50-YEAR-OLD SECRET

Last month, habang nasa isang gathering nagka-chance akong itanong ang mga ‘to sa isang lalaking nilu-look up ko. Dahil masasabi kong meron siyang napakagandang relationship/marriage; age of 18 nung naging sila, after 8 years age of 26 nung nagpakasal, now they’re on their 48th wedding anniversary, yet still living a happy married life.

Bago ko siya tanungin, nakiusap muna ako sa kanya na ang isagot lang sa’kin ay yung totoo at huwag magpaka-hypocrite. Then I asked him kung sa 56 years nila, kahit minsan ba nag-cheat s’ya. I eventually received a death glare right after uttering the question. Ilang minuto rin bago siya sumagot, siguro iniisip kung aamin ba siya o hindi. Hahaha! Maya maya pa, um-oo na s’ya! Yes, um-oo siya.

“Kung ano mang sasabihin ko sa’yo, lawakan mo sana ang isip mo,” dagdag pa niya.

Nagulat ako syempre, hindi ako makapaniwala kasi ang expected kong isasagot n’ya ay “hindi”. Parang hindi at napakalabo naman kasing magagawa niya ‘yon eh.

Then, tinanong ko siya,

“Bakit? Alam po ba ni Mommy-la?” tumingin muna siya sa malayo tsaka sinabing,

“Hindi. Lahat naman ng lalaki nagchi-cheat, hindi lang lahat nahuhuli at syempre, wala ring basta-basta aamin. Kapag nahuli lang. Hahaha!” na siyang dahilan para matigilan ako.

“I cheated on your Mommy Lola. Maraming beses, yun nga lang never n’ya akong nahuli… Bukod sa buo ang tiwala n’ya sa’kin dahil lagi ko s’yang ina-assure na mahal na mahal ko siya at siya lang talaga, madalas tapos na kami nung babae, umayaw na ‘ko bago pa pagsuspetyahan ng Mommy-la mo——basta laging safe at lagi kong natatakasan,”

Speechless ako sa mga sinasabi niya. Iniisip kong maigi kung ginu-good time niya lang ako o hindi. Iniisip ko rin na ang g*go pala ng taong nilu-look forward ko. Huhu.

“Nag-cheat ako, dadating at dadating kasi talaga sa point na matutukso kang tumikim ng iba, na gugustuhin mong i-ano kung anong feeling sa ibang babae. Ewan ko kung maiintindihan mo, bata ka pa kasi,”

Sa totoo lang loading yung utak ko. Hirap i-process ng mga sinasabi n’ya.

“Bale, pagalingan lang pong magtago?” wala sa sariling tanong ko.

“Oo, syempre kasi kung hindi ka magaling, sira ang buhay mo. Hahaha! We tend to act and look as faithful as possible kahit hindi talaga. Lahat nagloloko, may nakita ka bang umamin without getting busted first? Wala di ba?” sagot niya.

Tinanong ko siya ulit kung totoo ba talaga yung mga sinabi niya then nung sinabi niyang oo, tumawa ako kasi sabi ko may pang-blackmail na ako sa kan’ya. Yes, nagbiro ako pero deep down, disappointed talaga ‘ko.

Marami pa ‘kong itinanong at marami pa kaming napag-usapan. (Caught up pa rin kasi ako sa mga failed relationships, marriage, at cheating issues that time.) Medyo naaano lang ako kasi yung mga sinasabi niya nagtutugma.

Naalala ko yung boss ng ex ko, he seem to be so nice and a lawful husband pero nag-aaway kami ng ex ko dahil feel ko kinukunsinte niya dahil kasama pa siya lagi whenever makikipagkita sa mga kabit.

Even the kindest religious person I know cheated. My dad cheated. My uncles cheated. My tropas cheated (some are currently cheating). My ex cheated. Tapos ngayon, ‘yan nga, Jayzam cheated.

Nung una, hindi ako fully naniniwala sa sinabi ng Daddy Lolo ko kasi syempre baka s’ya lang ‘yon or—— basta umaasa pa rin akong may mga lalaking hindi gano’n.

Pero with how all the bullsht*s na sinabi ni Jayzam and still ending up being one of them, BEING A CHEATER. I guess totoo talaga, pagalingan lang talaga magtago. Kanya-kanya lang diskarte para hindi mahuli.

I just can’t get why people cheat. Also, now how are you so sure that your partner is not cheating? Baka mala-Jayzam lang galawan n’yan? HAHA! Galaw-galaw, mga ‘kaigan’.

I confessed here kase lagot ako kay Daddy-lo if sa account ko ‘to pinost. Hahaha! Almost a 50-year-old secret.

Euphoria

2020

Unknown

BSU

guest
2 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Ming Ming
Ming Ming
1 year ago

Oh ayan, mag take down note kayo. And I agree to ur daddylo, lahat talaga ng lalaki may kalokohan at di mo un malalaman hanggat di mo natutuklasan. Nadagdagan nanaman trust issues ko jusme ka lolo

Last edited 1 year ago by Ming Ming
Hsjdjnd
Hsjdjnd
1 year ago

Hindi lahat. Tatay ko never nag cheat sa nanay ko. And nasaksihan ko yun simula nagkamuwang ako sa mundo simula nung naiintindihan kona lahat. 🤗

error: Content is protected!
2
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x