“MAY GINAWA SA ‘KIN ANG TATAY NG DALAWANG BATA NA PINAG-TUTOR-AN KO” (SPG)

Hi. Gusto ko lang i-share yung experience ko noong bata pa ako.

14 years old ako nung nag-tutor ako sa dalawang batang lalaki na Grade 2 at Grade 4. Halos magkatabi lang kami ng bahay, as in magkadikit.

Dun ako sa bahay nila nagtu-tutor dahil yun ang gusto ng tatay nila. Konting background sa kanila, broken family sila at yung tatay lang ng dalawang bata ang kasama nila sa bahay nila, and 25 Pesos lang ang binabayad sa kin per session.

Since pangarap ko naman na maging teacher, hindi na ko nagpabayad ng malaki, at barkada naman ng tatay ko yung tatay ng 2 bata.

Every 6 pm ako pinapupunta ng tatay nila sa bahay nila. Hindi ko masyadong kilala ang ugali ng tatay nila kasi hindi naman ako palalabas ng bahay.

Fast forward. One day, hindi ko inasahan ang nangyari.

Tapos na ko mag-tutor sa anak niya, binigay niya na sa kin yung 25 Pesos na bayad sa pagtu-tutor, so pababa na ko ng hagdan (up and down ang bahay nila), nang bigla niya kong hinarang tapos sabi niya,

“Puwede mo ba akong i-mâssâge?” then pumayag naman ako.

Yung dalawang bata nandun lang sa kwarto nila tapos kami naman malapit sa hagdan nila.

Mina-massage ko na siya sa ulo niya non, maya maya, sabi niya dun naman daw sa hita niya then ginawa ko naman.

After that, hinawakan niya yung dalawa kong kamay tapos nilalapit niya dun sa jûnjûn niya. Nahawakan ko yun tapos bigla niya kong hînâlîk4n ng mâtâgâl.

Tapos yung kâmây niya hînîm4s-him4s yung d3d3 ko tapos pababa nang pababa yung kamay niya hanggang sa hînâw4kân niya yung pagkababae ko.

After that, tumigil na siya sa ginagawa niya sa kin. Dahil sa sobrang takot ko, hindi ko nagawang lumâb4n at mâkâsig4w man lang since maririnig naman yung sigaw ko sa bahay namin.

Bumaba na lang ako sa taas nila at lumabas. Pagkalabas ko, nakasalubong ko yung lolo ng dalawang bata, umiiyâk ako nun at nânginginig sa sobrâng tâk0t. Hindi ako pinansin ng lolo ng mga bata.

Pag-uwi ko, nakita ko nanay ko nanonood ng TV, wala yung tatay ko dahil nasa trabaho, stay-in kasi siya, tapos lumapit ako kay nanay ng umiiyak at nanginginig, at dala-dala ang 25 Pesos na binayad sa kin sa pagtu-tutor. Tinanong ako ng nanay ko,

“Bakit ka umiiyak?

“Si Kuya JR kasi mama.”

Hindi ako makaimik ng maayos kasi nanginginig ako, tinatanong ako ni mama kung anong ginawa sa kin tapos dun ko na kinuwento yung ginawa sa kin.

Pagkakuwento ko, si mama ay lumabas ng bahay namin at pumunta dun sa harap ng bahay nila Kuya JR, nagwala si mama pagtapos pumunta kami sa barangay para makasuhân si Kuya JR.

Pagkapunta namin sa barangay, nagbigay ako ng statement kung ano ang nangyari.

Maya maya, sumunod naman si Kuya JR sa barangay tapos ang sabi ni Kuya JR sa mga barangay tanod,

“Mahal ko yan, liligawan ko yan,” sabi ni Kuya JR habang nasa harap niya ako.

Hindi ako makatingin sa kanya kasi takot na takot ako. Pagkatapos ko magbigay ng statement sa barangay, hinatid na kami sa police station.

Pagkarating namin dun, nagbigay ulit ako ng statement, then after that, pinauwi na kami.

Mga ilang araw lang, nagpatawag na ng hearing, so pumunta na kami. Fast forward. Nakailang attend na kami ng hearing, pero hindi pa siya nakukulong.

Mga dalawang buwan o tatlong buwan, nakipag-areglo yung side nila Kuya JR kasi nag mamakaawa yung nanay nun, lumuhod at umiiyak sa harapan ni mama.

Then yun, nakipag-areglo side ng kabila tapos sinabi sa kin na makipag-areglo na lang, then pinapirma ako na pumapayag ako makipag-areglo.

Ako naman, pumirma na labag sa kalooban ko.

Halos araw-araw ako nun umiiyak dahil pumayag makipag-areglo yung mismong nanay ko.

