“Maybe we got lost in translation, maybe I asked for too much, but maybe this thing was a masterpiece till you tore it all up…”
Kahapon nagbasa ako ng mga comments at sobrang naappreciate ko yong mga comments ninyo, so just like what the majority said, nag-ayos ako. Well hindi naman na bago sakin ang magpaganda pero kasi ang pinagbago lang, nong high school ako, lip tint at polbo lang ang beauty paraphernalia ko pero ngayon, medyo naglevel-up na syempre inspired with the help of YouTube makeup artists at mga technique ni ate girl chikana sa TikTok.
Atsaka tinulungan ako ni Ayla pumili ng outfit. Floral na summer maxi dress na may shade ng color brown at beige yong napili namin tapos dinekwat ko yong straw hat ng mama ko na kulay burgundy (malapad yong brim non at floppy kaya super nagustuhan ko.) At dahil ako ang batas, syempre di na umangal si mama (choss). Tapos for swimming naman, papakabog ba naman tayo? HAHHAHA Hindi yon ang first time na mag outing kami at syempre matik na saming magpipinsan na magpatalbugan ng mga bikini at times like these. Plain na white two-piece bikini ang baon ko. (Kalma, ako lang to hihihi)
So gabi pa lang, nagwoworry na kaming lahat kasi beach resort yong na plano namin. Malakas na yong hangin gabi pa lang pero sabi nila tito, rain or shine, tuloy na tuloy kami. Ang alam ko noong isang araw pa sila nakapagpareserve sa resort na pinuntahan namin atsaka may indoor swimming pool naman yong resort kaya okay na okay. May beach din kaso di kami nagswimming don kasi anlalakas ng alon.
So eto na nga. Ang usapan, sa resort na kami magkikita-kita, pero yong family ng isang kapatid nina papa, nong isang araw pa umuwi tapos sa amin nakituloy. Iisang compound lang bahay nila Ayla at yong amin kaya sa kanila ako nakisabay. Sa sasakyan na drive ni kuya JC (kuya ni Ayla) ako nakisakay, bale apat kami lahat don kasama yong girlfriend ni kuya JC tapos sa van na yong mga elderlies.
Pagdating namin don sobrang hangin, eksena yong maxi dress ko hahaha. May slit yon sa may gilid kaya feel na feel kong bumaba sa sasakyan. So pagbaba namin, salubong yong mga younger cousins namin. Diko pa nakikita sina Jia kaya akala ko kanina, nauna kaming dumating pero pag pasok namin sa cottage, nandon na pala lahat. Maluwang yong cottage, may tatlong circular tables, tapos may videoke rin sa loob (di rin masyadong nagamit kasi patay sindi ang kuryente kanina)
Siniko ako ni Ayla, alam ko na agad na nandon na rin si Dave. Sina Jia yong lumapit samin, beso beso dahil medyo sosyal sila hahaha. So dumating na yong most awaited event, hinila ako ni Jia saka ang sabi, ipapakilala kami ni Ayla sa boyfriend niya. So nong makatapat kami kina Dave, poker face siya mga ‘mi. Mukhang di ako nakilala, pero yong dibdib ko parang sasabog na, alam niyo yong mabibilang mo talaga yong pagpulso kasi kada kabog may interval na one second, hahaha basta ganon.
Mas gumwapo siya ngayon, mas pumuti tapos may maninipis at pino na ring bigote. Super matured-looking na siya, but in a gorgeous way. So aaminin ko, I feel attracted pa rin tapos kinapa ko sa dibdib ko yong feelings, hindi ko mexplain. Please don’t judge me, i am just telling you guys the truth, kasi I don’t want to filter my feelings din naman. So yes, may feelings pa ako towards him at nasasaktan din akong kasama niya ang pinsan ko. So eto na, inintroduce kami ni Jia kay Dave.
“Mga pinsan ko, si Prim at Ayla.”
Nakita namin na biglang nag-iba facial expression niya, medyo nagulat. Tinignan niya ako ng mabuti and in that moment I knew, he remembered me. Hi, It’s me, sigaw ng isip ko wahhaha. So mga ‘mi, tinandaan ko yong sinabi niyo, umarte akong hindi ko pa siya kilala. Inabot ko yong kamay ko, at nakipagshake hands nang malamig at nanginginig ang kamay, pero si Dave lang yong nakaramdam. Kunot noo siya.
Si Ayla naman, masyadong paobvious ang bruha kaya nahalata ni Jia na magkakilala yong dalawa. Minum*ra ko talaga si Ayla sa isip ko kanina I swear! Syempre dahil kabatch ko ang bruha, napaakting tayo. Sabi ko,
“Ayyyy ikaw pala yon”
Hahhahahha ptchaaaa para akong tnga kanina! Tapos si Dave eh nakakunot lang ang kilay the whole time. So bago kumain, kanta kanta muna kami. Di naman sa pagmamayabang, pero magaling kumanta ang family ko sa mother’s side kaya nabahagian din tayo ng kaunting boses.
