“NAKITA KO SI PROF NA WALANG ULO” (SPG)

Nangyari ‘to noong 4rth year college ako. Bali, 7 am ang first period namin so 6:30 am pa lang nasa school na ko, and ako yung pinakaunang dumating na estudyante sa department namin.

‘Yung tao pa lang dun ay ‘yung janitor at si prof sa una kong subject. Alam ko na andyan na si prof dahil naka-park na ‘yung kotse niya sa harap ng building.

Then naisipan kong pumunta ng opisina niya dahil may itatanong ako about sa topic na nakatoka sa ‘kin para sa class reporting.

Kumatok ako then dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nagimbâl ako sa nakita ko. Si prof ay wala ng ulo na nakaupo sa table niya.

Kumurap-kurap ako pero wala talaga siyang ulo as in! Kumaripas ako ng takbo dahil sa sobrang tak0t. Ang ginawa ko, e umuwi na lang ako sa boarding house dahil ‘di ko talaga mawala sa isip ko si prof na walang ulo.

Kinahapunan, nag-text ‘yung kaklase ko na si prof daw ay nââksidêntê at nâm4tây (‘yung tinutukoy niya is ‘yung prof namin na nakita kong walang ulo).

Tinawagan ko siya at sinabi ko na nakita ko si prof na walang ulo nung umaga at nagulat siya.

Sinabi ng kaklase ko na pag may nakita kang tao na walang ulo o makikita mo man sa salamin na wala kang ulo ay may masamang mangyayari sa ‘yo and worst, mâmâm4tây ka pa.

Guilty talaga ako nung mga time na ‘yun, naunahan kasi ako ng takot at di ko rin alam na ganun ‘yung mangyayari. Goosebumps talaga hanggang ngayon pag naalala ko.

Kitkat, 2015, Mass Comm, *Confidential

guest
27 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
galitnagalitgustomanaket
galitnagalitgustomanaket
1 year ago

naiinis ako sa sender. madyadong duwag. meron sana syang nailigtas .

vius
vius
Reply to  galitnagalitgustomanaket
1 year ago

We can‘t blame him/her dahil naunahan nga siya ng takot. Si idol talaga parang biro.

Ocakes
Ocakes
Reply to  galitnagalitgustomanaket
1 year ago

Natakot nga eh tsaka hindi niya naman alam ang gaagwin niya

Lmnf
Lmnf
Reply to  galitnagalitgustomanaket
1 year ago

Kalma

Invictus
Invictus
Reply to  galitnagalitgustomanaket
1 year ago

Ikaw kaya putulan ng ulo diyan 🙄

Lee
Lee
Reply to  Invictus
1 year ago

Hahahahahahaha

Mark
Mark
Reply to  galitnagalitgustomanaket
1 year ago

D pa naman kase alam ni ate ung pamahiin Kuya about “pag nakakita ka ng walang ulo” tska sadyang natakot lang si ate sa nakita nya nangyari na po un wla ka ng magagawa pa.

watatap
watatap
Reply to  galitnagalitgustomanaket
5 months ago

edi mainis ka

Rave3en
Rave3en
1 year ago

Ano pwede gawin pag may nangyaring ganyan?

Klengy
Klengy
Reply to  Rave3en
1 year ago

Better po ikwento mopo sakanya or kahit kanino po

Nik
Nik
Reply to  Klengy
1 year ago

Bawal muna ipagsabi. Batukan mo sya or gawa ka ng bagay na masasaktan sya.
Mahalin mo tapos lokohin mo, ganon. Charr pero saktan nga daw kasiii

Win
Win
Reply to  Rave3en
1 year ago

Ganun din po nangyari sa prof namin dati may nakakita sa kanya na pugot ang ulo good thing may nakapagsabi agad sa kanya tapos may nakapagsabi Kapag daw po ganun ipapabaon lahat ng suot ng nakita nyong pugot ang ulo para masave. Tapos mag simba at manalangin. Ganun ginawa ng prof namin 8 years ng nakalipas okay na okay pa sya.

Dave
Dave
Reply to  Win
1 year ago

Yung iba namn sabi sunogin dw yung suot na damit

Nik
Nik
Reply to  Rave3en
1 year ago

Sabi ng matatanda, batukan daw pag nakitang walang ulo

Hiraya
Hiraya
Reply to  Nik
1 year ago

Pano po mababatukan, e di nga po makita ang ulo. 😅

Nanette Villaresis
Nanette Villaresis
Reply to  Rave3en
1 year ago

Alam ko takpan ung ulo ng anything n black like dmit bsta black pra mtanggal ung msamang pangitain something like that

Last edited 1 year ago by Nanette Villaresis
Mark
Mark
Reply to  Rave3en
1 year ago

Ang sabi sa akin ni Enrile, batukan mo raw. Or sunugin mo yung suot nyang damit nung nakita mo sya na walang ulo.

Marielle
Marielle
Reply to  Rave3en
1 year ago

Need pong sabihin dun sa nakitaan na walang ulo, tapos bawal na tumuloy kung saan man pupunta yung taong yun, kailangan sunugin ang lahat ng suot niya.

toots
toots
Reply to  Rave3en
1 year ago

takluban daw po yung ulo ng anything black tas syempre hahabulin ka non kaya need mo tumakbo at pag naababutan ka raw malilipat sa’yo yung negative na pwedeng mangyari

Accla na Accla kay Ms.Minatozaki Sana
Accla na Accla kay Ms.Minatozaki Sana
1 year ago

sana kasi pinagpray mo pag uwi. natatakot kayo sa demonyo kay lord hindi? dapat pag ka nagkaganyan lumapit agad kay lord

Red
Red
1 year ago

Waaaaaah skerii huhu, naiihi pa naman ako. Parang tomorrow ko nalang talaga lalabas ‘to

surekaba
surekaba
1 year ago

sabi po dati pag may nakita daw na ganyan, baliktarin daw yung damit tapos sunugin after

Michicko
Michicko
1 year ago

Ganyan din experience ng Ate ko, nakita nya best friend nya na walang Ulo na nag lakad sa kusina nila mama Dati, After nun hinanap nya mismo ung best friend nya at sinabing nakita nya na wala syang ulo . Hanggang ngayon buhay p best friend nya at may pamilya na

Sabi nila pag ganun daw , dapat batiin mo ung Tao para makontra ung sumpa.

Madona navisamadona@gmail.com
1 year ago

Pag ganon ung na expirience mo need mo batukan ng malakas or fapikin ung balikat after non mag lagay ng panyo sa ulo….para pangontra

Onee-chan
Onee-chan
1 year ago

Kawawa naman. 😢 Sana man lang sinabihan nya pero sabagay naunahan sya ng takot kaya ganon. Pero, nakaligtas na sana sya ng buhay kung di sya pinang unahan ng takot at kaba. Hayss.

Lou
Lou
1 year ago

Pag ganun daw tapikin nyo sa balikat at sabihan para sa gayun ay maiwasan nung tao ang mangyayari sa kanyakawawa namn c sir mo sender

Dhez
Dhez
Reply to  Lou
4 months ago

Hi paano ko kapag may suot din pong headset yung tao na nakitang wala pong ulo, need din po sunugun yung headset? Nasa trabaho po kasi yun nangyari. ty

error: Content is protected!
27
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x