Nagalit ako nun sa nanay ko kaso wala na kong magagawa kundi sumang-ayon na lang kasi nanay ko siya.

Ang sakit lang kasi parang wala lang nangyari. Nang dahil sa nakipag-areglo o kasunduan, nabaliwala ang lahat.

Miss D, 20**, *Confidential

guest
48 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
starrynight
starrynight
1 year ago

Sorry to hear that. You don’t deserve the trauma.

Hello
Hello
1 year ago

Hayst🥺

yara
yara
1 year ago

sending hugs sender😩💚🙏

Balikkanamissu
Balikkanamissu
1 year ago

Hala. 😭

Dorothea
Dorothea
1 year ago

You don’t deserve that trauma, sending hugs with consent

itsmelancholy
itsmelancholy
1 year ago

Cheer up sender! ❤💚
*sending warm hug

Monica
Monica
1 year ago

Bakit kaya na aatim ng mga tao’ng gumawa ng ganyan, habang binabasa ko to, ramdam ko yung trauma mo sender🥺

idunnohazi
idunnohazi
1 year ago

:((((((

EJM
EJM
1 year ago

Alam kong di madali yung trauma na binigay niya sayo, pero hayaan mong si god ang bahala sa kanya.

Cha
Cha
1 year ago

Ganito yung naranasan ko nung nag working student ako, yung 500 na akala ko para sa allowance ko may kapalit pala, halos ayoko na umuwi nun at mag stay nalang sa school sa takot.

Rainy
Rainy
1 year ago

nakaka gag* naman yang nanay mo sender, naalala ko na naman yung dapat makalimutan, and obviously nangyari din sakin kapag naaalala ko nanginginig ako sa galit, ganito kasi yun bagong lipat kami nun sa manila galing province para mag aral year 2009, 6yrs old ako bakasyon yun that time, so meaning malapit na ang pagbabalik skwela. Hindi ko na maalala exact na nangyari pero pagkagising ko ng alas sais ng gabi naririnig ko may kausap ang nanay ko, umiiyak sya naalala ko lang sinabi na

“parang awa nyo na wag ninyong ikulong ang “kapatid” (?) hindi ko na din maalala kung kapatid ng babae yun or pinsan, mga nasa 30’s na yun”

after nun parang walang nangyari, wala din sinabi sakin parents ko either yung ate ko.

HK
HK
1 year ago

Kung sa mahal ko sa buhay mangyayari yan, lalo na sa pamangkin kong babae, puputulan ko talaga siya ng kaligayahan para buong buhay niya pagdusahan

adi
adi
1 year ago

gagss

jakeyyy
jakeyyy
1 year ago

Yung trauma beh. Naranasan ko na din yung ma bastos kaso di kasing lala ng sayo. Kaso yung fact na asawa siya sa kapatid ni papa na babae. Akala ko nung una normal lang yun, halik lang sa pisngi kasi pero na isip ko hindi naman siya ganyan sa anak niya nga babae kaya natalot ako noon. Hindi ko sinabi sa magulang at lola ko kasi alam kong hindi sila maniniwala.

kraia
kraia
1 year ago

hindi sapat ‘yun, sobrang sakit pa rin yun na dadalhin mo hanggang pagtanda mo. sending hugs to u sender.

a*****
a*****
1 year ago

alam ko yung ganyang feeling. been there. i just froze, i cant even scream. sadly, until now di ko kayang magsumbong. i wish i had the courage to do so :<

Gago
Gago
1 year ago

Sayang si jr, bat dipa maputulan ng etits yang mga ganyang tao tangina yung ginawan nila ng masama habang buhay ng dala yung kahalayang ginawa nila.

Last edited 1 year ago by Gago
Abril
Abril
1 year ago

Walang mali sayo. Ginawa mo ang tama. Nag voice out ka. Sila ang mali.
Ako, i was molested by my tito. Kapatid ni mama. Pinagbantay saming magkakapatid. Akala nnya noon ,tulog ako. I was in Grade 3 that time. Di ako nakapagsumbong. Kilala ko ang mama ko. Mahal na mahal nya mga kapatid nya. Natakot ako ng ilang taon.
PinagpasaDiyos ko nalang. Nabalitaan ko nalang, nakapagasawa na sya. May dalawang anak sya ngayon. Dalawang babae. Ang tanging hiling ko lang ay wag magaya sakin ang mga anak nya.

Bilib talaga ako sa mga kagaya mo. Yung mga nakayanang magsabi kung anong nangyari. Yung handang ipaglaban yung sarili.

