“K@bît ako ng 7 years na asawa ko…”

Hi, silent reader lang ako, at di ko in-e-expect na isa na rin ako sa mga dudulog dito.

Tawagin niyo na lang akong Sia, 7 years ng kasal, at may isang anak. Empleyado sa magandang kumpanya ang mister ko. Tawagin natin siyang Zed.

Sa loob ng 7 years na mag-asawa at 3 years na magkasintahan, naging maganda ang takbo ng aming pagsasama. May mga pagtatalo pero naaayos naman.


Not until 3 months ago, may nakita ako sa phone ni Zed, tinanong ko siya at umamin naman. 3 months pa lang sila that time, nakita ko sa mga mata niya na totoong mahal niya yung babae.

Sinabi niya lahat, humingi ng tawad pero hanggang doon lang. Wala siyang ginawa para ayusin ang meron kami.

Nung una di ko matanggap, kasi dahil lang sa isang gabi, naging sila at may *thing* na agad. Sinabi kong hiwalayan niya, pero ayaw niya. Di siya pumayag, talagang tinamaan daw siya sa babaeng yun, di raw niya alam kung bakit. Basta, mahal na raw niya.


Araw-araw lagi kaming nag-aaway. Umabot pa nga sa puntong umalis na kaming mag-ina, pero di man lang niya kami hinabol. Dun ko napatunayang mas pinili talaga niya yung babae.

Nag-isip ako ng mga ilang araw, di pa rin siya lumapit para suyuin ako. Wala siyang balak, naisip ko sa puntong ito ay talo na ko.

Fast forward, bumalik kami ng anak ko sa bahay kahit walang pagsuyo galing sa kanya. Ibinaba ko ang sarili ko para lang hindi siya mawala nang tuluyan.


Inalok ko siya ng isang set-up. Payag na ko na maging sila ng k@bît basta kami pa rin. Ganun ko siya kamahal.

Pumayag siya. At hindi ito alam ng gf niya. Ang alam ng babae ay wala na kami. Kaya tuloy sila. Kaya ang sistema, kami ngayon ng asawa ko ang nagtatago sa gf niya. Yes, parang ako pa yung naging k@bît ng asawa ko.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang set-up namin. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito. Pero okay na rin kahit sobrang sakit na. Salamat sa pagbabasa.


P.S. Kung mabasa mo man ito, lagi mong tatandaan, kung di kita kayang akayin papuntang langit, sasamahan na lang kita sa impy€rn0.

Sia, 2016, BEED, JRU

*do not copy/paste this content on any platform

17
113
guest
93 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Unknown
Unknown
9 months ago

Sis di kita masisisi sa sitwasyon mong yan. Pero isipin mo ah, mas lalong lumalakas loob ng mga yan kasi halos di ka na nagtira sa sarili mo at sa pamilya mo. Walang respeto na. Knowing na alam naman pala nung kabit na may pamilya syang sinisira. Wag mo ubusin sarili mo sakanya, may anak ka pa. Hays. Pag isipan mo maigi sender.

Jinky Dimatingcal
Jinky Dimatingcal
9 months ago

Mhie hindi mo deserve ang ganiyang set-up, takutin mo na kung ayaw niyang ayusin yung relasyon niyong mag-asawa e kakasuhan mo siya ng adultery. Hindi tamang ikaw yung nag-a’adjust sa relasyon nila dahil sa mata ng batas ikaw ang may karapatan. Rooting for u mhie.

Kung ako yan hihiwalayan ko na yan kahit na may anak kami. Sustento na lang hahabulin ko. Hmp

B**
B**
Reply to  Jinky Dimatingcal
9 months ago

Hindi po adultery , concubinage po.

Remi
Remi
Reply to  B**
9 months ago

ano pinagkaiba??

Michicko
Michicko
Reply to  Remi
9 months ago

Alam ko
Adultery po kung babae ang may kabet.
Concubinage po kung Lalake may kabet .

hshshs
hshshs
Reply to  Michicko
9 months ago

Tama ka rin naman po, pero yung adultery po yata is purely sexual intercourse lang ang nangyayari, idk kung needed ba ng romantic feelings doon, and based on what I’ve read sa mga history, sa concubinage is sexual intercourse and offspring ang kadalasan dito. Hahaha, di ko alam kung tama, pero yon yung alam ko.

