“MAY NAGAWA AKONG KASALANAN BAGO ANG KASAL NAMIN NG FIANCÉ KO”

Disclaimer: Long post to ahead. Medyo SPG, but please bear with me. I really need your advices.

Hello. Let me hide my identity behind the name Vee. Need ko lang talaga ng advice from all of you. Mabigat na kasi talaga sa loob ko ‘yong nangyayari.

Parehas kami ng partner ko na galing sa long-term and long distance relationship. 7 years siya at 4 years naman ako.

Parehas na walang maayos na pag-uusap no’ng hiwalayan kaya parehas na may dalahin, pero we’re happy and we do love each other.

One time, we talked about our exes. We planned to talk to them to clear things out para na rin sa ikatatahimik naming lahat.

Nag-overthink agad ako that time kasi mahal pa siya ng ex niya. Inisip ko, na baka sa closure na gagawin nila na ‘yon is magkabalikan silang dalawa, o ‘di naman kaya ay may mangyari sa kanila.

Nakikita ko kasi rito sa Facebook ‘yong mga posts na “Yong closure namin, 5 years old na ngayon.”

Luckily, busy ‘yong ex niya sa trabaho at hindi tugma ‘yong free time nila kaya thru phone call na lang sila nag-usap.

Nagkasumbatan sila, pero naging okay naman. Nagkahingian ng patawad kaya move forward na lang.

Let’s go with my side naman. Kasal ng close friend namin ng ex ko. As in close friend naming pareho kaya need naming um-attend.

We’re both have special role in that wedding kaya hindi ako makatanggi. Pumayag naman ‘yong partner ko at sinabi niya na it’s time na rin to talk to him and settle things out.

At first, nagkaroon ako ng second thoughts. Honestly, mahal pa rin ako ng ex ko. Nakikipagbalikan siya noon pa, at sinabi niya na hihintayin niya ako.

I made it clear to him naman, na hindi na talaga ako babalik kahit noon pa na wala pa akong bago.

More than 1 year na rin naman kaming wala ng ex ko kaya masasabi ko na wala na talaga. Hindi ko na talaga siya mahal.

Naubos ako noon, ibinigay ko lahat sa kaniya. I supported him sa lahat kahit noong wala pa siyang trabaho. Naubos rin ako noon financially. Dahil doon, napagod ako.

Napagod akong hintayin na bumawi at magbago siya. Napagod akong umasa na baka bukas, okay na siya. Napagod akong umasa na sa paggising ko, ako naman yung i-co-consider niya.

Kaya hindi niya ako masisisi kung bakit ayoko nang bumalik sa kaniya. Hindi niya ako masisisi na binuo ko ‘yong sarili ko nang paunti-unti, hanggang sa may taong gumawa noon para sa akin.

December last year, mismong araw ng kasal ng kaibigan namin, nag-usap kami. I told him everything. I told him na wala nang pag-asa and I’m already in a relationship.

He asked for forgiveness, at mula no’ng umaga hanggang matapos ‘yong pag-uusap namin with his family, ibang-iba siya. Naging ibang tao siya.

I mean, ‘yong hinihiling ko sa kaniya noon na pagbabago, nagawa niya. Gusto ng parents niya na magkausap kami nang maayos.

Sakto naman na ‘yong mga gamit namin sa bahay na binili namin noong kami pa ay kailangan nang kuhanin para makalipat na ‘yong tita niya, na napagbentahan namin non.

So, nagpunta kami sa bahay na ‘yon to get the things. Gusto ko sanang pumalag, pero sinabi ko sa sarili ko na go na para matapos na lahat at mawalan na ako ng connection sa kaniya.

Pagbaba pa lang ng kotse, dumiretso na ako sa kusina para kuhanin ‘yong mga appliances na dadalhin sa lola niya. Paglabas ko sa kusina, sinalubong niya ako para kuhanin ‘yong mga dala ko.

Hindi na ako pumalag kasi mabigat. Pagtalikod ko sa kaniya, bigla niya akong niyakap sa likuran. Nabigla na lang ako no’ng humagulgol siya. He kept on asking me, “why?”

Bakit daw ayaw ko nang bumalik sa kaniya. Nagbago naman daw siya. Nagawa naman daw niya ‘yong gusto ko.

In that moment, ang daming tanong sa isip ko, nagmadali ba ako sa part na nagkaroon ako ng iba after a year? Mali ba ako sa part na hindi ko siya nahintay?

Unfair ba sa part niya na nabuo na ako ng iba bago siya nagbago? O, tama lang ba ako sa naging desisyon ko na mag-move forward na lang kaysa maghintay kung kailan siya magbabago?

Hindi ko na alam ‘yong iisipin ko that time. Naiyak na lang din ako habang yakap niya ako. Iniharap niya ako sa kaniya saka ako hin4lik4n. Bigla ko siyang itinulak at saka sin4mpâl.

Alam kong mali pero bakit parang may kurot sa puso ko na nakikita siyang nasasaktan. Sinig4wan ko siya at sinabihan kong tama na, pero lumuhod siya sa harapan ko at nagmakaawa na bumalik ako.

