I don’t know where to start. Kung ikukuwento ko ba kung paano nagkakilala, naghiwalay, at nagkaroon siya ng iba. But it’s another story na lang siguro kasi baka abutin ng umaga.
So habang nag-i-scroll ako sa aking news feed, biglang nag-send ng screenshot ang aking friend.
And to my surprised, ikakasal na ang aking ex-partner sa babaeng pinagpalit niya sa kin, sa min ng anak niya.
Yes, may anak kami and naanakan na rin niya yung babae. It’s been 7 years na pala.
At kung ilang taon na ang anak namin, ganon na rin sila katagal nung babae.
Ewan ko kung ba’t ako nagko-confess dito, siguro kasi walang may alam ng totoong nararamdaman ko. Even my best friends.
Di ko masabi-sabi na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung ex ko, napapanaginipan ko pa nga.
Ang daming what if’s, ang daming bakit na tumatakbo sa isip ko. What if di siya nagloko?
Bakit nagawa niya akong lokohin kahit buntis ako? What if kami pa ngayon? Kami kaya yung ikakasal?
Bakit kahit alam nong babae noon na buntis ako, sige pa rin nang sige?
Ako yung naagrabyado at niloko pero bakit ako itong hindi masaya at miserable ang buhay?
Ang dami kong gustong sabihin sa kanilang dalawa.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos sa pag-iisip kung bakit at paano nangyari dahil walang explanation ang nangyari, wala rin paghingi ng tawad.
And then ngayon, ikakasal na kayo. Na parang wala kayong nilokong tao at batang tinanggalan ng karapatang magkaroon ng ama at masayang pamilya.
Sana hindi maging katulad niyo yung anak niyo. Naninira ng pamilya at tumatalikod sa responsibilidad.
Hanggang dito na lang po.
I will be reading your comments po, I’m willing to share kung paano ko nalaman na nambabae at kung paanong trato ang naramdaman ko mula sa kanila. Salamat.
Unhappy woman, 2015, BSE, PUP
*do not copy/paste this content on any platform
share ka po sender magrant ka lang, makikinig kami. praying for your genuine happiness and pure love, someday you will find the guy who loves u deeper than u know<3
SIGURO PO SENDER YOU HAVE TO FORGIVE HIM OF EVERYTHING NA NAGAWA NIYA PO SAYO, HINDI MO MAN PO AGAD AGAD MAKAKALIMUTAN LAHAT PERO SIGURO KAPAG NAPATAWAD MO NA PO SIYA OF ALL THINGS THAT HAD HAPPENED AND THAT HAD CAUSED TO YOU, PAUNTI UNTI DIN PO GAGAAN ANG PAKIRAMDAM NYO. ISA PO SIYANG TINIK NG KAHAPON NA NAKABAON SA BUHAY MO NA HANGGANG NGAYON NAGIGING BALAKID PARA MAG OPEN UP NG SPACE SA BUHAY MO PARA SUMAYA. ACCEPT PO SIGURO NA WALA NA. FORGIVE HIM (I KNOW HINDI MADALI, BUT YOU CAN TRY) THEN FOCUS KA PO SIGURO SA LIFE MO LALO NA SA LIFE NG BABY MO. IKAW AT BABY MO NALANG PO ANG ISIPIN MO LAGI. ALWAYS PRAY TO GOD AND SURRENDER TO HIM EVERYTHING.
May karma po, hayaan mong dumating sa kanila yun
Tngin ko hinde makakarma c boy kc muka naman masaya cla nung pnalit nya kay ate gorl eh. Ikakasal na nga cla eh.
Alam mo yung sagot sa lahat ng bakit mo? Simple lang, hindi siya yung lalaking talagang nakalaan para makasama mo sa buhay. Destined yan mangyari sayo. Sa inyo. Para matuto. Para maging leksyon ng sa hinaharap e maging mas malakas ka at mas matibay na loob mo sa mga susunod pang pagsubok. Magpasalamat ka na hindi na kayo hanggang ngayon. Yung niloko ka nya, sapat na yon na sagot para sabihin sa sarili mo na hindi ka nya deserve. Isipin mo nalang na redirection yang pagkawala nya sa buhay mo at habang kasama mo pala sya e nasa maling landas ka pala ng buhay mo. Feel the pain until it hurts no more. Tapos, patawarin mo sya kapag kaya mo. At, patawarin mo rin yung sarili mo sa pagtitiwala sa maling tao. Importante, alam mo sa sarili mo na nagmahal ka ng totoo. Magdasal ka lang. Darating din para sayo yung taong nilaan ng Diyos para sayo sa tamang panahon. Maniwala ka. Mahaba na comment ko pero, proven yan. Haha. ❤️
Ipinaalam nyo po ba sa bata ng buhay or existing pa sa earth yung tukmol nyang ama? Parang same story kase ng buhay ko to, at ako yung bata. Growing up, hinahanap ko yung ama ko hanggang sa ako mismo naka tunton kung sino at nasaan sya, hanggang sa malaman ko na din eventually yung totoong nangyari sa kanila ng mama ko. I was 16 nung makilala ko sya. At first sabik saka pinatawad ko yung tatay ko. Ewan ko ba. Siguro out of pity na din sa sarili kasi as I was growing up I was bullied bilang putok sa buho. Hanggang sa nagmatured ako, doon ko nagegets na maling mali ang ginawa nya sakin. Na hindi naging miserable buhay ko kung nagpakatatay lang sana sya. Natuwa ako nung una kasi hindi na ako mabubully dahil finally kilala ko na sya pero noong naunawaan ko na lahat.. Di ko pala sya kayang patawadin. Ganoon din naman sya, imbis na bumawi sakin para syang bula na bigla na lang lilitaw at mawawala whenever he wants. Kaya ngayon. Ayon’ sinumpa ko na lang. Tatanda din sya. Maiisip nya din na sana minahal nya ako bilang anak. Magsisisi din sya. Di man ngayon but I’m so sure, that one day. 😔
Sending hugs to you and your child. Keep up. You’re doing great!
