I’ll try to make this shorter, since ayoko rin may makakilala sa kin. I’ve sent a confession here few years ago, ang kaibahan lang, masamang panaginip yung ngayon.
At sa makakakilala sa kin, wag niyo po ako i-tag, none from my fam/relatives ang sinabihan ko, except my husband and closest tita. Then, some closest friends of mine. Dahil ayoko na rin pagchismisan pa.
My husband and I got married few months ago, we’ve been together for almost a decade. We’re both working, ako sa pinas, siya OFW.
Got hired earlier this year sa isang IT company based in US, work-from-home.
Fast forward. We had a dinner outside with my whole team together with one of our boss na nag-visit sa Pinas, all the way from US. Usual chit-chats.
Until some of us decided na mag-inom since late na at maghintay na mag-umaga para may masakyan.
Long story short, apat kaming natira, 5 am, 3 girls, and 1 guy. We decided to continue drinking until 6 am, then uwi na kami afterwards.
That’s the time na tinamaan na ko. Umidlip kami. Not knowing na may mangyayari na pa lang mâs4mâ.
3 kami sa floor, then si guy ay nasa kâmâ. Sa gitna ako nakapwesto. Nag-CR ako, that’s the time na sumunod si guy sa kin and he hûgged from my back then papasok sa CR, but I said na,
“Ay, hindi Sir, di ako G sa ganyan,” then sinara ko na pinto.
I thought that was enough sign for him to realized na wag ako at iba na lang, knowing na we’re all professionals. Pero sa kalasingan, di ko na maalala kung ano ang next na nangyari.
6 am kami natapos uminom, around 7 or 8 am naalipungatan ako… na katabi ko na siya, he was combing my hair using his fingers.
Then nakatulog na naman ako then he was k!ss!ng me while his hands were… (sorry, di ko talaga kayang ikuwento in detailed), I was conscious the whole time pero di ako makagalaw, hindi ko alam kung bakit, alam ko nangyayari pero nakapikit ako.
I can’t control even my hands para pahintuin siya. Nagawa niya lahat except the p3n3trati0n, good thing was I wore a jumpsuit kaya di na umabot doon. The entire time I was conscious pero wala akong nagawa.
Not until before 9 am, nagising yung isang kasama namin at nagulat ba’t kami magkatabi at awkward ang position, because according to her, parang naka-scoop position si guy sa kin at nakatalikod ako.
Nag-CR isang kasama namin, at pagbalik niya ay nakatalikod na si guy then ginising na niya ako.
Then ayun, he tried to get my Messenger account (since di ako pala-add ng ka-work sa FB) pero I said na wala akong FB, then umuwi na kami. After non, nagkausap kami via IG. And he said he was sorry. Sabi niya,
“One thing is for sure, it was not the best me.”
“You don’t have to worry. I will leave everything I built here if I need to.”
“Idk exactly all the details, believe me. I’m not thinking straight, that is for sure.”
Sobrang haba na pero ni-report ko sa mga boss ko and they fired him immediately, since umamin siya personally sa boss namin na kasama namin sa dinner out.
Sobrang hirap non sa part ng employer ko kasi less than a year ako, 10 years na sa company si guy at lead manager pa, kaya sobrang grateful din ako sa kanila kasi di nila ako pinabayaan.
Nalaman din ng husband ko and umuwi siya agad agad. Nagpa-blotter kami pero hindi na natuloy hanggang piskalya, that time nawala na ko sa ulirat kaya di na naasikaso ni husband hanggang sa bumalik na siya abroad after a month.
Di ako naliligo, di makatulog. Di maka-work ng maayos that time. Pero naka-recover din since umuwi nga yung husband ko.
You know what, ang big deal sa kin nun, kasi sa almost 10 years namin ni husband, 3 days after wedding pa lang may nangyari sa min. Kahit na ilang beses siyang nag-attempt, sa huli ay naintindihan niya ko.
Ganon kalalim yung prinsipyo ko sa bagay na yun. Kaya sobrang sakit na ganon ganon na lang.
Pero ayun nga, in a way, e mali ko rin. Kasi nagtiwala ako. Kasi nagpakapanatag ako. Kasi di ako nag-ingat.
Forever kong babaunin yung lesson ng nangyari pero after this year, tuluyan ko ng kakalimutan dahil alam kong marami pang plano ang Lord para sa kin, para sa min.
To my husband, thank you. Basta sobra akong na-a-amaze sa yo, mula noon hanggang ngayon. Mahal na mahal kita.
At sa yo, si Lord na ang bahala sayo. Pinagpapasa-Diyos ko na lang. Ayoko nang umiyak, ayoko nang magalit. Kasi sobrang bigat dalhin. Nawala ako sa focus, and ang daming nawala sa kin at mas madami pang mawawala if hindi ako mag-move forward. Kaya Siya na bahala sa yo.
Confidential**, 201*, and ***SU
1st comment 😅 Hays ! Ayoko ng mag comment ng kung ano ano , kase andami ko ng problema tas iisipin ko pa sasabihin ko e makikibasa lang naman ako haha eme.
Idk what to say honestly, pero hanga ako sa tatag mong lumaban sa buhay. I admire you a lot. Especially when you really believe in HIM. God bless you. You deserve to be happy ♡
It’s not your fault, OP. He took advantage of that. Nawa’y karmahin siya ng malala.
so proud of you, sender!! hugsss!!
Isa lang ang dapat mong iwasan sender, ang ALAK! huwag ka ng makikipag inuman ever!
Kawikaan 20:1: “ANG ALAK AY NAGPAPABABA SA DANGAL NG ISANG TAO, KAYA ISANG KAMANGMANGAN ANG MAGPAKALULONG DITO.”
Efeso 5:18: “HUWAG KAYONG MAGLALASING, SAPAGKAT MAUUWI IYAN SA MAGULONG PAMUMUHAY. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.”
Galit ang Diyos sa mga manginginom/umiinom ng alak, naglalasing at mahilig sa kalayawan. Tamang tama qng salita ng Diyos ukol dito, nakakasira talaga ng buhay!
Both may mali. Sana nung sinundan ka pa lang mas naging alert ka na. Or ginising yung ibang girls at nag aya umuwi.