“Mahal mo ba ako? Kasi kung mahal mo ako, hindi na ko magpapakasal sa fiancée ko…”

Hello, may i-she-share lang ako at nais ko rin humingi ng advice sainyo. I have a boy best friend na halos itinuturing kong kapatid, 19 years na kaming magkaibigan, ahead siya sa akin ng 1 taon. Classmate kami simula elementary until senior high (same section, same strand). Bata pa lang kami, sobrang close na kami, minsan sa bahay siya natutulog at tabi pa kami sa kama.

Dahil magkaibigan kami simula 4 years old, kami ay wala na kaming maitatago sa isa’t isa. Never niya akong binast*s sa salita man o sa gawa. Never din kami nag-away nang matagal, hanggang tampuhan lang talaga, wala pang ilang oras bati na kami dahil magaling siyang manuyo.


Nung tumuntong kami ng high school, dito nag-iba ang lahat dahil iniisip ng mga classmates namin na mag-gf/bf kami, dahil siguro sa closeness namin, pati mga teacher shini-ship kami, pero wala lang sa amin yun dahil friend nga lang kami. Nung nag-Grade 9 kami, may nakapagsabi sa akin na may nililigawan na siya, bigla akong natahimik at nasaktan, hindi ko maipaliwanag kung bakit dahil ang alam ko hindi ko siya gusto, iniisip ko lang noon na baka kaya ako nasasaktan kasi hindi ko na na siya masyado makakasama.

Pag dating nami ng Grade10, may gf na siya pero hindi nagbabago yung pakikisama niya sa akin, mas inuuna niya ako kaysa sa gf niya which is kinaiinis ko kasi nagmumukha akong kontrabida sa relasyon nila. Kagaya ng dati, hatid sundo niya ako sa amin gamit ang motor niya, nagtataka ako bakit mas inuuna niya ako, e kaibigan niya ako, pero hinayaan ko na lang.


Sa sobrang close namin ay naikukuwento niya rin sa akin lahat ng ginagawa nila ng gf niya, pati yung *thing* na hindi na naman dapat sabihin sa akin. Sobrang nasasaktan ako dahil alam kong hindi na lang kaibigan ang tingin ko sa kanya. Nakailang gf na rin siya noon, nakakalungkot lang na hindi niya pinapakawalan ang mga ito hanggang walang nangy*y*ri sa kanila. Na-turn off ako sa kanya dahil napaka-f*** boy niya. Matapos nilang mag-break ng gf niya ay parang wala lang sa kanya.

Grade-12 kami noon at kailangan namin matapos ang research namin kaya napag-usapan namin noon ng mga classmates ko na mag-overnight sa bahay ng isa kong classmate, pero imbis na gumawa kami ng research ay nag-inuman kami, hindi ako nainom pero para di magmukhang KJ ay shuma-shot ako pakonti-konti, pero ang lakas ng tama sa akin kaya nalasing ako kaagad. Pumasok na ako sa kwarto para matulog, walang ilaw, tangging flashlight lang ng CP ko ang ginamit ko para makita ang hihigaan ko.


Naiidlip na ako nang biglang may tumabi sa akin at niyakap ako, alam kong si boy best friend ko yun kaya hinayaan ko lang, alam kong wala siyang gagawing masama sa akin. Papikit na ako nang i-k*ss niya ako sa forehead at sinabi ang katagang “mahal kita, matagal na”. Thank you lang ang naisagot ko dahil kinakabahan ako, natawa siya at sinabing seryoso siya, mahal niya raw ako bata pa lang kami, bata pa lang daw kami ay ipinagdarasal niya raw na ako ang babae na papakasalan niya. Nas*mpal ko siya, hindi ko alam kung bakit.

Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya gusto kahit mahal ko naman talaga siya, natatakot kasi ako na matulad sa mga naging ex niya na matapos niyang makuha ay iniiwan niya rin kaagad na parang walang nangyari. Kinausap niya ako nung hindi siya lasing, nilinaw niya na mahal niya talaga ako, hindi niya lang daw maamin dahil alam niyang hindi ko siya gusto. Tinanong niya ako kung may pag-asa raw ba kung manliligaw siya sa akin, kusang lumabas sa bibig ko ang salitang “wala” kahit na talagang mahal ko naman sya.


Matagal niya akong iniwasan at hindi man lang kinausap kahit sa chat. Sobrang nami-miss ko siya.  Then, netong January lang, nabalitaan ko na ikakasal na pala siya. Sobrang sakit pa rin, hindi ko man lang nasabi na gusto ko siya at siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay NBSB ako. Last week ay nagkita kami nang di sinasadya, iiwas na sana ako pero nilapitan niya ako, kinumusta ako at cinongrats dahil naka-graduate raw ako ng college kahit wala na siya sa tabi ko. Sobrang nadurog ako sa mga sinabi niya sa akin, lala na nung sinabi niya to…

 “Pasensya ka na kung hindi mo na ako nakakasama, ang hirap kasi dahil nakakalimutan kong malapit na akong ikasal pag nakikita kita. Pasensya ka na rin kung hindi kita iimbitahan sa kasal ko dahil hindi kita kayang makita dun. Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita.”


Nagcha-chat po kami ngayon, nagtatanong po siya sa akin kung mahal ko raw ba siya, kasi kung mahal ko raw siya ay hindi na siya magpapakasal. Kung sasabihin ko pong hindi ay magsisinungaling na naman ako at patuloy akong masasaktan. Pero, kung sasabihin ko namang oo, nakakaawa naman ang babaeng pakakasalan niya, masasaktan siya nang sobra.

Xendree, 20**, BSED, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform              

18
8
guest
58 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
kraia
kraia
9 months ago

Let go

Who am I?
Who am I?
Reply to  kraia
9 months ago

Kawawa pa rin naman ang papakasalan ni boy in any way mo tignan masasaktan at masasaktan pa rin,knowing na yung lalake di pa pala fully committed sa kanya pero papakasalan siya.Paano na lang if di talaga tumigil yung nararamdaman nila sa isa’t-isa then kasal na si boy?mas masakit ata yun or if malaman ng Fiancé ni boy na ganun ang nasa mind ni boy,na she’s committed to a man na nag dadoubt abt their wedding.

Korik ka mhie
Korik ka mhie
Reply to  Who am I?
9 months ago

Trueeeee

A**hole boy bestfriend
A**hole boy bestfriend
Reply to  Who am I?
9 months ago

True. Walang win-win or win-lose situation kahit saan tignan. Parehong kawawa si sender at ung babaeng papakasalan. Mas maganda parehong mawala sa buhay nung lalake ung girl bestfriend at yung fiancé. Hindi nya deserve alin man sa dalawang babae.

Kyle
Kyle
Reply to  Who am I?
9 months ago

Eh yun nga yung sinasabi ko beshy. Asan ba yung tambo. 😂

Ysa
Ysa
Reply to  Kyle
9 months ago

Bigay ko naba tambo sayo hahahaha

Kyle
Kyle
Reply to  Ysa
9 months ago

Uy wag baka mainlove ako haha

stupid_dog
stupid_dog
9 months ago

kung mahal ka talaga ipupursue ka nya, so sad lang kase ikakasal na sya sa iba.

Cella
Cella
9 months ago

Choice nyo po yan pero my advice is, magsinungaling kana lang ulit for the last time. Masyado na pong late ang lahat para sainyo, tulad din po ng sabi nyo kawawa naman ang papakasalan nya. Maybe deep in his heart mahal ka nya dahil merong unanswered question sa puso nya which is you kept running away by lying na hindi mo sya mahal. Pero siguro hindi naman sya biglang magdedecide na magpapakasal kung hindi nya rin mahal yung babae diba? Tbh, nakakaawa kayo, lalo kana sender, you hold that lovestrings so much pero it’s time to let go na po, masyado nang malalim ang mga sugat nyo to heal from the unsatisfied love na hindi nyo naramdaman sa isat isa. Sobrang nakakasisi pero wala e, choice mo yan, outcome yan ng lahat ng lies na sinabi mo to protect your heart but in the end, it shatters you even more. Pero choice nyo po yan, lie again and let go or tell the truth and set yourself free from lovestrings but the con is alam mona. Good luck po, kahit ano namang pong piliin nyo masasaktan kayo pero sana this time wala na kayong pagsisisihan.

