“MAY INAMIN NA SIKRETO ANG BOYFRIEND KO NA SINULAT NIYA SA LETTER” (SPG)

Early last year, my mom died. It was an unexpected death.  After two months, I figured out na yung tatay ko ay may girlfriend na. Nag away kami, pinalayas niya ko kaya lumayas ako.

May nakilala akong guy. Unang beses ko pa lang siya nakausap, alam ko na iba siya sa lahat ng nakilala ko. Nag-usap kami sa phone from 11 pm-7 am.

Then we went out on a date nung araw na yun. First time kong nakipag-date mula 7 pm-2 am, nagsara na yung coffee shop kaya lumipat kami sa Mini Stop. Sobrang saya ko nun.

Finally, nagkakulay ang mundo ko. Biglang sumaya ung buhay ko. Mula sa sobrang lungkot, naging sobrang saya. Araw-araw magkausap kami sa phone, araw-araw ako pinupuntahan after his work.

Issue sa kanya is 10 years gap naming, I’m 23, he’s 33 pero sa ‘kin wala lang yun, masaya naman kami, e. Basta ma-effort siya ng todo, lahat binibigay niya sa akin, laging may note na kasama. Lagi niya kong sinusulatan kahit napakapângit ng sulat niya. Maganda naman ang laman kaya okay na rin. Hahaha!

Sunday ang araw namin na magkita pero may pasok ako sa trabaho. Minsan, di ako pumapasok ng linggo pag sinabi niyang wag akong umasok. Minsan, galing sa trabaho ng madaling araw diretso na ako sa kanya. Yung bahay niya nililinis ko.

Minsan, binibilhan ko siya ng grocery pag sinasabi niya sakin na nasho-short siya. Napapasaya niya ko ng sobra kaya kahit minsan, e sobrang sâmâ ng ugali niya, napapagpasensyahan ko na lang.

Hanggang isang araw. Galing ako sa trabaho. Nakipagkita siya sa akin, ako naman, madaling-madali kasi nagagalit siya pag matagal nag-aantay.

Nasa restaurant kami, pagod na pagod ako nun, ilang araw na akong walang tulog dahil kaka-OT, kailangan kasi sa trabaho. Naiinis siya kasi di ako masyadong nagsasalita. Sabi ko,

“Sorry ha, pagod lang talaga ako.”

Hanggang may inabot siya sa sa king sulat, ayaw niyang binabasa ko ang sulat niya sa harap niya. Sabi ko pa, “Ang sweet mo talaga.”

Sabi niya sa kin, “Basahin mo na yan ngayon.” Sabi ko, “Mamaya na.” Sabi niya, “Hindi, ngayon na. Hindi ako nakatulog kagabi dahil diyan.” Dun na ko kinabahan kaya binasa ko na. Eto ang laman ng letter…

“Hi sa pinakamagandang babae,

‘Di ko alam kung paano ko sisimulan ‘to. Pero alam ko na kailangan mong malaman. 2 years ago, kinasal ako sa babaeng naging girlfriend ko for 8 years. (Naiiyak na ako pagkabasa ko nun pero kailangan kong magmatapang). Hiwalay na kami. Alam ko na dapat sabihin ko ‘to sa ‘yo kasi unfair naman sa ‘yo. Napakabait mo sa ‘kin at ayokong sa iba mo pa malaman.

Yours truly,

E”

Nakatulala ako pagkabasa ko. Di ko alam kung anong gagawin ko. Ayaw ko siyang iwan kasi siya na lang ang nagpapasaya sa kin. Di ko kaya mawala siya. Pero, ano sasabihin ng tatay ko, ng mga kapatid ko, ng pamilya ko pag nalaman nila?

Tumayo ako at lumabas, bumili ako ng yosi para mapigilan ang pag-iyak. Sinundan niya ko, mag-usap daw kami.

Pumasok kami sa isang coffee shop at dun kami nag-usap. Buo na sa isip ko nun na tatanggapin ko pa rin siya kasi mahal na mahal ko siya.

I crumpled the letter then gave it back to him. Sabi ko,

“Mahal kita, e. Napapasaya mo ako ng sobra, e. Sabi nila, be with someone who makes you happy. Life is too short para matakot sa sasabihin ng ibang tao. Mahal kita, kaya di porket nagkamali ka dati, wala ka ng karapatang magmahal at mahalin uli.”

So ayun, sa makatuwid, tinulog namin ang pagmamahalan namin. Minsanm, natutulog ako sa kanila upang linisin ang bahay niya, i-fill ang kulang niyang stocks at syempre, chumurva.

After ilang buwan, nag-iiba na siya. Masyado na niya ko sinâs4kâl. Kesyo bawal ganito, bawal ganiyan, di pwedeng ganito, di pwedeng ganiyan pag di ako kasama.

