“NAKITA KO ANG PARTNER KO NA MAY KA-TABLE SA BAR” (SPG)

Around December 2021, 1 month pregnant na ko, then nahuli ko partner ko sa bar, may ka-table siya tapos ka-holding hands niya.

Siyempre, di ko sila inaway kasi baka mamaya makunan ako. Ang ginawa ko lang, ningitian ko lang si partner ko tapos iniwan naman niya yung babae. Hindi ako nakipaghiwalay. Pinatawad ko siya.

Akala ko nga, wala na susunod sa ganun, kasi buntis na ko. Sabi ko sa sarili ko, sana hindi na niya ko lokohin. But I was wrong. 

August 2022, nanganak na ko sa baby namin. Halos kalalabas ko lang nung nangyari to, nakita kong di niya ginagamit phone niya, tapos kinukutuban ako kasi parang may kailangan akong mabasa sa phone niya.

So ang ginawa ko, nagkalkal ako nang nagkalkal hanggang sa napunta ako ng Viber.

Ang saklap ng natuklasan ko. Shemas!! 2 weeks pa lang ako simula nung nanganak tapos makakabasa ako ng ganun. Yes, he cheated again. Siyempre, umiyak ako. Ikaw ba naman makabasa na,

“May nagmamahal na ba sa iyo?” tanong ng babae.

“Wala, idol ko,” sagot ni partner, at may mga pag-uusap pa na landian.

Iniyakan ko yun hanggang umaga. Tinanong ko siya bakit niya ginawa yon. Bakit na naman siya nag-cheat. Sagot niya sa kin…

“Pinagtripan lang namin.”

“Si ganito nag-chat niyan.”

“Wala, trip ko lang.”

Sa ganung dahilan pa lang, alam ko na bet niya yung girl. Ang sakit sakit.

Sabi ko sa sarili ko, bakit? May nagawa na naman ba ko? May kasalanan ba ko?

Na-însecure ako, sobra. Siya maganda, maputi tapos katrabaho niya pa. Ako ito, losyâng, mâitim, mâbilbil na tapos pânget pa.

Hanggang ngayon kapag naiisip ko yun, naiiyak ako. Baka nga may P0stpârtûm D3pr3ssî0n na ko dahil don.

Sa ngayon, magkasama pa rin kami. Alaga ko ang baby ko. Pero kahit kailan, hindi na maaalis sa kin yung sakit kahit anong gawing pagpapasaya niya sa kin.

Sana gabayan ako ni Lord lalo na’t baby pa ang anak ko.

Thank you if mabasa niyo ito. Maraming salamat, sa ganitong paraan medyo gumaan ang pakiramdam ko.

P.S. Mag-a-INC na po kami together with my baby. Kasi raw gusto na niya ko pakasalan. Sa totoo lang, kinikilig ako pero takot pa rin. Baka mamaya, lumalala pa lalo pagchi-cheat niya, e.

Gigi, 2017, *Confidential

0
5
guest
42 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
xxx
xxx
1 year ago

Pag isipan mong mabuti kung magpapakasal ka bebe 😥. Wag agad bibigay.. hindi dahilan na may anak na kayo kaya ka papayag.. Masaya ang buong pamilya pero mas masaya kung totoo ang pagsasama.

silver_lining
silver_lining
1 year ago

wag na. umalis ka na sa poder niya. paglalaruan ka lang din niya. dont stoop that low. you deserve better. tama na pagiging martyr!!!!

off
off
1 year ago

teh panandaliaang kilig lang niyan. gumising ka na sa katotohanan jusko. umalis ka na diyan. tama na pagiging tanga

jeanne
jeanne
1 year ago

wag kang magpapaakasaaaal lalo kalang matatali Natali kana nung nagkaanak ka pag nagpakasal ka baka dikana makawala or mas mahirapan ka makawala huhuhuhu Wag ka matakot iwanan sya napakadaming lalkeng matini ngayin at tatanggapin ka ng buo at anak mo

Hakdog
Hakdog
1 year ago

Another victim of “AKALA KO” 🤦 well kahit naman inuolan nang red flag yang partner mo kung color blind ka, walan rin silbi. MAGPA KATANGA KANALANG TOTAL MUKHANG WALA KANAMANG SELF WORTH EH 🤷

Aaaa
Aaaa
1 year ago

Pag isipan mo maigi kung magpapakasal ka. Twice kana niloko what if pa kung nagpakasal kana? Wag mo antayin sa huli ka pa magsisi. May anak ka. Ayan gawing mong lakas. In the end anak mo nalang din kakampi mo. Wag ka masyado magbigay ng magbigay ng chance hanggang sa wala na matira sayo. Ending nyan aabusuhin ka wala pang matitirang pagmamahal para sa sarili mo. Masarap mag kaanak at wag mo hayaan na dumating sa punto na kayong dalawa din ang kawawa..