Joy
Joy
9 months ago

Girl, um-oo ka man o humindi, masasaktan at masasaktan ‘yong fiancee. Kung humindi ka ngayon sa tanong n’ya at nagpakasal silang dalawa, sa tingin mo ba kakayanin ng best friend mong mag-commit nang panghabambuhay sa isang loveless marriage?

Kung um-oo ka at iniwan nga n’ya ‘yong fiancee n’ya para sa ‘yo, masasaktan pa rin si fiancee. Dahil all this time na engaged sila akala n’ya s’ya talaga ang mahal, pero ang totoo, ikaw pala.

Ang akin lang, hindi deserve no’ng fiancee ng isang asawa na hindi naman pala talaga s’ya mahal. She deserves better than you friend. Now, you finish the equation.

A**hole boy bestfriend
A**hole boy bestfriend
9 months ago

Bakit kaya ang mga lalake, di mabuhay ng walang babae sa tabi??? May mahal kang iba pero magpapakasal ka??? F*ck!!! Kawawa ung babaeng papakasalan nya!!! Kung sasabihin ba namin sayo sender na PLS SAVE THE GIRL FROM HIM, gagawin mo ba??? But that doesnt mean na mgging kayo. You will just save the girl and after that save yourself too. Hindi nya kayo deserve pareho sa totoo lang. Masasaktan kaung pareho nung babae pero it will pass, makakamove on kayo. Just save the girl from getting married to that a**hole!

Im?
Im?
9 months ago

Mas nakakaawa yung papakasalan tapos ikaw ang mahal

Des
Des
9 months ago

Hindi ko alam pero naffeel ko na migiging kabit ka. 🤷🏼‍♀️

Hays
Hays
9 months ago

Pinagloloko ka lang ata nung mokong na yun eh!

Eddzy
Eddzy
9 months ago

Kung mahal mo sya bat di ka pa umamin. Baka kung kailan kasal na sya baka don ka pa umamin. Na pwedeng mag resulta ng pag kakaroon nyo ng relasyon. Kawawa naman yong ma papa kasalanan nya. Ikaw din kawawa ka. Kasi pwedeng maging kabit kapa pag nag kataon. At ikaw lang din kawawa bandang huli. Di baling masaktan yong girl habang di pa sila kasal. Kesa don pa sya Masaktan kung kelan kasal na sila. Haaay naku ang gulo ng sinasabi ko 😂😂

Eeww!
Eeww!
Reply to  Eddzy
7 months ago

Tama lang! Tapos si sender at bbf nya yung magpakasal! Mandadamay pa sila ng ibang tao sa feelings nila!

TANGA LANG
TANGA LANG
9 months ago

ewan ko sayo sender ginagawa mo lang tanga sarili mo, nakakainis ka kung ako sayo sabihin mo ng mahal mo siya kesa naman habang buhay kang masaktan.

anonymous...
anonymous...
Reply to  TANGA LANG
8 months ago

honestly..sorry to say..naging complicated ang lahat dahil sa kaartehan mo..
silent reader po ako at first time kung magcomment..wag nyo ko ibash😁

Eeww!
Eeww!
Reply to  anonymous...
7 months ago

I’m on your side !!