Kahit bestfriend ko pinapagseselosan niya. Ako naman, di ganun sa kanya, naniniwala pa rin ako sa sinasabi niya.

Minsan, magkikita kami ng hapon, maca-cancel ng umaga, inuutusan daw ng nanay. Isang araw pa nga, nagpasama siya sa kin sa Dangwa.

Bibili raw para sa nanay niya, ayon, naka-bouquet pa. Kaso, tiwalang-tiwala ako  sa kanya, e. Kaya wala akong duda.

Hanggang padalas na nang padalas yung pag-cancel niya ng lakad naming, pero di ko siya inaaway. Hanggang isang araw, di na niya ko kinausap, tawag ako nang tawag, text ako nang text, isang reply lang nakuha ko.

Okay lang ako. Tumigil na ko nun, naisip ko, ayaw na niya talaga. Okay lang, basta alam ko lang na okay siya.

Iyak ako nang iyak. Kaya pala siya bumili ng bulaklak para sa nanay niya kahit wala naman okasyon. Kaya pala naca-cancel yung mga lakad namin. May iba na pala siyang dine-date.

Na-confirm ko kasi nakita ko sila sa personal. Sobrang iyak ako nang iyak nun. Kasi grabe, binaba ko na nga yung sarili ko, sh*t, naging dakilang k4bît na nga ako, e. Tapos ganun pa. Di naman ako p4ngît, may nagkakagusto naman iba sa akin, pinatulan ko pa siya. Tapos ganun pa mapapala ko.

Kawawangbata, 20**, Nursing, FEU

11
5
guest
44 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
kinsadiayko
kinsadiayko
1 year ago

wag talaga pumatol sa kasal te, naghiwalay nga sila ng asawa nya kayo pa kaya

CrinushBackAko🙈
CrinushBackAko🙈
1 year ago

His lost, sender, not yours.

Dorothea
Dorothea
1 year ago

Kamura mura si guy waleya

kyutie
kyutie
1 year ago

ouch!

Charms
Charms
1 year ago

Kung sino manyang lalaking yan napaka bobo nya! Sinayang ka nya

Inah
Inah
1 year ago

Bobong lalake

baktol HEEHEHEHEH
baktol HEEHEHEHEH
1 year ago

säl0t talaga mga lalaki >:(

Secret
Secret
Reply to  baktol HEEHEHEHEH
1 year ago

HAHAAHAHAH tawang tawa ako

Skin
Skin
Reply to  baktol HEEHEHEHEH
1 year ago

Hahahahahahahaha

lols.
lols.
1 year ago

pag palagi ka kasing nag papauto uulitin at uulitin lang sayo yun sender kasi akala nya okay lang sayo 🥴

Angel Rie
Angel Rie
1 year ago

Iba talaga nagagawa ng pag-ibig, kahit alam mo na ngang may mali pinipilit mo pa ring mag stay kahit na masakit at nakakasakal na pero good for you sender hindi mo siya hinabol. Know your worth, you deserve someone better and lastly you deserve that pure and genuine love but for now sarili muna siguro, heal first.

Kulot87
Kulot87
1 year ago

Wag mag alala sender mamatay din un kinalaunan,ganyan klasing tao di dapat pag aksayahan ng pagod,oras at luha…Judas eyh…

Last edited 1 year ago by Kulot87
Nurse g
Nurse g
1 year ago

Juskioo miii you deserve better and sana po maging lesson sayo hugssss❤️

yhen
yhen
1 year ago

aral to sa mga kumakabit pinag palit niya ung partner niya sayo kahit kasal ikaw tong nag stay pa din kahit alam mong kabit ka kung hindi ka ba naman nag iisip galing na nga sa mismong bibig mo na maganda ka may nag kakagusto din sayo eh bat ka nag titiis sa ganyng walang ka kwenta kwentang tao magkaraon ka naman ng respeto sa sarili mo wag mong ibaba hindi porket napapasaya ka niya eh mag estay ka. Masaya ka nga pala pero kabit ka masaya ka nga pero marami kayo. Wag kang mag expect na sa dulo ikaw ang piliin at kung ano ginawa niya sa partner niya mas kaya niyang gawin syo na ipagpalit ka sa iba

Ms Hope
Ms Hope
1 year ago

Hi sender, una sa lahat. Maganda ka, at sayo na nanggaling madami nagkakagusto sayo, kaya Im hoping soon, maging okay ka or heal ka na, or may someone na makapagpa heal sayo. Sana wag mo pa din iclose yung chance na may magbibigay sayo ng fair, love, respect at halos lahat ng hiling mo sa isang lalaki. Bangon ulit sender, at di masamang mag reach out ka ulit sa family mo. 🙂

NilokoNiMark
NilokoNiMark
1 year ago

Sandaliiiii! “E” ba talaga initial hindi “M”? Ganiyang ganiyan ginawa sa’kin ng ex ko 22 ako and 33 siya. Parehong pareho ng nangyari sayo ‘yung nangyari sa’kin. Married but working on his annulment na. And then one day napanood ko live ng friend niya, nakita ko may kasamang babae.