Padudssie
Padudssie
1 year ago

baka kaya ka nya papakasalan is para mabaling sa iba yang isip mo like panakip butas, hanggat maaarin wag kang magpapakasal dahil gusto ng iba or dahil lang sa na pepresssure ka, magpakasal ka kapag BUONG BUONG BUO KANA, AT BUO NA ANG DESISYON MONG MATALI SA KANYA dahil kapag once nagpakasal ka at nagloko ulit sya then naghiwalay kayo habang buhay mo na dadalhin apelido nya depende nalang kung hindi mo ipapabago pangalan mo, pero the point is kawawa ang bata, bata ang pinaka kawawa

Arnie
Arnie
1 year ago

Gnyan na gnyan ung ex q sender! Pnay pngako na mgbbgo na, pro aun paulit ulit prin ng cheat.. Totoo tlga na once a cheater, always a cheater! Ndi spat sa knila ung anak pra mgtino cla.. Iwanan mo nrin yan gaya ng gnawa q.. Trust me mas mtatahimik at mas mgiging msaya ung buhay mo pg wla ng pbigat sa dibdib mo.. Ndi ntin deserve ang gnyang klase ng lalake, soon my drating dn sau na mgbbgay ng hlaga sau at sa anak mo❤️

Arnie
Arnie
Reply to  Arnie
1 year ago

I gave a plenty of chances, nung huli na realized qng mli pla un.. Ndi pla cla dpat pnagbbgyan ng paulit ulit kc aabusuhin ka lng! Aun slamat nlng at nauntog nrin aq sa ktotohanan, sna ikw dn sender.. Oo gus2 ntin ng buo ung pmilya na ka lakihan ng anak ntin, pro kung gnon nman ka toxic, mas mbuting tau nlng ang mkagisnan nla at wla na ung ama.. Pgdting nman ng arw pwde mo ipaliwanag sa anak mo kung bkit gnon ung nangyri, isasalba mo ndi lng ung srili mo kundi lalo na ung anak mo.. Run, hbng my pgkktaon pa!

Maikuleet
Maikuleet
1 year ago

Hingi ka ng sign kay God kung siya naba talaga ang right one mo. Kasi di biro ang kasal keep safe sainyo ng baby mo sender ❤

Shin
Shin
1 year ago

Ang tanga lang ng mga gantong klaseng babaeng di kayang ilaban ang karapatan nilang mag-ina. Tsk, wag ka ngang mahina.

Oo magpapaka-insensitive ako ngayon dahil eto yung dahilan kung bat ang daming mga lalaking makakapal ang mukha.

Rouina
Rouina
1 year ago

Hindi kita masisisi sender kung paulit-ulit mopa ding pinapatawad, Lalo may anak kayo at baby pa hindi ganon kadaling makipag hiwalay nalang basta na di sasagi sa isip mo yung anak mo.. Pero sana kapag nakipags*x na sya sa iba at may feelings ng involve sana kahit masakit makipag hiwalay kana… Kasi para sakin hindi reason yung losyang kana maitim kili kili at mabilbil para ipagpalit ka sa iba kung mahal ka ng lalaki kahit sa pinaka pangit na parte ng buhay mo sasamahan ka niyan. Yon lang hugs sender at lagi kang magpakatatag wag papatalo sa PPD laban lang.

Jax, 2018, RPh, Confidential
Jax, 2018, RPh, Confidential
1 year ago

Same situation at hanggang ngayon nagsisisi ako bakit ko pina-apelyido sa kanya yung bata.

Kai🌻
Kai🌻
1 year ago

Hindi tayo same situation pero yung experience ko ilang beses nag aya magpakasal nag asikaso ng papers pero hindi na tutuloy 4 times, why? Yung ramdam ko na hindi 100% committed sa akin.. woman’s instinct.. yeah nag check din ako ng phone nya and yes every time na nag aasikaso kami para sa kasal palagi sya may kalandian sa chat. Co-work nya, then may isa na tumagal landian nila hangang pandemic nabasa palitan nila ng imessage. Nagfe facetime pa. Sinabi ko “Ano mararamdaman mo kung ako nahuli mo na may kaganyan”?. Sorry lang tapos titogilan na daw… binura sa FB at contact number. Pero wala akong tiwala sa ganun style after a year 2020.. friend na naman sila sa Fb at nagdedelete ang lolo mo ng mga convo. Eh laking Detective Conan toh kaya. Huli na naman si Partner. What’s worse? Wala ako maramdaman inis at galit? Wala nagdasal na lang ako, Pinaubaya ko na kay GOD.