Bubbly🫶
Bubbly🫶
1 year ago

Naiinis ako sa Mama mo Sender, minor ka pa lang nun, sana isinaalang-alang nya manlang yung kamus-musan mo. Wait, siguro kung sinabi mo yun sa Papa mo, baka nailaban nyo pa yung kaso.

Joy
Joy
1 year ago

Una sa lahat, I’m sorry that it happened to you dahil lang may isang gagong lalaking hindi ma-control ang libog n’ya. You don’t deserve that kind of trauma. Don’t worry, may kahihinatnan din ang kagaguhan ng gagong ‘yan.

Pangalawa, ang tapang mo, Sender. Sobra. Nangyari din sa ‘kin ‘yan. I was also sexually assaulted and abused. Pero ang kaibahan natin, hindi ako nagsumbong kahit kanino kasi natakot ako. Hindi ko nagawang magsumbong sa nanay ko dahil pinangunahan ako ng takot na baka hindi s’ya maniwala. Pero ikaw, nagawa mo pa ring sabihin kahit takot na takot ka na. That’s a whole new level of courage.

Pangatlo, nakakalungkot na napilitan kang ipa-areglo ang isang bagay na hindi naman dapat pinapalampas. Pero kagaya nga ng sabi ko kanina, may kahihinatnan din ‘yang lalaking ‘yan.

And lastly, I’m praying for your healing, Sender. Sobrang hirap mag-heal sa sugat na dulot ng pananamantala at abuso. But I’m praying na dumating ang araw na makaya nating maging mas malakas pa at malampasan pa ‘tong masamang nangyari sa ‘tin. Yakaaap, Sender.

Joy
Joy
Reply to  Joy
1 year ago

At sa mga lalaki na makakabasa nito, utang na loob, kung may ma-witness kayo na ganitong scenario at may kakayanan kayong pigilan ‘yon, please take action. ‘Wag na kayong gumaya kay JR na nasa titi ata ang utak (kung may utak man s’ya).

Hmm
Hmm
1 year ago

Same tayo sender, na napagsamantalahan din. Mas masakit nga lang yong akin kasi nakuha ang vírgínîty ko.

Until now di pa rin ako nakakalimot sa bangungot ng buhay ko. 😭

Victim
Victim
1 year ago

Sending hug po sayo sender naiyak ako pra sa part mo kya ayaw ko tlga ng anak na babae.

Cha
Cha
1 year ago

I feel you sender, napagsamantalahan din ako ng tropa ng kuya ko nung grade 10 ako ni wala man lang ginawa yung mama ko para mapakulong yung gagong yon. Ngayong 2nd year college na ‘ko eh traumatized pa rin ako sa nangyari. Pakatatag lang sender!!!

wjhshsjaja
wjhshsjaja
Reply to  Cha
7 months ago

virtual hug sendeeer 🫂

Emgeeowpee
Emgeeowpee
1 year ago

so sad to hear na marami pa talagang ganito na nangyayari, sana makatanggap ng hustisya ang lahat ng nakaranas nito, like you na exp ko ito, napatawad ko na din naman ng lubusan ang taong gumawa sa akin ng ganiyan, para sa ikatatahimik at mapayapang pamumuhay, pero di pa din maiwasan maalala ang bangungot na iyon, na sana naging matapang ako noon,… patuloy pa din akong lumalaban at humihingi ng tulong sa Dios na tuluyan ko ng makalimutan ang lahat at mabaon nalang iyon sa hukay. Dios na ang bahala sa lahat, kung makakapagpatawad tayo sa taong gumawa sa atin ng napakabigat na kasalanan, alm kong hindi tayo kakalimutan ng Dios na bigyan ng pabor balang araw sa hirap na dinanas natin noon, bibigyan Niya tayo ng kapayapaan at kaligayahan na deserved natin.

Chizmaqt
Chizmaqt
11 months ago

Halaaaa😭😭😭😭😭

gea
gea
11 months ago

Ito yung masakit sa part natin eh. Naghahanap tayo ng justice pero sila pumapayag nalang sa areglo, o kaya yung hayaan nalang! I was r4p3d when I was in elementary by my father!!! I am still a broken pieces of yesterday! Malapit na ako mag 30 pero yung pain, yung galit nandito pa din. Di ko nakamit yung justice! Hindi siya nakulong. Kasi sinabihan ako na patawarin nalang, hayaan nalang magbagong buhay. Ayun siya ngayon nagtatago sa kung saan man lupalop ng bansa ngayon. Alam mo yung gusto kong kalimutan lahat, gusto ko magpatawad, pero ang hirap gawin. Yung bigla bigla mo nalang siya napapanaginipan, biglang bumabalik yung takot ko, nagigising nalang akong umiiyak. Yung bata palang ako pero ang agang nawala ang pagkababae ko, nawala yung pagiging inosente ko. Tuwing may napapanood akong parehas sa akin ng pangyayari, napapamura nalang ako… nakakapagod matakot, nakakapagod na lagi kang binabalikan ng nakaraan..