Mima
Mima
9 months ago

Silent reader here pero diko maiwasan na mag comment. Sender hindi na po uso magpaka martyr ngayon. Kung ako yan, ireklamo ko ng vawc pati yung babae niya. Haysss bitaw na momsh para sa anak mo, mas okay pa lumayo na kesa wala ka peace of mind

Mabuhay
Mabuhay
9 months ago

Sis, I know that mahal mo talaga ang mister mo at hindi kita masisi na hindi mo siya kayang hiwalayan pero sana maisip mo rin na lalo ka lang masasaktan kapag pinatuloy mo ‘yung set up na ‘yan. Hindi lang ikaw ang apektado e, pati anak mo madadamay.

At sa asawa mo naman, tang*na siya kahit sabihin pa na nagmamahalan siya immoral pa rin siya. Hindi man lang nag isip.

hdiaksisgakand
hdiaksisgakand
9 months ago

Sender sana dumating yung araw na hindi ka na selfish. Sana maisip mo yung anak mo babae man sya o lalaki, kasi kapag nagkamuwang na po yung anak mo hindi lang po trauma ang makukuha nya sa inyo, mahihirapan po syang itrato ng tama yung magiging partner nya o baka itrato nya rin po kayong parang basura kasi okay lang na tratuhin po kayo na parang basura ng tatay nya, kung hindi man po yun baka makahanap po sya ng taong tratratuhin din syang basura at magiging okay lang sa kanya kasi naging okay lang din po sa inyo bilang ina nya.

Sana ho dumating yung araw na hindi po puro nararamdaman nyo yung maging importante, sana makonsidera nyo rin po yung mararamdaman at maiisip ng anak nyo, kung anong klaseng tao po sya pagtanda nya.

mhiema
mhiema
9 months ago

know your worth mhieee. Kasuhan mo!!!! Hindi mo deserve ng ganyang treatment.

Potpot
Potpot
9 months ago

Alam mo ate kung tutuusin pwede mo silang kasuhan lalo na at legal kang asawa. Ano yan, ikaw pa mag aadjust dyan sa dalawa na yan. Asan utak mo te?di na pagmamahal yan, katangahan na yan

atemongkeeper
atemongkeeper
9 months ago

sender, di kita masisisi kung nagpapakamartyr ka. Peroo isipin mo rin sarili mo at anak mo, di mo deserve yang ganyang set-up. You’re more than that. Mahirap sa umpisa, pero magkaka inner peace ka in the long run and di mo pagdududahan yung sarili mo if anong mali sayo. Piliin mo yung tamang gawin. And don’t tolerate the wrong doings of your husband.
Get your sweetest revenge.

Angel
Angel
9 months ago

Hello mamsh. Di deserve ng anak mo yung ganyang set up. Gugustuhin mo ba nakikita ng anak mo nagtitiis ka na winawalang hiya ka ng asawa mo? May oras pa para isalba yung dignidad mo mamsh.

Abcgefg
Abcgefg
9 months ago

Ehh? Te ikaw ang legal may karapatan ka tapos ikaw ung nag tatago? T*nga lang? Pumayag ka ng ganon? Di mo manlang naisip n kausapin ung babae at ipaalam na kayo pa? Tska te wala ng binabaril sa luneta ipaglaban mo karapatan mo kung di ka sasaya dpat di din sasaya ung asawa mo kamo nga mag sasama kayo sa impreyno gnun dpat ang mindset🥴🥴 tska dpat hndi ka nag alok ng set up bobita ka din e kaya tumatapang mga kabit kase may mga martyr na sawa n nag titiis.jusme dpat ikaw nga salba sa marriage nyo pero hinayaan mo lng asawa mo. May times talaga n nan lalamig mga yan kase may ibang nag papainit pero dpat gumawa ka paraan para bumalik kau sa dati.

