“CR SA FACTORY NG COLOGNE” (SPG)

Kuwento ‘to ng tita ko sa ‘ming magpipinsan nung bata pa kami. Dati kasi siyang nagtatrabaho sa factory ng isang kilalang brand noon ng cologne (di ko na ime-mention ‘yung brand).

Naikuwento lang din ‘to ng katrabaho niya na siya mismong naka-experience. Sa CR daw ‘to ng factory nangyari.

Nag-CR yung katrabaho (girl) niya, pagkatapos neto mag-wîwí, naghugas siya ng kamay sa lababo. Tapos ‘yung lababo usually, di ba may salamin?

Pagtingin niya sa salamin, may babaeng nakaitim sa likod niya, doo-goo-an ang mukha, nakatingin at nakangisi sa kanya.

Kaya pumikit siya at nagdasal ng ‘Our Father’ pero bago pa niya matapos ang dasal, dumilat daw siya para tignan kung wala na ‘yung babaeng nakaitim…

Pero lalo siyang natakot nang mas malapit na ito sa mukha niya at itinuloy ng babaeng nakaitim ‘yung dasal niya.

Dun na siya tumakbo palabas ng CR at putlang-putla raw ng makita nila tita at ng iba pa nilang katrabaho. Nang mahimasmasan ito, saka ito nagkwento sa kanila.

Tapos kinabukasan, di na yun nakapasok kasi nilagnat at pinag-leave na rin siya ng 2 weeks.

Miss Sender, 20**, *Confidential

guest
6 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Sintosin
Sintosin
1 year ago

Ahhh Yun lang??? Bitin po.. Wala ding thrill..

A17
A17
1 year ago

Ang creepy, Kung ako nyan Baka nahimatay na ako, partida nag dasal na sya sinabayan PA.

tsgshsh
tsgshsh
Reply to  A17
1 year ago

nakakasabay po talaga ang multo sa dasal na our father lalo na kung malakas ang pwersa neto pero kung Sumasampalataya ako ang dinasal niya sure ako na hindi yun kayang sabayan ng kahit na anong masamang kaluluwa

Ken
Ken
Reply to  tsgshsh
1 year ago

Nah. Demons are fallen angels and they are disguising themselves as lost souls. They know the prayers in the Bible so it is much better to pray a prayer coming from your heart, your own thoughts and have a strong faith.

tsgshsh
tsgshsh
Reply to  Ken
1 year ago

pero hindi naman demons yung mga kaluluwang hindi matahimik pero kaya sumabay sa ibang dasal bukod sa sumasampalataya ako. based on my own experienced.

avemoon
avemoon
1 year ago

bitin

error: Content is protected!
6
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x