Kaya yon, All too well ni mamáng Taylor ang unang banat natin hehhe, di halatang may pinapatamaan no. Syempre focus sa screen ako kasi ang awkward naman diba kung tinitignan ko siya habang kumakanta. Tapos ito pa, bwis*t na Ayla, siko ng siko ang brüha, hindi naman sobrang obvious no? Tinanong ko siya bakit, may nakatitig daw sakin. Sabi ko hayaan lang. Though mahahalata mo na boses kong nanginginig habang kumakanta.
Lunch time na at ibang table yong mga elderlies, bali pinag-dikit nila yong dalawang circular table kasi mas marami sila tapos kami naman magkakaharap sa isang table. Hindi ko talaga siya magawang masulyapan, swear. Si Ayla lang taga signal sakin ng mga nagaganap habang nakayuko akong kumakain.
So after lunch, mga 2 pm na non nong nag decide kaming magpipinsan na magswimming na. Don kami sa indoor. Sa may mababaw na part lang ako nagstay mostly kasi di ako marunong lumangoy, sila Dave naman, nasa part na malalim inaalalayan si Jia.
Sa time na yon, madaming beses na nagtatama paningin namin pero ako agad nag-iiwas ng paningin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Don ko narealize na hindi pa ako nakakapag move on. Sorry na sobrang rupok ko. Paano ka naman uusad kong may parang nakatali pa sa paa mong dahilan kung bakit di ka makaabante?
Siguro si Dave yong dahilan kung bakit hanggang ngayon takot ako sa commitment, kung bakit di ako nag eentertain ng manliligaw, kung bakit hanggang ngayon wala pa akong boyfriend. Pero bakit sa lahat ng pwede niyang maging girlfriend, pinsan ko pa? Anong trip ng tadhana?
Hindi ako nagtagal sa pool kasi di talaga ako comfortable kaya umahon ako ng maaga atsaka nagbihis na. Sa cottage na ako nag stay after. Sina tito at papa, busy sa kabilang table, nag-iinuman at kuwentuhan habang tahimik lang ako sa table namin, kasama yong isa ko pang pinsan na busy rin sa cellphone. Mag-aalas kwatro nong nagsi-ahon na yong iba ko pang pinsan kasama sina Dave. After nila magbanlaw at magbihis bumalik na rin silang cottage.
Habang naghihintay kaming maluto yong hapunan bago kami umuwi, si Aylang bruhilda na ewan ko kung nananadya, kinuha yong dalawang boteng wine kina tito, yong isa may laman, tapos yong isa bakante. Truth or Tagay daw sabi ng bruha. Nananadya talaga yon kasi alam naman niyang alcohol intolerant ako (kaunting inom ko lang ng may alcohol content, namamantal na buong katawan ko).
Umayaw ako syempre pero hindi nila ako pinakinggan, mga pashneya. May time na natapat kay Dave yong bote pero “tagay” ang pinili, mukhang nag-iingat ang lolo niyo. Tapos nong kay Jia, “truth” ang pinili niya. Ang tanong sa kanya, kung ano raw ba ang qualities na nakita niya kay Dave at nainlove siya rito. Ang sagot niya, maasikaso, gentleman, pogi, at matalino. Napa-yeah na lang ako sa isip ko “i remember it all too well :)”
Tapos si Aylang taga-ikot ng bote, sinadyang itapat sakin after. Mukhang hindi papayag ang bruhang makauwi nang hindi naitatapat sakin ang bote. Syempre alangan namang tagay ang piliin ko, isasakripisyo kong magkapantal ako? Nahhhh.
“Bakit hanggang ngayon wala ka pang jowa?”
Sigaw ni Ayla na pabibo. Gusto kong batukan ang bruha pero paano gagawin ng hindi sila nakakahalata? Haha. Pero naisip ko, yon na yong moment ko para maivoice out yong nasa loob kong matagal ko nang gustong malaman ni Dave. Kaya syempre sinagot ko yong tanong habang yong boses ko eh nanginginig.
“Kasi yong ex ko, hindi ako binigyan ng closure. Parang asong bigla na lang hindi nagchat, kaya yon na stuck ako sa part na yon ng buhay ko tapos parang may pumipigil sa king pumasok ulit sa isang relasyon.”
Naghiyawan sila, promotor si kuya JC. Tinanong ako ni kuya JC kung long distance daw ba, sabi ko, sa malayo nag-aral. Diko alam parang namagnet yong mata ko o sinadya ko talagang tumingin kay Dave na pulang pula ang mukha na di ko alam kung epekto ng alak, tapos nakatingin lang sakin.
Hindi na hinintay ni Dave yong hapunan, nagpaalam agad siya sa parents ni Jia at sa amin, may lakad pa raw siya. Hinatid siya ni Jia sa kotse niya hanggang sa makaalis. Tapos nong wala na, saka ako parang nakahinga ng maluwag habang si Ayla, panay kwento sakin ng behind the scenes ni Dave na hindi ako aware tulad ng pagsulyap niya sakin.
Habang nag bibyahe kami pauwi, may bumulabog sa messenger ko. Kumabog agad yong dibdib ko kasi alam ko na agad kung sino yon, at hindi nga ako nagkamali.
BasherNiOyo
2022
Accountancy
UC
PART 1: https://www.facebook.com/284904048798074/posts/1142138539741283/
Ngayon ko lang napansin ‘yung name HAHAHAHA kabash-bash naman kas talaga