Binuksan ko spam messages ni bf at may mga nabasa ako, Sabi niya, “Aalagaan kita, ayaw ko may mangyari sa baby natin” – USF’s Exclusive Story

We are in 4 years relationship. Simula nung nagkatrabaho siya, bihira na kami mag-usap at magkita. Okay lang naman. Sabi niya, “Para sa future natin ito.”

Nagtatrabaho siya, nag-aaral ako ng college, every day-off na lang kami nagkikita plus taga-Cavite siya at taga-Caloocan naman ako.

Until, lagi na lang siya may OT. Ako naman sobrang understanding. Naiintindihan ko na trabaho yun. Pag-uwian niya na, magkausap na kami niyan sa phone hanggang sa makauwi na siya, routine namin yun.

Hindi perfect relationship namin, may misunderstanding din kami, hanggang sa marami na siyang excuses sa kin, na hindi na siya makakapunta or may biglaang lakad siya sa araw na dapat magkikita kami. Hindi ko alam kung nananadya siya.


Tapos bigla na lang siya magpo-post na nasa mall. Solo picture, of course. Syempre, tatanungin ko sino kasama niya, sasagot niya sa kin babae kasama niya. Actually, nagkita lang “kami” accidentally, yun ang sabi niya.

Then one time, ginalaw ko yung phone niya, nakita ko na may solo picture ng babae sa phone niya, may pic pa sila na magkayap. Tapos sasabihin niya sa kin na friends lang at officemate niya.

Nagpunta kami ng Puerto Princesa, Palawan para mag-celebrate ng anniversary. Gusto ko mag-enjoy pero iba ang nasa isip ko. Hindi ako mapakali.

Hiniram ko phone niya, binigay naman niya. Hindi ko alam pero binuksan ko spam messages niya. At may mga nabasa nga ako. Sabi niya,


“Aalagaan kita, ayaw ko may mangyari sa baby natin.”

Nag-backread pa ako, nakita ko nga sabi ng babae, “I am 2 months pregnant.”

After ko mabasa yun, para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Galit na galit ako. Kung pwede ko lang siya iwanan sa Palawan, gagawin ko.

Sorry siya nang sorry sa kin, ako raw ang mahal niya. Konsensya daw niya pag may nangyari sa bata. Bata lang, kung kinakailangan hatian niya ng finances, hanggang dun lang daw. Pero ako pa rin pipiliin niya. Ako pakakasalan niya.

Kinausap ko yung babae, siya pa matapang. Kung gusto ko raw ipapalaglag niya para masaya na ko. Sabi ko,


“Ipalaglag mo kung gusto mo, wag mo isisi na dahil sa kin kaya mo pinalaglag yan, hindi ko naman hiniling sa yo na ipalaglag mo yan. May konsensya ako, at unang-una, wala naman ako sinabing hub@rin mo p@nty mo sa harap ng bf ko at tûmûw@d ka, problema niyo yan. Gumawa kayo ng problema, kasal ka na ngang tao, nakuha mo pang manglalaki.”

Nakipaghiwalay ako, ang gusto niya kasing mangyari, makikipag-live-in siya sa babae niya within 9 months dahil nag-aalala siya na baka raw awayin ng asawa at makunan. Pero ako pa rin gf niya. Ako pa rin legal. Lol. I am not that st*pid.

Hindi rin naging sila, at the end. Iniwan rin niya, hindi rin niya napanindigan yung live-in na sinasabi niya. I blocked him already. Pero gumagawa pa rin siya ng paraan para makausap ako.

Pareho sila ng babae niya na ayaw ako tantanan, nagagalit yung babae niya kasi hindi siya pinanindigan dahil sa kin. Iniwan din siya ng totoong asawa niya na may 2 sila anak, pangatlo na niya yung sa bf ko.


Masakit lang, tagal ko binuo ung relationship tapos masisira lang ng ganun. May plano na rin kami sana magpakasal. Hindi ko alam, iba na pala tinatrabaho niya.

I always think at the bright side na there are someone out there na para sa kin. He is not worth it.

P.S. Mahalin ang trabaho hindi ang katrabaho.

Gusto ko lang maglabas ng aking nararamdaman. I don’t have someone to talk to kasi. Thank you.

Vee, 2019, BS Marketing, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

25
guest
42 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Catty, *confidential
Catty, *confidential
1 year ago

Nakakainis nmn po yan haha. Npakaselfish ng llaake, kaya nyang tiisin na nafyan ka pra sa sarili nyng kgustohan. Tpos nag kpal nmn ng bbaae eh kslaanan nya yan eh.

