“Siniraan ako ng 15-year husband ko sa mga babae niya, na nâgp@p@g@lâw ako sa iba, na may iba na ako…”

Last year lang to nangyari. 15 years na kami magkasama ng husband ko, we have 3 kids.

Di ko siya kinikibo ng 2 weeks because of so many problems. Especially, financial. Nahihiya akong magsabi sa kanya dahil pera ang problem.

Akala niya may iba na ko dahil sa ginawa kong di pagkibo sa kanya.

He installed dating app and chatting other girls. Daughter ko ang unang nakapansin, akala raw niya alam ko kaya di raw niya sinasabi.

One night, nagising ako, sobra ang kaba ng dibdib. Bigla akong napatingin sa phone niya. Tulog na tulog siya nun kaya kinuha ko.

And boom… so many chats and call from other girls. Sa una pinabayaan ko siya, bahala na kako. Kaso dumaan yung mga araw na ganun pa rin ang ginagawa niya.

Titingnan niya cellphone ko kung may iba akong kino-contact. Sinabi niya na, “May malaman lang ako na nagloloko ka, yari ka sa kin.”

Ewan ko, bigla akong sumab0g sa galit. Sa sama ng loob. Sinabi ko na, “Kung ikaw may kino-contact, wag mo ko idamay.”

Sinabi ko mga nabasa ko sa phone niya. May katagpuan siya, may susunduin. Pati sa Telegram at ibang dating app.

Kung paano niya ko siniraan sa mga babae niya. Na nâgp4p4g4lâw ako sa iba, may iba na ako, iba nag-aalaga sa anak ko. Lahat ng klase ng paninirâ sinasabi niya sa mga babae niya.

May inalok pa siya sa babae na bibigyan niya ng pang-tuition, samantalang ako na halos ibigay ko lahat, nagmukha na nga akong yâyâ, ni minsan di niya inalok na pumunta sa salon para mag-ayos.

Nagplano na rin siya na di na uuwi sa min kaya halos makiusap ako na mag-stay siya.

Dahil sa ginawa ko, halos araw-araw ako umiiyak. Naaawa ako sa sarili ko. Dahil sa ginawa niya, nawalan ako ng self-confidence sa sarili.

Umiiyak ako sa Diyos araw-araw. Pinaubaya ko na lang lahat ng sakit.

Sa ngayon, medyo okay na kami. Pero ako, di ko alam. Natatakot na ko maniwala sa kanya. Sa mga salita niya.

Pati anak ko, di na naniniwala sa tatay niya.

Nagpaplano na lang ako magtrabaho pero ayaw niya. Gusto niya magbantay na lang ako ng bata at maglagay ng paninda sa bahay.

Pero gusto ko nang ayusin sarili ko. Baka sakaling mabuo ulit ako kahit para sa iba ay walang kwenta ang sinabi ko.

Mrs. Bothered wife, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
13 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Dorothea
Dorothea
1 year ago

The audacity of that man.

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
1 year ago

Nakakainis talaga yung mga lalaking di marunong makuntento. Kawawa mga anak natin na mas ngsasuffer kesa satin. Sana magbago n ng tuluyan ung asawa mo sender para na din s ikapapanatag nyo ng anak mo. Sending hug 🫂

Joy
Joy
1 year ago

Hayaan mo na s’ya, Sender. The audacity of that boy. Hayaan mo na s’yang sumama sa mga babae n’ya. Good riddance. Sooner or later he’s going to reap what he sow.

A gentle reminder to all women out there na kilatisin n’yo talaga ‘yong jojowain/pakakasalan n’yo. Ang hirap pa naman magpa-annul.

Last edited 1 year ago by Joy
Maria
Maria
1 year ago

Love yourself sender. Soon he will reap what he sow

Mdn
Mdn
1 year ago

Go push mukang malalaki nmn na anak mo kung keri mo pang magtrabho ipglaban mo kse kapal ng muka ng asawa mo the audacity

tanginamo
tanginamo
1 year ago

Nakakasama ng loob 💔😭 ang kapal ng mukha ng asawa mo, Sender. 💔

xxxxx
xxxxx
1 year ago

Lumayo ka na po sa kanya. Para marealize nya na mali sya. Kunin mo po yung mga anak nyo po at isama nya po sa inyo. Narcissistic po sya. Sira po talaga mental health nyo dyan s ganyang klaseng tao. mas lalo po kayong masisira pag nag stay pa po kayo dyan. He’s so abusive.

annie
annie
1 year ago

relate 😩

Last edited 1 year ago by annie
Bettina
Bettina
1 year ago

Takot naman sadya ang lalaki/babaeng manloloko sa sarili nilang multo, nauuna pa sila mapraning kahit sila ang may inililihim.

If I were you Sender, iwanan mo na. Kung kaya naman na ng panganay mo alagaan mga kapatid nya, or ng iba mong kapamilya, ipakisuyo mo. Dumiskarte ka para sainyong mag iina. Hayaan mo na yung kup@l mong Asawa🙄

Agent Orange
Agent Orange
1 year ago

Ako naman w/ my LIP. Mag 5years na kami. Nung di na siya pumasok sa work niya kasi nalasing siya ng todo at di muna bumalik don, ilang weeks lang nakabalik sya sa same company then chineck ko yung phone nya para malaman ko paano sya nakabalik. Sinabi nya sa boss nya na nahuli niya kong nanlalalaki, kaya umalis sila sa bahay kasama yung 5months old baby ko kahit hindi totoo. Kaya biglang nawala yung tiwala ko. Pag nalalasing siya at inaaway ako lagi ko yun pang rebatt sa kanya. Hindi nakakasagot tapos puro sorry. Hindi ko na tinanong bakit nya ginawa yon. Basta di na ko naniniwala sa kanya.. Parang napapagod na din ako at parang nawawalhan na ng pagmamahal. Share ko lang dito sa comments. Same situation kasi. Kaya eto ako na diagnosed na may PPD. LABAN LANG SENDER!!! MAGWORK KA NA! PARA SAYO NALANG AT SA ANAK MO. 🙂

MAE
MAE
1 year ago

Hindi relasyon ang unang inaayos. Kundi sarili.

abcdef ❤️
abcdef ❤️
1 year ago

ang tao, hindi yan natatauhan hanggat walang nawawala sakanila. bigyan mo ng ultimatum, iwanan mo at unahin mona ang sarili mo. Tumayo ka para sa mga anak mo, Warm hugs for u miii

Grcy
Grcy
1 year ago

Naku ateng maghanap ka ng trabaho, trip yan ng asawa mo para makapang babae habang nasa bahay ka.

error: Content is protected!
13
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x