PICTURE NA BAGONG LÎGÖ [PART 6: POV OF EX-BOYFRIEND ]

PICTURE NA BAGONG LÎGÖ [PART 6: POV OF EX-BOYFRIEND ]

“And when I hold you in my arms I promise you

You’re gonna feel a love that’s beautiful and new

This time I’ll love you even better than I ever did before

And you’ll be in my heart forever more…”

October 22, 2022.

5:30PM pa lang nandun na ako sa Starbucks. Sobrang excited ko at the same time kinakabahan ako sa mangyayari. After a year ngayon mo lang ulit ako haharapin, ngayon mo lang ulit ako kakausapin. Hindi ko alam paano ko sisimulan hindi ko alam kung ano magiging reaction ko. Basta isa lang ang alam ko, masayang masaya ako kasi pumayag ka na magkita tayo at makausap ako ng personal.

Around 6:10PM tinatanaw na kita sa kalsada. Maya maya nakita na kita papalapit lalo akong kinabahan hindi ko alam kung paano ka iaapproach. Inaantay kita sa labas para sabay na tayo papasok tumayo agad ako pagdating mo. Wala ako ibang nasabi nung kaharap na kita kundi “hi” natatangahan na ako sa sarili ko.

“Pumayat ka drei” sabi mo sakin tapos tinanggal mo yung powder sa damit ko. “Sorry di ko napansin” nahiya ko pang sabi ko tapos pinagpagan ko yung damit ko. “As always” sagot mo. Kilalang-kilala pa rin ah.

Uupo kana sana pero sabi ko, “dun tayo sa loob mainit dito” kaya nauna ka pumasok.

You look better Sach. Ang laki ng pinagbago mo. Ang ganda at fresh mo lalo. You’re wearing a knitted dress. Pag upo natin tinanong kita kung oorderin ko naba yung favorite mo Java chip and tiramisu pero sabi mo,

“No! Ayoko na nyan” tapos ngumuso ka halatang nairita ka.

“Really? Bakit?” nagtaka lang ako kasi alam ko all time favorite mo yun ako na mismo ang nauumay nun sayo kasi paulit ulit yan order mo na yan.

“Wala lang. Bakit masama ba tumikim ng bago?” Medyo iba yung tone of voice mo nun.

“Uhmm nagtaka lang-“ sagot ko sayo pero nag salita ka agad.

“Eh bakit ginawa mo?” Nakatitig ka lang sa mata ko. Hindi ako nakasagot hindi ko alam kung nag jojoke kaba o ano pero alam ko iba yung meaning ng tinutukoy mo. Napa “ha?” na lang ako pero tumawa ka sabi mo “ha? Hatdog!” Pinitik ko lang yung noo mo lagi kong ginagawa tuwing sinasagot mo ako ng ganun dati.

Umorder na ako. Kumain tayo habang nag kwekwentuhan. Hindi mo akalain na mag memessage ako sa page kasi alam mo na wala akong time noon sa mga ganun pero dahil gustong gusto kong makausap ko nakita ko yung way na yun para makatulong sa akin at hindi nga ako nagkamali.

Kinamusta kita, yung trabaho mo, family mo. Admin and finance supervisor ka na. At currently nasa training stage ka for being a manager.

“Wow sach! You’re doing good. Congrats! Super proud ako sayo” (awkward haha) sabi ka sayo tuwang tuwa ako sa nalaman ko na yun. Kinamusta mo rin ako, sila mama at papa. Sabi ko okay lang din nagbukas din kami sa bahay ng for take out and delivery bukod dun sa restau.

Kinamusta mo yung mga kaibigan ko. Sabi ko si Zed nalang ang nakakausap ko minsan busy na rin kasi sa buy and sell na business niya. Si Oyo dinala ng mama nya sa Cagayan kasi nalulong sa online gämbling. Si Gerald currently working sa Okada. Si Paupau may pamilya na. Si Arvin magpapabinyag ng anak nila this coming last week of November. Ininvite kita pero sabi mo hindi mo pa alam yung schedule mo.

Tinititigan kita gusto ko imemorize yung mukha mo kasi hindi ko alam kung kelan mo ulit ako kikitain. Hindi ko alam kung bibigyan mo paba ako ng chance para makipagkita ulit sayo kaya gusto ko sulitin yung pagkakataon na binigay mo para makasama at makausap ka. Gustong gusto ko itanong sayo kung may chance paba? Kung may karelasyon ka naba ngayon? Pero naduduwag na naman ako. Hindi ko kaya marinig yung sagot mo pero gusto ko malaman.

“So how’s life?” Yan lang nasabi ko. Tumingin ka lang sakin. Alam ko nagets mo yung gusto kong itanong. Sinabi mo sakin habang naka tingin ka ng diretso sa mga mata ko na may sumubok pero hindi ka pa buo siguro kasi natatakot ka na baka maulit ulit yung naranasanan mo pero hindi sya sumuko hanggang ngayon ginagawa nya parin yung best nya para makuha yung “oo” mo at yung tiwala mo.

Nakikita mo at naappreciate mo yung effort niya para dun sabi mo. Masakit Sach! Masakit sa akin yung narinig ko pero ginusto kong malaman lahat. Di ako nakapag salita ng ilang minuto. Nakatingin lang ako sayo pero gusto kong umiyak sa harap mo. Sobrang bigat sa dibdib ko.

