REUNION WITH MY EX(PART 4: IN REPLY TO PRIM)

Hi, this is Davis, but yeah everyone calls me Dave, the red flag. Haha. I have been reading your comments since last time nagkita kami ni Prim, when she told me about her confession sa page na ito. At first naghehesitate ako kasi hindi talaga ako yong tipo ng taong palakuwento at as much as possible, I just want things like these to be in private na lang pero yeah I guess and I hope maging inspiration na lang at lesson ang story namin ni Prim sa lahat ng young couples out there.

Prim, the girl from my past, the girl I used to take care of, the girl I used to call ‘binibini ko’, the girl who used to make me smile, the girl who I used to help in her trigonometry homework, the girl who did not even tell me she loved me but made me feel it instead, hello to you, it is nice to meet you again.

First of all, gusto kong humingi sa’yo ng milyon-milyong patawad, sa lahat ng sakit na naramdaman mo, sa mga oras na naghihintay ka sa chat at video call ko, patawad kung sinukuan kita agad, patawad kung ako yong naging dahilan kung bakit hirap ka ngayong pumasok muli sa isang relasyon, patawad sa lahat ng mga luhang nailuha mo, at higit sa lahat, patawad kung dahil sa akin hirap ka nang magtiwala ulit sa mga salitang “pangako” at “babalik ako”. Alam kong hindi ko deserve ang kapatawaran mo pero please let me express how sorry I am dahil hindi kita ipinaglaban noon.

Nong umuwi ako sa probinsiya natin when I was still in first year college, pinuntahan kita sa bahay niyo. Dalawang bagay lang ang nasa isip ko noong mga panahong iyon. First, I want to make our relationship legal kaya sasabihin ko na dapat sa parents mo ang tungkol sa relasyon nating dalawa. Second, kung sakaling di pa nila alam ang tungkol sa’tin, ipaglalaban kita. Pero nong nandon na ako at nakaharap ko na ang tatay mo, wala sa dalawang yon ang pumasok sa isip ko.

The young version of me became so cøward na hindi na ako nakapagsalita noong sinabi ng tatay mong hindi magiging mabuting dulot ang pagnonobyo at ako mismo sa pag-aaral mo. You are their only daughter and child kaya hindi raw sila papayag na masira ang pag-aaral mo dahil sa akin. They even told me na lagi na lang daw cellphone ang inaatupag mo because of me at napapabayaan mo na ang paggawa ng homework. They want me to cut our relationship from that moment on, and just like that, our story came to its end.

Nong nasa daan ako pabalik ng Manila I was fighting myself na ichat ka at sabihin ang totoo pero baka ako pa ang maging dahilan ng hindi niyo pagkakaunawaan ng parents mo. Ayokong iwan kang nagrerebelde sa mga magulang mo, ayokong magtanim ka ng sama ng loob sa kanila habang nasa malayo ako. Kaya ang tanging nakita kong paraan para maputol yong relasyon natin, ay magdeactivate ng account. I became inactive in all my social media accounts for almost 1 year and a half dahil bukod sa hindi ko rin lang nagagamit yon if not because of you, another reason is that I’m not into it talaga.

Hindi ko gustong iwan ka pero alam kong magiging mas malaking problema ang dulot ng pagmamahalan natin. Pasensiya na kung naging duwag ako sa part na yon. Hindi ko ipagkakailang hindi ako nagpakalalaki sa parteng umalis ako at iniwan ka nang hindi nagpapaalam pero sana mapatawad mo pa rin ako.

After a year, I was second year sa college when I met this girl na itago natin sa name na Aya. Nakilala ko siya once nong magtreat yong isang barkada ko sa isang music bar dahil birthday niya. Single ako and single si Aya so to make the story short, niligawan ko siya and we became girlfriends and boyfriends. Sa kanya ko ibinuhos lahat ng pagmamahal na hindi ko naipadama sa past relationship ko. Lahat ng pagkukulang ko kay Prim, kay Aya ko ipinaramdam lahat. Graduating ako noon nong may mangyari sa min at mabüntis ko siya.

Halos itakwil ako ng parents ko that time pero eventually ay natanggap naman nila at pinagraduate akong may one-year old na anak haha, don’t get me wrong, my baby and Aya is my everything and my inspiration. Awa ng Diyos nakapasa ako sa board exam last year at may trabaho na ngayon pandagdag sa pambili ng diaper ni baby.

Yes, I know. Maybe confused ang marami sa inyo, where is Jia in the picture?

Aya and Jia were already bestfriends bago ko pa makilala si Aya. Meaning, sila talaga yong magkabarkada noon. So nong nagkakilala kami ni Aya, naging one of my friends na rin si Jia and God knows hindi ko alam na pinsan niya si Prim. To make it short and simple, lumapit si Jia samin ni Aya before their academic break, confessing her struggle and problems about her parents and this particular family reunion. She wanted me to pretend as her boyfriend dahil alam niyang same kami ng province na uuwian at dahil nalaman namin yong “reason” ni Jia, Aya and I immediately agreed.

I was really shocked at abot langit ang guilt na naramdaman ko noong makita kita sa reunion at malamang pinsan mo pala si Jia. I felt sad nong malaman ko kung anong naging epekto ko sa’yo during that truth or dare game. From that moment I realized, I owe you a million apologies and an explanation.

Nong nagkita tayo sa mall, I explained everything but not yong part na tungkol kay Jia. I guess si Jia na ang bahalang magsabi sa inyo ng tunay na rason, and please kapag nalaman niyo yong rason, wag niyo siyang husgahan at sana matanggap niyo pa rin siya. Siguro by the time na nakarating sa admin ang sulat na to, alam niyo na siguro ang totoo tungkol kay Jia. Kasi last time na nagkita kami, not sure kung nakarating na rin sa kanya yong confessions ni Prim sa FEUSF, umiiyak siya tas sabi, “it’s about time.” Kayong mga pinsan niya yong higit niyang kailangan at times like these.

And for the last time, Prim, I just want to ask for your forgiveness. I am wishing you all the best in life. I don’t deserve you but I know that there is someone out there, who will love you for who you are, who will cherish you for the rest of your life and someone who can make you trust in love once again. Hinahangad ko ang kaligayahan mo Prim, sana sa muling pagkakataong umibig ka ay mahanap mo na ang pag mamahal na hindi mo natagpuan sa akin noon.

Again, sorry for everything, and please always be happy.

Davis
2021
Engineer

PUP

PART 1: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1142138539741283&id=284904048798074

PART 2: https://www.facebook.com/284904048798074/posts/1143581592930311/

PART 3:
https://www.facebook.com/284904048798074/posts/1144929646128839/

Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x