That time, kusa na lang tumulo nang tumulo yung luha ko. Pinatayo ko lang siya nang walang imik hanggang sa hin4lik4n niya ako ulit at sa hindi ko malamang dahilan, hum4lik ako pabalik.

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko namalayan na nasa kwârt0 na kami. Mâbilis niyang itinâ4s ang dress ko at ibin4bâ ‘yong pâng-ibâbâ ko.

Huli na nang mabalik ako sa wisyo. Bigla ko siyang naitulak. I grabbed my ûndîês and ran away. Kahit malayo ‘yong sakayan, tumakbo ako habang umiiyak.

Hindi tama ‘yong ginawa ko. Hindi ko dapat siya hinayaan. Hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko. Hindi ko dapat siya hin4l!kan pabalik.

Ano na lang ‘yong mararamdaman ng partner ko kapag nalaman niya ‘to? Umiyak na lang ako nang umiyak hanggang sa naabutan na lang ako ng ex ko.

Sinabihan ko na lang siya na ihatid ako sa bahay at buong byahe kaming walang kibo.

After ilang weeks, nag-propose ‘yong partner ko. Hindi ako nagdalawang-isip na um-oo, pero humiling ako sa kaniya na mag-deep talk kami bago mag-asikaso ng kasal. Okay naman sa kaniya.

Dapat before new year, mag-uusap na kami kaso hindi nasunod ‘yong schedule namin kaya na-move ng January 2.

I told him everything and he even accepted me wholeheartedly. I don’t know what to feel. Sobra-sobra na ‘yong pagmamahal niya. Hindi ko alam kung deserve ko pa.

Hindi ko alam kung paano na ako makakabawi. Hindi ko alam kung paano ko maipaparamdam sa kaniya na sobra akong nagsisisi sa nagawa ko.

Gusto kong iparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya. At handa akong gawin ang lahat para maiparamdam sa kaniya na sa kabila ng lahat ng nagawa ko, handa akong pagbayaran ‘yon buong buhay ko.

Handa akong gawin ang lahat para maiparamdam sa kaniya na sa kabila ng pagkakamali ko na ‘yon, handa akong gawin ang lahat maibsan lang ‘yong sakit na naidulot ko sa kaniya.

To my man, I’m so sorry for disappointing you big-time. I will do everything to make it up to you. I love you to the bones.

P.S. Tatanggapin ko lahat ng mga advices niyo, masakit man o hindi. Please, help me heal and move forward. Thank you.

Vee, 20**, BSED, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
25 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
HAHAHAHAHAHAH
HAHAHAHAHAHAH
1 year ago

plot twist: kaya okay lang na ganun kasi di mo alam ginaganon ka din nya

jeeeee
jeeeee
Reply to  HAHAHAHAHAHAH
1 year ago

HAHAHHAHAHHAHAHAHAHA pucha

Nami
Nami
Reply to  HAHAHAHAHAHAH
1 year ago

Same thought haha

Jheeennn
Jheeennn
Reply to  HAHAHAHAHAHAH
1 year ago

Overthink malala 😂

raine
raine
Reply to  HAHAHAHAHAHAH
1 year ago

Same thought HAHA

Jessica Ulgasan
Jessica Ulgasan
1 year ago

Kung tinanggap naman nya ikaw pagkatpos mo sabhn lhat ok n un…move on nlng at ipakita mo s knya na di sya mgsisisi n tinanggap k nya lahat nman ngkakamli e…

Leiy M. Riego
Leiy M. Riego
1 year ago

Ate asan na yung ex mo? Pakisabi sa akin nalang sya.

Dorothea
Dorothea
1 year ago

Kindly cherish your partner, you’re so lucky to have a fiance like that.

Jeric
Jeric
1 year ago

Ang suspish naman ng partner mo, I think may nagawa ring kasalanan Ang partner mo with his ex.

Wanda
Wanda
Reply to  Jeric
1 year ago

Cguro nga hahaha

claire
claire
Reply to  Jeric
1 year ago

bakit kapag babae ang nagpapatawad sa kabila ng nagawa ng lalaki is napaka proud nyo? pero kapag lalaki ang nagpatawad sa nagawa ng babae is napaka dami nyong speculations like kaya ganyan yan kasi may nagawa ding kasalanan, BAKIT HINDI NYO MATANGGAP NA MAY MGA LALAKI PADING GENUINE YUNG LOVE PARA SA BABAE, YUNG PURE GOOD INTENTIONS PADIN ANG HANGAD SA BABAE, BAKIT? HINDI BA PWEDENG KAYA PINATAWAD NI BOY SI GIRL KASI MAHAL NYA TALAGA, ISIPIN NYO HINDI MAG YAYAYA NG KASAL SI BOY KUNG HINDI SYA SIGURADO KAY GIRL AT ANYTIME PWEDE NYA IATRAD ANG KASAL DAHIL SA NANGYARI, PERO HE CHOOSE TO STAY KAYA PLEASE LANG, INTIS NAKAKATULONG KAYO SA MENTAL HEALTH NI SENDER HINDI NALANG KASI KAYO MISMO NAGBIBIGAY NG DAHILAN PARA MAG OVERTHINK YAN NG MALALA

shhshshajs
shhshshajs
Reply to  claire
1 year ago

HAHAHAHHAA SORRY PO

Hsbsuwjw
Hsbsuwjw
Reply to  claire
1 year ago

Trueee

Secret
Secret
Reply to  claire
1 year ago

Omsim memasabi lang eh, imbes na tulungan dadagdagan pa yung iisipin nung tao

Dada
Dada
Reply to  claire
1 year ago

Naghahanap sila ng genuine man pero kapag may nakita na sila kung anu-ano paring sinasabi, ano ba talaga ang gusto n’yo girls?