Kaya hindi purket inaaya ka magpakasal walang kalokohan ginagawa behind your back. 😊

Babii😚
Babii😚
1 year ago

Ginawa na nya ng dalawang beses, wag mo na hayaang makatatlo Sender, kawawa lang kayo ng anak mo.

XXX
XXX
1 year ago

Legit talaga yung pag kinutuban ka may something…pag wala kang makita sa messenger at txt sure sa viber mo sila mahuhuli…pakatatag ka lang sender at sabi nga nila “what goes around comes around”…

Dren
Dren
1 year ago

Pgisipan mo muna ang pgppakasal

Joy
Joy
1 year ago

Marriage is a lifetime commitment. Pag-isipan mo ‘yan, Sender. Walang divorce dito sa’tin ha. Kung ngayon pa lang nagchi-cheat na s’ya, anong guarantee mo na ‘pag kinasal kayo hindi na s’ya magloloko ulit? Do you really want to burden yourself with the idea na anytime he could leave you and your child for another woman?

I know na gusto mo na may tatayong father figure sa anak mo, but that’s not worth risking your peace of mind for. Eventually, ‘pag nagpakasal kayo at nagloko ulit s’ya mas lalong madadamay ang anak mo. Please think twice, thrice, and four times before considering that decision. And lastly, may God grant you wisdom, strength, and discernment.

Plsloveme
Plsloveme
1 year ago

Leave him nlang po gago sya sinaktan kalang nya pinaglaroan lang feelings mo

aqlang2
aqlang2
1 year ago

Tanga ka ba? Ilang beses ka na ngang niloko gorabels ka pa rin? Hiwalayan mo na ‘yan! Magcoconvert ka pa sa INC para lang jan! Mag-isip ka!

Michicko
Michicko
1 year ago

Wag Basta mag padala sa pangako

Hatdog
Hatdog
1 year ago

Ano ba yan kinilig ka pa, ilang beses ka na nga niloko, hala sige at pakasalanan mo para lalo kang malosyang at hindi taman tao ang pinili mo, ate girl sa ilang beses mong pagpapatawad na gagawin promise uulit ulitin yan ng walang kwebta mong partner, hirap kasi pag may anak na kesyo ganti ganyan eme kesa naman makamulatan ng anak mo ang pagchecheat ng kanyang Ama at pagaaway niyo, pero bahala ka marupok tayo e pag mahal, peri atleast yung iba alam yung worth nila. Thanks nastress ako d2

Unwanted
Unwanted
1 year ago

I hope and pray for you na bago kayo ikasal (if itutuloy mo) sana mapag usapan nio yan ng maayos at magkaroon ka muna ng assurance and peace of mind which you truly deserve. Deserve mo at ng baby mo na magkaroon ng loyal at faithful na haligi ng tahanan.

Its.eeeaM
Its.eeeaM
1 year ago

Napakahirap na desisyon nyan kung magpapakasal ka pa sa taong mahal mo pero minsan ka ng niloko mahirap nang magtiwala ulit, kung may takot pa rin sender hindi naman kailangan magmadali sa pag papakasal, sabihin mo sakanya kung hindi ka pa talaga handa at hayaan mo siyang gawin niya ang lahat pagkatiwalaan mo lang siya ulit.

Aizeel
Aizeel
1 year ago

No ate never marry a man who cheated on u lalo na madaming beses na, know ur WORTH. sya ang may problema

Portia
Portia
1 year ago

Teka sino ba yan sender,may dos por dos ako dito eh🥲

Curioussime
Curioussime
1 year ago

Mahirap nang makawala kapag kasal na.

Gem
Gem
1 year ago

Dinamay pa religion ng INC, if he truly loves you papakasalan ka nya no matter what. At kung talagang mahal ka nya at ang baby nyo he won’t cheat. Kairita! Mga Cheater talaga ang daming dahilan. Hindi nauubusan, sarap buhusan ng kumukulong mantika

Bella
Bella
1 year ago

Kung iniisip mo mag stay para sa baby mo, wag na lang. Hindi siya mabuting partner kasi sinasaktan ka niya. Isipin mo rin ang kalagayan mo, para maging mabuting ina, need mo rin na maayos ang kalagayan mo, mentally, physically and emotionally. Pangalawa na yan, uulitin niya pa yan hanggang sa di mo na mabilang kung ilang beses ka na niya niloko

