“Partner kong nakikipag-*thing* sa iba’t ibang babae habang kami pa…”

Papatawarin mo pa ba ang partner mo kahit ilang beses na siyang nagloko at nakipag-*thing* sa iba’t ibang babae?

Itago niyo na lang name ko bilang Iyang. Simula pa lang nung 2021 ay nalaman ko na nagloloko ang partner ko at may kin@k@in siyang iba. Alam to ng kapatid niya na nakakasama niya sa bahay at lahat ng tropa niya. Dahil wala akong kakampi, tumagal to ng halos 3 taon. Dumating pa sa point na sinabihan ko siya na mag-c*nd*m kapag nagkikipag-*thing* sa iba, pero tinatawanan niya lang ako.

Marami ako nakikita na nakaka-chat niya at nakakalandian niya tapos nagpapasalamat at sa uulitin pa. Pinalagpas ko yun DAHIL MAHAL KO. Nung nasaksak siya, ako nag-alaga at nagbantay, naglakad ng papeles para wala siyang babayaran sa hospital pero di ko sukat akalain na habang 50/50 siya, may kalandian siyang iba.


Nag-work ako para may pera at makapag-ipon, humihingi ako ng oras sa kanya tuwing break time ko pero wala raw siyang time, pero nakikipag-inuman sa tropa at may mga babae, di na ko nagugulat kapag may pupulutanin siyang babae sa inuman. Naging normal sa akin yun, nasa isip ko na lalaki kasi yun, may pangangailangan, baka may mga bagay ako na di nabibigay na nakikita niya sa iba.

Hanggang sumuko ako at nakipaghiwalay sa kanya. Nagkaroon ako ng iba at sobrang naging masaya ako, pero punta siya nang punta sa work ko at sa apartment ko para manggulo. Sabi niya bayaran ko raw lahat ng naibigay niya kahit di ko naman ito hiningi. Para makawala sa kanya, binayaran ko na lang at i-po-post niya ko sa FB at kung ano-ano pang pananakot.


Fast forward. Nagkabalikan kami. At netong May, nalaman ko na buntis ako sa kanya, nagmakaawa ako sa kanya na alagaan ako gawa ng lagi sumasakit ang puson ko at lagi ako nilalagnat which is not normal pag buntis.

Nung umuwe ako sa kanila, sinigawan ako, inaaway ako kasi nagaway sila ng kapatid niya. Sa kin nabaling yung galit hanggang sa tinatanong niya ko kailan ako magwo-work at uuwi sa apartment ko kahit live-in naman kami sa Paranaque. Nagpasya ako umuwi sa tinutuluyan ko kasi ramdam ko na baka hindi niya magawa yung gusto niyang gawin like, tumambay, mag-inom, at pumunta sa mga tropa niya.


Di ko namalayan na nagbabalak siya mag-swimming kasama yung babae. Itago natin siya sa pangalang Shane. Pagkatapos ng swimming, laging andito yung girl, kinakama ni bf at may video pa silang dalawa. Di raw niya alam na may jowa kahit halata naman na sa kwarto ko na panay gamit ko lang makikita niya. Sabi pa sa kin na wala pa naman daw sa kanilang n@ngy@ri.

Nagmakaawa ako na palayain na ko, di ko matiis na tumira sa bahay nila dahil alam ko na nagiging masaya siya sa piling ng iba.

Papatawarin ko pa ba yung ama ng anak ko o hahayaan ko na lang yung galit ko? Tumakas na ko sa kanya at mas pinili ko mapag-isa at sumama sa makakatulong sa kin. Pasensiya na sa haba ng istorya. Habang ginagawa ko to, umiiyak ako. Nanghihina kasi ako, di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas.


Iyang, 20**, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

11
2
guest
86 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Hayst
Hayst
7 months ago

Nakalaya ka na noon nakipag balikan ka, my gosh namn gurl.

beshymo
beshymo
Reply to  Hayst
7 months ago

parang t4nga lang eh

Maneater
Maneater
Reply to  beshymo
7 months ago

natumbok mo

Maneater
Maneater
Reply to  Hayst
7 months ago

ako na high-blood, kaloka!

Yangg
Yangg
Reply to  Hayst
7 months ago

Nakabuo patuloy tsss!

chi
chi
7 months ago

Antanga mo be, rason mo “Mahal ko eh”, ngayon na may baby kayo ine-expect mo magpapakatatay siya eh wala ngang respeto sayo. Sana man lang respetuhin mo sarili mo.

