“Ex-gf ni bf na nangugulo, tumatawag kahit Hating-gabi, parang naka-20 sims siya sa isang gabi para lang tawagan bf ko…”

Hi. I have a boyfriend. Let’s call him Jake, and almost 3 years na kami. During those times na getting to know each other pa lang kami, there’s a random girl na laging nag-memessage sa ‘kin, accusing me na nilalandi at inagaw ko raw si Jake sa kanya.

Jake told me that she was his ex, pero matagal na silang wala. Hindi pa kami magkakilala ni Jake is hiwalay na raw sila, pero hindi raw matanggap ng babaeng wala na sila. Pinakita rin niya sa ‘kin mga convos nila to prove na matagal na talaga silang wala even before I met him.

Sa mga messages ng babae sa kanya, nagmamakaawa siya kay Jake na balikan siya, na magpapak@m@tay siya ‘pag ‘di siya binalikan, na sisir@in daw niya ang buhay ko kapag ‘di siya binalikan, at marami pang thre@ts.

So I assumed she was just a crazy ex na naghahabol. Well, she was really crazy kasi mine-message niya ang lahat ng mga kaibigan and relatives namin para siraan ako. Pinapaniwala niyang nag-cheat daw si Jake sa kanya with me, kahit ‘di ko naman siya kilala at matagal na silang wala no’ng nakilala ko si Jake.


Panay ang tawag niya kay Jake at sa ‘kin kahit hating-gabi, parang ‘di natutulog. Kahit bina-block siya ni Jake, may another number na naman siya. Naalala ko, parang naka-20 sims yata siya sa isang gabi para lang tawagan nang tawagan si Jake. Hinayaan na lang namin siya ni Jake, hanggang after a year, kusa rin siyang huminto sa panggugulo.

Fast forward, naging kami ni Jake few months after huminto ng babae sa panggugulo. Legal kami both sides, and super happy ng relationship namin. May mga away rin naman, petty quarrels kumbaga, pero nare-resolve naman kaagad.

Super understanding niya, down to earth, and caring. He treats me like her Queen. He makes time and effort, kahit super conflict na ng mga scheds namin minsan, he really goes beyond para magkita kami.

Malapit na kaming mag-3 years, pero consistent pa rin siya sa efforts and care niya sa ‘kin. Gustong-gusto rin siya ng family ko kasi nakikita nila kung gaano ako kamahal ni Jake. At sa sarili ko, alam kong siya na ang gusto kong makasama for the rest of my life. We are actually planning to get married, hopefully next year.


However, lately may natuklasan ako. Kinalkal ko kasi ‘yong FB account niya. Super open kami sa mga accounts namin, pero ‘di ko pa masyadong nakalkal ‘yong account niya kasi panatag naman ako lagi, and madalas tamad rin mag-scroll haha!

Pero one time, parang bored ako and wala akong magawa, so naisipan kong kalkalin ‘yong fb nkya. Nakita ko ‘yong old message threads nila ng ex niyang naghahabol sa kanya dati. Binasa ko lahat, mula sa pinakasimula.

Nasaktan ako sa mga nabasa ko.

Well, totoong nag-break sila before Jake and I met. Pero hindi niya nakuwento sa ‘kin ‘yong context. Nag-break sila because of their families, pero pinangakuan siya ni Jake na babalikan siya kapag okay na ang lahat. Kumbaga nagkaroon sila ng kasunduan, or promise, na magbabalikan sila kapag okay na ang problema nila, pero hindi tumupad si Jake.


Nakita ko sa mga convos nila kung paano unti-unting hindi na siya nirereplyan ni Jake. Hindi na sinasagot ni Jake mga calls ng babae, hanggang sa totally nag-stop si Jake sa pag-reply sa girl. Then no’ng nagkakilala kami ni Jake, nalaman siguro ng babaeng may nililigawan si Jake, so nag-start manggulo ‘yong babae sa ‘kin at sa mga friends and families namin.

So si Jake, para mapakalma si girl, tinutuloy pa rin ni Jake ‘yong mga sinasabi niyang promises, like “Babalikan naman kita, basta maghintay ka lang.” May nakita pa akong message ng girl na, “Mahal mo pa ba ako?” Mga 10 times niyang sinend ‘yang message na ‘yan, then nagreply si Jake ng “Oo na.”

Nakita ko kung gaano umasa si girl kay Jake na babalikan siya. Ngayon ko na lang naintindihan lahat. Kaya pala sinasabi ng babaeng inaagaw ko raw si Jake, kasi buong akala niya, babalikan talaga siya ni Jake.

Pinanghawakan niya ‘yong kasunduan nilang maghihintayan sila. Sa point of view niya, third party ako, na ako ang dahilan bakit hindi na siya binalikan ni Jake. Pero sa point of view ko that time, she was a crazy ex na naghahabol dahil ‘di matanggap na break na sila.


Now, I am hurt. Hindi ko matanggap na someone’s hurt because of me. Someone thought I was just another woman who ruined a relationship. Lalo na nabalitaan kong she attempted to k!ll herself. Good thing she was saved.

Parang na-giguilty ako, pero on my other part of mind, it tells me na I did nothing wrong. Wala akong alam that time, at alam ko sa sarili kong wala akong inagaw. Nasasaktan lang ako kasi parang naramdaman ko ‘yong sakit na naramdaman niya just by reading those conversations.

