CONGRATS

 

Isa ako sa malakas ang paninindigan noon na,

“Hindi ka dapat pumapatol sa ex ng kaibigan mo, kumbaga sisterly code.”

Pero ayon nga masyadong mapaglaro ang tadhana kase yung salitang binitiwan ko kinain ko rin.

Years ago, nagka-boyfriend yung isa sa mga college best friend ko, si Pat. Nag-aaral pa kami ng college noon. First year kami and my bestfriend has a really strict parents lalo na’t panganay siya kaya bawal talaga ang boyfriend.

But despite of that tinuloy nila ni Ken yung relasyon nila and I witness how they loved each other. Ang ideal nga eh as in ako yung mediator nila noon kapag hindi sila okay. Pat and Ken used to ask for my advice kapag may small fights sila.

Pero noong patapos na kaming mag-second year nalaman ng magulang ni Pat yung relasyon nila ni Ken. At walang ano-ano pinauwi agad nila si Pat sa province.

Nawalan kami ng kahit anong communication kay Pat. Dahil doon naging close ko na rin si Ken dahil nga third wheel nila ako noon and I treated him as my friend na rin.

I helped Ken at all means na ma-contact si Pat pero wala hindi talaga namin ma-contact, kahit sa mga kapatid wala kaming mapiga.

To make the story short I helped ken to move on when he decided to forget about Pat. As a friend lang talaga noong una, wala akong ibang agenda. Gusto ko lang talaga tulungan si Ken maka-move on nung time na wala na talaga kaming maisip na way para magkaroon pa ng communication kay Pat.

Na-encourage akong tulungan siyang makalimot dahil sa napapabayaan na kase ni ken yung studies niya actually napabayaan talaga.

Years passed mas lalong naging close kami. Noong nag-4th year kami we’re lucky na nakapasa kami parehas sa isang company to perform our OJT. Doon na nag simula ang lahat ng tuksuhan. Akala ng mga superior namin magjowa kami pero hindi.

And to be honest I really tried na hindi ma-inlove kay Ken kase nga ex ng kaibigan ko (actually hindi nga ex eh kase wala namang break up na naganap) pero wala eh nainlove ako. Pero never ako gumawa ng move to tell ken na I’m inlove with him.

Actually ang sama ko nga that time dahil nagjowa pa ako ng iba para mawala ang focus ko kay Ken. Pero noong nagkajowa ako doon nag-start umamin si Ken na gusto niya ako. Hindi niya raw alam kung kelan at paano nangyare pero ang alam niya lang daw is mahal na niya ako.

To make the story short again, syempre mahal ko nga siya so hiniwalayan ko yung boyfriend ko nun at sinagot si Ken.

Naging masaya kami ni Ken, kahit marami akong naririnig na mga salita na,

“Lah plastic jinowa jowa ng kaibigan niya.”

“Solutera, mang-aagaw” and other mean words.

Pero dedma mahal ko eh and I know na I tried my best na pigilan pero wala eh mahal din niya ako kaya bakit pa ako iiwas diba?

Naka-graduate kami ni Ken ng college and parehas na absorb sa company kung saan kami nag-OJT. Ang saya ng first two years namin not until bumalik si Pat.

Nag-chat siya sa akin at kinuwento lahat ng nangyari. Kaka-graduate niya lang that year kase na delay siya nung trinasfer siya sa province. Ang saya ko noon kase na-miss ko rin naman siya pero nalungkot ako kase after niya ikuwento hinanap niya si Ken.

Paano ko sasabihin na jowa ko na? Yun ang pinoproblema ko nun. Nag-set siya ng date na magkikita kami at sabi niya sama ko raw si Ken. Nabanggit ko kase sa kanya na ka-work ko si Ken pero hindi ko masabi na boyfriend ko na.

Nakiusap siya na isama ko raw si Ken kase magpapaliwanag and magso-sorry siya.

The day came, dahil sa guilt ko pinapunta ko si Ken pero hindi ako sumama pinauna ko lang siya. Sinabi ko na doon nalang kami magkikita sa meeting place. Hindi ko sinabi sa si Pat ang makikita niya pagdating niya doon. It’s up to him naman kung anong gagawin niya kapag nagkita sila. I trust him.

Nagkita sila that day at hindi na nakapag-update si Ken sa akin the whole day. With that, nagka-idea na ako sa pwedeng mangyari. Kinabukasan kinausap niya ako bakit hindi hindi ko sinabi na si Pat ang kikitain. Hindi raw siya handa. Halata naman sa kanya na nagulat siya dahil ang tamlay niya at kitang-kita na ang lalim ng iniisip niya.

Lumipas ang isang linggo hindi parin alam ni Pat na kami ni Ken dahil walang nagsasabi sa kanya.

Hindi ko alam pero noong mga panahon na yun, ine-expect ko na darating yung araw na kakausapin ako ni Ken. Kilalang-kilala ko siya eh. Kitang-kita ko na kung sinong mahal niya. At alam kong lugi ako kahit mas matagal niya akong nakasama sa hirap man o sa ginhawa.

Simula nung nagkausap sila ni Pat ramdam ko na may nagbago. Obviously. After ilang days umamin si Ken na ilang beses pa silang nagkita ulit ni Pat.

I am crying the whole time na nag-usap kami. I expected it to happen simula bumalik ang taong mahal niya pero masakit pa rin. Ken is crying while telling me the story and how sorry he is for me kase alam niya daw na mali ang nagawa niya. Alam ko na patutunguhan ng usapan namin. Mahal ko siya kaya ako na unang bumitaw.

Yes. Nakipag hiwalay ako kay Ken. Masakit para sa akin, pero mas masakit makita na nahihirapan siya kung paano siya bibitaw sa akin.

I witness how they loved each other. I’ve been a fan to their love team. Mas matagal kong nakasama si Ken pero sa paningin ko noon ay match made in heaven sila. They are just too good to each other.

Mahirap pakawalan yung taong mahal na mahal mo pero mas mahirap na makita mong di totoong masaya yung mahal mo sa piling mo. Naging masaya rin naman ako noong mga panahon wala si Pat. I am even the happiest dahil naging kakampi ko si Ken. But maybe we are just really destined to remain as good friends.

Years passed again and ikakasal na sila ngayong July. I don’t know if Pat knows about the relationship i have with Ken. I didn’t talk to them that much because i choose to distance myself. Nag-resign rin kase ako agad sa work.

Parehas ko silang mahal. And as much as i wanted to attend to their wedding, i just can’t. I know i am still in pain. Maybe I am strong to let go the person I loved but not that numb to witness how the man I love will tie the knot with my best friend.

Tin

2017

Unknown

Subscribe
Notify of
guest
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
anneyong
anneyong
1 year ago

putangina grabe bat walang comment to huhuhu hdeserve nito ng isang milyong comment grabe yung story. But ayun, salute sayo sender, dadating din ang araw na makakakilala ka ng tamang lalaki para sayo at masasabi mo na, “everything happened for a reason.”

error: Content is protected!
1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x