Sol
Sol
Reply to  Catty, *confidential
1 year ago

Boys always be boys hayst wla man lng desenteng lalaki sa Mundo

Weinnyyy
Weinnyyy
Reply to  Sol
1 year ago

siguro depende na din sa lalaking makikilala mo, may mga decent guys pa dyan, maaring di lang natin nakikita at busy sa pag build ng future nila

Dotdot
Dotdot
Reply to  Sol
10 months ago

lahat yata ng lalaki kinilala mo na

redpudding
redpudding
1 year ago

Ang smart mo. 🫶🏼 Atleast you knew exactly what to do, hindi ka humihingi ng advice dito ngayon. Proud of your sis!

Sol
Sol
Reply to  redpudding
1 year ago

Girl boss hahaha wag Kang papayag

LEE
LEE
1 year ago

See? That’s WHY I BELIEVE IN KARMA, ika nga do not take revenge and I salute you sender for having that kind of mindset! You’re so brave. Brave enough to let your emotions be controlled, and brave enough to walk out from the things you don’t deserve even though there’s a part na it’s hard to let go lalo na’t talagang may pinagsamahan at tagal na ng relasyon niyo. I hope you find your happiness, you deserve it.

Jo888
Jo888
1 year ago

Dapat sinabi mo sender “wag mo isisi sakin ang kakatihan ng beelat mong malandi ka” qiqil ako dyan

Yoj97
Yoj97
Reply to  Jo888
1 year ago

Sarap lagyan ng sili para mawala yung kati, ka gigil 😤

Last edited 1 year ago by Yoj97
Maria
Maria
1 year ago

Salute to you sender. Karma nila yung inabot nila. Time will heal the pain. Be strong. You deserve someone better.

Xie
Xie
1 year ago

Oppps mukang papa ko lang ang galawan 🙄🤣nabuntis ng una si mama then yong isa ng ilang months lang ang gap ng halfsibling ko
Gusto nya legal yong mama ko at live in nya yong isa
Ayaw ni mama kaya nilegal nya yong isa
Nakiki punta padin sya kay mama
What my mom did
Tinawagan nya yong girl tinanong kong asan si papa sabi sa work at sinabi nya na pumunta sa kanya .
Then mama cut off all their connection 😅
Kaso so far naman ako lang naman nag suffer 🤣
They both became the best version of parents sa mga fam nila 🤣
Wala lang share ko lang

Ms. Hope
Ms. Hope
Reply to  Xie
1 year ago

Nakakalungkot.. ang mga anak talaga ang magsasuffer, katulad din sa mga napapanood ko na divorced pero yung naging karma naman nila nawala yung kaisa-isang anak nila 💔 Di talaga natin alam yung magiging karma satin hays pero stay strong sayo! ♥️

shoot anonymous
shoot anonymous
Reply to  Xie
1 year ago

Mahal ka naman siguro ng mama mo, sapat na yun. Besides naiintindihan mo naman yung sitwasyon 🙂

Dex
Dex
1 year ago

Ps. Mahalin ang trabaho wag ang katrabaho
Shems i remember someone .
Sinira niyo mental health ko pati work ko ,naapektuhan ng dahil sa kagagawan niyo na.
Both of you have a fam na nga hanap pa ng comfort sa isat isa
Shemsss – caring na kawork yan 🤣🤣
Tas sasabihin na you understand my pain as a girl . Ikaw na te 🥹

ria
ria
1 year ago

slayyyy

cris
1 year ago

Good.

Jonskiixx
Jonskiixx
1 year ago

HAHAHAHA LAKAS NG AMATS SA UTAK NG EX MO ATE GURL 🤣 BERRY GOODS LNG ANG GINAWA MO! 👏👏👏 AT KAY HIGAD NAMN DASURRBBBBB MAIWAN HAHAHAHA

Ms. Hope
Ms. Hope
1 year ago

Nainis ako dun sa kabit eh. Sya pa galit? Iba na talaga mga kabit, yung kasalanan nila, sayo pa sinisisi, pero nung ginawa nila yan, di ka nila inisip at pamilya ni girl. Jusko 🤦🏻‍♀️ for you sender, sobrang Hindi mo deserve yang ganyang treatment. Hayaan mong magheal ka na muna at focus sa ibang bagay like studies. Di sya kawalan sender. Good choice na iniwan mo sya. Bahala na si lord sakanila, lalo na sa girl. 🤦🏻‍♀️

Nicole Eslao
Nicole Eslao
1 year ago

I’m so proud of you! Not everyone have the courage to do that kind of decision. You deserve the best. Time will heal don’t worry.

Ge talon
Ge talon
1 year ago

Go girl!! Mahirap sa una kasi matagal kayo pero keribells yan atleast alam mo ang worth mo!!

