Hi, nabasa ko nga pala yung mga comments niyo sa una kong story (read it here: PART 1 *click the blue text*) nag-react din ako sa iba, salamat sa mga advice niyo pero syempre, at the end of the day, nasa akin pa rin kung ano magiging desisyon ko…
Nagkausap kami ng partner ko, pinaintindi niya sa kin yung tungkol sa sponsor niya ‘kuno’, na di naman talaga siya materialistic, na tinatanggap niya lang yung mga bigay sa kanya, di niya naman hinihingi at walang kapalit.
Mahal na mahal ko yung partner ko kaya naintindihan ko naman, tinanggap ko yung explanation niya na mali yung pagkakasabi niya na nagugustuhan niya na yung sponsor niya, misinterpret lang, kaya naging okay na kami.
Nag-bonding pa kami netong Linggo kasama sila mama, mga kapatid niya, kumain kami sa labas, masaya kami, siguro sinusulit ko na rin yung mga oras na magkasama kami dahil ilang weeks na lang ay babalik na ulit siya sa ibang bansa.
Feeling ko mas lalo ko siyang minahal, mahal na mahal, at ganon niya rin ako kamahal, ramdam ko yun.
Kahapon, bigla siyang nagsabi sa kin na next week after holiday, pupunta siya ng probinsya sa ate niya para mag-bonding sila ng mga pamangkin niya kasi na-miss niya din talaga yung mga bata.
Hinati niya yung ilang araw niya para sakin at sa family niya which is naintindihan ko naman na di lang ako yung dahilan para magbakasyon siya dito sa Pinas.
Umuwi kami kagabi galing bonding ng mga tropa, naligo muna ko at pumasok ng kwarto at tulog na pala siya, napag-isipan kong tignan yung extra CP niya, nabuksan ko at dun ko na nalaman lahat.
Nakita ko yung mga chat nila ng sponsor niya, sobrang sakit para sa kin habang nababasa ko yung mga chat nila, imbes na parang inuuto niya, siya pa yung nagsisimula ng mga sweet message, mga picture nila magkasama, palitan nila ng pic yung tipong nag-a-update sa isa’t isa.
Meron din silang GC ng mga ate niya at dun ako lalong nasaktan. Kaya pala gusto niyang pumunta sa probinsiya sa ate niya dahil pupunta dun yung sponsor niya sa May 3, nakaplano na pala.
Nakita ko yung palitan ng chat nila ng family niya kung anong oras nila susunduin yung guy at yung pag-stay sa bahay.
Sobrang sakit para sa kin kasi parang kinunsinti na rin nila yung partner ko, halos gumuho yung mundo ko at di ko na rin napigilang umiyak.
Di ko alam kung anong kasalanan ko, parusa ba to? Bakit ganito kasakit habang binabasa ko yung mga chat nila na papupuntahin nila sa bahay nila yun at mag-i-stay pa?
Kanina lang, umalis na siya, nakipaghiwalay na ko, tinapos ko na kung anong meron kami. Nasasaktan ako ng sobra pag nakikita ko siya.
Tinanggap mo yung pakikipaghiwalay ko sa yo kasi sabi mo ayaw mo ng nasasaktan ako, pero ikaw rin gumawa ng dahilan para masaktan ako. Naaawa na ko sa sarili ko, inunti-unti mo ko.
Hanggang ngayon, di ko pa rin mapigilan pagtulo ng luha ko kung bakit ka ba nagkakaganyan.
Here’s my last message to you. Cindy, kung nababasa mo to, maraming salamat sa 8 years. Masaya akong nakilala kita, minahal kita ng sobra pero hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala kung bakit nagawa mo sa kin to.
Masaya naman tayo e, kuntento na tayo sa isa’t isa, kaya lang bigla kang nagbago. Mag-iingat ka palagi, alam ko matutupad mo yung pangarap mo kahit wala na ko sa tabi mo. Kaya mo yan, ikaw pa ba?