فرح عبير
فرح عبير
7 months ago

let go mo na te hayaan mo nalang sya di sya matawag na tatay alam mo naman sa sarili mo kung anong klaseng tao sya kaya bat kapa mag-tatyaga? mas okay ng walang ama yung anak mo kesa maging miserable pa buhay nyong mag-ina direct to the point na po. mas okay na hayaan mo nalang sya maraming lalaki dyan na tatanggap sa inyong mag-ina wag mo ng patawarin kahit pa mahal mo.

فرح عبير
فرح عبير
Reply to  فرح عبير
7 months ago

isipin mo may tatanggap parin sayo malay mo yung ibang lalaki mag paka tatay sa anak mo at mas mapaganda buhay nyo, kase te base sa kwento nyo miserableng pamilya ang mabubuo kapag sya ang padre de pamilya naiintindihan kita mahal mo pero kung ganyan lang te para sa anak mo te tama na hiwalayan mo na ng tuluyan. may nakakasama naman sya dun nalang sya kase kung talagang mahal ka nyan di nya hahayaan na masaktan ka

Joy
Joy
7 months ago

First of all, hugs, sender. Mahirap ‘yang pinagdaanan mo, but you deserve better. You don’t need a boy who will never see you as a lover and an equal. When respect is no longer served, leave the table. Iwanan mo na s’ya. Ipa-blotter mo or what. Hayaan mong ‘yong mga choices n’ya sa buhay ang magbigay sa kan’ya ng matitindi at masasakit na consequences. Start a new life without him. Find someone (a family member or a friend) who will help you sort your life out while raising your kid.

With regard naman sa pagpapatawad, kung kaya mong patawarin ‘yang lalaking ‘yan nang bukal sa puso, edi go lang. Pero hindi porke’t pinatawad mo s’ya eh iwe-welcome mo na ulit s’ya sa buhay mo with open arms. Magkaiba ‘yon. ‘Wag mo ng hayaan na gaguhin ka ulit n’yan o na makalapit ‘yan sa anak mo. Isipin mo, ikaw pa nga lang ginagago na n’ya, how much more pa ‘yong anak n’yo, ‘di ba? Okay lang ba sa ‘yo na ang makakagisnang ama ng anak mo ay isang bastos, babaero, at manloloko?

Last edited 7 months ago by Joy
Qtie
Qtie
Reply to  Joy
7 months ago

Anong hugs sender e ginusto niya yan hahaha nakalaya na sya bumalik pa din tapos ngangawa-ngawa nung nabuntis. Aware naman na siya sa ginagawa nung partner niya una palang e pero pinilit pa din niyang pinagsiksikan sarili niya. Jusko, wag puro comforting words ibigay niyo, she deserve what she tolerates. Sabihan niyo ng magpapabukas sa isip niya hindi puro hugs sender, mga stay strong Sender para sa baby HAHHAHA🤮

Cindy
Cindy
Reply to  Qtie
7 months ago

Very well said.

Qtie
Qtie
Reply to  Cindy
7 months ago

Kakagigil parang tinotolerate din tuloy nila yung sender🙄

Cindy
Cindy
Reply to  Qtie
7 months ago

Sa true lang, kahit di na tama icocomfort kaya lalong nagpapaawa or victim e

Qtie
Qtie
Reply to  Cindy
7 months ago

tru anteh!

joiz
joiz
Reply to  Qtie
7 months ago

tama.

tolits
tolits
Reply to  Qtie
7 months ago

legit lang, you always deserve what you tolerate kahit anong reason mo pa behind that.

Qtie
Qtie
Reply to  tolits
7 months ago

mismo! Kaya wag magiiniyak in the end.

Cycy
Cycy
Reply to  Qtie
7 months ago

Excuse po buntis si sender at masakit ang puson palagi sign yon a makukunan sya. Deserve pa ba nya ng hateful comments? Sue learned the hard way, diba pwedeng positive comments nalang para hindi tuluyan mastress si sender? Y’all are pushing her to her death.

