto ko ng ikwento.

May 8, 2020 ng gabi, kinausap ako ni Papa dahil gusto niya akong umuwi sa kabilang bayan para doon muna mamalagi habang ang Kuya ko naman ang uuwi sa bahay na tinutuluyan ko ng araw na iyon. Kinabukasan ay aalis na ako, susunduin ako ng Tito ko na kapatid ng Mama ko.

May 9, 2020 iba ang feeling ng umagang iyon, parang may pumipigil sakin na umuwi muna ngunit ang aking magaling na Ama nagpupumilit na ako’y umuwi muna. Napaisip ako dahil ngayon lamang naman siya naging ganoon kaatat na umuwi ako kila Mama. Kaya naman umalis na lamang ako sa bahay at sa kanto ko na hintayin ang Tito ko.

Andun na ako nang mag-text si Ate Fayye na malapit na siya sa bahay upang isurpresa sana si Kuya. Nag-reply na lamang ako na si Papa lamang ang tao sa bahay dahil ako ay uuwi sa kabilang bayan at hindi na ito nakapag-reply pa. Makalipas naman ang tatlumpung minuto ay wala pa rin ang Tito ko, nagpa-load na lamang ako upang tawagan ito at nasabi nga nitong nasira daw ang gulong ng tricycle niya kaya naman bumalik muna raw ako sa bahay para hindi ako mainip kakahintay sa kanya kung kelan man maayos ang gulong.

Hindi ko alam ay daan pala ito ng tadhana upang makita ko ang kabâbûyan ng aking Ama kay Ate Fayye. Papasok pa lamang ako sa gate namin ay alam ko ng andun na si Ate Fayye dahil tanaw sa gate namin ang kwarto ng Kuya ko at bukas ang pinto nito. Tutulungan ko muna siya sa paghahanda sa surpresa niya kay Kuya, dahil ito ay galing sa trabaho niya (hindi ko na babanggitin dahil madaming nakakaalam na mga chismosa sa aming lugar) ngunit pagsilip ko sa kwarto ay wala naman siya rito.

Pumunta ako sa kusina at laking gulat ko ng makita ko si Papa na nag aayos ng kanyang pantalon at nakita ko sa sahig si Ate Fayye na walang mâlây at may bukôl sa noo. Sa gulat ko ay kahit lalaki ako napasigaw na lamang ako at napatakip ng bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, mali ito pero hindi na ako nakaimik ng mga sumunod pa. Si Papa, tumakbo siya ng hindi ko alam kung saan papunta. Ang alam ko lang nakatayo ako at si Ate Fayye ay nakabâbâ ang pang ibabang kasuotan at walang mâlây. Napasabunot ako sa buhok ko, tinawagan ko ang Kuya ko na hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil parang nanghihina ang mga tuhod ko.

Kailangan kong sabihin ang kasalanan ng Papa ko, sa girlfriend ng Kuya ko. Nanghingi ako ng saklolo sa mga kapitbahay, sinugod ko sa ospital si Ate kasama ang pinsan kong babae. Wala pa rin ako sa katinuan dahil sa nangyare hanggang sa dumating si Kuya. Niyuyugyog niya ang balikat ko, pero parang ako pa yung may kasalanan dahil nanghihina ako at hindi makapagsalita dahil sa kasalanan niya.

Kinagabihan, dahil sa resulta ng eksaminasyon kay Ate Fayye ay nalaman ni Kuya ang nangyare ngunit hindi kung sino ang gumawa nito.

Pasensya Pa, pero kasalanan mo ang lahat kung bakit hanggang ngayon sinisisi pa rin ni Kuya ang sarili niya bakit nakilala mo si Ate Fayye at nagawa mo iyon sa kanya. Pero Pa, alam ko magiging mabuting ama si Kuya sa batang bunga ng kahâyupân mo. Sana man lang Pa, hindi sa ganung paraan. Hindi kita gustong makulöng pero hindi iyon tama, Papa. Patawarin mo ako, at sana mapatawad ka nila Kuya, lalo na ang Diyos.

JZZ

2020

BSIT

*Confidential

guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x