Last edited 1 year ago by Bella
gahahahha
gahahahha
1 year ago

hindi magtatapos ang bagay sa salitang “kasal”

ille
ille
1 year ago

Nakakalungkot isipin na Iglesia Ni Cristo siya pero nagagawa niya sayo yang mga yan ☹️. Kaming mga INC po busog kami sa aral kaya hindi ko maintindihan bakit nagagawa pa ng iba naming kapananampalataya yang mga ganyang bagay. 💔

plesples
plesples
1 year ago

HUWAG PO KAYO PAPAKASAL, SAYANG LANG KAYO PERO IT’S YOUR DECISION NAMAN, MARTYR AT MARUPOK NAMAN ATA IKAW, CHAROT. I CAN’T BLAME YOU, LOVE MADE YOU LIKE THAT. PERO PLSSS, KNOW YOUR WORTH. LOVELOTS.

ofwmalaysia
ofwmalaysia
1 year ago

Waaaaaggggg masisira buhay mooooooo! 😅 Makinig ka sakin sis inc din ako pero taliwas sumakit lang ulo ko

EMie
EMie
11 months ago

Sender wag. Jusko. Gusto mo ba magpakasal sa ganyang tao. Tingin mo ba deserve mo yan ganyan treatment. Sapat na yon may anak kayo (since andyan na) ee yun magpapakasal ka, I think NO. So wag sender. Tama na yon dinanas mo at dinaranas mo ngayon.

hdhsjsja
hdhsjsja
6 months ago

I’m sorry sender pero t4nga ka.

PrettyMomma
PrettyMomma
6 months ago

Ako din sis may partner at nakabasa ako ng usapan nila ng babae ginawa ko sinabi ko lahat sakanya at handa kami umalis ng anak nya yun huminge ng sorry hanggat ngayon Wala pa naman subukan lang nya dahil May usapan kami sino mag loko di nya makikita anak nya ..
Btw di rin ako Nag aayos nun dahil Focus pag alaga ngbaby gawaing Bahay .. ngayon medyo malaki na anak ko sis Inu unti unti ko na rin ayusin sarili ko laban lang ❤️❤️❤️❤️

Meh Meh
Meh Meh
6 months ago

Sender wag! Been there ang pag sisisi nasa huli. If nagawa nyang mag cheat kahit lumabas na yung baby nyo, magagawa at magagawa pa rin nya yan. Buo nga kayo pero di naman matahimik utak mo. At tyaka ang tanong jan magiging masaya ka ba pag kinasal kayo?

bndxtn
bndxtn
6 months ago

nakooo te, hindi sagot ang kasal sa pambababae ng kinakasama mo. Pag isipan mo muna ng ilang libong beses yang desisyon mo, hindi porke kasal na kayo hindi na sya magloloko. Marami dyan kasal na pero in the end naghihiwalay parin kasi hindi nagbabago. Ngayon pa nga lang ilang beses ka nang niloko eh, kung talagang mahal ka nyan una palang di na nyavginawa yon at hindi na din nya inulit yung unang beses na nambabae sya.

Xiao
Xiao
6 months ago

Kinililig daw na may halong trauma

Xiao
Xiao
6 months ago

Ate, The one who keeps causing you pain can never be your peace. Hindi mo deserve yung pinaparamdam at ginagawa sayo ng partner mo ate. Yang mga katulad ng partner mo dapat sa mga dyan tinatamaan ng matinding karma!

hshshs
hshshs
6 months ago

Di ko alam, hahaha. Medyo nakakainis ka rin, e. Niloloko ka na nga tapos ayaw mo pang hiwalayan, lol. Di ka naman mamamatay kapag hiniwalayan mo yan, tapos siguro naman mabubuhay mo yung anak mo, siyempre naisip niyo na mag-anak kaya for sure is financially stable kayo non. Kung wala kang pera, e ‘di kahit sustento lang ng lalaki, okay na yon. Hindi yon nangangamba kang lolokohin ka uli niya, e nakagawa niya nga yon noong una, siyempre malaki yung tsansa na gawin niya uli yon. Magpapakasal pa naman kayo, hahahaha. Ikaw bahala, siguro tiisin mo nalang yan, ‘wag mo nang ibahagi sa tao kasi ikaw rin naman nagdadala niyan sayo. Mahirap lumaki sa broken family, pero titiisin mo ba yang ganiyang lalaki para lang maging complete family kayo? Paano kapag di nagbago yan tapos makikita ng anak niyo? Mas malala pa yan kaysa sa broken family. Pag-isipan mo, kung di mo kayang hiwalayan, e ‘di tiisin mo.

Bellefire
Bellefire
5 months ago

Hindi assurance ang kasal na hindi na magloloko ulit ang partner mo..if kaya mo, pwede ka mag moveon habang nasa relationship ka pa..para kapag handa ka ng iwan sya, hindi na ganun kasakit.If you stay with your cheater partner, it will only drain your energy..Think many times bago magpakasal..

error: Content is protected!
42
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x