Qtie
Qtie
Reply to  Cycy
7 months ago

Nilagay niya yung sarili niya sa situation na ‘yan. Kaya hindi MO masisi ang mga tao kung may negative comments na matatanggap si Sender. Kung hindi sana siya bumalik sa kupal na ex niya, edi wala sana siyang pinoproblema ngayon. Tsaka anong sinasabi mo na we are pushing her to death e sinasabi lang naman yung totoo ah HAHHAHAHHAHAH jusme. Nasa kaniya na iyon kung paano niya ia-accept at iha-handle ang criticism ng mga tao, kaya nga siya nag confess e.

psyche
psyche
Reply to  Cycy
7 months ago

Kasalanan niya. Nakalaya na siya nung una, tapos binalikan at nagpabuntis pa 🤦🏼‍♀️

Qtie
Qtie
Reply to  psyche
7 months ago

Diba, minsan may iba talaga mema lang e HHAHAHAHHA what if siya yun choz

Rose
Rose
7 months ago

matanda kana, alam mo na dapat gawin. we don’t support tanga here.

Last edited 7 months ago by Rose
beshymo
beshymo
Reply to  Rose
7 months ago

(2)

mylenecabugason@gmail.com
7 months ago

Naka Alis kana bat bumalik ka pa?
Isa lang magandang Gawin dyan, umalis ka sa sitwasyon na GANYAN, habang nasa tummy mo pa Yung baby mo.
Kase kapag naisilang mo na Yung baby mo.
Tapos puro lang kayo away matrauma yung anak mo.
Mas piliin mo Yung payapa ka. Kesa kung ano ano Yung iniisip mo

Obobprend
Obobprend
7 months ago

Ewan ko syooooo

Walang dilig na iyong lingkod
Walang dilig na iyong lingkod
7 months ago

Tama lang po yang ginagawa mo

Cici
Cici
7 months ago

Tanga ka kaya deserve mong umiyak, nakalaya kana before bumalik ka pa

Walang dilig na iyong lingkod
Walang dilig na iyong lingkod
7 months ago

Lumayo kana wag kana ulit mh habol

Haynaku
Haynaku
7 months ago

Utak whereeeee? Ano kaba! Gising huy

Ms. A
Ms. A
7 months ago

Sender plssss know your worth!!! Don’t settle for less! Msrap kang iuntog, psalamat ka lng at buntis ka! Matauhan kna pra sa anak mo! Plssss! Kya my mga lalakeng gnyan kc my mga babaeng tinutolerate mga gwain nla eh!

lean
lean
7 months ago

Nku nman sana di kna nkipgblikan.. Simulat simula pa ikaw na lugi .. hayys sana nkapg isip isip kpa nun ..

Bobita mo
Bobita mo
7 months ago

Girl naka laya kana babalikan mo pa? Hindi mo ba naisip na pwede makakuha ng sakit yung gago mong ex at mahawaan kayo ng anak mo??

Teh 2023 na hindi na uso na porket may anak kayo isiksik mona ang Sarili mo sakanya, kahit na ganyan ang treatment niya sayo. What more pa kapag lumabas na ang anak mo at makita niya na ganyang klaseng ama ang meron siya? Baka mas piliin niya nalang na mawalan ng ama kesa makita niya na sobra pa sa gago yung tatay niya.

Teh mindset te. 2023 na

Assej
Assej
7 months ago

Ang tanga mo sa part na nakipag balikan ka pa kahit paulit-ulit ka ng ginagago. Pwed mo nman siya makasuhan kung ipopost ka sa fb, nasubra ata yung pagmanahal mo . Nka takas ka na nga bumalik ka pa.

Muntanga
Muntanga
7 months ago

Tanga kana Nga noon nakalaya kana nagpaka Tanga kapa Lalo?!! Mag isip kanaman kawawa sarili mo marami babae na kayang mabuhay Ng walang lalaki Lalo na kung may anak Naman na.

Kaw MISMO kasi binigyan mo Siya Ng karapatan Gawin kang Tanga Ng paulit ulit kakagigil lang yang pag hingi mong advice alam mo namn na Yung dpat gawin

Tsk....
Tsk....
7 months ago

Katanga mo naman po sender, nakalaya ka na pala ,bumalik ka pa 😔🥺

Shana
Shana
7 months ago

Tanga mo tehhh juiceko nakawala kana binalikan mo pa!!!! ewan ko sayo. madami ako problema tapos dinagdagan mo pa

Lynnnnn
Lynnnnn
7 months ago

TINATANUNG MO PA TALAGA KUNG PAPATAWARIN MO YUNG GAGO NA YUN.. ALAM MO NA YUNG SAGOT JN PERO NAGPPAKATANGA KA LNG.. SINO TANGA NA PAULIT ULIT KANA GINGO TAS PAPATAWARIN MO PA.. PILIIN MO ANAK MO PILIIN MO ANG PEACE OF MIND MO PARA SA MAGIGING ANAK MO.. MABUBUHAY MO ANK MO NA WALANG AMANG KINAKALAKIHAN LALO NA KUNG GAGO LNG DIN AMA NYA..

