Hi, I just wanna share my story.
I have a boyfriend for more than 4 years. His name is Kyle, mabait, gwapo, matangkad, matalino, a year older sakin, loving, caring, med student, an ideal, lahat basta para sakin perfect. We first met nung paglipat namin ng Bohol ng family ko, magkapitbahay kami, nasa harap mismo ng bahay namin yung bahay nila. Both houses ay color white kaya pag nasa veranda ako ng bahay namin I can’t help na tignan yung bahay nila kase maganda rin yung house nila, then minsan natyetyempuhan ko siya na andon din. Don ko sya unang nakita.
I enrolled sa isang kilalang university sa Bohol, that was 2015, I am 15-year-old nuon, Junior high school. As a transferee sa school na yon, wala akong friends and I spent my time alone, ayoko rin namin makipagkaibigan pag di ako yung unang kausapin. So yon, fast forward, uwian na non, at nasa labas na ko ng gate para maghintay ng masasakyang tricycle pauwi, nang may humintong motor sa tapat ko. Naka-helmet yung rider pero naka-uniform.
“Hi, sabay ka na lang sakin, pauwi na rin naman ako” (translated from Bisaya, nakakaintindi ako ng Bisaya but I can’t speak their language)
So I respond na lang ng “Ano”? tas sabi niya,
“Ay tagalog ka pala (then laughed), sabi ko sabay ka na lang sakin, mahirap yung tricycle dyan pauwi duon.”
Syempre kahit alam kong siya yung kapitbahay namin di ako pumayag, sabi ko na maghihintay na lang ako, mahabang usapan pa yung nangyari, kino-convince niya talaga ako. Then sabi niya,
“Baka gabihin ka, walang masyadong tric yung pumapasok don.”
Then binigay niya yung school ID at wallet niya para daw di ako magduda, ayon bandang huli napilit niya ko. Kung kidnapper pa siya na-kidnap na ko. Haha! Pero nakauwi kaming safe.
Don lahat nag umpisa. Hanggang sa araw-araw na kami naguusap, I don’t know why pero gumaan agad yung loob ko sakanya. Siya kase may service like minsan motor o car yung gamit niya papuntang school, ako nagco-commute, madalas niya ko hintuan para sa kanya na lang sasakay pero di ako pumapayag kase baka ano isipin nina papa.
Fast forward. Super long story, we became close friends then nanligaw siya then 2016 naging kami. Sa buong relasyon namin sobrang smooth, like ang bata ko pa para sa ganon pero ang matured niya mag-handle ng relationship. We celebrated every important occasions sa buhay ng isa’t isa together. Nangarap nang sabay. Hanggang sa nauna siyang mag-graduate ng senior high, schoolmates pa rin kami, after a year ako, pero I went to different univesity nung nag-college ako. He is a student nursing and I am a student pharmacist. Kahit ganon, I never felt na nababawasan yung love niya, madalas ako magalit, magselos at lahat lahat. Pero araw-araw niya ring pinaparamdam kung gano niya ko kamahal. Minsan naiinis ako kase pag pupunta siya ng school ko pinagtitinginan siya, bagay na bagay ang sport scooter or ano bang tawag sa motor niya, bagay na bagay sa kanya, what a view, minsan tatawa na lang siya tas sasabihing,
“Wala e, gwapo jinowa mo.”
Pag marami siyang vacant pupunta siya sa school ko kahit saglit na date lang o minsan pag pareho kaming busy, sa motor o sasakyan niya lang kami para magusap.
We treasured every lunch dates, and 30-minute dates. Hanggang sa nagka-pandemic, never nagka-prob since magkapitbahay kami pero di kami araw-araw nagkikita since we have to live our own lives pa rin. Our bonding is yung mga every video performance sa school, mga return demonstrations namin separately but we extend each other’s hand para sa acads namin. Pag aalis siya then gagabihin ng uwi, since magkapitbahay lang kami, magbubusina siya ng car o sasakyan niya, may specific na busina siyang ginagawa na malalaman ko agad na siya yon at nakauwi na siya. Ginagawa niya yon for me para alam ko raw na nasa bahay na siya safe and sound. Pag may sudden na lakad sya at di na nakapag message ganon pa rin magbubusina siya ng car niya. Everything was so smooth talaga. Araw-araw ako nagpapasalamat kase I have Kyle sa buhay ko.
For 4 years I literally found a bestfriend and a best boyfriend in one person. Sobra niya kong mahal at ramdam ko yon, and I love him too so much na ayoko siyang nasasaktan kahit sa anong paraan kaya sobra akong nadurog at parang mababaliw sa sakit when he got into an accident last October. Naaksidente si Kyle, a car accident. Bago yon sabi niya pa sakin,
“By, wag ka magalit kung di na ako makapagpaalam ha, wala kase yung delivery boy namin baka utus-utusan ako ni mommy, I love you so much.”
I told him, “Need mo kasama? Wala akong gagawin today para may kausap ka sa byahe.”
Pinipilit ko siya na samahan ko siya pero pinipilit niya rin na mag-stay ako sa bahay na wag ako mag-worry ganyan ganyan.. then sabi niya,
“Pahinga ka na lang muna dyan, mas safe ka sa bahay niyo, maga-update ako and you will know kung nasa bahay na ko, I love you so much, baby.”