Sunshi
Sunshi
1 year ago

Wag kana bumalik sa ex mo babalik rin dating ugali non kapag nakuha kana ulit Tama ba yon na nag drama lang na kaonti e hinubaran kana agad😂
Maging Thankful kana lang rin kasi buong puso ka tinanggap ng fiance mo ngayon swerte moo kung ibang lalaki yan baka pinag tabuyan kana at sinumbatan kana niyan Good luck senderrr na way wag ka nang mag dalawang isip pa kung sino ang mas better kung si present ba or si ex tanggalin mona si ex kasi tapos na yung story niyo hanggang don nalang yunnnn.

Meoww
Meoww
1 year ago

Sana all, grabe your so lucky you have that man. Cherish him. And about sa ex mo, maybe hes not really for you.

Xxx
Xxx
1 year ago

Pang Wattpad galawan HAHAHAH

hotdog
hotdog
1 year ago

Ako lang ba yung nasasaktan para sa ex??

Hakdog
Hakdog
1 year ago

Mahal na mahal mo to the bones pero nagpa hubad nang panty sa ex HAHAHA ang 🤡 mo po. Kinati ka sa ex mo tapos na guilty sa bf hahaha waiting sa sumbatan.

mhae
mhae
1 year ago

ganyan din po halos nagawa ko sa jowa ko before .. pinatawad nya naman ako pero ginawa nya din sa’kin😅.. kaya ngayon EX ko nalang din sya.. konti nalang yung mga lalaking tatanggapin at aalagaan ka.. hopefully sooner or later hindi rin sya maging kagaya ng iba😊 .. wag lang din sana nyang isumbat sayo lahat ng pagkakamali mo kapag may mga misunderstandings kayo.. BUT kapag nangyari yan .. face the consequences of what you did😊..

Bigtime
Bigtime
1 year ago

Perstaym ko mag-comment sa ganto.
Unang una ginigil mo ako. Ewan ko ba. Kahit kapwa babae kita eh ang masasabi ko lang talaga kung ano mang mangyari sa future, matanggap mo sana. Sa ngayon okay lang sa kanya, your boyfriend is deeply inlove with you, sender. Malinaw samin iyon. He accepted you wholeheartedly because he loves you more than you deserved. Pero always remember na tao rin sila, tulad ng babae—hindi ko nilalahat, pero kung sila na-traumatize, tatalak sila ng malala, magtatampo, anxiety, depression, pagtatanong sa sarili and everything. Ang feedback sayo mapupunta, sa partner. Just accept the consequences if ever. Kasi sobrang sakit ma-traumatized. Sobrang sakit sabihing okay lang pero hindi. Para kasing betrayal. No, it’s not an excuse na nagulat ka nasa kwarto na lang kayo. You’re not even drunk, nagpadala ka lang sa bugso ng damdamin mo. Sa init ng nararamdaman nyo. Wala, ang lungkot lang sa part ng partner mo for being unfair. Kung sayo siguro nangyari yun, baka hindi mo kinaya for sure hehehe. Baka nagtanong ka na ng worth mo and san ka nagkulang etc.

Stay strong both of you! This is just my opinion. Do everything to make him feel na deserve mo yung selfless love na galing sa partner mo. :))))

Anonymous
Anonymous
1 year ago

Opinyon ko lang naman, i think may feelings ka pa tlaga sa ex mo. Pero pinipili mo yung bf mo ngayon kase sa knya mo nakikita yun gusto mo noon para sa ex mo. And ung ex mo, pakita lng na nagbago na yun, s*x agad ni hindi nga kayo nakapagusap ng maayos. Sinamantala nya kahinaan mo, if matinong lalake yun di nya gagawin ung ganung bagay if he really wants to din you back.

Hilds💖
Hilds💖
1 year ago

He accepted you wholeheartedly so just move on and be happy, past is past kung patuloy mo pang iisipin
hindi ka magiging masaya just do your best to be his partner and live happily 💞☺️💕

Zari
Zari
1 year ago

Galing 7years taz mahal pa nung ex? Naiisip niyo din ba naiisip ko? Charrrr😅 First of all ano muna dahilan ng break up daw nila? Hayyy naku sender ayaw ko nlng sana magtalk pero baka kasi…….wala lang.. bahala ka na lang mag overthink😅

error: Content is protected!
25
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x