Sana habang maaga pa at maliit pa mga anak namin, pahalagahan din ng ex ko yung pagiging makulit ko na bigyan niya ng oras at pagpapahalaga mga anak niya. Para hindi umabot sa ganito yung magiging reaksyon ng mga anak niya sa kanya.. Nakakapagod na kasing araw arawin yung pangungulit sa kanya na kahit mga anak lang niya an mahalin niya, siya na yung nagloko pero mga anak ko pa yung dapat maglimos ng pagmamahal niya bilang ama.. since 2012, iniwan ng paulit ulit.. bumalik ng 2019, pinagpalit sa barkada at ibang babae, 2021..
If I were you kung pede pa I will file a civil case and ask for moral damages to them before a court para kahit paano ay makakuha ka ng justice sa ginawa nila sau. You may talk to a lawyer.
Moral damages include physical suffering, mental anguish, fright, serious anxiety, besmirched reputation, wounded feelings, moral shocks, social humiliation, and similar injury.
Reference: https://lawphil.net › gr_l-14333_1961
G.R. No. L-14333 – Lawphil
I feel you sender. Buntis rin ako nong nag loko partner ko. Nanganak ako at pumunta pa sa mismong hospital yung babae hindi kopa alam na sila na non. Hanggang ngayon sila parin nang babaeng yon at may dalawang anak na. At yung lalaki madalang lang mangamusta samin nong anak namin. Kahit pag susustento madalang nga rin ey. Pero ngayon masaya nako. Binigyan kasi ako nang lalaking mamahalin ako at nang anak ko. Masaya rin ang anak ko kasi may maituturing na syang ama.
Pareho kayo ng bilas ko ung partner nya nagpakasal sa kabet 1yr lng pagitan ng bunso nila at nung anak nya sa pinakasalan nya. Grbeng trauma ang binigay
Grabe, ang hirap ng ganyan. Kung ako yan baka nagmala the glory ako. Hindi pwedeng masaya kayo. Walang sasaya sa pamilyang ‘to! HAHAHAHA charot lang hehe. Sana magheal na si sender 🙁 praying for you and your child’s happiness. Kakarmahin din sila love you sender ❤️
Hi. Kamusta ka? Mabigat na ba yung feelings na kinukubli mo? You want someone na pwde mo paglabasan ng emotions, frustrations etc? Let me hear it, also I want you to talk to God. Maybe he can help. Ask for guidance, clear mind and heal you. Anyways, ingat ka palagi. Ingatan mo yung anak mo.
Same relate na relate. May anak din kame at kinasal na sila ng babaeng may anak nadin sa iba. Pinagaplit ung 2 anak nya sa ibang bata. And ganyan din kung ilang taon na bunso namen ganun nadn cla katagal ng babae nya. Walang closure samen bsta nalang sya nawala. Kapal ng muka. Un nga eh kng cno pa iniwanan At nasaktan ng lubos sila pa miserable ngayon. So unfair!
Sending my warmest hug sender. Di talaga madali magpatawad. Pero sa paglipas ng panahon magugulat ka nalang naka move on ka na pala. Basta pray harder and seek for the guidance of our Lord. Malalagpasan mo din yan kasama ng anak mo. Kung di mo masabi sa mga malalapit na tao ung mga hinanakit mo pwede mong ikwento dito para kahit papano mabawasan ung bigat na nararamdaman mo. Good luck and God bless sainyo ng baby mo sender. 😊😇
Madami what if nasa tao kasi yan alam niya naramdaman mo hindi siya magloloko and then wala man lang closure sa inyo. Kaya ganyan hanngng ngayon dami dahilan bakit nagawa niya yun