“Biglang nag-iba yung mukha nung pari sa panaginip ko…”

Hi readers! i just want to share my worst nightmare ever. Hindi ako ganon kagaling mag-narrate ng story but I’ll try my best para maintindihan niyo tong story ko.

So eto na nga, night owl kasi ako at natutulog ako around 2-3 in the morning. Nag-e-FB lang ako that time and ako lang mag-isa sa kwarto since wala yung mga kapatid ko, while si mama is sa sala natutulog. Tanda ko non is 2:30 am something nung nag-stop ako mag-phone at nag-ready na para matulog pero hindi pa ko isang oras na nakapikit, e bigla akong binangungot.


Here’s my panaginip/sleep paralysis: Nakahiga ako sa higaan ko, yung style ng pagkakahiga ko is like sa kabaong na straight body. Nagising ako at nakita ko si Ate Vangie na nakaupo sa tabi ng higaan ko habang nakatitig sa pintuan ng terrace namin (may terrace kasi kami sa kwarto). Anyway, si Ate Vangie is balut vendor na may problem sa pag-iisip. Tiningnan ko raw siya tapos sinabi ko na,

“Ate Vangie, hindi po rito ang kwarto mo, sa dulo po.”

Sa apartment kasi kami nakatira. Then, si Ate Vangie, e tumayo na parang robot tapos naglakas palabas ng kwarto, sinundan ko siya ng tingin pero ulo ko lang ang nagagalaw ko while my body is paralyzed dahil binabangungot ako sa panaginip ko.


Nung nakalabas siya ng kuwarto, napatingin ako sa paanan ko tapos biglang may nakita akong bata na pagapang na lumapit sa kin, don ako nagising sa panaginip ko but tulog ako that time, nagising ako at tinawag ko si mama. Pagpasok niya ng kwarto, tumabi siya sa kin at sinabing,

“May multo don sa dulo.”

Hindi pa ko nagising kasi nag-iba yung scenario ng panaginip ko, biglang napunta kami sa simbahan na lumang-luma na, walang pintura like simbahan sa Quiapo, ganon. Nakakapagtaka lang kasi may mga madre na nakaluhod sa labas ng simbahan, tapos naglalakad sila papasok sa simbahan pero ginagawa nila yun habang nakaluhod (yung ginagawa ng mga deboto sa Catholic, ganon).


Naka-black silang belo at may hawak na putol na rosary na nakabaliktad si jesus don. Creepy right??! Kasama ko raw si mama don at biglang may lumabas na paring naka-itim din, bigla raw tumugtog yung “tip toe to the tulips” habang pumapasok sila sa simbahan pero yung boses sobrang lalim na akala mo galing sa ilalim ng lupa (sobrang takot ako sa kanta na yun).

Lumapit daw sakin yung pari at may nilagay na coin sa noo ko, nung nilagay niya yun sa noo ko ay bigla kong naalala yung panaginip ko about kay Ate Vangie. Pinipilit ko tanggalin yung coin sa noo ko at naiyak na rin ako pero biglang nag-iba yung mukha nung pari, nagkaroon siya ng sungay at namula yung buong mukha niya habang yung mga madre naman ay biglang tumawa nang napakalakas, ganon din yung pari.


Doon lang ako nagising, at nung nagising ako napatitig ako sa whole body mirror namin na nakaharap sa kin at pagtingin ko sa oras ng phone ko saktong 3 am pero pakiramdam ko isang oras na ko halos tulog. Agad ko nilayo yung whole body mirror namin, yung hindi nakatutok sa higaan ko at nag-pray din ako, hindi na rin ako natutulog non ng walang rosary sa ilalim ng unan ko dahil ayoko nang managinip o bangungutin ulit ng ganon.

Chin, 2023, *Confidential

*do not copy/paste this content on any platform

guest
5 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Hanabi
Hanabi
8 months ago

3:20 am tapos nasa cr pa ko😭😭😭

coffeecup
coffeecup
Reply to  Hanabi
8 months ago

AHHAHHAHAHHH kawawi ka namn

yen
yen
8 months ago

Usually di daw pwede na matutulog ka na nakaharap ang mirror sayo. Isa yun sa mga pamahiin.

gracious
gracious
3 months ago

May nilagay na covenant ang demonyo sa noo mo. You are spiritually weak or baka may ginawa ka na kasalanan but your not aware na naging open doors ng mga demonyo para atakehin ka spiritually. Rosary is not the solution, un catholic stuff merong satanic rosary kindly check what your using baka yan reason bangungot mo you should bury it or burn it. You need to see a pastor who could pray for you and guide you to the truth in God. Iwasan ang matulog ng late. Always have time to pray and strengthen your faith. You need to remove the demonic covenant isa itong curse na sisira ng buhay mo, you need spiritual deliverance. This is not just an ordinary nightmare it is a demonic oppression.

mina
mina
2 months ago

sige, maaga na ko matutulog simula ngayon

error: Content is protected!
5
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x