“Laging may kababalaghan na nangyayari sa panaginip ko…”

Hi, I just wanna share my weird dreams. Baka naman may matulong kayo diyan or yung mga readers.

Alam kong matanda na ako para magpaniwala sa mga kababalaghan or sa mga weird na panaginip pero di ko po mapigilang hindi mabahala.

Nakalimutan ko na kung kailan nagsimula to, basta isang araw, napapansin ko na lang na hindi maganda yung mga napapanaginipan ko.

Lagi po akong nanaginip na may nâmâtây, as in yung nasa kâbâong po sila. Una yung mama ko, sunod si tita ko, pangatlo yung kapatid ko, then si papa, and nung nakaraang buwan, si mama ulit.

Nakikita ko po silang nasa loob ng kabaong talaga. Meron din time na nasa panaginip ko yung mga kaklase ko.


Nâmâtây daw silang lahat tapos sa likod ng school inilibing, ang daming kabaong na parang nag-ala sementeryo yung likod ng school.

Sobrang natatakot po ako kasi di ko alam yung gagawin, alam kong panginip lang pero natatakot akong baka magkatotoo.

Kagabi ulit yung panaginip ko sobrang nakakatakot, to the point na parang ayaw ko na matulog ngayon. May engkanto raw na may gusto sa akin at gusto niya akong kunin.

Ewan ko ba bakit ganito. Huhu. Help po.

Eya, 2022, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
8 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Tine
Tine
1 year ago

Lapit ka po sa albularyo o manggagamot

Ashin
Ashin
Reply to  Tine
1 year ago

True po baka kasi pinaglalaruan sya ng di nakikita. Magpatawas nalan sana sya para safe

Unknown
Unknown
1 year ago

Sakin din po ang weird ng mga naiisip ko. Nung last last year po bigla na lang pumasok sa isip ko na mamatay yung lolo ko tas makalipas ng ilang linggo namatay po, minsan yung kapitbahay namin, yung tita ko, yung aso ko, pusa, at mga nakakasalubong ko lang. Lahat po sila na namatay, bigla bigla na lang po silang pumapasok sa isip ko na mamatay sila kaya makalipas ng ilang araw o linggo ayun po mababalitaan ko na lang na tegi na.

Hiro
Hiro
Reply to  Unknown
1 year ago

Claircognizance po ata tawag dyan.

Lenie nicanor
Lenie nicanor
1 year ago

Kontrahin nyo po yung panaginip , pag gising nyo at masama ang panaginip idura mo yung laway mo sa cr or lababo tapos buhusan ng maraming tubig basta malayong daluyan ng tubig at bulungan mo ng mapunta ka sa malayo.

Yan kase yung turo saken ng ate ko na turo sa kanya ng tatay namin noon , masamang mga panaginip ang meron kami matapos mamatay ng tatay namin nakaraang taon , may mga panaginip din kami na babala na pala bago mamatay yung tatay namin.

Rose
Rose
1 year ago

Pag ganyang daw po ang panaginip na may nakalagay sa kabaong ibig sabihin daw po hahaba pa daw buhay nung napanaginipan n’yo na nasa kabaong. Pero pag kabaong lang daw po mismo yung napanaginipan n’yo ibig sabihin may mamamatay

Rose
Rose
Reply to  Rose
1 year ago

Pero pinaka the best n’yo pong Gawin ay mag pray lang po ng mag pray sa lahat ng oras

Marge
Marge
1 year ago

Prayer po lagi..

error: Content is protected!
8
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x