IN BETWEEN

Ayyy! Hello FEUSF! Wala nang paligoy-ligoy co-confess ko lang ‘yong boyfriend kong inlove yata sa bestfriend kong lalaki.

Ganto kase ‘yon. May boyfriend ako at mag-2 years na kami. While on the other side may bestfriend akong bisexual pero hindi siya halatang bisexual, lalaking-lalaki kase siya pumorma. Tapos may isa pa akong girl bestfriend.

Palaging silang tumatambay sa apartment ko. Medyo nakaluwag luwag kase ako at aircon sa kwarto ko. Favorite nila tumambay doon at minsan naman doon na talaga natutulog.

Dati ‘ko pa napapansin itong boyfriend ko na grabe mag alala doon sa bestfriend ko. Akala ko lang dahil tinuturung niyang bisita ‘yong mga ‘yon pero lately na-realize ko na iba pala.

One time kase umalis ako kasama ‘yong bestfriend kong isa. May binili kaming pagkain. Pagod daw kase ‘yong boyfriend ko at dahil sinisipag kami ng girl bestfriend ko ‘non kaya nagpresenta na kami na lumabas.

Naiwan sila dalawa doon sa apartment. May tiwala ako sa kanila since parehas naman silang lalaki at alam kong impossible naman na may ganap sa kanila. Hello? As in hindi ko talaga ma-imagine.

Doon ko lang na-realize noong naglinis ako kinagabihan at may nakita akong cöndom sa pükenginäng basurahan! Eh? Hindi ako gumagamit ng ganun. Kadiri pa at medyo kakabalöt pa talaga ng tissue. Pötâ! May hinahanap kase akong resibo ng pinamili namin at parang may kulang. Instead na resibo ng pinamili ‘yong makita ko iba pa ang natuklasan ko.

Namumula ako sa galit ‘nong time na ‘yon at doon ko lang na-realize na palagi silang magkasama at para bang minsan may mga biro silang sila lang nagkaintindihan. Minsan may mga sinasabi silang “Diba eto yung kinain natin noong nakaraan?” tapos sila lang nakaalala. Minsan naman kapag doon sila natutulog nagugulat ako tumatayo boyfriend ko at ang tagal bumalik hanggang sa nakatulog na lang ako.

Na-connect ko lahat ng pangyayari. At parang may something talaga sa kanila. Ang weird pa kase deleted palagi ‘yong convo nila. Noong nakaraang araw ginamit ko account ng boyfriend ko para i-chat boybestfriend ko, pero kanina chineck ko wala na ‘yong convo. Deleted na.

Ayoko siyang i-confront pero gusto ko ‘yong wala na talagang siyang mairason. Ayokong makapagtago sila. Gusto ko ‘yong isämpal sa kanila lahat ng ebidensya. Ayokong lumaban ng pätas kase una pa lang ginägö na nila ako. Hindi ko matanggap ang ginagawa nila sa harap at likod ko. Pinagkatiwalaan ko sila.

Ngayon hindi ko pa alam kong paano ko sila i-confront. Kung aamin sila na gusto talaga nila isa’t-isa matatanggap ko naman. Pero dapat pagbayaran muna nila lahat ng kabäbüyän na ginawa nila sa apartment ko!!!

Hindi ko alam kung paano i-describe ‘tong nararamdaman ‘ko. Hindi na tumatalab sa akin ang salitang ‘kindness’ dahil nawala na yata sa akin ‘yon.

Akala ko babae lang ang may kakayahang mang-ähäs! Hintayïn niyong dalawa , sisiguraduhin kong maaalala niyo ‘yong pangalan ko while you are both doing the dëëd!

Marj

2022

Confidential

guest
8 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Anonymous
Anonymous
1 year ago

im not Homophobic but sa point na yun🤢🤢🤢

Nicx
Nicx
1 year ago

Luh grabii HAHAHAHAHA mga dugyot.

Aryan
Aryan
1 year ago

Gosh, you both trust them pa naman, the betrayal grabe

Vee
Vee
1 year ago

Wala ako masabi hahahah Good morning na lang po😆. Mga dugyooottt ramdam ko yung sinabi ni ate na ‘okay lang kung maging sila pero kung sa mismong apartment nya gagawin?’ nakaka gigil din talaga.😆

Jigglypuff
Jigglypuff
1 year ago

ginawa pang sogo yung apartment mo???? gosh poorita yan walang pang motel??? bigyan ko silang discount card sa sogo!

nics
nics
1 year ago

iw iw naman yan

alex
alex
1 year ago

di rin ako homo pero grabe naman yon, tama ka naman po sender kung gusto nila isa’t isa aminin na nila sayo hindi yung ginaganon ka nila, dito ka saken di kita gaganunin.

Ming Ming
Ming Ming
1 year ago

The most painful part is the “betrayal” ramdam ko ung Galit ni sender grabe pero valid naman yann. Naku kung sakin yan isang kandilang itim at latin lang yan haha

error: Content is protected!
8
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x