Bell
Bell
9 months ago

pinaka dabest dyan is i screenshot mo then send mo sa fiancee para mailigtas mo yung babae, tapos panigurado magagalit yung lalaki sayo and mawawalan narin siya ng reason para mahalin ka, i save mo kayong 3 sa gulo na dala ng pag ibig, may mas better pa para sa inyong lahat

Chika
Chika
Reply to  Bell
9 months ago

Agree po ako sa inyo somehow,kahit na parang medyo selfish yung dating nung way para maligtas silang tatlo in this very complicated situation, dahil if this continues lahat sila masasaktan anu mang piliin nila.pero this way is better than hurting each other more and making things even more complicated for them to handle.

Wacha
Wacha
9 months ago

Yan ang mahirap pag duwag ka. Sana nung una pa lang inamin mo na, pero kung sa side naman ni lalake, kung mahal ka talaga nya, bakit andaming babae?? bakit kelangan ba na kung hihintayin nya na mahal mo na din sya may babae sa tabi nya hanggang umamin ka. Kung iisipin mo kasing mabuti, mahal ka lang sa salita ganorn? sa gawa hindi na. Kasi kung mahal ka talaga ke gusto mo sya o hindi ipupursue ka nya. Gagawa ng paraan para mafall ka sakanya !! Hindi yung tyaran may fiance na 🤦🤦

Hays
Hays
9 months ago

Meron at meron pa ring kahihinatnan ang lahat, i mean if you chose to lie about loving him and he continues to marry his fiancé — the girl— could be hurt as she marries the man who is still loving another. Same goes with you na nasasaktan. But whatever you chose to do, just don’t ever expect na hindi ka makakasakit.

ahlem
ahlem
9 months ago

kung ikakasal ung tao na yun mas mahihirapan ka maraming what if sa buhay mo tapos kung gusto nyo man magkita ng kaibgan mo bka magkasala kayo kasi close din nman kayo matawag ka pang kabet .
sa kaibgan mo na ikakasal dpat sigurado na sya sa babaeng itturing nyang reyna ng buhay nya diba marami na syang naka *thing* baka mambbae lng din tapos ending ikaw pa din ang hinahanap nya.

pri**cess
pri**cess
9 months ago

for once magsabi ka ng totoo sender,kesa namn na patuloy nya parin lokohin yung fiancee nya,papakasalan nya pero hindi nya mahal,at mas masakit dyan pag dumating ang araw na mahal nyo pala talaga ang isat isa pero d na pwede dahil kasal na sya.,besh kung ayaw mong maging kabit,go tell him the truth para pareho kayong 3 makalaya sa kasinungalingan,specially dun sa isang gurl,d nya deserve na ikasal sa taong d namn pala sya totoong mahal..

Arvin
Arvin
9 months ago

Regrets ang mahirap sa situation na ganyan. Pag di mo sinabi nararamdaman mo, it will hunt you for the rest of your life. Siguruhin mong hindi buntis yung pakakasalan niya bago ka umamin sa kanya.

If hindi buntis, confess and let him fix himself muna then mastart kayo ulit.

masaklap kung pakakasalanan niya yung babae knowing na ikaw ang mahal niya. Kawawa dun yung babae. Eventually makakamoveon din si girl if hindi matuloy ang kasal at makakahanap ng para sa kanya.

Zari
Zari
9 months ago

So guys …when may nanliligaw/jowa na may long time boy/girl bestfriend …red flag na agad agad🤣 haysssss luge talaga ang karelasyon pag ganon. Kala ko sa wattpad ko lang nababasa mga ganetong kwento…mas talamak pala sa real world..

riah
riah
9 months ago

sabihin mo nlng dun sa fiancee nung boy best friend mo ang sinabi nya sau..para atleast alam ni girl yung sitwasyon nya..para mkapgdecide din sya para sa sarili nya..