Achilles
Achilles
9 months ago

Tanga mo wan q sayu

Caye
Caye
9 months ago

Maybe you should end that kind of set-up sender. Yes it’s painful for you na iwan siya , pero I hope you have the courage to think about your child too. Little did you know kasi na mas nahihirapan sila sa set-up, or makita kang ganyan. You need to show them how brave you are. You need to show you’re child that you’re worthy, and you can be independent. You deserve the love na hindi ganyan, and maybe you can find it mismo sa anak mo. Praying for you sender! 🤍

Rrn
Rrn
9 months ago

Huhu bakeeet? Kasal kayo may legal rights ka kung sa impyerno baket hindi silang dlwa sa impyerno by filing a case. Sundan mo sila at kunan mo ng photos para may evidence

CHENGCHAN
CHENGCHAN
9 months ago

Goodluck! More power. Alam mo na kung anong tama at mali.

Mnemosyne
Mnemosyne
9 months ago

Ante wag ka pumayag na ikaw ang tinatago! Aba! Sila ang dapat mahiya. Palagi kang magleave ng traces sa asawa mo, marka kung marka ganon! Ipagkalat mo kung gano kayo kasweet, nanggagalaiti ako, siguraduhin mong aabot sa kbit.

Pero sa totoo lang, kung ako yan, iniwan ko na yan. Dami dyang iba teh. Baka alam nyang patay na patay ka sa kanya kaya sinasamantala tas ikaw naman nagpapamanipulate? HAHAHAHA bahala ka na jan ante, good luck!

Mnemosyne
Mnemosyne
Reply to  Mnemosyne
9 months ago

Imanipulate mo ang pamilya lalo na yung nanay ante, mukhang mahina ka pagdating dyan sa asawa mo.

Or better yet, file a case. Di na uso sa babae ang mahina.

Mnemosyne
Mnemosyne
Reply to  Mnemosyne
9 months ago

Ay teka magkatrabaho ba ang dalawang taksil? If oo, ante dumiretso ka ng HR ng company nila with evidence ng ka- immoralan nila!

Atemongtoyoin
Atemongtoyoin
9 months ago

Mima, hindi mopo deserve yan😩

Ms. A
Ms. A
9 months ago

Momsh ndi mo deserve ung gnyang treatment, ndi nyo deserve ng anak mo.. Kung aq sau, idedemanda q nlng cla pra wlng liligaya! Piliin mo srili mo, kau ng anak mo.. Mhgpit na yakap sau momsh💜

Walalang
Walalang
9 months ago

Sender, I know that kahit sabihin siguro ng marami rito na hiwalayan mo siya iyong husband mo. Baka hindi mo rin magagawa agad or hindi mo talaga magagawa. Kasi mahirap. Kasi ikaw pa nga Ang nag-adjust at gumawa ng set-up just for him to stay with you. I know when it comes to love maraming mga bagay pala tayong hindi natin aakalaing magagawa natin. But sometimes loving too much is draining and destroying. Habang Sila masaya ikaw naman itong nasasaktan. Dapat sa iyo siya ng buong-buo pero ikaw pa ‘tong nakikihati. Everything is already wrong na po e. Give yourself a time to think. Not just think but think deeply. Kasi ‘tong laban na ‘to hindi lang para sa iyo but also sa mga anak mo. Tingnan mo sila. Sa tingin mo ba kapag lumaki Sila at tuloy-tuloy yang set-up niyo or habang lumalaki Sila at gan’yan pa rin Kayo sa tingin mo ba hindi Sila magtataka? Why don’t you try to have a vacation na walang pasabi sa husband mo, hindi ka tulad before na umalis kayo Kasi umaasa kang hahabulin ka niya. Now put on your mind na gagawin mo ‘to because you need time to breathe for a while. no phones and any communication from the outside and just you and your children. Use that time to think and decide. Kasi alam mo po at the end mga anak niyo lang po ang magsa-suffer kapag tinolerate niyo yang husband mo sa kalapastangan nila. Yes it’s not easy but you need to be strong and brave enough for yourself and for your children’s.

Rosemamarie Penales
Rosemamarie Penales
9 months ago
Rosemamarie Penales
Rosemamarie Penales
9 months ago

Kasuhan mo mima Jusko. Wag tayong papatalo.