Qtie
Qtie
7 months ago

Alam mo ang tanga mo na b*b* ka pa, naghiwalay na nga kayo dati bumalik ka pa din. Alam mo nang walang dulot yung taong yun babalik ka tapos ngayon na may anak na kayo gaganyan ganyan ka. Ang tanga mo sobra kung papatawarin mo pa yung kupal na yun promise. Dapat hindi palaging “Mahal ko eh” tanga walang mabubuhay sa ganyan uy. Ang isipin mo na lang ngayon yung anak mo wag ka na maghanap ng iba. Kakainis.

Bruh
Bruh
7 months ago

Boba. Tanga. Gunggong

hateangmgabobo
hateangmgabobo
7 months ago

Bobo naman, hahaha. Nakipagbalikan, amp.

Anjela
Anjela
7 months ago

You deserve what you tolerate Sender. Wag mo hayaang lumaki anak mo sa ganyang environment.
Giiiirl, Gising!

A.K Gaming
A.K Gaming
7 months ago

Jusq tinolerate mo kase e

Qtie
Qtie
Reply to  A.K Gaming
7 months ago

deserve

AlliMar
AlliMar
7 months ago

Alam mo ang sagot, bkit di mo kayang gawin? If you love yourself, magagawa mo yan.

Tenshi
Tenshi
7 months ago

Hello sender, I’m sorry nangyari sa’yo yung ganyan. pero sana besh noong naghiwalay kayo hindi mo na binalikan grabe yung pagiging walang respeto sa’yo. I suggest hiwalayan mo na s’ya para na lang sa baby mo tutal naman isa pa lang anak n’yo. kering keri mo yan siz. I hope sumaya kayo ng baby mo hehe God bless you!

No name
No name
7 months ago

Dun sa part na Hindi ka nirespito dahilan na Yun para iwan mo.

Cindy
Cindy
7 months ago

Ikaw pwede ka pumili ng partner pero ang anak mo di pwedeng pumili ng tatay, kaya sana naman ikaw na pumili ng responsible na tatay para sa kanya. Engot mo sender. Di ako naawa sayo kasi choice mong maging tanga🙄

Baby
Baby
7 months ago

Tanga nmn. Nakalaya na bumalik pa tas ngpabuntis pa juskoo dayyy

Hashah
Hashah
7 months ago

Break mo na yan gurl!

Tanga tanga
Tanga tanga
7 months ago

Taina na rason yan MAHAL KO ??? OH AYA DASURV 🙄🙄🙄 nakalaya ka na binalikan mo pa dhil sa tinatakot ka … Ei kung nag sumbong ka sa parents or sa pulis may womens desk uyyy VAWC lang katapat nyan ee kaso pinalaki mo din kc ulo alam mo na ganun na gawain ng jowa mo pinag bibigyan mo pa rin pinatatawad mo parin kase MAHAL mo … Ei yan kase mahal mo ano nangyare sayo? … Haaayy be strong sender medjoh nakakainis ka lang … Sana alagaa. Mo ang anak mo at sana huwag mo hayaan na maranasan nya ung naranasam mo 🙄💕

Hashah
Hashah
7 months ago

Kay God ka kumuha ng lakas! 💗 Hindi ka nya papabayaan. Sana maging masaya ka na. At dumating na talaga yung tunay na magmamahal at magaalaga sayo.

Last edited 7 months ago by Hashah
chicken tendies
chicken tendies
7 months ago

Minsan na ring naging tanga yung tipong ikaw nalang yung umiintindi sa inyong dalawa kasi mahal mo, pero ngayon may bf na ako na ang understanding masyado. Tanggap ako kahit may anak na. Kaya hindi ko isu-suggest na magbalikan kayo, halata namang irresponsible yang lalaki eh. Makakahanap ka din ng lalaking magmamahal sayo ng tunay.

Yung lalaking patutulugin ka ng mahimbing sa gabi, hindi yung gabi-gabi ka paranoid, umiiyak at nasasaktan.