Nag iba ako ng topic. Hindi ko pala kayang ituloy yung usapan na yun. Sabi ko hahatid kita pauwi kasi alam mo naman na di kita pinag cocommute pero ayaw mo sabi mo may susundo sayo at doon ako lalong nasaktan. Yung hinahatid sundo ko noon, meron nang ibang gumagawa sa kanya ngayon.

Napayuko lang ako naluluha na kasi ako. Nag sorry ako sayo sa nangyari noon pero sabi mo ayaw mo na balikan yun ayaw mo na isipin pa ulit. Ayaw ko pa matapos yung usapan natin kasi kapag natapos na alam ko aalis ka na.

Hindi ako sure kung kelan uli kita makakausap. Until nag ring yung phone mo, sinagot mo. Lalake yung kausap mo naririnig ko pero hindi malinaw yung sinasabi nya sayo. Basta ang sagot mo lang, ‘dito mo na idaan sa harap ng starbucks para di kana mag park’ ‘chat mo ako kapag malapit kana ingat’.

Para akong dinudurog sa mga naririnig ko Sach gusto ko nalang lumubog sa upuan. Tinanong kita kahit alam ko namumugto na yung mga mata ko,

“Uuwi kana?” Sabi mo “oo eh! Late narin kasi. Ikaw san ka nyan?” “Uuwi na rin papahinga” sagot ko sayo.

Inaabutan mo ako ng pambayad pero hindi ko kinukuha. Sabi mo “ano bayan baka lumabas utang ko pa sayo toh ah” ngumiti lang ako pero pilit na pilit yung ngiti ko. Maya maya may padating na kulay red na vios na sa labas. Biglang nag ring ulit yung phone mo. Sinagot mo sabi mo”sigesige palabas na” sabi ko “hatid na kita okay lang ba?” “sure” sabi mo.

Kahit masakit at mabigat sa loob ko. Ayaw pa kita paalisin Sach. Gusto kitang pigilan umuwi. Baka pwedeng dito muna tayo. Naglakad kana sumunod ako. Gusto ko din makita yung susundo sayo, kung sino yung maswerteng lalake na nakikitaan na ng effort ngayon ng babaeng mahal ko. Gusto ko siya i-congratulate. Kahit sobrang sakit nun sa akin. Pag labas natin nag aantay yung kotse dun.

Nung nasa tapat na tayo biglang nagbaba ng salamin. I was shocked. Kilala ko yun!!! Hindi ako pwedeng magkamali.

Natatawa ako na naiinis sa sarili ko. Kapatid mo pala. Biglang nag sign ng saludo,

“Kuya!” Sabi nya sakin. Ngumiti ako.

“Uy kamusta! May kotse kana rin pala”

“oo kumuha ako kahit second hand” sabi nya. “Goods yan! Maintenance mo nalang din” sabi ko sa kanya.

“Oo ipon ipon lang binibigyan naman ako ni ate ng pang gas hahaha” tinawanan namin si Sach kasi naka simangot agad sa sagot nung kapatid nya.

“Oh bakit? Wag mo sabihin na hindi? Hayaan kita mag commute pauwi” tinatawanan pa rin namin siya. Hanggang sa magsalita na siya “sige na drei! Uwi na kami baka matraffic eh!” Sabi ko “sure sige ingat kayo” binuksan ko na yung pinto ng kotse nila.

Hinaplos pa ni sach yung likod ko. Di ko inexpect yun! Naka abante na sila biglang huminto. Bumaba ulit yung salamin ng kotse tinawag ako ng kapatid niya

“Kuya! Kung may time ka bisita ka sa bahay papacheck ko sayo tong kotse wag ka matakot dito kay ate” sabi ko “sige no problem! Ingat kayo.”

Magkasundo kami ng kapatid niya lalo sa kotse o motor pareho yung hilig namin dun. Nagpunta ako sa kanila kahapon (sunday) hindi nya ako gaanong pinapansin, kinakausap niya rin naman ako kahit papaano but that’s okay. Alam ko walang nag uumpisa sa madali lahat ng bagay na gusto natin makuha is need natin pag hirapan.

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na baka pwede pa lalo ngayon napatawad mo na ako. Siguro kailangan lang talaga kita bigyan ng time para mag heal pa. Maybe hindi pa ngayon pero alam ko dadating yung time na yun. Okay ka na pero hindi kapa ganun kaready. Hindi ako magsasawa na mag antay sa tamang panahon na yun kasi alam ko naman na kung hindi lang din ikaw wala din mangyayari sa next relationship ko.

Hindi din ako ready kumilala ng iba. Alam ko na ikaw at ikaw pa rin yung hinahanap ko. Handa ako magsimula ulit sa umpisa. Handa akong ligawan ka ulit. Handa ako mag antay kahit matagal.

Can we start over? We can create new memories and give each other a second chance. Maybe it’s not always trying to fix something broken. Maybe it’s about starting over and creating something better. Starting all over again is not that bad because when you restart, you get another chance to make things right. I will do everything it takes to win you back. I will never lose hope that we will have our second chance. Mag aantay ako palagi. Nandito lang ako palagi para sayo. Lagi lang ako nakasupport dito sa likod mo. Nandito ako para icheer ka sa lahat ng bagay lalo when you’re feeling down. Ako yung number 1 fan mo sa lahat ng bagay na ginagawa mo. I love you always tandaan mo yan. Ikaw at ikaw padin yung only one ko, my love, my baby, my princess and my everything …

Honda Civic

2014

BS Accountancy

JRU

Part 1-5 of ‘PICTURE NA BAGONG LÎGÖ’:

Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Era
Era
2 years ago

Pass

error: Content is protected!
1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x