Kai
Kai
1 year ago

Buti naman inalis na siya ni Papa God sa Buhay mo. Hindi mo deserve yung mga ginagawa nya sayo.

Changie
Changie
1 year ago

ang bobo mo talaga.. ewan ko sa mga babaeng katulad mo nakakabwisit may kilala kasi akong ganyan 😂😂😂 gusto talaga maging kabit kahit alam na ng pamilya nya na yung boyfriend nya may pamilya na.. ewan ko talaga sa inyo ..kahit mahal nyo yung tao let go na pag alam nyong option lang kayo,pag alam nyong pamilyado o may asawa na. haist tapos yung iba nagagalit pa pag sinabihan na kabet kasi daw na inlove lang sila.gago talaga

Deejang
Deejang
1 year ago

Kaya ayoko na mag-jowa e.

Liyo
Liyo
1 year ago

Alam mo, it’s not your fault to look for someone na akala mo siya kasi napapasaya ka niya tsaka kasi yung nga taong maraming pinagbabawal eh karaniwan sa kanila ay takot sa sarili nilang multo mapalalaki o babae man yan.

Clairrie
Clairrie
1 year ago

Grabe sya….

Ken
Ken
1 year ago

Hindi ka kase talaga dapat pumapatol sa kasal pa sa papel kahit naghiwalay na. Ikaw rin kase babalikan ng karma kahit di mo intensyon na mang agaw

emee
emee
1 year ago

lintik na pag ibig yan

Fjord
Fjord
1 year ago

kakainis mga ganyang tao.

jullian
jullian
1 year ago

Tanga mo kase😗

Ann
Ann
1 year ago

Wag mong blaikan na yan kong babalik pa ,, bobo ng lalaki bweesittt

Kiya
Kiya
1 year ago

u deserved it. tinolerate mo, alam mong kasal yong tao and they didn’t divorce pero pinagpatuloy mo. u deserved it sender, lesson learn. sabi mo nga maganda ka, madami pa jan.

Pengu
Pengu
1 year ago

G*go yun ate 😂 Move on ka na tapos Self love nalang muna magiging masaya ka din 😊

Emilio
Emilio
1 year ago

Ganyan talaga ang ibang mga lalake, kapag alam nilang tanggap nyo sila. Dun na sila gagawa ng mga kalokohan.

Plsloveme
Plsloveme
1 year ago

Sakit nmn yan😢 cheer up sender

Utotnamabantot
Utotnamabantot
1 year ago

Kuhang kuha ni guy yubg urat ko. Nakakainis mga tao, no? Paiibigan ka, after how many days/months/years, bigla kang iiwan. Sana aware kayong nakaka gago yang ginagawa niyong mga putangina kayo.

Rare Janna
Rare Janna
1 year ago

Sabi nga nila, you deserve what you tolerate. Marami kang reasons to give up, pero sabi mo mahal mo. Hindi dapat lahat binibase ang pagdedesisyon, sa mahal mo lang. Dapat ginagamit din ang utak. Nag iisa lang reason mo para kumapit, kinalimutan mo ang madaming reasons para bumitaw dahil mahal mo. Dahil masaya ka sa kanya. Well, lesson learned sender. Matuto kang enjoyin yung sarili mo. Matuto kang magsaya mag isa. Matuto kang mahalin sarili mo. Kasi end of the day, ikaw at ikaw lang ang magmamahal sa sarili mo. Bunos nalang kapag may dumating na tao na mas magpapasaya sayo. Atleast kahit ikaw lang, masaya ka, mahal mo sarili mo. Just live like that. Don’t base sa ibang tao para sumaya ka. Be strong sender.

Starrynight
Starrynight
1 year ago

You can’t find happiness to others but to yourself. Value yourself more than anyone else. Because not all people will stay by your side. He just take advantage your vulnerability when the times you are breaking that’s why you are easy to get and you are so easy to fall inlove because you are craving the love that you deserve to your own Father ig? But since you found him.. you thought, loving and accepting him was enough to make him stay in your life. And it’s okay, your feelings is still valid. Because I understand how hurtful what you are going through. You are just being a victim of a false love and a wrong person. I understand why you love him so much because loving a person sometimes can make you blind. Because we sometimes think , it’s right to fight for them because you loved them.

remember: don’t decide when you are broken. because it will not always end up good.

even though that’s really hurt. I’m so proud of you that you realized your worth. and I hope you move forward in your life again and choose to heal and appreciate yourself more. kindly, don’t question yourself. Girl, you are valuable person!