Paul
Paul
9 months ago

Um oo ka nalang. Mas maganda ung masaktan ung fiancee ngayon kaysa nakatali na ung fiance tsaka palang masasaktan

Jin
Jin
9 months ago

Lahat kayo masasaktan once na di ka pa umamin. A lie can destroy an entire happiness . Selfishness parin yun sender. Sending hugs sana magsabi ka ng totoo para wala kang pag sisihan❤️

ZzZZ
ZzZZ
9 months ago

Mahirap mabuhay ng may regret. For the rest of your life, nakatatak na to sayo. Ang nakakabadtrip lang, bakit naman kasi na-engaged agad itong si friend mo.
Ang hirap sa part nung fiancé na magpapakasal sila pero hindi siya mahal.

Ang hirap din sa part mo na pag umamin ka, may matatapakan ka.

Siguro ang problema dito yung friend mo. Huwag siyang makipag-commit kung di pa siya ready.

The sad thing is, sa sitwasyong ito, ikaw ang talo.
Dahil ang babae pag nag mahal, tapat at totoo. Yung iba madaling maka-move on, yung iba naman nananatili na lang alaala.

Kyle
Kyle
9 months ago

Sabihin mo mahal mo. Pag di umamin habang buhay nyo pagsisisihan yan. Wag nyo sabihin na stupid ang comment ko, kasi how ironic na magpapakasal na si guy, pero may iba syang mahal? Considered as cheating yon. Ano gusto nya, ikasal na sya sa fiancee nya tapos magkikita pa sila nung gbf nya? Edi mas malala yun, doublee trouble. Pls consider this. Speak your heart out besh.

Eeww!
Eeww!
Reply to  Kyle
7 months ago

Kaya nga dapat yung sender at bbf nya nalang magpakasal! Para wala na silang madamay na tao!! 😆

Eeww!
Eeww!
Reply to  Kyle
7 months ago

Mas okay na yun kaysa gumamit ng ibang tao at etong si sender napaka paawa effect! 😆 Aminin nalang nya para tapos problema nila pareho! Isipin nya nalang na mas mabuti yun sa babae kasi mas lalong masasaktan yung babae kung malaman nya na hindi pala sya yung MAHAL 😆 ang tanga ni sender

Cyrel
Cyrel
9 months ago

Sender, almost forever na kayo. Pero alam mo yun?napansin mo ba na kong naging kayo possible na hindi mo mararating yung position mo ngayon. Parang ang nangyari may malaking part ng buhay mo ang dapat I let go just to have what you have right now. Malaking panghihinayang pero wala na kayong mababago. Kasal na si bff at ikaw, pagptuloy mo na yung buhay na wala sya. Magfocus ka sa family mo at pag achieve ng mga pangarap mo sa buhay. May dadating na para sayo na mas lalamang sa bff mo, just wait for god’s perfect time. God bless!

aeri
aeri
9 months ago

Whether you both end up together ng bbf mo or magpakasal siya sa fiance niya, may masasaktan at masasaktan kayo. The difference is that, yung una is nagpakatotoo na kayo.

As for me, since hindi rin naman deserve nung ate girl yung bbf mo, umamin ka na. Maging blessing ka kay ate girl. Ikaw na ang mag iwas sa kaniya sa bbf mong ganyan ang mindset. Habang wala pang kasal, habang wala pang anak, habang hindi pa sila nakakapagbuild nang mas malalim na connection.

Your decision and lies will create future problems, kayo rin naman ang makokonsensya dyan pagdating ng panahon. What goes around, comes around.

I support breakup
I support breakup
9 months ago

Mahirap yan.. pag nag oo ka, for sure iiwan nya si girl para sayo at makakasakit kayo.
Pero kung mag hindi ka.. itutuloy nya ang kasal kahit di naman sya fully committed makakasakit lang din kayo..

Kase pag kasal na sobra na ang kasalan na magagawa nyo kung di kayo titigil. Doble ang sakit na idudulot nun kay ate girl..

Pero ikaw pa din mag de desisyon nyan sender.. mahirap at mabigat sa puso kapag hindi nag sasabi ng totoo..