Sobrang umasa kasi siya. Parang nagalit din ako sa boyfriend ko, kasi how could he do that to her. Sabi ko sana hindi na lang niya pinaasa nang gano’n katagal, kasi mas lalong umasa ‘yong tao, mas lalong malalim ‘yong sakit.

Tinry ko ring i-stalk si girl, kaso pareho na kaming naka-block ni Jake sa kanya. After ilang days, nakihiram ako ng FB sa friend ko to stalk si girl. I saw she was doing great. Blooming siya and mukhang masaya na siya. I bet she moved on, sana nga.


I admit, I planned to message her, pero hindi ko alam anong sasabihin ko. Gusto kong mag-sorry for all the pain I caused her, pero natatakot akong baka ma-relive ko lang ‘yong memories and pain na naranasan niya. At baka kung ‘di pa siya nakaka-move on totally, natatakot akong baka guluhin niya kami ulit ni Jake.

I told Jake na sana someday, kapag sure na kaming okay na siya, sana makausap namin siya para makapag-sorry kami and makapag-explain din ako sa kanya ng side ko. Alam ko at ramdam kong galit sa ‘kin ‘yong babae kasi ang alam niya, sinira ko ang relasyon o kung ano man ang kasunduan nila ni Jake noon.

Era, 2018, BSA, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
16 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Killuwa baby.
Killuwa baby.
10 months ago

Mga lalaki nga naman🥺

Glyd
Glyd
10 months ago

Wala ka naman kasalanan, pero sabe mo nga pag okay na si girl kausapin mo/nyo.

Haksdkxn
Haksdkxn
10 months ago

Lalaki moments 🥴

teptep
teptep
10 months ago

grabe

teptep
teptep
10 months ago

bigla akong kinabahan kasi gantong ganto story namin ng ex ko, we promise to each other na iintayin namin isat isa. and pag natapos na ang gulo we’re going to back to each other arms. pero hindi naman ako suicidal

kkkkkk
kkkkkk
Reply to  teptep
10 months ago

wag na lang umasa masyado

Last edited 10 months ago by kkkkkk
Avery Zircon
Avery Zircon
10 months ago

Well, in your part, wala ka naman talagang kasalanan and tama rin naman yung desisyon mo na kausapin nyo yung babae kapag na-assure nyong okay na sya.

The one who’s at fault diyan ay iyong boyfriend mo. Sige, let’s say wala na nga sila and hindi nya na sya mahal or nawala na yung pagmamahal nya nung nagkakilala kayo, sana man lang, inunahan nya na ng explanation para aware naman din si girl kung bakit hindi na nya nagawang tuparin yung usapan nila. Hindi rin naman kasi kasalanan ng boyfriend mo kung mag iba yung nararamdaman nya habang tumatagal na wala na sila. He could have at least explained.

At the bottom of everything, wala naman ni isa sa inyo ang may gusto sa nangyari. Nagkulang lang talaga ng communication that is why communication is really important. Closures are important para walang bitterness and misunderstandings.

To your boyfriend’s ex: I hope she finds her happiness even if it’s not in the arms of the man who promised something to her. Sana magtuloy-tuloy na yung pagmo-move on nya.

Sound of Cactus
Sound of Cactus
10 months ago

Wala kang need i explain to her. Never say sorry sa bagay na hindi mo ginagawa kasi for her ma po prove yung point niya na nang agaw ka. Ang need mag sorry and ang need makipag usap is si BOY, NOT YOU. FOR GIRL, dapat siyang humingi ng sorry sa mga taong nagulo niya pag nalaman niya na ang totoo na wala talagang balak si boy to come back. SI BOY dapat ang mag explain ng lahat hindi ikaw. Kasi parang pinatunayan mo lang na nang agaw ka kahit hindi.

Wanda
Wanda
10 months ago

Kung magso sorry ka kay gurl edi aminado ka na kaw ang may kasalanan bat cla nahiwalay. Edi guilty ka nga hahah

kkkkkk
kkkkkk
Reply to  Wanda
10 months ago

naawa lang sya iih

Jem
Jem
10 months ago

What if . What if lang ha . What if Gawin din sayo ni boy Yung ginawa nya Sa ex nya ? 😭haha

kkkkkk
kkkkkk
Reply to  Jem
10 months ago

yeh if that jake boy still did not man up. sender ingats

lol
lol
10 months ago

what if ikaw talaga yung kabet all this time

Friday
Friday
10 months ago

tangina ni kuya lakas mangako, ‘di naman s’ya pala sure pinagmukha pa kayong magkaaway dahil lang sa kanya lakas manakit ng babae. kung di ka sure sa future wag na sana mangako, iclose nalang ang mouth pagkaganyan hayz

Xayah
Xayah
7 months ago

jusmio. parang ung ex ko din ah. nangako kmi na aayusin relasyon nmin pag okay na ang lahat, pero ayun, malaman laman ko may babae na. ag excuse nya d dw sya seryoso, kaya ending ako happy na sa family na binuo with my husband, sya single pa din. at nagmemessage. nangangamusta 😅

eljhay
eljhay
7 months ago

Ganitong ganit yung nangyari samin ng bf ko ngayon , sabi niya wala na sila ng ex niya hanggang sa tumatawag siya sa kanya , at ako ung nakausap . Grabe sobrang sakit sa part ko at part nung ex niya , buti nalang natapos na ay may sari sarili na kaming buhay, siya may 2 anak na , and kmi parin ng bf ko , sana di na maulit. Worst talaga siya

error: Content is protected!
16
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x