You can still start new. Although not today, but you have your own timeline. heal yourself and love yourself. Enjoy your life even though sometimes the life is not good to you.. Always believe that you can passed the storm. Hold on and slay! I hope God will give you the man who is really worth of your love. The man who is God fearing and truly devoted to you..

Mabuhay
Mabuhay
9 months ago

Oh baka balikan mo pa ha. JUSKO te, sinasabi ko sa’yo babatukan at kukurutin talaga kita.

hshshs
hshshs
9 months ago

Sorry, pero kasi nalaman mo na ngang may asawa (though, seperated sila pero hindi legal), pumayag ka pa ring maging kabit. The fact na married na siya tapos naging gf ka pa niya, ibig sabihin lang no’n is may problema sa kaniya o sa asawa niya kasi ‘di nag-work ‘yung relationship nila. ‘Di mo deserve ‘yung mga lalaking ganiyan, ba’t mo pa pinagpatuloy, niloko ka lang tuloy. Hayaan mo nalang ‘yung lalaking mga ganiyan, maka-karma rin sila pagdating ng panahon. Mag-move on ka na, ‘wag mo nang balikan kung makikipag-balikan, please lang. May mahahanap ka pang ibang lalaki na walang sabit. Sana ‘wag ka nang mag-send uli ng letter na nagsasabing nakipag-balikan ka sa kaniya tapos niloko ka lang uli, hahahaha. Deserve mo na siguro kung babalikan mo uli siya tapos lolokohin ka lang niya. Hahahahaha, bobong tao lang ang bumabalik sa mga taong manlolokong hindi nagbabago.

Xiao
Xiao
9 months ago

Pure intention, pagmamahal, hirap, pasensya, sikap at tyaga, at nagpaka nanay ka ang binigay mo sa boyfriend mo pero nagawa paring lokohin ka. Well karma na ang bahala sa boyfriend mo sender. Much better kung habang maaga pa hiwalayan muna🥰 nililigtas ka lng ng panginoon sender🥰🙏 bahala na ang karma ang hahatol sakanya. Kahit magtago pa siya hindi niya matatakbuhan ang karma! Palakas ka sender 🥰🙏

Chika
Chika
9 months ago

Cheer up po ate, baka may darating pa na mas deserving ng tao para sayo,yung hindi mo kailangang ibaba ang dignidad mo,yung hindi hahayaan na kwestyunin mo ang sarilimo,at yung pinapahalagahan lahat ng effort and sacrifices mo,from understanding his matakes in the past and accepting him cauzeyou loved him.BUT PLEASE NEVER EVER TOLERATE CHEATING!!!!!
May darating pa po na mas deserving.
GOOD LUCK PO.

Ms. Faith
Ms. Faith
9 months ago

nakaka bobo talaga ang pag-ibig

coco.bear
coco.bear
9 months ago

Nagawa nga nyang lokohin ang asawa nya ikaw pa kaya na kabit lang

Anony
Anony
9 months ago

Ganiyan ang tunay na lalake

Hakdog
Hakdog
6 months ago

GINAMIT KA LANG niya , ginawang yaya , taga bili ng stocks at parausan niya . Kaya sguro naghiwalay ren sila nung naun kase ganyan ugali niya .. Kung sino pa tlga ung overprotective sila tlga ung manloloko

Gracious
Gracious
6 months ago

Move on, magpatawad ka, patawarin mo sarili mo. God will heal you. Lahat ng broken pieces, pain and bitterness God will restore your life. Isa lang advice ko you need God. You need Christ. He will answer the unanswered part of your life. Pakatatag ka darating din ang para sayo.

Yourmidnightrain
Yourmidnightrain
6 months ago

As much as possible at hindi sa nagsasalita ng tapos wag tayong mag settle sa taong kaya tayong gawaing pang temporary lang. Sender hindi tayo pinanganak sa mundong to para maging second choice, maging kabit, side chick o kung ano pa mang tawag dyan. We deserve the best. Deserve mong mahalin ng walang kahati.

No to Filipino na Lalake! RUN!! RED FLAG!
No to Filipino na Lalake! RUN!! RED FLAG!
6 months ago

Kaya wag ka magmamahal o maniniwal sa mga Filipino na lalaki. Karamihan ganito sa kanila. Hindi ko nilalahat. Pero madami kasing gantong Filipino guy!! Ang kakapal ng mukha!

error: Content is protected!
44
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x