Confidential
Confidential
Reply to  gea
11 months ago

Ramdam ko ang sakit 😭
Ganitong-ganito ang naranasan ko sa sarili kong ama. 😫💔

wjhshsjaja
wjhshsjaja
Reply to  gea
7 months ago

hugggsss po sender w/ consent 🫂

Apollo
Apollo
11 months ago

I’m so sorry to heart that, you don’t deserve anything na nangyari sayo, hugs sender.

Clairrie jynn
Clairrie jynn
11 months ago

Grabeee. Sending hugs to you sender

Pat
Pat
11 months ago

😏🥺

Blue Heart
Blue Heart
11 months ago

Been there pero wala akong nagawa or ginawa kase ayoko ng issue kase kuya kuyahan konat pinagkakatiwalaan ng fam ko yung guy, bata pako non mga 9 lang ako non and sobrang nakaka trauma yon

Asdfghjkl
Asdfghjkl
11 months ago

Ano ginawa ng father mo or sinabi nya about dyan? Sana lumapit ka din sa papa mo

Ravennn
Ravennn
11 months ago

:<<< u dont deserve this. I hope your doing well these days. Hugs and loves!

Alvarado Juvielee Florie Fatima
Alvarado Juvielee Florie Fatima
11 months ago

The saddest part bilang rights ng kababaihan ay nababalewala dahil sa areglo lang .. Sana one day mapagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan yong ganitong klaseng experiences ng kababaihan sobrang nakakalungkot kapag ganito ang ending eh,kaya mas dumadami ang mapang abuso.

Confidential
Confidential
11 months ago

I feel you, sender.
Totoo na kapag ikaw na nasa sitwasyon, hindi ka talaga makaka galaw or makaka sigaw.
At masakit kapag feeling mo walang nakioag laban para sayo, walang tumayo para ma parusahan ang may sala.
Damang-dama ko ang sakit at trauma kasi ako mismo naranasan ko ang ma sexually abused ng AMA KO.
At ang nanay ko pa ang NAGSABI NA PATAWARIN KO NA LANG DAW KASI TATAY KO YUN AT PARA SA MGA KAPATID KO..
HINDI NILA ALAM NA HANGGANG NGAYON DALA-DALA KO PA RIN ANG TRAUMA AT SAKIT na sariling pamilya mo ang bababoy sayo at sariling ina mo pa ang hindi ka kayang ipaglaban. 😭💔🥺
Ang palagi kong tanong, e KUNG KAILAN KAYA AKO MAKAKA LAYA SA NA BANGUNGOT NG NAKARAAN O MAKAKALAYA PA NGA BA AKO? 😭😭😫

dense
dense
11 months ago

sana mamatay na yang putanginang yan

Kuya kleen mo
Kuya kleen mo
11 months ago

If I where ur parent, I won’t stop fighting untill that damn pervert is behind bars. Sending warm hugs.

prttyphmsyl
prttyphmsyl
11 months ago

halaaaa. 😭😭😭

Ms. Hope
Ms. Hope
7 months ago

Sa una lang nagalit nanay mo ah, hays. Sending hugs to you sender. 🥺

Lol
Lol
7 months ago

Yung takot ni sender parang takot ko non, pero saludo ako sayo kasi nasabe mo s magulang mo ako kase hindi ko nasabe yung ginawa sakin ng pinsan ko

ica
ica
7 months ago

aww :<

Micake
Micake
7 months ago

Hirap kapag mismong magulang mo na ang sumusuko sa’yo, eh. Kahit gusto mo pang lumaban, dahil minor ka, wala ka nang magagawa. I hope you are okay and safe, sender. Wala man lang sign of atonement ‘yung PDF na’ yon.

Rid
Rid
7 months ago

palitan mo na mama mo

AkosiBobby
AkosiBobby
7 months ago

Hi Sender! Ang tapang mo na nasabi mo sa nanay mo ako kasi kinimkim ko, tinago ko for a very long time, dala dala ko yun hanggang ngayon, hindi lang ilang beses nangyari un kundi maraming beses. 🥺🥺🥺

Rcelg
Rcelg
6 months ago

Dapat ang nakipag-areglo ‘yong gumawa sayo,hindi yong wala namang alam sa nangyari.hayaan mo sis ipag-pray mo nalang na maging ok kana hayaan mo may judgement naman.

error: Content is protected!
48
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x