Emiiighourl
Emiiighourl
9 months ago

What if ikaw naman ang magkaron ng kabit? Para alam nya ang pakiramdam diba? Hahaha wag masyadong martir ghourl!! Maraming lalaki sa mundo. Tuwang tuwa yan sa set up nyo for sure dalawang babae ba naman natit!ra nya tsaka kung mahal nya talaga ng sobra yung girl di sya papayag na dalawa kayo! MAG ISIP ISIP KA KUNG HANGGANG KAILAN KA MAGIGING OKAY SA GANYANG TREATMENT 🥱 KUNG AKO YAN GUMANTI NAKO SABI MO NGA SASAMAHAN MO SYA SA IMPYERNO DIBA? EDI GUMANTI KA

Dikoalam
Dikoalam
9 months ago

Huh? Ante sobrang tanga mo. Isipin mo anak mo at sarili mo. Sobrang laki ba ng tite ng asawa mo para di mo maiwanan?

Unknown
Unknown
9 months ago

Please wag mo ibaba ang level mo para LANG sa lalaki na yan napakakapal ng mga mukha nila MAHALIN MO ANG SARILI MO LALONG LALO NA ANG ANAK MO wag mo ipakita sa anak mo na ayos lang ang ganyang set up maawa ka naman te

Ace
Ace
9 months ago

Sender ikaw yung legit,gamitin mo yung card mo.

Unknown
Unknown
9 months ago

Kapag may anak na, sya na dapat ang priority mo hindi mo dapat unahin ang nararamdaman mo dahil anak mo ang magdudusa kung magkataon sana wag mo pagsisihan yang katangahan mo sorry kung masakit ang sinabi ko sana nauunawaan mo kami sender sumulat ka dito kaya sana tanggapin mo ang mga komento namin. Basta ang pinakaMAHALAGA SA LAHAT MAGDASAL KA AT HUMINGI NG KAPATAWARAN SA PANGINOON IPAUBAYA MO ANG MGA PASANIN MO SA KANYA sa ganong paraan unti unti mong matatanggap ang sitwasyon

Sound of Cactus
Sound of Cactus
9 months ago

Wag mong antayin na malaman ng anak mo na ok lang yan, baka someday, anak mo ang maging kabit or man loko ng tao dahil pinapakitang mong OK lang. Alam ko masakit, pero wag sana tayong selfish sa sarili natin at wag natin sana ipakita sa bata na ok lang yun, kasi trauma yan or ikaw mismo gunagawa kayo ng tao na magiging ganyan din balang araw. Wag Tanga! Trust me…. Anak mo lang pahihirapan mo.

Ate mong horror ang want
Ate mong horror ang want
9 months ago

Sus kasal ka kasuhan mo ahh may mga ebidensya ka wag na po tayong mukhng shunga marami pong singel mother sa mundo katulad ng ate ko kaya I’m so proud of those girls na mas pinipili ang kaayusan sa sarili kaysa sa mg paka shunga.

shunga
shunga
9 months ago

ang bigat sa pakiramdam nung binabasa ko to parang ako ung nasasaktan 😩 kasal ka sis bakit di mo kasuhan balakajan

Ategurllll@26
Ategurllll@26
9 months ago

Do not settle for less. Paano mo makikilala yung tamang tao kung hindi mo sya hihiwalayan? I hope marealize mo na andaming tao sa mundo hindi dapat tayo nag sstay sa relasyon na hindi natin deserve.

MEMA
MEMA
9 months ago

why nakakatangina?! dont settle for less! Di naman kaylangan maging martyr lagi para marealize ng partner na balikan ka, unang una ginawa nya yun ng walang consent mo. Babae tayo di babae lang, vise versa. di dapat lagi nakadepende sa partner. pag abuso na, matuto tayo. Mahal? given na yun, pag ginagago na wag na magbulagan.

boa hancock
boa hancock
9 months ago

kung di kita kayang akayin papuntang langit, sasamahan na lang kita sa impy€rn0.

diko alam kung tama ba kutob ko. pero sis. wag mo na sya samahan sa impyerno. hayaan mong sya nalang nagkasala

฿Ⱡ₳₵₭🖤
฿Ⱡ₳₵₭🖤
9 months ago

Ang iksi lang ng buhay sender wag mong sayangin sa taong yan.bakit ikaw ung magtatago eh ikaw ung legal.sana dumating ung araw na magkaroon kana ng lakas ng loob para umalis sa sitwasyong yan.para sayo ay sa anak mo.God bless sender tibayan mo sana loob mo para makawala sa taong hindi mo deserved.

