TADHANA


Silent reader po ako dito I decided na i-share din sa inyo ang aking kwento. Please hide my identity po.

Warning: Super Duper Long Post Ahead. Detalyado para mas maintindihan niyo. ‼️

Year 2004

Month of February yon tandang tanda ko pa, habang nag pa-practice kami for our high school graduation ng magsabi sa akin ang kababata slash best friend kong si Miggy (not his real name) na may nararamdaman daw siya para sakin at gusto niya daw akong ligawan. Ramdam ko naman na mas higit pa sa “bestfriend” ang pinapakita sakin ni Miggy kasi ganun din naman ang nararamdaman ko para sa kanya. March 2004 sa mismong araw ng highschool graduation namin, sinagot ko na siya. Masaya ang lahat para sa amin. First boyfriend ko si Miggy at first girlfriend niya rin ako.

College days. Sabay kaming nag enroll ni Miggy sa isang university. Bata pa lang kami, pareho na naming pangarap maging nurse. Kaya nag enroll kaming pareho sa kursong Bachelor of Science in Nursing.

Lagi lang kami masaya noon pag kaming dalawa ang magkasama. Siguro advantage na rin iyong bata pa lang kami kilala na namin ang isat-isa. Madami kaming binuong pangarap para sa aming dalawa. Miggy and I, knows our limitations. Alam namin dapat at hindi pa dapat.

YEAR 2008

Ang isang buwan na relasyon namin ay naging isang taon, naging dalawa, tatlo, apat. Apat na taon. March sabay kaming nakapagtapos ni Miggy sa kursong pinangarap naming dalawa. Masaya ang lahat para sa amin. Unti-unti na namin natutupad ang pangarap namin. 2 days after our graduation nagpaalam sakin si Miggy na may outing daw sila ng mga kaibigan niya pinayagan ko naman siya.

Fast Forward.
June ang schedule ng NLE (board exam) namin. April nagstart na kami ng review. Pero napapansin ko na parang wala lagi sa sarili si Miggy during our review. Lagi ko siyang tinatanong kung okay lang ba siya. Halik sa noo at yakap sakin lang ang lagi kong nakukuhang sagot sa kanya. Naisip ko na baka na ppressure lang siya sa nalalapit namin board exam.

Kilala ko si Miggy since our childhood, kaya alam na alam ko kung kelan may bumabagabag sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw ng exam at nairaos naman namin. After exam, dumeretso kami sa Quiapo church to pray and thank Lord na siya na ang bahala sa magiging result ng exam namin.

Month of July lumabas ang result ng board exam namin ni Miggy at sa awa ni Lord, pareho kaming naka pasa. Lisensyadong Nurse na kami ni Miggy! Sobrang saya ko. Pero ang saya ni Miggy? Hindi kasing saya ng ine-expect ko na magiging reaction niya. Alam kong may problema, pero isinantabi ko na muna. Nag set ng date para sa celebration ang both side namin ni Miggy, dinner sa isang restaurant.

While on our dinner naka receive ako ng text message from unknown number.

“Hi Chin, can we talk tomorrow at tooot at 10:00am? I have something to tell you”

Ewan ko pero, “Yes, i will” ang nireply ko sa kanya kahit hindi ko alam kung sino ang nagtext sa akin. Hindi ko man lang tinanong muna kung sino siya.

Kinabukasan 9:30am tinext ko iyong unknown number na nag text sakin para sabihin na i’m on my way na sa lugar kung saan siya nakikipag kita. Agad naman itong nag reply ng “Wait for me, Chin”.

Hindi ko pa nasabi kay Miggy regarding sa text message, balak ko pag uwe na lang tsaka ko sasabihin sa kanya. Exactly 10:00am nasa lugar na ako kung saan nakikipagkita iyong nag text, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Hanggang sa may lumapit sa table ko na babae, medyo umbok ang tiyan. Kilala ko siya, familiar iyong mukha niya nasa circle of friends siya ni Miggy nung college kami. Ah, siguro kukunin akong Ninang nito.