Mahal na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na, hindi kita basta basta makakalimutan pero sana maging masaya ka sa bawat desiyon mo, susuportahan pa rin kita kahit wala ng tayo.
Kyrie, 201*, Com Sci, *Confidential
*do not copy/paste this content on any platform
😭😭😭😭
☹️☹️☹️
Bakit ang sakiiiiit? 💔💔
😭😭😭😭
😭💔💔
Isang mahigpit na yakap para sayo kuya!!🥺☺️
hoyyy ansakitttt ://
Grabeeee
Tangena mong babae ka. Pakyu
hahahahahah hooy be
Ang kapal din talaga ng mukha ng pamilya na mangunsinte eh no.
Pera pera lang yan.
Kahit sa relasyon na dadala sa pera. Grabe ba
you crying everyday every night, pero baka for her, wala lang un 😔
ung gantong guy sna ung gusto ko 😭😭 cheer up po! malalagpasan mo din yan, malalagpasan din natin to
Kuya wag ka manghinayang, mga ganyang babae nakakadiri akala mo mababaldado sa sobrang mukhang pera, isama mo pa yunh pamilya na obvious na mga patay gutom.
Di daw materyales pero ano sya ngayon? Karma pa rin hahabol sa babaeng yan tas damay na pamilyang mukang pera! 🙄
Sana lang kapag nagmakaawa sayo na balikan ay wag mo ng balikan. Nakakasuka mga ganyang babae sa totoo lang
Pero Mahirap yan pag marupok yung Guy Lalo na at mahal na mahal nya pa yung babae 🙁
Good decision ka kuya. Sa ngayon, iiyak mo lng ng iiyak yan. Isang araw, mawawala din lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon, walang makakapagsabi kung kelan pero darating yung araw na yun. At wag ka mawalan ng pag-asa, meron at merong nakalaan para sayo. Buti at hiniwalayan mo na sya. Hoping sa karma ni ate gurl haha charot.🤭
Sending virtual hug sayo kuya.
sakit😭
Sakit mo Cindy! 😤
Iwan mo na po. Harap harapan ka na nga pong niloloko e. Sad but true. Masakit pero yan yung katotohanan eh. Nag bubulag bulagan ka lang po sa katotohanan. Yes oo masakit kasi sobrang love mo e, pero deserve mo pa ba!? Ganyang love pa ba or relasyon ang gusto mo?yung two timer? genuine na kasiyahan pa ba yang nararamdaman mo galing sa kanya or napipilitan ka lang? Leave. D madali oo pero habang buhay kang magiging alipin ng maling pag ibig.
Grabe Ang sakit 😭 Laban Lang sender kaya mo yan
Ang sakit naman parang yung pinag samahan nyo parang wala man sakanya lahat nag laho na you deserve better kuya just keep moving forward di mo deserve masaktan stay strong siguro di sya para sayo
The definition of true love🔥
Parang ito na ‘yung pinakamasakit na nabasa ko 😭 Sending virtual hugs po sa’yo! 😭😭
Shuta
Sakit :<
sakit nman nito😭 .
Cindy kung sino ka man. Aaaaack pakyuuuu kaaaaa.
ansakit grabe. di ko alam kung san nakuha ni Cindy yung lakas ng loob na magkunwaring namisinterpret lang yung feelings. You will find someone na mas mamahalin at mas karapatdapat sa love mo Kuya Sender. time will come, babalik kay Cindy mga ginawa nya sayo. hays
p*sti talaga yang mga cindy na yan.
😢😢😢
Wala namang break up na di masakit kuys 😊 lalo pat 8 yrs nasanay kabg andyan siya . Pero tuloy padin . Sabi nga nila pag may umalis may dadating . Mas okay na yung maaga palang pinakawalan mo na kesa naman pag sabayin kayo 😊Hope you feel better soon kuys ! Kaya mo yan !
halaaaa
Huhuhu 😭
😭😭 awtsss parang kami din ng partner ko Pero mas pinili namin manatili sa isat Isa , may trauma man Pero lumalaban parin.