Young Jae
Young Jae
9 months ago

OMG. Hays.

Michicko
Michicko
9 months ago

Hi, Why so weak? Fight for your Right as a Legal wife. Take that as a chance na makalikom ng maraming ebidensya Hanggang sa makakuha ka ng solid evidence na mag papagulo ng buhay nila ng kabit nya . For sure pag magulo na babalik din yan sayo. Its not too late, kung di nya napanindigan ung vows nyo nung kinasal kayo, ikaw mismo ang lumaban para dito.. Kung totoo ung vows mo, hindi mo sya basta isusuko . Akayin mo sya papunta sa tamang daan , mag pray ka , hingi ka guidance kay God 😊.. YOU HAVE ALL THE RIGHTS, THATS THE POWER OF LEGAL WIFE . LABAN 💪.
Hindi pag papaka tang@ tawag dun, pinanindigan mo lang kung ano ung pangakong binitawan mo noong kinasal kayo 😊.

Unwanted
Unwanted
9 months ago

Sa PS talaga ko na satisfy ee hahaha. Go girl ipaglaban mo Yan marerealize ng Mr mo na pansamantala Lang yang sa kanila Nung kabit nya nayon Lang Yan masaya kasi bago pa. Lahat naman kasi masaya sa umpisa 😏 basta girl ilaban mo Yan Para sa Anak nyo at Para sa sarili mo Kung Yan ang ikaliligaya mo. Go. Karapatan mo Yan. Wala Kang inaapakang tao in fact ikaw ang inaapakan at iniiputan ng harapan. Wag mo hahayaan yang Mr. Mo na Masolo Lang ng kabit nya. Panatilihin mo syang kabit habang buhay dahil choice nya yn.

Last edited 9 months ago by Unwanted
Mei Gervero
Mei Gervero
9 months ago

Kahit respeto nalng po sa mhie sa sarili maibigay mo sa sarili mo. 🥺

prinxexa
prinxexa
9 months ago

Don’t let the pain ruined you sender . I know na mahirap talaga bumitaw since may anak kayo pero kung malaman ng anak mo ung ganiyang set up nyo ano nlang mararamdaman nya . Marahil dahil sa tagal nyo kaya nakaramdam ng sawa ang asawa mo . Pag-usapan nyo ng mabuti ibalik ung dating tamis ng pagmamahal . Tanungin kung bat nya nagawa ung bagay na un .

arzia
arzia
9 months ago

go mo lang yan mie gawin mo lang yan hanggang sa sukdulan ng pasensya mo gawin mo lahat ng alam mo makakapagpababa ng tingin mo sa sarili mo.. aabot ka din sa punto na ikaw na mismo ang mapapagod.ikaw mismo ang bibitaw..marerealize nya yan..damhin mo yung sakit makakatulong yan para ikaw mismo ang umayaw..

Ghot
Ghot
9 months ago

Hanap ka din ng ibang putahe HAHAHAHAH kidding aside pwede mo naman sila kasuhan, that way sure ka na di mawawalan ng sustento ang anak mo and hindi ka nila pwedeng galawin para mawala ka sa pandas nila

Gelato
Gelato
9 months ago

Sis first time ko mag comment at di ko kinaya confession mo. Wala ako sa kalagayan mo para magsalita pero sis isipin mo anak mo. Na pag nalaman nya soon ang set up nyo baka maging normal sa paningin nya yung ginagawa nyo. Naaawa ako sayo, pero mas naaawa ako sa anak mo. Iwan mo na yan sis, ibuhos mo nalang lahat ng pag mamahal mo sa anak mo at sarili mo. Sa una lang masakit, soon makakayanan mo rin.

momshie
momshie
9 months ago

You deserve what you tolerate.

basta
basta
9 months ago

Go lang sis. Alam kong mahirap talaga, oo. Pero sa paglipas ng mga araw linggo buwan mapagtatanto mo rin na tama na. Di ka namin masisisi, mahal mo eh asawa mo eh plus tagal niyo na at may anak pa. Go go, I pray for you. Sana matangpuan mo rin self-respect at peace of mind & love na deserve mo para sa sarili mo. mwua

mai
mai
9 months ago

ANG KAPAL NG MUKA NG LALAKING YAN!!! LAKAS NG LOOB! PAKULONG MO NA SILANG DALAWA PARA PARE-PAREHAS KAYONG MASASAKTAN HINDI LANG IKAW. GRABE NAGPAPAKAMARTYR KA NI HINDI MO MAN LANG INISIP ANAK MO. MAG-ISIP KA NGA SENDER NAKAKAINIS KARIN!

