“8-year partner ko na pinayagan ko maging OFW” (Part 3)

Di ko alam kung paano susundan yung kwento, ilang linggo na rin kasi ang lumipas, pero yung sakit, parang kahapon lang…

Sinundo ko rin siya kinagabihan, na-realize ko na di ko kayang mawala siya sa kin, gusto ko muna siya makasama bago siya umalis.

Ayoko kasing magsisi bandang huli na sana nakasama ko pa siya habang nandito pa siya sa Pinas.

Inintindi ko na lang na kahit kasama niya ko, ka-chat niya din yung sponsor niya kuno, may pa-video call pa sila minsan, ako na lang yung nag-a-adjust kasi mahal ko siya.


Wala akong magawa, basta masaya ako na kasama ko siya, kahit may kahati ako sa oras niya.

Tuwing gabi, nabubuksan ko yung extra phone niya, pasakit na nang pasakit yung mga nababasa ko sa convo nila, walang katapusang update at usapan.

Nakita ko yung mga pics nila, nakita ko rin  yung mga picture na sine-send niya sa kin noon, sine-send niya rin pala sa iba, sobrang sakit, hanggang ngayon di ako makapaniwala.

Umalis kami somewhere in Elyu para mag-relax, para kahit papano naman may mapuntahan at mapasyalan kami, pagdating doon ay tuwang-tuwa ako na kasama ko siya at walang signal.


Pero naki-hotspot siya sa kasama namin, gumawa pa rin siya ng paraan para ma-chat yung sponsor niya, ang sakit lang isipin na gumagawa talaga siya ng way para makapag-update dun kahit ako naman yung kasama niya.

Pag-uwi namin, nagkaroon na naman ng problema, nakita ng sponsor niya yung FB namin na may mga post ng pics namin together, dun niya inamin na naging boyfriend niya nga ako ng 8 years at nag-break din ng April.

Galit na galit yung sponsor niya kaya panay video call sa kanya, di niya ko pinapasok ng kwarto nun dahil di niya alam gagawin niya sa stress, ang sakit lang isipin na parang kami pa yung nagtatago ng relasyon dahil dun.


Dumating yung May 3 at tuluyan na siyang nakipaghiwalay, nagmakaawa ako na wag niya kong sukuan, na kaya ko naman intindihin  yun, wag niya lang akong iwan.

Pero bandang huli, tanggapin ko na lang daw, para wala na raw masaktan sa ming dalawa.

Kagabi minessage ko siya sa IG, dahil blocked niya na ko sa FB at Messenger, kinumusta ko siya, minessage ko siya, na baka pwedeng bumalik na siya sa kin.

Pero ayaw niya na talaga, hindi niya na raw ako mahal, dito na siguro matatapos to, di ko na alam gagawin ko…


Cindy, mahal na mahal pa rin kita. Miss na kita, ang sakit lang isipin na ganon na lang kadali bitawan yung 8 years para sa yo, nagdesisyon ka sa tin ng ikaw lang, halos magmakaawa ako sa yo wag mo lang akong iwan pero nagmakaawa ka rin na tigilan na kita at wag ka nang guluhin.

Masyado nang mataas yung pangarap mo at di na pala ko kasama dun, ang sakit sakit lang na ikaw yung pinili ko sa araw-araw pero bandang huli ay di pala ako yung pipiliin mo, di mo man lang ako pinaglaban, ganon mo lang ako kadaling binitawan…

Kyrie, 201*, Com Sci, *Confidential

guest
12 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Lodemoto
Lodemoto
1 year ago

Nahirapan po ako magbasa sa webpage niyo kala ko kadugtong ng kwento yung Ads

Accla na Accla kay Minatozaki Sana
Accla na Accla kay Minatozaki Sana
Reply to  Lodemoto
1 year ago

Hahhahaha. Umatras tuloy luha ko

kae
kae
1 year ago

Matatagalan bago ka maka move on sender pero feeling ko mas okay narin yung naghiwalay kayo kase sobrang unfair na sa part mo, nasasaktan kana niya sa mga sinasabi, ginagawa at ipinapakita niya sayo. Hindi mo deserve yung sakit na parang sila pa yung may relasyon kesa sainyo. Tipong ikaw yung boyfriend pero ikaw yung tinatago. Sa panahon ngayon ang hirap makahanap ng taong mabuti tapos yung iba pag nasa kanila sinasayang lang nila.kalorki.

Sarah
Sarah
1 year ago

Sabi nga nila “kung ano ung ginawa mo sa kapwa mo ay sya ding babalik sau” my karma ka din cindy,. Sakit ng ginawa mo😔 baka gawin din sau ng pinagpalit mo ang ginawa mo.. pinagpalit mo ung taong tunay na nagmamahal sau.. kakalungkot lang.. hugs sau kuya, malalagpasan mo din yan..

Maria
Maria
1 year ago

Nkakaiyak man ung ending nio, pero someday marerealize mo na buti nlng naghiwalay kayo, because it always happen for a reason. Hnd lang sguro sya ang para sayo, at same with her. Tatagan mo lng loob mo sender BTW single ako at nasa moving on stage na rn from my almost a decade f*cking ex! Goodluck kuys! Yaka mo yan!

Kr4m
Kr4m
Reply to  Maria
1 year ago

Hi po ☺️

Eli
Eli
1 year ago

“Ang sakit sakit na ikaw ang pinili ko sa araw araw, pero sa bandang huli ay hindin rin pala ako yung pipiliin mo.” Napakasakit neto. 💔

Hehe
Hehe
1 year ago

There was a reflection what she did from u.

Cha
Cha
7 months ago

Ang bagay na wala sayo na meron sa sponsor niya ay pera. Pinagpalit ka niya sa barya at yun ang masakit na katotohanan. Gawin mong motivation yan sender. Para magsumikap at para maipamukha mo sa kanya na di lang basta ang itinapon niya. Wag mong panghinayangan ang nagtrato sayo na parang basura. Wag mo din hayaan na tapak tapakan ka niya. Sa nangyari, di ka lang niya basta tinapakan. Kinaladkad ka pa niya at ipinunas sa kahihiyan. Marami ka pang makikilala. Sana lang, kapag dumating ang time na naka move on ka na at may pumalit na sa pwesto niya, Sana kapag siya naman ang nakaisip bumalik dahil di nag click ang binuo niyang relasyon sa bago niya ay wag mo na siyang tanggapin pa. Wag mong gawing kawawa ang sarili mo. Hindi lang tiwala mo ang tinanggal niya kundi pati respeto mo sa sarili mo at pagpapahalaga.

Emem
Emem
7 months ago

Pati Ako naiyak na, pano nga ba niya Ganon kadali lang na bitawan Ng 5 years 😭😭😭

Betelgeuse
Betelgeuse
7 months ago

Betelgeuse
Betelgeuse
7 months ago

Wag ka gumanti sender pero sana masaktan din siya ng doble pa sa naranasan mo

error: Content is protected!
12
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x