That was the last message na na-receive ko from Kyle bago yung accident at yun na rin yung last message na mare-receive ko pala sa kanya kase di na siya inabot ng hospital, DOA. Di ko agad nalaman ng gabi ng accident.
Lampas 8PM non, di ako makagawa ng dapat kong gawin, nag-Netflix ako pero di rin ako maka-focus so nag-scroll scroll sa soc med, naghihintay sa chat or text ni Kyle. Alam naman niya na di ako matutulog hanggat wala siyang chat o hanggat wala akong naririnig na busina niya. So I stayed awake. Nag-chat ako sa kanya,
“By, san ka na? Late na, ingat ka, later na ko sleep pag nakauwi ka na sa inyo ha, di pa naman ako inaantok. I love you!”
Then kakabasa ko ng stories sa Radish, di ko napansin yung time, it was 11:48PM. Tandang-tanda ko and finally alam kong nakauwi na siya kase nagbusina na siya, yung busina niya na siya lang yung gumagawa. Sumilip pa ko ng konti sa veranda at meron ng light ng car sa gate nila so meaning nakauwi na siya. Di ko muna siya kinulit baka maliligo pa siya or ano, naghintay lang ako ng chat niya pero wala sa isip ko baka nakatulog dahil pagod so nag-message nalang ako ng,
“Good night by, rest ka na, alam ko pagod ka, I’ll sleep na rin.”
So natulog na ko knowing naman na nasa bahay na siya. Kinabukasan, ang daming calls and messages galing sa mutual friends namin. I also got a missed call from their helper and from his mom. Agad akong nag-call back at don ko nalaman.
Ang hirap mag-sink in, I mean never nag-sink in hanggang ngayon na di ako makapaniwala, walang luhang lumalabas sa mga oras na yon, nagdadasal na sana gisingin na ako sa masamang panaginip na yon, sana panaginip na lang lahat. Lumabas ako ng kwarto ng lutang, di ako umiyak ewan ko kung bakit, lumabas ako at nagpunta sa kanila, at don na ko nadurog ng sobra.
His mom cried so hard that I don’t want to see whats happening, and I cried too. I wasn’t able to comfort his mom dahil ako parang mamatay sa sakit, good thing nandyan yung friend niya na naging friend ko na rin, he was there para may makausap ako. Nung medyo tumahan na yung mommy niya kinausap niya ako, we talked about Kyle. I asked what time siya nawala, according sa hospital 11 something, so I asked kung paano, saan siya naaksidente, and sabi around 8PM nung ma-crash yun car niya at isang van. And kinwento ko sa mom niya na nagbusina siya kagabi ng lampas 11PM and I even saw a car light coming from their garage, so I slept and I know for sure na that was Kyle kase yung businang yun sakanya yon. Umiyak na naman yung mom niya, and told me na,
“Kyle loves you dai, he let you sleep na walang worries.”
And I cried na naman dahil alam niya na di ako matutulog hanggat walang chat, text at busina from him so that’s why nagparamdam siya sakin nung time na yon. Hindi ko alam if it was good bye or what.
Hanggang dito na lang, sumisikip na naman yun dibdib ko.
To my Kyle, my angel,
I miss you terribly, by. I thank God above all for giving me a Kyle. Thank you for loving me. Thank you for giving me chance to be loved by you. You set the standard really high. Ikaw at ikaw yung basehan ko ng tamang lalaki next to my dad. Even your last time here, you let me sleep without worries, but now how can I sleep happily kung alam kong pag gising ko wala ng calls and messages from you, wala ng magvi-video sa mga retdems ko, wala ng mage-edit sa mga video performance ko, wala ka na. Barbeques will never taste the same without you, Kyle. The sky at night will never be the same. Veranda will never be that happy place for us. I don’t know kung kelan ko ulit makayang tumambay sa Veranda na wala ng Kyle tatambay din sa bahay niyo. You know how much I love your name that I used to call you “Kyleeeee” than our endearment. I will miss you so much, By. I will never forget you, let me suffer lang, I want to endure this pain, I want to feel your love again Kyle. I love you so much, till we meet again. Yes, I will become a doctor kase yun yun pangarap natin dalawa after ng premed natin. Tutuparin ko yun mag isa and will raise more doctors sa buhay ko just like the plans we had na gusto mo pati mga anak natin soon ay magiging doctors, kaso nang iwan ka. You can rest in peace by, I love you so much, fly high my Kyle.
Yayayahh
2021
College of Pharmacy
*confidential*
#USFComeback
test
Sakit😭😭😭
tests
😭😭😭😭😭😭
kaiyaaaaaq 😭
yung pain na nararamdaman nya alam kong walang ibang katumbas yon na sakit. 🥺 Sobra pa sa sobra😭🥺
😭😭😭😭😭
Ang sakit
💔
Ang sakit naman!
I feel the pain grabeeee, who’s cutting onions??? Yan yung sakit na hindi na mawawala, kase sobrang goods nung tao and lahat nasakanya na tas nawala pa grabee lang
grabe ung saket na nararamdaman ko sender parang ako den namatayan, hope ur doing okay hugs!!😩
Gusto kong umiyak ng umiyak. Lakasan mo loob mo by. Mahigpit na yakap para sayo. 😭😭😭