Wag nyo kong i bash comment ko to

halfmoon
halfmoon
9 months ago

Tbh? Umamin Kana girl. Last chance mo na. Wala naman silang anak diba? Time mo na para maging honest sa feelings mo at maging selfish for once. It might hurt his fiance but mas lalo lang siya maagrabyado pag magpakasal siya sa lalaking May mahal na iba.
Hindi naman kayo nagchecheat eh. Just do it.

Yes
Yes
9 months ago

Don’t listen to others na nagsasabing humindi ka. Dahil wala ka namang ginawang mali. Infact tinatama mo yung mali by confessing the truth. Walang magandang maidudulot pag itago mo pa yan sender. Regret, resentment, and longing yan mafefeel niyong tatlo.
And wala naman right & wrong sa love. Honesty and lies lang.
You deserve to be love by the person you love. Mali ang ginawa ng bestfriend mo but don’t you think na responsable ka on why he was like that? Take responsibility of his feelings at itama mo siya sa right path.
The best way naman kay Fiance is to get her out of you & your bestfriend’s situation. Dahil di niya deserve or nino man na maipit sa situation/problem niyo.
Just tell him. No matter what happens next at least no regrets ka.
Sa mga nagsasabi na humindi ka… Those ppl are close-minded kaya don’t listen to them.

gae
gae
9 months ago

sabihin mo na hanngng maaga pa nasa huli pagsisisi kaw din

Michicko
Michicko
9 months ago

Kahit saang angulo mo tingnan Kawawa parin ung ung fiance nya 😢.. basurang lalake dahil lang sa nasaktan sya eh mananakit na din sya ng iba 😢😢.. Let go Sender hayaan mo syang mag dusa sa sarili nyang desisyon . Kalalaking tao, di marunong mag paka lalake .. Kung mahal ka talaga nya, dapat pinursue ka nya kahit sinabi mong wala syang pag asa .. ano ba gusto nya mang yare? Pag sinabi nyang mahal ka nya dapat sagutin mo nadin agad sya?? DI NYA DESERVE SINO MAN SA INYONG DALAWA NG FIANCE NYA.

Nana
Nana
9 months ago

Hindi deserve nung fiancee na pakasalan sya nung boy, habang buhay nya lang lolokohin si girl na sa pag papaniwalang sya ang mahal kahit ikaw naman pala. Mas better na masaktan na sya now kesa pag kasal na sila habang di pa sila nag kakaroon ng pamilya na pwedeng masira soon. Kaawa naman ang mga bata if ever.

Miss A
Miss A
9 months ago

Para sa akin lang naman. Much better kung sabihin mo na lang yung totoong nararamdaman mo para wala kang pagsisisihan. Aside from that, kahit ano pong desisyon ang gagawin mo masasaktan at masasaktan din yung babaeng papakasalan ng BFF mo since hindi po siya fully committed sa kanya.

Miss N
Miss N
8 months ago

Sabihin mo na, sender. But makemit clear na naaawa ka sa babae at ayw monitong masaktan kaya sana,huwag niyang paasahin… Ganun parin naman kasi kapag kinasal sila, hindi siya naka focus sa babae dahil ikaw malamang ang iniisip niya

itsmeatemokim
itsmeatemokim
8 months ago

aminin mo nalang sender mahirap magsisi habang buhay 🙁

lance
lance
8 months ago

just don’t do it hahaha

Joy
Joy
8 months ago

Piliin mo sinasabe ng puso mo GO!!!!
Kung iniisip mo si ate girl masasaktan at masasaktan sya lalo kung pakakasalan pa sya ng taong di naman totoong mahal sya . Worse ee kung kailan kasal na .Piliin nyo yung isat isa .Dahil ikaw talaga mahal nya ,mahal mo sya . Wait ko part2 sa desisyon mo Hahaha

prinxexa
prinxexa
8 months ago

Umamin ka na minahal o mahal mo sya , as long as tinatago mo yan sa sarili mo the more na mahihirapan ka . To remove the what if’s in your life magpakatotoo ka . However, nasasaiyo kung tatanggapin mo si boy sa buhay mo kung willing kang i take ung risk na mahal ka pa rin daw nya pero bat sya nagpropose sa gf nya?bat di ka nya hinabol o pinursue dba? Good luck sender.