Sol
Sol
1 year ago

To the guy: There’s no excuse to cheat, kht maghubad pa Ang Ibang babae sa harap, Hindi mo Yan papatusin as a long na alm mo na may babaeng Mahal na Mahal ka you don’t deserve the genuine love that the sender giving to you…
To the side chick: Babae ka nagawa mong saktan Ang kapwa mo babae, well d natin maiiwas Ang tulad mong lingkis NG lingkis you have a husband and children you don’t deserve to be a mother and a wife.. baka paglumaki na mga anak mag sisi silang ikaw naging nanay NILA … San ka ba kumukuha NG lakas NG loob para magcheat? You both don’t deserve to be loved, at yang Bata sa sinapupunan Yan Ang sasalu NG mga kasalanan niyo…. How pity …. To both don’t deserve a second chance karma payback what to did both wish you luck

Vine
Vine
1 year ago

I hope makilala ko si sender. Gusto ko syang makausap. Same tayong walang mapagsabihan ng ganyang situation at nakakatrigger ng depression.

Michicko
Michicko
1 year ago

Sana ganyan din ko katapang nung nalaman kong may iba sya. Di na sana ako nag sayang ng ilang taon pa 🥲.

Weinnyyy
Weinnyyy
1 year ago

Tama Ang ginawa mo ate, napaka smart mo, and you’re right, that there is someone out there na para sayo, who will see your worth, love, and value you, cheer up ate. *sending hugs*

bjen
bjen
1 year ago

grabe yung makikipag live-in ng 9months tapos ikaw pa din gf hahahah ulol na yata yang si boy, good decision po sender napaka brave mo.💕

Emememe
Emememe
1 year ago

Kuhang kuha nya talag inis ko😬😬

Nami
Nami
1 year ago

Hindi talaga ako palamura Pero tangina ng ex mo teh nangigigil ako sa inis grabe!!!!! Nakakainis sobra buti nalang hiniwalayan mo yan tama lang ginawa mo sender

Nami
Nami
1 year ago

Kapal din ng mukha ng kabit eh sya pa matapang kaloka nako nangigigil ako!!

Jhona
Jhona
1 year ago

Thank Goodness, hindi ka nagpakatanga at nag stay sakanya. Kahit gaano kahirap buuhin relationship nyo, wag na wag ka babalik sakanya. Nakakapanghinayang pero deserve mo ng walang iniwang responsibilidad, at kaya ka panindigan. Hindi yung niloko ka.

Khang
Khang
1 year ago

Nice decision

Neyney
Neyney
1 year ago

I love the energy. Goo girlll❤

lol
lol
10 months ago

Ang kapaaaaal ng mukha nung babae ha. Saan kaya kinukua ng mga kabit ang lakas ng loob nilaaa?? ang tatapang haa

Luna
Luna
10 months ago

HUWAW THE AUDACITY, KAPAL NG MUKHA NI BOY AT GIRL. KARMA NA RIN SIGURO NI GIRL YON BUTI NGA SAKANYA.

Jean
Jean
10 months ago

Good decision ate .. makakahanp ka pa ng mas better sa ex mo , Godbless sau sender

Z16
Z16
10 months ago

Proud of you sissy! You did the right thing! 👏 You don’t deserve him. I know how hard and painful it is. Accept everything and move forward. Soon, with God’s perfect time and grace, you will meet someone who will love you unconditionally. ☺️

Dmr
Dmr
10 months ago

Dasurv masakit man pero buti naka alis ka sa walang kwentang lalaki na yan

Larc
Larc
10 months ago

HAHAHAHA grabi talaga mga katrabaho na yan kahit alam ng my karelasyon yung tao makikisiksik pa rin

Last edited 10 months ago by Larc
Ms. Hope
Ms. Hope
10 months ago

Iba talaga takbo utak ng IBANG lalaki eh no? Yung matatawa ka na lang, sa sobrang tuwa mo pinapatay mo na sa isip mo sa sobrang sakit, na hindi nila magets ano yung ginawa nilang mali. Nakakasuka. Good for you sender!!! Di sya worth it para sayo

OreoCheeseCake
OreoCheeseCake
10 months ago

Ganito yung mga gusto kong confession. Di yung tinatanong pa samin kung anong dapat niyang gawin. 😂 Congrats ate 🎉 we’re so proud of you. ❤️❤️❤️

Chubbychicks
Chubbychicks
10 months ago

Isa lang masasabi ko im proud of you 🥰💗

King
King
10 months ago

May lalaki talagang makati. Nagmahal kalang sender pero sinaktan kalang.

kraia
kraia
10 months ago

You did the right thing! I’m so proud of you!

error: Content is protected!
42
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x