Pinaupo ko siya, nag pakilala siya sakin na siya si Cindy. Hindi ako nag kakamali, friend nga niya si Miggy. Sabi ko bakit siya nakipagkita at anong sasabihin niya. Bigla siyang natahimik at napayuko sabay sabing,

“Chin, i’m 3 months pregnant” Sabi ko wow congraaaaa- pero bigla siyang sumagot ng “Si Miggy ang ama”……….

Patuloy lang sa paliwanag si Cindy habang tulala pa din ako, hindi ko alam kung ano ang mararamdamn ko sa oras na iyon. “Chin sorry, hindi ko sinasadya nag kalasingan lang kami ng barkada” sabi ni Cindy.

At biglang nag flashback sakin lahat, oo tama April nang mag-outing sila. After outing doon na nagsimula na laging parang tulala at wala sa sarili si Miggy. April, May, June, July mag 4 months na ang bata sa tiyan ni Cindy.

Habang tulala pa rin ako biglang nag salita si Cindy “Sinabi ko kay Miggy the day i find out na i was pregnant. Pero hindi niya raw ako kayang panagutan dahil mahal na mahal ka niya, Chin. At hindi ko siya masisisi. Wala akong balak guluhin kayo ni Miggy, walang kasalanan si Miggy. Gusto ko lang malaman mo before i leave, aalis na ako papuntang L.A with my parents this month. Huwag kayong mag alala, hindi ko aalisan ng karapatan si Miggy sa bata bilang ama. Sorry Chin” Tumayo na si Cindy at nag paalam.

Siguro 30 Mins akong naiwan mag isa at tulala kasabay ng hindi ko mapigilan pag patak ng aking mga luha. Para akong sinaksak ng isang libong kutsilyo ng walang anesthesia. Hindi ko alam kung paano papaliwanag iyong na nararamdaman ko sa oras na iyon. Mas masakit pa sa salitang masakit.

Agad kong tinawagan si Miggy para sabihin na kailangan namin mag kita. Kailangan ko siya makausap para mas malinawan ako sa kung ano ang nangyayare. Pag ka kita pa lang sa akin ni Miggy na umiiyak ako alam kong alam na niya na may alam na ako.

Bigla siyang lumuhod sa harap ako at niyakap ang binti ko habang umiiyak. Mas higit akong nasaktan sa sinabi niyang “Sorry, Love hindi ko sinasadya.”

Dahil doon ko napatunayan na totoo lahat ng sinabi sakin ni Cindy kanina. Mas triple ang sakit na nararamdaman ko sa oras na iyon. Hindi na ako nakapag salita, ang gusto ko lang umiyak ng umiyak.

Kahit sobrang sakit, kailangan kong mag desisyon sa oras na iyon. Kaya sinabi ko kay Miggy na kailangan niyang panagutan ang batang dinadala ni Cindy. Ayoko maging selfish.

“Turuan mo ang sarili mong mahalin si Cindy, para sa bata. Mahal kita, Miggy. Mahal na mahal. Pero may batang pwedeng mawalan ng ama pag pinairal ko pag mamahal na nararamdaman ko sayo. Huwag mo akong alalahanin, Oo kailangan kita, pero mas higit na kailangan ka ngayon ng magiging mag ina mo. Huwag mo hayaan makaalis si Cindy. Puntahan mo siya, pakiusap! Huwag kang mag alala. Tutuparin ko lahat ng pangarap natin dalawa kahit ako na lang mag-isa”

Yan ang huling naging pag uusap namin ni Miggy at huling pagkikita.

Chin
2008
FEU
Nursing

#FEUSFComeback

guest
5 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Zip
Zip
1 year ago

Never love too much, wanna know why? Hindi mo kasi makikita yung tinatago niya because you trust him and love him. He will give assurance but eventually sasaktan ka lang niya. Masakit tong kwento tong pero I know mas masakit sayo sender.

Hindi ako naniniwalang mahal ka ng isang tao, kung nagawa naman niyan yan.

Lele
Lele
1 year ago

😭😭😭😭😭

secret
secret
1 year ago

basta

Markcism
Markcism
1 year ago

🙁

shesh
shesh
1 year ago

nag mahal ka lang naman,don’t give too much mag-tira ka din para sa sarili mo.

Last edited 1 year ago by shesh
error: Content is protected!
5
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x