NABUNTIS NI PAPA ANG GIRLFRIEND NI KUYA (PART 2)

Pinauwi muna ako ni Kuya para kumuha ng gamit niya dahil siya ang magbabantay kay Ate Fayye. Nadatnan ko ang mga bubog dahil bote ng Pepsi ang hinampas ni Papa sa ulo ni Ate Fayye. Stable na ang lagay niya ng umuwi ako, umuwi din ako pagkatapos naming mag usap usap.

Sasampahan ng pamilya ni Ate Fayye si Papa ng kasô, dapat lang. Kung hindi sila, edi ako mismo ang magsusuplong sa kanya sa pûlîs. Sinisisi ko si Papa ng sobra bakit nagkakaganito na lang lagi. Kinukwestyon ko ang Mundo at bakit siya pa ang binigay na Tatay ko. Bakit kami ang nahihirapan sa tuwing may nagagawa siyang mali?

Dalawang linggo ang tinagal ni Ate Fayye sa ospital. Kami ni Kuya ang umako sa lahat ng gastos para naman kahit papaano ay mabawasan ang problema ng pamilya ni Ate Fayye. Nahanap din si Papa sa tulong ng kaibigan niya, nagmakaawa akong magpakita siya pero nagmatigas siya, ngunit laking pasasalamat ko dahil pinapaburan kami ng Diyos upang pagbayaran ni Papa ang kasalanan niya. Nakakulông na siya mag aapat na buwan noong sinabi ng kaibigan niya kung naasan siya.

Mag-aapat na buwan na rin ata ang tyan ni Ate Fayye (hindi ako sigurado sa buwan) pero kung kakalkulahin ay si Papa ang ama dahil wala ang Kuya ko dito ng dalawang buwan bago mangyari ang krîmên at hindi naman magagawa ni Ate Fayye ang magpagalaw sa iba dahil mabait at maka-Diyos na tao siya. Mag lilimang taon na sila ng Kuya ko.

Ngayon ay nandito sila ng Kuya sa bahay, hindi man agad-agad mapapatawad ni Ate Fayye si Papa ay alam kong hindi siya masamang tao upang ipagtabuyan ang batang nabuo. Mabuting tao din ang Kuya ko, kahit na bakas sa kanya ang malaking gâlit sa Tatay namin ay handa siyang panindigan ang bata. Nasabi sa akin ni Kuya ang lahat ng galit niya, kahit na sino naman ay sasabog kung ganoon ang nangyari. Mahal na mahal ni Kuya si Ate Fayye, sinusûntôk-sûntôk ni Kuya ang pader nung nakaraang dalawang buwan dahil galit pa rin ito. Pero nagmamakaawa si Ate na wag ng gawin ito dahil wala naman siyang kasalanan. Alam ko masakit para sa kanila ang nangyari, paunti-unti ay nakikita kong lumiliwanag ang kanilang mukha dahil sa parating na biyaya.

Sana tuloy-tuloy ng maging maayos si Ate Fayye at Kuya, lalo na rin ang bata. Wala silang kasalanan sa nangyari, dahil lamang sa pagkakamali ng Papa ko ay gustong tuldukan ng pamilya ni Ate Fayye ang relasyon nila ng Kuya ko pero matapang at desidido ang Kuya ko na panagutan ang pagkakamaling iyon. Sana ay maging maayos na talaga ang lahat, kahit paunti-unti.

P.S. Mahal ka namin ni Kuya, Papa, pero nakapalaking kasalanan ang nagawa mo at sumusobra ka na. Mapapatawad ka nila Kuya pero hindi sa madaling panahon. Ipagdadasal ko na sana mabuti ang kalagayan mo dyan sa kulungan.

May nagsasabi sa comment na dapat isuplong ko ang Papa ko, dahil sa tingin niya ay hindi ko nagawa. Gagawin ko kahit gaano ko kamahal ang Papa ko kahit na rin madami siyang nagawa para sa amin ay mananaig pa rin ang konsensya ko. Nakasirâ siya ng buhay ng ibang tao.

JZZ

2020

BSIT

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x