We were high school sweethearts. The hatid sundo way ng mag-boyfriend girlfriend. I was living in a boarding house 2 blocks away sa house niyo. When we finished high school I decided to go to college and you decided to work. Ganun pa rin set up natin. Hatid sundo pa rin. Kapag hindi mo ‘ko nasundo you always make it a point na dumaan sa boarding house.
One summer inaya mo ako sa Batangas kase binyag ng pamangkin mo. Siguro sa haba at layo ng biyahe dinùgo ako the next day. And I found out na I was 2 months prégnant. Nasa work ka nun pinuntahan mo ko sa boarding house at advise ng mga roommate ko na dalhin na raw ako sa hospital dahil namumutla na ko.
Natatakot ako kaya hindi ako nagpadala sa hospital. The bleeding doesn’t stop. So I decided to go to the hospital the next day by myself. Binalita nalang sayo ng friend ko. Niráspa ako. Nakúnan.
You just send your friend to pick me up and nagbigay ng money para madischarge nako. That night dumaan ka sa boarding house na my dalang fruits. Kinumusta mo ‘ko and you told me to take a rest. After that hindi na kita nakita. Every night I’ve waited for you. Hoping na kumustahin mo ‘ko sa kalagayan ko.
Ang sakit sakit lang sa loob ko na never ka na nagpakita. Days, months and years pass nakikita kita pero parang wala lang sayo. After my graduation bigla kana lang ulit tumatambay malapit sa boarding house. You pursued me again.
Nagkausap tayo. Tinanong kita bakit hindi ka na nagpakita. Ang sabi mo, na guilty ka sa nangyari sa akin. Masakit din sayo yung mawalan. Hiyang hiya ka saken. Naintindihan ko naman yung reason mo. Tinangap kita ulit and nag-decide tayo to live together.
We lived sa compound ng mga kapatid mo. 6 months okay tayo. We worked together at sabi mo my plano kana para sa atin. Nung mag-1 year na parang unti unti ka nang hindi umuuwi. Minsan 2 days hanggang sa naging buwan na. Tinatawagan kita sa work mo pero ang sabi lagi ka raw absent. Saan ka nagpunta?
Pinipilit ko isipin what went wrong.? Saan ang mali? Saan ako may kulang? Nadëpress ako kaya umuwi nlang ako sa parents ko. Iyak ako nang iyak. Hindi ko alam ang gagawin nang malaman kong buntis ako ulit.
Pinilit ko malaman ano ang dahilan mo dahil iniwan mo na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Then your brother told me na you’re into drúgs. Nalulóng ka sa drúga. May nakilala ka sa work mo na séxy starlet na siya ang nag-introduce sayo na gumawa ng ganun and you even got hooked.
Doon ka na raw tumira sa condo niya. Hindi ka na raw nag-uuwi sa inyo. Sobrang sakit. Bakit naging ganun ka? Sana man lang nagpakita ka para man lang malaman mo na magkakaanak na tayo noong panahon na yun.
Nakikibalita nalang ako sa mga common friend natin tungkol sayo. You even got headline sa news na bigtime ka na raw. Nalungkot ako sa nangyayari sayo. One time nakasalubong ko kapatid mo. Kinumusta niya ko. She asked me,
“Asan yung anak mo?” Nagulat ako. Kaya kinlaro niya.
“Yung anak ng kapatid ko sayo?” Natulala ako. Alam nila na my anak ka sa akin. Ikaw kaya alam mo ba?
Fast forward.
After 25-years. Yes, dalawampu’t-limang taon may biglang nag-message sa akin. Asking for help. Kelangan mo raw ng tulong. Hindi ako naniniwala Kaya I asked her to meet me.
Tulong? Ikaw? Bakit? Yun ang unang pumasok sa isip ko. Nakipagkita ako dun sa nag-chat sa akin at dinala niya ko kung san ka naroon. I was shocked.
You are in jáil. Totoo lahat yung mga nababalitaan ko kaya ka nakakulong. Pagpasok ko nagulat ka pa nun dahil nakita mo ako. Niyakap kita dahil biglang naaawa ako sa kinalalagyan mo.
Kinumusta mo ko. Bigla mong tinanong,
“Kumusta rin siya? Maayos ba siya? Maganda ba? Kamukha ko ba?”
Tumulo bigla ung luha ko. Hindi ako nakapagsalita. Parang nanghina yung tuhod ko. 25 years. 25 years kang walang paramdam. Kung kailan maayos na ang lahat. Kung kailan tahimik na yung buhay namin ng anak ko.
Sinabi ko sayo na kasal na ‘ko. Sa tagal mo, alangang maghintay pa ako sayo. Nagpapasalamat ako dahil may tumayong tatay sa anak ko. Minahal siya na parang tunay na anak. Binigay niya pati pangalan niya. Inalagaan at pinag-aral kaya siguro never nagduda ang anak ko kung siya totoong tatay niya ba talaga ang nakakasama niya.
Nangilid yung luha mo sa mga sinabi ko. Hindi ka nakakibo. Nakiusap ka sa akin na huwag kang ipakilala sa anak natin. Na huwag kang ipakilalang tunay na ama dahil baka makasira ka pa sa buhay niya.
Sabi mo, tanggap mo na ang nangyari sa buhay mo. Humingi ka ng tawad. Sinabi mong grabe ang pagsisisi mo. Sinabi mong kasalanan mo at masaya kang napalaki ang anak natin ng maayos.
Pinangako ko rin sayo na never kong sasabihin sa anak natin ang totoo. Ibabaon ko sa lupa ang sekretong eto. Alam kong nasasaktan ka pero wala na akong magagawa.
Tumayo na ako para magpaalam sayo. Maybe this is the last time na magkita tayo. Pero habang patalikod na ko bigla kong naalala,
“By the way LOLO KA NA NGA PALA.”
Napaupo ka at napahagulgol ng iyak. Pasensiya na hanggang dito na lang talaga.
BABE
1985
BS Accounting
Sta. Isabel College
Much better atang ipaalam mo pa den sa anak mo kung sino ang totoong ama nya, it doesn’t mean naman na parang walang respeto sa tumatayong tatay nya. It’s just don siya nanggaling, kelangan pa den nya makilala kahit pa gaano kasama or gano kasaket ang binigay niya sa inyo. Time will help to the both parties. Nasa pagapalaki mo naman at paghubog ng isip niya kung pano siya magrerespond. Pero yea it’s your choice. “Mother’s knows best” ika nga. So goodluck and have a blessed life.