“MAG-BACKGROUND CHECK MUNA BAGO GAWING JOWA”

Gusto ko lang mag-share ng funny moments namin ng pinsan ko, na ikinagulat ko talaga.

We had this family reunion kasi sa side ni father ko, syempre para daw magkakilala kami ng mga kamag-anak namin, and makita/makilala raw kung sino pa ‘yong mga pinsan namin na taga malayo. Sabi pa nga,

“Kailangan ‘yong reunion kasi baka mamaya, e pinsan ninyo na pala ’yong nobyo/nobya ninyo.”

So ayun na nga, nakaupo ako noon sa isang sulok when my cousin (babae siya) approached me. Kwentuhan ganyan, tapos biglang may tumigil na sasakyan sa malapit sa amin.

Bumaba mga pasahero, and then lumapit sa kinaroroonan namin. Nagulat ako nang biglang magmurâ pinsan ko. HAHAHA! Sabi niya,

“Tânginâ, si ex ‘yon, ah,” edi napatingin din ako.

And tinuro niya sa akin ‘yung guy. Tawang-tawa ako kasi ngayon niya lang na-realize na mag-pinsan sila.

Ang malala, nanghihingi raw ng comeback si pinsan na guy, buti na lang daw at hindi siya marupok na pumayag sa second chance. HAHAHA!

Lesson learned: Mag-background check. Baka kadugo mo pa pala ‘yong jowa/ex mo. HAHAHA!

Kaya ako, itatanong ko talaga sa future bf ko kung saan/anong clan siya galing, kasi baka pinsan ko rin, e. HAHAHA! Mahirap na.

the weeknd fan gf, 2023, Confidential

1
1
guest
6 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Anonymous
Anonymous
1 year ago

May mga pagmamahalan talagang sinisira ang family reunion HAHAHAHAHA

Nicx
Nicx
1 year ago

May nangyare kaya sa kanilang magpinsan
Joke HAHAHAHAHA

Bebi
Bebi
1 year ago

May naging crush ako dati, pinakilala ng jowa ko sakin, boardmates nya. Guys, crush lang, hindi ko hinarot. Yung sense of humor lang nya yung hinangaan ko, tsaka yung galing nya sa pag gigitara. Then, after a month nabalitaan ko na namatay yung kapatid ng Lola ko, which is mother ng Mama ko, bale uncle ni Mama yung namatay. Tas napakwento sa call yung boyfriend ko, sabi nya may patay din daw sila ***********, eh alam ko kung taga saan sila, kasi pareho sila ng bayan ni bf, magkaiba lang ng Barangay, dun ko nalaman na pinsan ko pala yung naging crush ko, inisip ko na lang na baka lukso lang ng dugo yung naramdaman ko😅.

Skiriskiri😂
Skiriskiri😂
1 year ago

Sheeet may anak kmi ng pinsan ko😂😆 pero malayo na, late na na realize na mag pinsan kmi.. eh juntit na kaya ako noon😆😂😂

sassymom
sassymom
1 year ago

parang mas nakakahiya yung sa akin😂pinagsabay ko si ex at yung pinsan ko ( distant cousin, apelyido niya middle name ko) naghiwa-hiwalay din kami tatlo😂as of now si pinsan, jowa na niya yung pinsan ko rin😂

ItsMaeee
ItsMaeee
1 year ago

Eyyy TheWeeknd fan🤝🔥

error: Content is protected!
6
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x