Zein Alexander
Zein Alexander
7 months ago

deserve mo yan kase ginusto mo balikan, may utak ka ghorl gamitin mo

Zein Alexander
Zein Alexander
7 months ago

nanggigigil ako sa katangahan mo beh plss lang tigil-tigilan mo

AJUJUJUJU
AJUJUJUJU
7 months ago

Yung alam mo na ngang Gago kinunsinti mo pa. Sabi nga YOU DESERVE WHAT YOU TOLERATE. Kaya kung ako sayo nuon sana o kahit ngayon kung may mali kang nakita sabihin mo agad para alam yung dapat baguhin at kung hindi magbabago then ITS TIME TO LET GO. RESPETO MALAKING ASPETO YAN SA RELASYON without it ikaw lang luhaan sa huli. Kung Hindi ka kayang respetuhin bilang girlfriend, asawa o ano. RESPETO nalang bilang tao. Kung wala pa din, yan yung klasen ng tao na hindi mo na mababago so leave

Kheir
Kheir
7 months ago

Girl, lumayo ka na sa kanya humingi ka ng tulong, moral support, emotional support sa mga taong alam mong mapagkakatiwalaan mo. Ikaw lang din ang mapapahamak sa huli nyan. Yan yung taong will suck the life out of you hanggat maaga pa tumakbo ka na. Uubusin ka nyan hanggat wala ng matira sa sarili mo. I’ll pray na sana makakuha ka ng lakas ng loob na ibangon sarili mo. Wag mo sanang hayaan na ganyanin ka na lang. Dun palang sa hinahayaan mong apakan pagkababae mo talo ka na kahit alam mong hindi dapat ganun tratuhin ang babae. Gawin mong motivation yung magiging anak mo para makabangon.

Joie
Joie
7 months ago

Jusko alam mo ang tama at mali. Alam mo namang tarantado yang lalaki, binalikan mo pa. Wag kang manghingi ng advice kasi alam mo naman na yung dapat gawin. Pero ginawa mo ba? Hindi. Alam mo ng gago yan, nagpabuntis ka pa. Maaawa na sana ako sayo eh. Kaso nakakairita yung mga katulad mo. Kung di ka naaawa sa sarili mo, maawa ka sa anak mo. Makipag-hiwalay ka na dyan. Wala rin namang kapupuntahan yang relasyon nyong dalawa kasi babaero yan. Kita mo nga, kasabwat pa kapatid at kaibigan. Naku ate, mag-isip-isip ka na.

Yayibee 🐝
Yayibee 🐝
7 months ago

Wag mag paka tanga sa pg ibig. Umalis ka na noon at naging masaya tapos bumalik ka pa sa toxic! Tama na sender isipin mo anak mo kesa sa walang kwentang lalaki, magpakalayo layo ka at iblock sya sa lahat ng contacts mo. Jusko di na uso martir ngayon. Sabi nga “Learn to leave the table when respect is no longer serve!”

red
red
7 months ago

.

red
red
7 months ago

tanga mo po mga 11/10 HAHAHAHAHAHAHAH

red
red
7 months ago

masyado ka kasing martyr. alam mo nang ganyan tapos binalikan mo pa. di na natuto hay naku.

Lol
Lol
7 months ago

Saan ka kukuha ng lakas? Edi sa anak mo duh!

Ghss
Ghss
7 months ago

Napaka B0b0 mo te .. makipag balikan ka nlng tutal t@nga ka naman eh diba

Walang akong jowa hahahaa
Walang akong jowa hahahaa
7 months ago

Kasalanan mo din Yan tinolerate mo Kasi bear the consequences you didn’t set a limit. You didn’t set your worth

misamo
misamo
7 months ago

u deserve what you tolerate girl.

Ace
Ace
7 months ago

Matanda kana,alam muna dapat gawin.

Punyeta
Punyeta
7 months ago

Alam mo ngayon lang ako napacomment sa inis! Nakalaya kana noon binalikan mo pa!! Grabe namang pagkamartyr yan anteee jusq nastress ako sayoooo

Mimi
Mimi
7 months ago

Nang gigigil ako sayo bii, Pero Mas Nakaka gigil yang hayop na lalake na yan!! Parang awa mo na imbis hinihingi mo na palayain ka nya Mas ok cguro kung ung sarili mo ang palayain mo. Dyos ko! Nakatakas kna Sana wag MO ng baLikan. Halata bang mahal ka NG lalake na yan?!!! Wala nga syang respeto sayo!! Parang awa mo na Wag MO ng baLikan.

Mae
Mae
7 months ago

SANA PO PINA BARANGAY MO NUNG NANGUNGULIT SAYO JUSKOOO

error: Content is protected!
86
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x