Martyr
Martyr
9 months ago

ay ate mong girl , don’t beg . Jusko sa una lang yan masakit . Accenptance is the key . Ipa police mo , my gosh . Ikaw na ung nagawan ng masama ikaw pa ung magpakumbaba ay naku ate girl. Magging anghel ka

theresa
theresa
9 months ago

kasuhan na yan mima wala ng mabait sa panahon ngayon deserve nya yon jusqqq

ae-su
ae-su
9 months ago

anak ako nakikita ko yung nangyayari sa mama at papa ko before. ang sakit sa’kin bilang anak na nagsasama sila dahil lang sa’min. without even knowing na mas gusto na lang namin na maghiwalay sila kasi parang wala rin naman magsasama nga sila hindi naman mahal ng papa ko yung mama ko.
Alam ko pong mahirap ang ganyan’ set up pero sa mas ma-isip po niyo. yung anak po niyo ngayon paano po siya kapag lumaki? ayon lang po salamats

jochel
jochel
9 months ago

bkt m hahayaan n ikaw ang palihim?..madami naging babae tatay q..pro mron isa n tlg nag tagal cla..although wla n rn nmn tlg aq nanay pro meron aq step mom..un nga lng dat tym d kmi close kc mataray xa..pro d aq pabor n lokohin ng tatay q ang syepmom q..kc babae dn aq ay naawa aq..dumating s point n halos dna xa n uwi smin..n kikita o nlalaman q n lng n ung pamilya ng babae lagi nya ksma at kita q masaya xa dun..lagi cla namamasyal nun..pro kmi d n nya maalala..sobrng sama ng loob q nun..dumating s point n nagrebelde aq..s isip q kc kmi ung legal e..pro bkt prng mas masaya xa s d nya 22o pamilya?..🥺kya wag m n sna hyaan m kita p o iparamdam p s anak m n kau p ang dapat manlimos s pag mamahal ng tatay nya..wag m hyaan n tapakan p ang ego m kc ayan n lng natitira sau ibinigay m p..pra n lng sna kht s ank m wag p babain ang srili m kc pti anak m idinamay m s gnyang sitwasyon m..n kng 22osin hnd nmn dpat..wag m itatak s isip ng anak m n dpat kau ang mang hingi ng atensyon at pg mamahal..p kta m n kya m kht wla ang tatay nya..p kta m s asawa m n blang araw n mag sisisi dn xa..isipin m n lng srili m at anak m..

Zari
Zari
9 months ago

Habang magkasama pa kau.ngaun pa lang mag move ka na . 🤣 Di, seryoso sender.. pag ganyan wag mo xang pinapansin lagi. Sana may iba kang pagkaabalahan.. socialize din. Ta’mo mamalayan mo parang wala na lang xa sau.. ikaw din kusang bibitaw kc mapapagod kna sa ganyang setup. At sana bago mangyari yun mauntog na xa.. xa nmn maghabol pero ayaw mo na kc may nakita ka ng mas deserve mo.. taz ayun mbabaliktad ang mga pangyayari…. O diba parang wattpad na lng ang buhay mo.. 🤣 sabi sainyo gawin niyong inspiration ang WP sa mga ganitong keneme e hahahaha

Nami
Nami
9 months ago

Pick yourself up sender, alam mong di mo deserve yan. Wag mong hayaang maging sanhi ka ng lifelong traumas ng anak mo growing up. You owe it to your child to be better than who you are now.

Anonymous
Anonymous
9 months ago

Mg gantong story talaga nakakakuha ng gigil ko e 😤

error: Content is protected!
93
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x