“THEY DON’T KNOW ABOUT US”
Hi FEU SF… Tutal secret files naman kayo diba? Naniniwala ako na mananatiling tago ang identity ko (kung mayroon mang admin dito na kilala ako. Wag niyo sana akong husgahan).
Gusto kong mag-open up. Wala kasi akong masabihan. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Sobrang sakit na. Gusto ko lang magbawas ng burdens ko. And I also want to share a lesson to everyone na kagaya kong — THIRD PARTY.
This is a story of someone who love somebody’s husband.
Yes. A third party side of a story. Ngunit bago niyo ako husgahan allow me to share my point of view.
Hi, just call me Niña [not a real name but there’s an explanation as to why i want you to call me Niña], 25 and currently working sa isang private company sa Nueva Ecija for almost 5 years now. ‘NBSB’ po ako dahil na rin sa lumaki akong may strict na parents. Yes 25 and NBSB. Not until I met this person that changed me. And I became someone na never kong na-imagine sa buong buhay ko na magiging ako.
I have a healthy working environment, sobrang malala man ng stress dahil sa workloads pero nage-excell ako at masaya ako sa trabaho ko not just because i enjoyed it but also because of the people around me.
It was year 2019, kung saan nagumpisa ang lahat. You were hired as one of the operations personnel. I know you have a girlfriend at buntis na siya noon. That’s why alam kong safe ako at ang puso ko sa mga lalaking nakapaligid sakin kasi lahat kayo may mga partner at pamilya na. Hindi ko kasi ugaling makialam at manghimasok sa buhay ng iba. At lalong hindi ako yung tipo ng babae na papatol sa isang lalaking may partner na. Mapa-girlfriend man or asawa. Infact, ayoko sa mga ganung klase ng babae. Kabît, third party, home wrêcker, relationship wrêcker, and so many other things na pwedeng itawag pa. Hindi rin ako mabilis ma-attract, ni wala nga akong pakialam sayo noong napunta ka na sa branch. Kaya hindi ko parin alam hanggang ngayon bakit ako nahulog sa patibong mo.
I BECAME THE PERSON THAT I HATE THE MOST.
Nag-umpisa sa simpleng kamustahan sa chat, sa text, hanggang sa napunta sa aminan. Christmas party ng branch natin noon, umamin ka na gusto mo ako. Tinawanan lang kita noon. Sinabi ko pa nga na lasing ka lang kaya ganyan ka tsaka baka nakikita mo lang sa akin ‘yong partner mo kasi halos similar kami ng personality.
Nalaman ng lahat ng tao sa branch na may gusto ka sakin kaya noong nag-resume ang pasok sa office, palagi na nila tayong niloloko sa isat-isa. Na pwede pa raw kasi hindi ka pa naman kasal. I know, sobrang gâgo lang no? Hindi man lang sila kumontra.
Tinatawanan ko lang yun palagi. Alam nila sa office na hindi kita papatulan kaya mas lalo ka nilang kinakatantyawan. Sinabi ko pa nga sayo na never kitang magugustuhan — but look at me now.
Struggling to find myself again because i lost it while I was busy loving you. Ang hirap pigilan eh.
Hi Ken, alam kong hindi mo naman mababasa to kasi hindi ka mahilig sa social media. You’re the type of a person na mas pipiliin ang mapagod physically kaysa magbabad ng mata kaka-cellphone. May gusto lang akong itanong sayo. Ken, are you happy? If not, I want you to be happy now. Gusto ko maging masaya ka ulit sa piling ng mag-ina mo.
You told me na magsama nalang tayong dalawa. Na kaya mo namang suportahan nalang si baby basta magsama lang tayong dalawa. Na gusto mo na akong panindigan. Sabi mo gusto mo akong pagsilbihan at mahalin ng buong buo.
Ramdam na ramdam ko yung frustrations mo tuwing sinasabi mo na sana nauna mo akong nakilala. Na ako yung gusto mong palaging makasama. Na ako yung happiness mo.
Pero hindi ako selfish Ken eh. Masaya ako sayo. Pero hindi ko kaya na may isang batang lalaki na hindi kompleto ang pamilya niya. Ayokong may maidadagdag na naman sa mga batang lalaki na walang ama dahil lang sa nagmahal ulit sila ng iba.
Mahal na mahal kita Ken. I love everything about you, and that includes your baby. I love him like his mine because he came from you. Kaya patawad my love kung mas pipiliin kong lumayo.
Kahit na isipin mo mang hindi totoo yung pagmamahal ko sayo kasi iniwan kita. Okay lang sakin na ganun nalang. Basta wag lang kayong magkakahiwa-hiwalay ng dahil sakin.
Dalangin ko na sana yung pagmamahal na gusto mong i-alay sakin, sana maibigay mo ng totoo sa asawa mo. Nasasaktan ako sa desisyon kong paglayo sayo, pero ito ang tama.
I’m not cruel enough para maging masaya na mahalin at piliin mo knowing that there is a child waiting for you at home.. You already have a home, don’t try to find it to someone who’s meant to be a passer by in your life.
—-
Niña
2017
Accountancy
*others
nkakaproud ka po 🥹🫶