MY MVP

  • Everytime I see your face in the television, nagfa-flashback lahat.

I was once your number one fan na nagchi-cheer sayo every game mo tuwing intramurals. Ako ang nagbibitbit ng tubig mo. Taga bantay ng bag niyo sa bench. Taga-take ng pictures mo. Taga punas ng likod mo tuwing time out.

Kinikilig ako kapag kikindatan mo ko sabay ngiti tuwing makaka shoot ka. Lahat tuloy ng nanonood nag titinginan sakin.

Palagi kang panalo. Kaya proud na proud ako sayo. Ikaw ang star play sa team, di ka lang gwapo, matangkad ka pa, mabait ka pa. Kaya naman ang daming lumalapit na babae sayo.

Naalala mo noon? Inutusan ako ng isa sa mga fan mong mag take ng picture nyo? Di niya ata alam na girlfriend mo ko, kaya ang ginawa mo, tinawag mo ko.

“Baby girl! Halika dito!

Girls, meet my future wife _______”

You never let me feel jealous to the other girls “your fangirls” because you make them jealous to me.

Naka-graduate tayo ng highschool ng sabay. We entered FEU together with the same course. Remember the day of your first try out in our institute basketball team? You were so nervous. Feeling mo di ka makukuha kasi ang gagaling ng mga nandun. But I was with you for the entire day. Mino-motivate kita na kaya mo. Na makukuha ka kasi magaling ka. Na nandyan ako palagi sa tabi mo anumang mangyare. Kaya nagkaroon ka ng lakas ng loob.

At the end of the five hours of waiting, the result made us both cry nang tinawag ang pangalan mo. Natanggap ka. Sobrang saya mo. Binuhat mo pa ko sa sobrang saya mo. Hinalikan sa pisngi ng sampung beses. Nakakatawang alalahanin. Mga panahong unti-unti mong naaabot ang pangarap mo. Syempre, masaya rin ako kasi masaya ka. Ako na ata ang pinak-proud na girlfriend sa buong Mundo.

Expected kong ikaw ang pinakamagiging star player ng institute team. Tama naman ang expectation ko. The same as we were in highschool. You always dominate the game. You’re always the MVP. Sa dami ng panalo mo, lalong dumami ang mga taong humahanga sayo. Lalo na ang mga babae. But I never felt threatened kasi alam kong ako lang. I was with you all the time. To cheer you. To take photos of you. To give you the what you called “strength power” my kisses on your forehead every time out.

Freshmen to sophomore everything was fine. Pero nung nag third year tayo dumami na ang responsibilities mo. Pinuntahan mo ko sa classroom at masayang ibinalita sakin na kinuha ka ng FEU coach para maging Team B player. Kaso sabi mo, kailangan mo ng mag-stay sa athlete’s quarters. Di ka na pwedeng umuwi ng araw-araw kasi palagi kayong may practice. Okay lang sakin. I was so happy for you. Really happy.

Kaso dumating na yung point na madalas hindi na kayo pinapapasok sa klase. Tatawag ka nalang na may practice kayo. Di mo ko masasabayan sa lunch at vacant times unlike before. Di muna pwedeng makipag kita dahil ayaw ng coach. I understand. Re-reply-an nalang kita ng,

“Ingat ka. Mahal kita,” magre-reply ka rin ng,

“Mahal din kita. I miss you. 😞

Miss na miss natin ang isa’t isa. Noon kasi hindi tayo mapaghiwalay, di ba? Hanggang sa fourth year. Nawala na lahat.

Napapagalitan ka ng coach mo dahil tumatakas ka para makipag kita lang saken. Ihahatid mo ko sa bahay tapos pag dating mo sa practice pagod ka na at nanghihina ka na raw. Tumatawag ka saking depress ka kasi nasisigawan ka ng coach mo kapag di ka nakakapag perform ng maayos sa game kakatakas mo. You were the star player but because of me, naapektuhan na ang tingin sayo ng team at coach mo. Tinatawag ka nilang irresponsible at may attitude problem.

Even though you were very busy di mo ako nakakalimutan. Di mo nakakalimutang gawin ang duties mo as a boyfriend. Despite na alam mong pag balik mo ng quarters mabubulyawan ka. I appreciated everything.

But I’ve realized, I have to make a distance from you. Ayokong maging dahilan para masira ang mga pangarap mo. Ayokong maging dahilan para matanggal ka sa team. Nandyan ka na, e. Konti nalang nasa tuktok ka na. Mahal kita kaya ayokong sirain ang mga bagay na nagpapasaya sayo.

Lumayo ako at gumawa ng excuse na hindi naman totoo at yun ang may bago na akong mahal. Di na ako ulit nakipag usap sayo. But you were trying to get everything back. You begged, you kneeled in front of me, crying and asking me to come back. Sabi mo kung ang dahilan ba ng pag alis ko ay ang kawalan mo ng oras saken, handa kang umalis sa team para ibalik lang lahat pero tumanggi ako.

Iniwan kita ng walang salitang natanggap mula saken. I heard how dëprëssed you were.

But now, look. You’ve really reached your goal. I know you are very happy from where you are now and I am very happy too because I made a right decision.

Look, how famous you are. Team A. Napapanood na kita sa UAAP. Hindi lang sa TV. Pati narin live kaso ayokong mag pakita sayo. Nahihiya ako, e. Baka kasi magalit ka sakin dahil sinayang ko ang anim na taon na meron tayo. Natatakot din akong isipin na kapag nakita mo ko dededmahin mo na lang ako.

Meron na kasing bagong nag chi-cheer sayo. Meron ng bagong nagbibigay ng inspirasyon sayo. Niyayakap mo pagtapos ng laro.

Masakit. Pero gusto kong malaman mo na kahit halos dalawang taon na ang lumipas, ikaw parin…

Ikaw pa rin ang MVP ng buhay ko at ako pa rin ang number one fan mo.

Je

2011

FEU Manila

guest
2 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
luna
luna
1 year ago

😭 😭 😭

Riri
Riri
8 months ago

Grabeeee😭😭😭

error: Content is protected!
2
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x