Kis
Kis
8 months ago

In the end, you will be the one who will decide. Weigh your feelings. Kung alam mong mahal na mahal mo talaga and you can’t fully let go of him. Be honest na lang sa feelings mo, don’t have regrets and what ifs. And kung di naman pregnant yung girl or whatsoever then try to talk to ur bbf. Na i clear yung things sa rs nila. Kung mahalka talaga nun, he will earn your trust.

Amber
Amber
8 months ago

Aminin mo na mahal mo siya, matagal na. Kahit naman na anong desisyon mo walang magbabago dun sa masasaktan yung fiance niya kaya pag nakita mo tong comment ko go na ateng confess ka na HAHAHAHAHAHA balitaan mo kami kung ano ng nangyare sainyoooo goodluck! HAHAHAHAHA

Gal
Gal
7 months ago

Red flag din tong si guy eh. How can you be in a relationship ba if u love someone? paano niya kinayang magpropose sa gf tas may mahal palang iba. Weird talaga ng mga tao.

Em em
Em em
7 months ago

Aminin mo, kesa Naman magpakasal sya tapos lolokohin nya sa bandang huli, edi masasaktan din Yung babae, atleast Yun nasabi mo Yung nararamdaman mo, Hanggang di pa kasal sabihin mo.
Take a risk, kesa may regret ka habang Buhay!

Unknown
Unknown
7 months ago

Nakakalungkot, mas kawawa yung fiance nya kung siya nga yung papakasalan pero di naman pala siya yung mahal. In the end mag susuffer lang din siya and worst baka mahing martyr pa si ateng dahil lang sa kasal sila

Eeww!
Eeww!
7 months ago

Mas masasaktan yung papakasalan nyang babae kung malalaman nyang hindi talaga sya mahal ng bbf mo! Tanga mo din eh! Mag bff nga kayo! Pareho kayong tanga! Pinapahirapan nyo lang sarili nyo!! Sabihin mo na MAHAL MO SYA!! ANG TANGA MO! MAS OKAY nang ikaw papakasalan nya kaysa naman magpakasal sya sa babaeng hindi nya mahal at panakip butas lang! Palayain nyo yung babaeng walang kamuwang-muwang tapos kayo nalang mag-sama!

Last edited 7 months ago by Eeww!
Eeww!
Eeww!
Reply to  Eeww!
7 months ago

Come to think of it! Kung mag iiba nanaman sya ng girl is… KAWAWA DIN YUNG SUSUNOD NA BABAE! GANYAN ULIT MAGIGING SITUATION NYO!! PINAPAIKOT NYO LANG STORY NYO EH! GO AHEAD TELL HIM THAT YOU LOVE HIM !! PARA WALA NA KAYONG MADAMAY PA!

Eeww!
Eeww!
Reply to  Eeww!
7 months ago

Actually hindi ka naman talaga kawawa sender! Nagmumukha ka lang kawawa pero hindi ka talaga yung kawawa o pinaka kawawa dito! TANGA MO LANG KASI.

Eeww!
Eeww!
Reply to  Eeww!
7 months ago

MAG SAMA NALANG KAYONG DALAWA! BAGAY KAYO!

Eeww!
Eeww!
7 months ago

TELL HIM THE TRUTH! NAPAKA TANGA MONG BABAE KA! ILANG BESES KO NA BANG SINABI NA ANG TANGA TANGA MO!?! SANA MAGISING KA NA SA COMMENT KO NOH!! MAS OKAY NA MAGING KAYO KAYSA NAMAN SINASAKTAN NYO PAREHO YUNG ISA’T-ISA AT MGA SARILI NYO!! ESPECIALLY, SA GIRL NA WALANG MALAY! FACE YOUR PROBLEM! HINDI MO DESERVE MAGKA JOWA KUNG DUWAG KA!

error: Content is protected!
58
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x