Hindii ko alam pero natuwa ako na malamang nakipag hiwalay ka agad agad. Matapang ka sa part na yun. Hindi katulad ng iba na obvious na obvious na pinaglalaruan nlang e magtatanong pa kung anong gagawin. You deserve someone better. 8yrs.din yun. Hindii basta basta & obvious na mahal mo talaga sya. But the fact na ambilis nyang sayangin yung 8yrs.na yun despite all the things, all the love you’ve given her, e mas nagkaron ka ng dahilan to let go, forget and move on. Adaming babaeng naghahangad ng isang lalaking katulad mo so why waste time for someone like her. Anyways, congratulations for being brave enough to let go. Goodluck sa new chapter of your life, this time without her as your partner.🤗
Hindii ko alam pero natuwa ako na malamang nakipag hiwalay ka agad agad. Matapang ka sa part na yun. Hindi katulad ng iba na obvious na obvious na pinaglalaruan nlang e magtatanong pa kung anong gagawin. You deserve someone better. 8yrs.din yun. Hindii basta basta & obvious na mahal mo talaga sya. But the fact na ambilis nyang sayangin yung 8yrs.na yun despite all the things, all the love you’ve given her, e mas nagkaron ka ng dahilan to let go, forget and move on. Adaming babaeng naghahangad ng isang lalaking katulad mo so why waste time for someone like her. Anyways, congratulations for being brave enough to let go. Goodluck sa new chapter of your life, this time without her as your partner.🤗
Nakakainis lang na pabor sa kania (girl)yong break up sana karmahin..
Kapal ng mukha ng pamilya nya hayaan muna tiyak ako sa ginawa nya balik yan sa kaniya at sa pamilya nya.
😩😭😭
SWERTE NYA NA SANA NASA TAMANG TAO NA SYA , BAKT KAYA GANUN KUNG SINO YUNG SERYUSO SYA PA YUNG NILOKO SAKT NUN 🥺😥
Kung kuntento talaga sya kung anong meron kayo sa isa’t isa di naman nya papatulan yung guy. Nabulag sya ng mga materyal na bagay kahit pa sabihin nyang hindi sya materialistic. Kuntento tapos nakatanggap lang ng mga kung ano ano nakalimutan na yung pinagsamahan nyo? Good decision na hiniwalayan mo sya. At the end of the day di naman ikaw ang nawalan. You are more than enough para lang mag aksaya ng panahon sa kanya. Time will come. Maghihilom din lahat ng sugat. Sending big hug❤️
NAPAKASAKIT HUHUHUH
Lika kuya, sakin ka na lang :< Charrr
😭😭😭😭😭
Sending hugs po, Sender.
Hey Kyrie. I hope you already know your worth even it is divided into pieces. Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lang please wag kang kumuha ng ibang taong dudurugin mo para mabuo ka yes I’m generalizing kase ganto madalas nangyayari pero sana maging masaya ka na rin on your own. May mag mamahal parin sayo. Just choose to be happy.
Di ka man magkaroon ng lahat ng mamahaling materyal na bagay sa mundo at di man maging kagaya nya ang maging estado mo sa buhay. Bibigyan ka ni GOD ng napakasayang buhay kasama ang bago nyang ibibigay sayo na mabuting tao. Mahigpit na yakap para sayo brader
Nakakainis yung mga babaeng sinasayang yung gantong lalaki. 😭
:((
Tama yang ginawa mong nakipaghiwalay sa kanya,. Niluluto kana sa sariling mong mantika. Sender pakatatag ka, kaya mo ya. Sa pagkipas ng panahon, naway lumipas narin Ang sakit na itong nararamdaman. Magiging successful ka kahit Hindi mo sya kasama. ❤️❤️❤️